Dahan-dahang iminulat ni Cy ang mga mata, ng magising siya. Hindi niya alam kung anong oras na, pero madilim sa labas ng bahay. Hindi siya sigurado kong madagim pa rin ba, gawa ng panahon o gabi na. Napatingin siya sa kwartong kinalalagyan. Hindi niya kwarto iyon. Nasa kwarto siya ni Aize. Napahawak siya sa ulo, ng maramdaman ang pagpitik noon. Masakit pero kayang tiisin, lalo na at nakahiga naman siya. "Aize?" Bulong niya ng maalala kung gaano siya pinahirapan ng dalaga. Flashback Matapos mawalan ng malay si Aize ay ibinalik niya ito sa bahay niya. Mas malayo kung itatakbo niya ito ng ospital at mas lalo lang itong mabababad ng tubig ulan. Pagdating niya ng bahay ay mabilis niyang dinala sa kwarto niya si Aize. Kinuha niya ang inhaler at itinapat sa ilong ng dalaga. Itinaas din niy