Maayos naman ang mga araw na dumadaan para kay Aize at Cy. Mas lalo pa silang naging close sa isa't-isa. Kung tutuusin sabi nga. Mas nauna pa na maging sila, bago nila kilalanin ang bawat isa. Pero ano naman ang magagawa nila, ng dahil sa pagkakataon ay mas nauna ang pagkakaroon nila ng relasyon kay sa magligawan. Kaya sa mga araw na hindi nagtatrabaho si Cy sa palengke ay sinusulit ng dalawa na mas kilalanin ang isa't-isa. Natutuwa pa si Cy ng malaman na wife material talaga si Aize. Marunong ito sa bahay. Pero natatawa pa rin siya sa sinabi nito. "Kaagapay ng taong rebelde ang pagiging independent sa buhay. Kaya naman I know daddy was so proud of me." Birong totoo ni Aize sa kanya. "Magiging proud talaga ang daddy mo sa iyo, ako nga proud na nandito ka sa poder ko." Ani Cy kaya naman