Isang araw din kami na bumiyahe at sa buong araw na iyon ay, Dulce didn't stop nagging at me.
“Grandma," I nervously called her as I pushed the door and carefully entered her library.
Hindi agad ito tumingin sa akin na para bang umaktong busy sa mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa nito, nagsimula ng nanlalamig ang kamay ko at pinagpawisan narin ako. “G-grad—”
“Are you going crazy, Grencie Luz?!” She yelled, “Do you know what mistake you made?” She added.
My heart raced as she called out my full name; it only meant one thing - she was angry.
Dahan dahan akong tumango, “Y-yes P-po… I-i—”
“Really? Alam mo kung ano ang ginawa mong mali?”
Marahan ulit akong tumango.
“What did you do, Grencie? Tell me.”
Huminga ako ng malalim, “Naglilihim po ako, hinanap ko ang totoo kong magulang kahit hindi pwe—”
“At saan mo nakuha ang magulang na nahanap mo? Did you know that your family died long time ago? Remember, Grencie! Remember what happened that night—”
“Hindi!....Hindi pa patay si Mama, La!”
“Patay na sila! Matagal na silang patay, Grencie Luz! Accept the f*****g truth!”
“Nasasabi mo yan kasi hindi ikaw ang namatayan!”
“Shut it! You don't know nothing,” saad nitong namumula ang mata.
Tsaka ko lang narealize na sumasagot ako kay Lola na hindi dapat, panay tango pa ako kanina sa mga advice ng kapatid ko na hindi ako sasagot kay lola at eto ako ngayon sagot ng sagot.
“I’m sorry, La. Nadala lang po ako sa galit ko,” hinging paumanhin ko.
“How can I protect you, Hija, if you are the one putting yourself in danger? What will I tell your parents? That I failed to protect you and your siblings? I may be seen as a monster to you, but remember, I cannot protect you and your siblings forever. I will die one day, not now, but that day will come. That's why I want you to learn to fight and not act foolishly in everything.”
“I'm sorry, po.”
“You want to know everything? Kung bakit naaksidente ang mga magulang mo?”Napa-angat ako ng tingin at diretso sa mga mata ni lola, tinitigan ko ito at tinitimbang kung totoo ba ang sinasabi nito. “R-really? Can I do that, La?”
Tumango ito, “Yes, but before that. I want you to tell me, how did you know or meet that family of yours?”
Napa-kunot ang noo ko dahil sa sinabi ni lola, pwede kong imbestigahan kung sakali man na patay na ang totoo kong magulang, ang kapalit ay sabihin ko kung paano ko nakilala si Inay at si Grasya. Inaamin ko, wala akong naalala sa kabataan ko dahil nagka amnesia ako dahil sa aksidente.
Meeting my mother and twin maybe?;
Umuulan yun at nasa Cebu ako that time, nasa entrance ako ng isang mall doon dahil may ka meeting akong isang kaibigan. Tapos wala akong dala na payong kaya't kailangan kong maghintay hanggang huminto ito, malapit lang kasi ang hotel na tinutuluyan ko, kaya hindi na kailangan pang sumakay ng taxi.
Habang nakatayo ako ay napansin ko ang isang babaeng kamukha ko, yes kamukha ko. Gusto ko itong lapitan at tanungin pero nakasakay na ito sa taxi kasama ang isang ginang na hindi ko makita ang mukha.
Who's that? Bakit pareho kami ng mukha?
Sa gabing iyon ay halos hindi ako makatulog dahil sa pag iisip sa nakita, iniisip ko rin at baka namalikmata lang ako pero imposible talaga dahil medyo malapit sila sa kinatatayuan ko. Huminga ako ng malalim bago tumayo sa mula sa kama at naglalakad patungo sa study table kung nasaan naka charge ang selpon ko, dinampot ko ang selpon at wala sa sariling tinawagan si Dulce.
Nabalik lang ako sa realidad ng sumagot si Dulce mula sa kabilang linya, nagdadalawang isip pa akong i-kwento sa kapatid ang nakita kanina.
“Shít! Grencie Luz, are you there?! Fućking woman, kapag hindi ka sasagot dyan, isusumbong kita kay Gran—”
“No, Dulce. I'm sorry okay, nagdadalawang isip lang akong sabihin sayo ‘to.”
“So, ano nga? Bakit ka na patawag at hello?! Anong oras na G.”
I cleared my throat before I started to talk, “May nakita ako kanina—”
“Then?”
“Kamukha ko hind—”
“Baka namalik-mata ka lang?”
Nairita ako sa pagputol nito sa mga sasabihin ko, “Dulce, umayos ka naman. Paano ko ma ikwento sayo ang lahat ung panay putol ka sa mga sasabihin ko?”
“Sorry,”
Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit, “So ayun nga, nakita ko ang isang babae na kamukha ko at may kasamang ginang. Hindi ko lang makita ang mukha dahil naka-shades at mask siya.”
“Oh tapos?”
“My question is, why do we look alike? I mean, it's not impossible for people to look similar, but in my case, it seems like she's my identical twin, Dulce.”
“So, you want to investigate? Or komprontahin mo sila?”
Napahinto ako at napatunganga nalang, Oo nga naman. Ano nga ba ang gagawin ko para malaman ang totoo.
“Baka nandon na naman sila bukas, siguro pwede ko silang kausapin? Or maybe mag-imbestiga ako na ako mismo ang gagawa?”
