Chapter One
“Ate Grencie!” Tili ng kanyang kakambal mula sa itaas kung saan ang kwarto nilang dalawa.
I'm so happy to be here with them, my one and only family. I've been away facing the reality of our lives. I am one in the line of Villaverde. Habang ang kakambal ko na si Grasya ay nandito sa bukid kasama ang ina ko. Salitan kami sa marangyang buhay, tuwing nagbabakasyon ako ay ang kakambal ko naman ang uuwi sa mansyon ng Villaverde habang ako ay maiiwan rito. Of course isang sekreto lamang ang salitan namin dahil kung malalaman ni Grandma ang kahibangan ko ay sigurado akong mawawala sa mundo ang natitira kong pamilya.
“Grasya, I told you don't shout. Wala tayo sa merkado para magsisigaw ka dyan,” kunot ang aking noo ng pumasok sa kwarto.
Naabutan ko itong nakatingin sa dalawang bestida na nakatunghay sa kama nila, nakapamewang pa ito na parang problemado sa bestida.
“I can't decide, twin. Which one suits me better? This powder blue or this baby pink?”
I rolled my eyes, knowing that Grasya is a fashion girl. The only problem with her is that she can't decide what to wear, especially when her outing is important.
“Grasya, it's easy to choose. Pwera na lang kung gusto mong suotin ng sabay ang dalawang yan?”
"Ate naman! Kaya nga ako nagpapatulong sayo kasi hindi ako makapili kung saan sa dalawa ang susuotin ko.” Kamot ulo nitong wika.
Natawa nalang ako dahil sa pag nguso nito na parang pato, "Stop pouting, you look like a duck.”
Mas lalo pa tuloy humaba ang nguso nito dahil sa sinabi ko, "I think mas bagay sayo ang powder blue dres—”
“K, I'm gonna wear baby pink.”
“What?! Seriously, Grasya?”
“I know you, Ate Cie. I know you will choose powder blue, so I will choose color baby pink,” she said, smirking at me.
Me and my twin Grasya is a identical twin, ang pinagkaiba lang namin ay hindi ako masyadong girly kaya't tiis ganda nalang ang ginagawa ko kapag uuwi sa mansyon. Alam ko kasing hindi kaya ni Grasya na umaktong parang ako kaya ako nalang ang mag adjust sa aming dalawa.
Ito lang ang maibigay ko sa kapatid ko, masaya naman ako tuwing magkalapit kami. Minsan nga lang ay hindi mapigilan ni Grasya na magtampo sa akin lalo na kapag tapos na ang bakasyon.
Ngayon ang byahe ni Grasya patungo sa mansyon, kaya ganito nalang ito ka saya na mag-ayos sa sarili.
“Pagkatapos mo dyan, bumaba kana para makakain bago ka ihatid ni Inay sa airport. Grasya, remember my rules. Dapat mong tipirin ang pakikipag-usap sa ibang Villaverde dahil mabisto tayo. Alam mo kung ano ang magiging kapalit ng lahat.” Makahulugan kong saad.
Ito ang kinatakutan ko, ang mabisto kami. Grandma will do anything to punish you, even if it costs a life. Ipamukha niya sayo ang kadiliman ng mundo at ayokong madamay ang mahal ko sa buhay. Kaya ako nagsumikap na itago ang lahat at gampanan ang lahat kahit nahihirapan.
Namumutla itong tumingin sa akin, alam naming lahat kung ano ang imposibleng mangyari kapag mabisto ang lahat. Alam namin na wala kaming kawala sa kamay ni Lola.
Mabilis itong tumango, “Mag-iingat ako A-ate.”
“Good to hear that, Grasya. Bumaba ka pagkatapos mo dyan.”
Hindi ko na hinintay ang isasagot ng kapatid ko at mabilis na bumaba ulit para makapaghain na ng tanghalian. Mamayang alas kwatro ang flight ni Grasya kaya kailangan na umalis ito ng mas maagang oras dahil malayo pa ang airport. Ang Santa Acasia ay ang pinaka-bukid ng Cebu. Kaya malayo talaga ang airport dahil nasa Lapu-Lapu pa ito.
“Inay, kakain na po!” Tawag ko kay Inay na nasa garden nagbubungkal ng lupa. Nagtatanim ito ng gulay upang ipagbili sa palengke, ayaw niyang mag-away na naman silang dalawa dahil lang sa rason ko na huwag itong magpakahirap dahil padadalhan niya naman ito ng kinsenas.
Kahit pumayag ito ay hindi niya pa rin mapipigilan ang kagustuhan nitong mag tanim ng gulay upang ibenta at ulamin araw-araw.
“Malapit na ito, Nak! Sandali na lang.”
Naglakad siya palapit sa ina at inagaw ang pag bungkal ng lupa, "Nay, ako na rito. Sige na, mag-ayos ka na at kilala mo si Grasya ayaw non ng mabagal ang kilos.”
Totoo naman kasi, minsan ng nagsagutan ang kanyang Inay at ang kambal niyang si Grasya, dahil lang na mabagal ang kilos ng kanilang Inay. Naiintindihan ko ang kapatid ko, pero minsan ayoko sa ugali nito dahil sobrang makasarili. Wala din naman akong magagawa lalo na malaki ang agwat namin, lumaki ako sa marangya na buhay habang ito ay lumaki sa hirap. Naging mahirap din naman ang napagdaanan ko sa loob ng Villaverde kahit pa sabihin na marangya ang naging buhay ko don, mahirap lalo na sobrang higpit ni Grandma sa amin.
Pumasok na si Inay sa loob kaya nagsimula na akong magbungkal ng lupa, talong at okra ang itatanim ngayon. Habang nag bubungkal ako ay lumapit ang isang anak ng kapitbahay namin na si Donita. "Ikaw ang kambal ni Grasya di ba?"
napakunot naman ang noo ko, "Yes, bakit?"
Naglikot naman agad ang mata nito, "Spill the tea, Donita."
Narinig ko naman ang pagsinghab nito, nabigla ko yata sa pagtawag sa mismong pangalan nito.
"K-kilala mo ako?"
Marahan akong tumango sino ba naman kasi ang hindi makakilala rito kung ang laki lagi ng bunganga ng ina nito lalo na kapag tatawagin ang mga anak. "So tell me, huwag kang matakot hindi ako kumakain ng tao.”
"Bakit ka po nagbubungkal dyan? Magtatanim para may ibenta si Aling Grace?”
Marahan akong tumango.
Nagkamot naman ito ng noo, "Napapansin ko talaga lalo na kapag dadating ka ay panay bungkal si Aling Grace dyan e, kapag wala ka naman hindi yan papansinin.” Naka-labi nitong saad.
Napakunot naman ang noo, "Is that true?”
Tumango naman agad ito na siguradong sigurado sa sinasabi, "Minsan nga Ate Grencie, may tumatambay dyan na mga lalaki. Ewan ko lang kung sino kasi tuwing tumitingin ang mga kapitbahay dyan sa bahay niyo, sinisita ni Aling Grace.”
Mas lumalim ang gitna ng noo ko, hindi ko alam na pala-kaibigan si Inay dahil wala sa hitsura nito ang mga ganyang bagay. I mean, hindi ko pa ito nakikita na nakipag kaibigan ng lalaki dahil alam kong may galit ito sa mga kalalakihan dahil sa nangyari sa amin ng kambal ko.
"What do you mean, mga lalaki?” Nagtataka kong tanong.
“I'm sorry to tell you this, but I think your mother and your sister have a connection with the drug dealer here in Santa Acasia, minsan ko ng nakita ang leader ng drug dealer dyan sa bahay niyo hindi ko nga lang sinasabi kay Mama at baka mapagalitan pa ako.”
Huminga ako ng malalim, baka naman kasi nagkamali lang si Donita sa nakikita. Imposibleng nagtutulak si Inay dahil sobrang hinhin at mabait ito lalo na ang kapatid ko, kaya imposible talaga.
