Naririnig ni Cy ang masayang tawa ni Aize habang kausap ang babaeng bagong dating. Ramdam niyang mahalaga ang bisita kay Aize lalo na at halos yakapin nito ang kaharap. "Namiss talaga kita senyorita." Anito at hinawakan ang kamay ni Aize, na bigla ding ikinatigil nito. "Anong nangyari sa braso mo senyorita? Nahihirapan ka na ba dito? Iuuwi na kita. Ako na ang magsasabi sa daddy mo at makikiusap para hindi ka na muling ilayo." Nag-aalalang tinig nito na nagpatigil kay Cy. "Cy!" Sigaw ni Aize kaya napabaling din sa kanya ang babaeng bagong dating. "Hi!" Sagot ni Cy habang papasok sa balkonahe at bitbit ang gamit ng babaeng kaibigan ni Aize. "Hala! Sorry nakalimutan ko na ang mga gamit ko ng makita ko si senyorita. Salamat. Ikaw ba iyong driver ng nasakyan kong tricycle kanina?" Tanong n