Chapter 20

1560 Words
"Sh*t!" Hindi mapigilang sabihin ni Cy ng bumagsak si Aize sa bisig niya. Wala itong malay, base na rin sa pagbigat ng katawan nitong hawak niya. Bubuhatin na sana niya ang dalaga, ng medyo dumalas ang kanyang paa. Gawa na rin ng malakas na ulan ay nagpuputik na ang daan. "P*tang *na! Sh*t lang talaga!" Kusang lumabas sa bibig ni Cy ng muntik na niyang madaganan ni Aize. "Madadaganan pa nga kita. Kainamang lakas kasi ng ulan. Sh*t lang talaga!" "Wag kang magmura, naririnig kita." Nagulat pa si Cy ng magsalita ito. Pero ramdam niya na ang mainit nitong katawan. Sigurado siyang mataas ang temperatura ni Aize, nilalagnat ito. "Bakit ba ang pasaway mo? Hindi pa nga gumagaling yang sugat mo. Kalalabas mo pa lang ng ospital, parang gusto mo na ulit bumalik doon ha. Gusto mo bang magbakasyon doon? Mag beach ka na lang kaya. Pero wag naman sa ospital ang bakasyon." Sinalat pa ni Cy ang noo ng dalaga. Gusto man niyang siguraduhing mali siya pero hayon nga at napakainit nito. "Nilalagnat ka pa tuloy. Alam mo ba iyon?" Naiinis pang saad ni Cy. "Ayaw mo naman sa akin di ba? Matatanggap pa ng puso ko na one sided love lang itong nararamdaman ko kung lalayo na lang ako sayo. Kay sa palagi kitang nakikita. Tapos ayaw mo naman sa akin. Umalis ka na nga at iwan mo na ako dito!" "Sino bang may sabi na ayaw ko sayo. Ang sa akin lang ayaw kong mahusgahan ako ng ibang tao. Mayaman ka at mahirap lang ako. Pakiintindi naman." "Pakiintindi din po kaya ako. Bakit? Kilala ka ba nila at kilala ba nila ako para husgahan nila ang isang tulad mo? Nakakamatay ba na piliin kong mahalin ay ikaw? Mas nakakamatay kung palalampasin ko ang pagkakataon ka makasama ka habang may pagkakataon ako. Mas nakakapanghinayan kung palalampasin ko ang pagkakataon na ito. Tapos pwede palang maging ikaw at ako. Pero dahil pinalampas ko, magkakaroon ka pa ng mapapangasawa tapos hindi ako." Ani Aize habang nakapikit pa rin. Masama ng talaga ang pakiramdam niya kaya hindi na niya kayang magmulat. "Asawa agad? Pero Aize." "Iwan mo na lang ako dito kung wala kang pagtingin sa akin. Maganda naman ako hindi ka na lugi doon. At sa yaman. Wala din akong yaman. Paghihirapan ko muna ang bawat sentimong makukuha ko. Iyan ang narealize ko mula ng mapunta ako dito. Hindi na ako ang pasaway na Aize noon. At naiisip ko na ang halaga ng kompanya ng pamilya. I know magiging proud na sa akin si daddy. Pero ikaw. Never mind. Alis na. Iwan mo na ako!" Sigaw ni Aize ng higpitan ni Cy ang yakap dito. "May sakit ka na ang tapang mo pa. Iuuwi na kita sa bahay." Ani Cy ng bigla siyang itulak ni Aize. Naguguluhan naman si Cy sa ginawa ng dalaga. Pero talagang naiinis siya kay Cy. Kung ayaw sa kanya di ayaw. Mahirap ipagpilitan ang sarili sa taong ayaw sayo. Na kahit lumuha ka pa ng dugo at lumuhod sa asin, ang ayaw sayo ayaw sayo. "Bakit?" "Nakapagdesisyon na akong umalis kaya aalis na ako. Walang makakapigil na kahit na sino. Kahit pa ikaw. Ayaw mo sa akin di ba? Kaya okay na. Hanggang dito na lang tayo. Umuwi ka na sa bahay mo at kaya kong umwi sa bahay namin kahit ganito ang sitwasyon ko!" Sigaw ni Aize ng bigla siyang natigilan ng hapitin ni Cy ang baywang niya at bigla na lang siyang halikan sa labi. Malamig ang panahon, pero mainit ang katawan ni Aize ng dahil sa lagnat. Banayad lang ang halik na iyon ni Cy. Parang nawala ang malakas na ulan sa paligid nilang dalawa. Ang lamig na dulot nito ay napawi din bigla ng dahil lang sa halik na iyon. Naipikit pa ni Aize ang mga mata. Dinama niya ang halik na iyon ni Cy. Kung iyon ang huli. Magiging masaya pa rin siya. Sa banayad na halik na iyon, damang-dama niya ang damdaming sinasabi ng puso niya na katugon ng halik na iyon na may nararamdaman si Cy sa kanya. Unti-unting tinapos ni Cy ang halik. Halos habulin pa ni Aize ang labi ni Cy. Pero hindi naman iyon nahalata ng binata. Inilapit pa ni Cy ang noo nila sa isa't-isa. "Malamig na. Napakadungis mo pa. Uwi na tayo. Hmm." Malambing na wika ni Cy ng itulak siya ni Aize. "Umuwi ka na. Salamat sa kiss. Iti-treasure ko talaga iyon. Mahal kita Cy. Pero kung ayaw mo sa akin. Ayaw mo sa akin. Tapos! Alis na. Tsupi! Layas!" "Ang tapang mo pa rin. May sakit ka na nga. Akala ko naman naiintindihan mo na ang damdamin ko pag hinalikan kita. Sayo naman ako natutong bigla na lang halikan ka." Panunudyo