Marahan akong ngumiti, “Baka nagkamali ka lang, Donita. I know my Inay and sister hindi sila papasok sa ganyan,” ngiting saad ko. Pero hindi mapigilan na hindi maglakbay na naman ang isip.
“B-baka nga po, pasensya na po talaga. H-huwag mo po akong isumbong sa Inay mo at kay M-mama dahil paniguradong malilintikan na naman ako non,” ngiwing saad nito.
Tumango lang ako, wala naman akong balak na sabihin kay Inay at baka mag-away lang kami at baka mag eskandalo ito sa kapitbahay. “Don't worry, hindi ko sasabihi—”
“Ano ang hindi mo sasabihin, Nak?”
Nakita ko naman ang putla ng mukha ni Donita, habang ako ay pagsekreto na huminga ng malalim, “Wala ho nay, si Donita kasi nagtatanong sa akin kung maganda ba sa maynila,” pagsisinungaling ko.
Tumango naman ito at bumaling kay Donita, “Hija, maganda naman ang Maynila. Kaso nga lang ay mahal ang bilihin kumpara dito sa lugar natin.”
“S-sabi nga po ni Ate Grencie, Ante Grace. S-sige ho, una na po ako. Salamat sa pagsagot kanina ate.”
Marahan lang akong tumango tsaka ngumiti, I can see her face na sobrang putla na. At mukhang takot nga kay Inay. Nang hindi na ako nakatingin kay Donita ay tsaka naman ako bumaling kay Inay na may ngiti sa labi.
Unti-unting nabura ang ngiti sa aking labi ng nakita ko si Inay na mataman na nakatingin sa akin, “Inay? Anyare po?”
“Ano ang sinabi ni Donita sayo?”
Napasinghap ako at sana lang ay hindi niyo mapansin ang pagkabigla ko, “Tungkol lang naman po sa Maynila, alam muna hindi pa nakarating sa syudad kaya't ganon nalang ka interesado.”
Ilang minuto pa itong nakatitig sa akin na para bang tinitimbang kung totoo ba ang sinabi ko.
Tumango ito, “Halika na sa loob at kakain na tayo.”
“Sige po, Nay.”
Pagpasok namin ay nasa hapag na si Grasya, kumakain na hindi man lang ako hinintay. "Grasya yong bilin ko sayo, ha?” paalala ko ulit sa kapatid.
Nakita ko naman ang ng pagkairita nito sa mukha, pero tumango nalang din.
Tahimik akong ako kumain para bang nanibago dahil sa nalaman ko mula kay Donita. Sana lang talaga ay hindi iyon totoo dahil mukhang hindi yata kakayanin ng sarili ko.
Ilang minuto lang ay tapos na kaming kumain, nag-asikaso silang dalawa sandali habang ako ay nag presenta na ako ang maglinis sa kinakainan namin. Nasa kusina ako ng nakarinig ako ng takong mula sa hagdanan, napakunot ang noo ko. Mukhang aalis na sila, hininto ko muna ang paghuhugas at bitbit ang towel upang punasan ang sariling kamay, nasa hamba ako ng pinto ng kusina ng nakita ko ang mag-ina.
Nakahawak sa pisngi ni Grasya si Inay at may ngiti sa labi na ramdam mo ang pagmamahal. May kung anong kirot sa dibdib ko, hindi ko pa naranasan ang ganyang haplos ni Inay sa akin. Ni Minsan ay hindi niya yan ginawa sa akin.
Huminga ako ng malalim, “Aalis na kayo?”
Marahan naman itong tumango, “Sige, mag-iingat ka doon Grasya. Nay tawagan mo nalang ako kapag pabalik kana ha?” Matamis na ngiting saad ko.
Tumango lang ito tsaka ako tinapik sa balikat, habang si Grasya ay marahan akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Hinatid ko sila hanggang sa labas ng maliit naming gate, nandon na rin pala ang taxi na naging suki na namin.
Kumaway ako sa kapatid ko, pumasok lang ako sa bahay ng hindi ko na tanaw ang taxi.