Narinig ko naman ang pagtawa ni Dulce, “Hintayin mo sila tomorrow kung saan mo sila nakita at kung hindi muna sila muling makita ay doon kana mag imbestiga, G.”
Natapos ng ilang minuto ang usapan namin at nagpasya na matulog na, mukhang kailangan ko lang talaga ng kausap kanina dahil pagkahiga ko ay naramdaman ko na ang antok.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at bumuo ng plano, kahit wala naman akong gagawin doon sa mall ay kailangan kong pumunta doon at gagala. Baka mahanap o makita ko silang muli. Habang papalit ang oras ay ginapangan ako ng kaba, hindi ko alam pero sobra talaga ang kaba ko.
I plan to go there at three in the afternoon and spend an hour wandering around, then hang out at the mall exit. Wearing a white dress, I stepped out of my hotel room and walked towards the elevator.
When I reached the lobby and headed straight to the exit, I immediately hailed a taxi. Even though the mall was nearby, I felt lazy to walk today.
Pagpasok ko nga sa loob ng taxi at kaagad kong sinabi kung saan ako pupunta. I noticed the driver's furrowed brow upon realizing that my destination was just nearby. I chose to ignore it since I would pay anyway, and I didn't ask him to give me a free ride.
Tahimik lang ako nagmasid sa loob ng taxi pero sobra na ang kaba ko, What if the person I saw yesterday was really Mom? What if she is actually alive? But my question is, why do we look alike with this girl? We seem like identical twins because our faces are truly identical.
I took a deep breath before handing the fare to the driver. He stopped at the mall entrance where there were many people. “Thanks, kuya,” saad ko ng binuksan ko ang pinto.
Alanganin naman na ngumiti sa akin ang drayber, pero hindi ko na iyon pinansin at naglakad na papasok sa mall.
Pagpasok ko ay sumalubong kaagad sa akin ang lamig mula sa aircon ng mall, nilibot ko ang tingin ko at nahinto sa isang babae na papalapit sa akin. She's wearing a floral dress and a pair of two inch sandals, I think it's a Channel brand.
I couldn't look away from the woman; I was staring at her as if afraid she might vanish from my sight. She wasn't looking at me but at the phone she was holding.
Nang mahimasmasan sa gulat ay kaagad akong naglakad papalapit sa babae at mabilis na hinawakan ang braso nito, “Who are you?” Mariin kong bulong sa babae at mukhang nagulat ko pa yata, dahil ramdam ko ang pagigtad niya.
“H-huh?!”
“I said, who are you? Bakit tayo magkamukha?”
“Is that you ate Grencie?” Naluluha nitong tanong.
Mabilis naman na nag salubong ang dalawa kong kilay, “H-huh? What do you mean?”
Huminga ito ng malalim at bahagyang pinahiran ang luhang tumulo kanina, “Pwede ba tayong maghanap ng mauupuan? Nangangalay kasi ang binti ko,”
Marahan akong tumango atsaka inilibot ang tingin sa mall, “Doon tayo sa ice cream parlor,” saad ko tsaka hinawakan ang braso nito at hinila papunta sa ice cream parlor.
Umorder kami at umupo sa pinakadulo na upuan, tumingin ako sa babae. I felt goosebumps every time I lay my eyes on her, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Para talagang sinadya niyang ginaya ang mukha ko. “So, tell me. Bakit tayo magkamukha?” Umpisa ko.
Bumuga ito ng hangin, “I'm your twin sister ate Grencie, palagi kang kinu-kwento ni Inay sa akin mula pa ‘nong bata palang ako,” may lungkot na saad nito.
“Inay?”
Tumango ito, “Our mother is alive ate Grencie, gusto mo ba siyang makita?”
“Bakit tayo nagkahiwalay-walay? Anong rason?”
Malungkot naman itong tumungo, “May kabit daw ang papa natin sabi ni Inay, dahil mahirap lang si Inay ay mabilis lang tayong napaalis sa pamamahay lalo na iyong lola natin na mama ni Papa.”
Kumunot naman ang noo, “Wait, I don't understand. Bakit ako napunta sa mga Villaverde?”
“Hindi ako ang pwedeng sumagot sa tanong na iyan, Ate. Dapat si Inay ang sumagot niyan.”
“Saan siya?” Desidido kong tanong. Hindi yata ako makakatulog kapag hindi ko malaman ang too, hindi yata ako makakatulog ng maayos ngayong gabi kung hindi ko mapuntahan ang sinasabi nitong Inay namin.
“Basa bahay sa Santa Acacia, ate,”
Tumayo ako, “Let's go,”
“Pero kailangan natin sumakay ng jeep, kaya mo ba yon? Parang galing US kapa kasi ate.”
Nang napagtanto ko na hindi ko pala alam ang pangalan nito ay hindi na ako nagdalawang isip na tanungin ito, “What's your name?”
“Grasya ate.”
Tumango lang ako at naglakad palabas ng icecream parlor, “Let’s go, mag taxi tayo.”
“Huh?! Sigurado ka ate? Medyo malayo pa ang Santa Acacia, sigurado akong mahal na ang pamasahe papunta doon.” Nag-alala nitong saad.
“Huwag kang mag-alala, ako ang magbabayad ng pamasahe.”
At Pumara na nga kami ng taxi at sinabi ang destinasyon.
Dito na nga nagsimula ang lahat, nagsimula kung saan kapag magbakasyon ako ay si Grasya ang papalit sa akin doon sa Maynila. Habang nasa poder naman ako ni Inay.