pa ni Cy. "Anong akala mo sa akin? Madadala lang sa halik mo. Hindi na Cy! Hindi na! Alis na!" Sabay lakad papalayo kay Cy. "Ang pasaway mo talaga! Anong akala mo sa ating dalawa, nasa korean drama? Confronting and love confessions under heavy rain. Nilalamig na ako kaya. May sakit ka pang Yelo ka. Kahit ngayon lang, makinig ka namang pasaway ka!" Sigaw ni Cy habang patuloy pa rin sa paglalakad palayo si Aize. Para silang mga batang naghahabulan, pero naglalakad lang naman sa ilalim ng malakas na ulan. Mabuti na lang at walang dumadaan sa mga oras na iyon. Kung hindi ay may makakakita ng drama nila. "Aize ano ba!?" Sigaw ni Cy na nagpatigil kay Aize paglalakad at hinarap ni Cy. "At ikaw pa itong galit!? Bwisit ka! Sa ating dalawa para ako iyong lalaking nanunuyo sa nagtatampong babae. Ay ako itong babae pero ikaw ang sinusuyo kong hudyo ka!" Napamaang naman si Cy sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Aize. Napakamot pa siya ng ulo dahil ayaw ng nagmumura siya. Pero si Aize sa mga oras na iyon ramdam niyang napuno na sa kanya. "Sorry na okay. Sumama ka na pabalik sa bahay. Pag-uwi natin, pag-usapan natin ang kung anong meron sa ating dalawa. Nabibilisan lang ako sa nais mo. Alam kong nagtaggal ka sa ibang bansa. Kaya siguro madali sayo ang mga ganyang bagay. Pero laking probinsya ako Aize. Inaamin kong wala akong naging girlfriend. Kaya sa edad kong ito, hindi mo maiilayo sa akin na talagang nabibilisan ako sa mga nangyayari. Si Igo si Shey lang naging girlfriend niya at naging asawa. Kaming dalawa ni Jose ay wala. Kaya please lang wag mo akong biglain." Pakiusap pa ni Cy. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Aize bago unti-unting lumapit kay Cy. "Magsimula tayo sa simula Cy." Ani Aize ng dampian ng isang mabilis na halik si Cy sa labi. Naging mabilis lang iyon ng bigla na lang mabuway ang dalaga. "Aize!" Sigaw ni Cy. Sa pagkakataong iyon. Dahil sa taas ng lagnat. Nawalan na talaga ito ng malay. Madilim pa ang paligid ng magmulat ng mata si Aize. Naririnig pa niya ang malakas na pagbagsak ng ulan sa bubungan. Nasa kwarto na siya sa bahay ni Cy. Bukas ang malamlam na ilaw kaya naman nakikita niya ang kabuoan ng silid. Halos pamulahan pa siya ng mukha ng maisip na si Cy ang nagpalit ng lahat ng basang damit niya, hanggang sa panloob. Nakahiga pa rin siya at medyo mabigat ang katawan. Pero wala na ang sobrang init na nararamdaman niya noong nasa gitna sila ng ulanan ni Cy. Hindi na niya maikilos ang kamay at paa. Na wari mo ay may nakadagan na mabigat na bagay. "Wait?" Untag pa niya ng maramdaman literal na may nakadagan sa katawan niya kaya hindi siya makakilos. Napabaling siya ng tingin sa kanyang tabihan ng mapagtanong nasa tabi niya si Cy. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Aize. Kahit malamlam ang ilaw ay kitang-kita niya ang maamo at gwapong mukha ni Cy. Naisip pa niya si Amy at Lena. Ang dalawang babaeng may gusto kay Cy. "Mas kikiligin talaga ang dalawang babaeng iyon pagmalalapitan ka ng ganito. Pero wala eh. Ako talaga ang sobrang nahulog sayo. Kung crush ka ng dalawa. Gusto naman kita. Sinabi ko na rin naman na mahal kita di ba?" Pagkausap pa niya sa natutulog na si Cy. Hindi niya alam ang nangyari kung bakit napunta sila sa tagpong iyon. Na si Cy pa mismo ang nakatulog sa kwarto niya sa tabi niya. Pero sa totoo lang, sobrang saya ng puso niya ngayon. "Hmmm." Ungol ni Cy na wari mo ay nananaginip. Napangiti pa siya at hinalikan ang matangos na ilong ng binata. "Wag kang makulit inaantok talaga ako." Pagsasalita ni Cy habang tulog. Naramdaman na lang bigla ni Aize ang mas lalong pagyakap ni Cy sa kanya. Medyo mainit din ang katawan nito. Sa tingin niya ay may sinat din ito. "Nahawa ka ba sa akin?" Tanong niya at sinalat ng malaya niyang kamay ang noo nito. Doon lang din niya napansin na may bago ng gasa ang kanyang may sugat na braso. "Tulog ka lang, para gumaling ka na rin." Malambing pa niyang wika at mas isiniksik pa ang sarili sa katawan ni Cy. Hindi man niya alam kung ano ang kahihinatnan ng pag-uusap nila ni Cy pagnagising ito. Pero isa lang ang nasa puso at isipan niya ngayon. Ang pag-aalaga sa kanya ni Cy at ang hindi nito pag-alis sa tabi niya habang may sakit at tulog siya ay nagpapahiwatig ng pagtugon nito sa sinasabi ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD