Ginapangan ako ng kaba dahil nakatitig lamang si Grandma sa akin, matapos kong ikwento sa kanya kung paano ko nakilala si Inay Grace at Grasya.
“Sa nangyaring yon, Grencie. Wala ka bang napansin na kakaiba? Bakit nagkaroon ka agad ng ina at kapatid atsaka kakambal pa ha?”
Hindi ako agad nakapag react dahil totoo naman, bakit ko nga ba iyon hindi napansin at naisip. Limang taon ako ng na punta ako sa poder ni Lola, dahil namatay ang buong pamilya ko. Ang sabi sa balita ay namatay dahil sa aksidente, pero ang sabi naman ni lola ay sinadyang pinatay ang mga magulang ko.
Kahit gaano ka strikta si Lola ay hindi kailanman niya inilihim sa amin ang mga nakaraan namin, kung meron man na hindi niya sinabi sa aming magkakapatid at malaman mo ay hindi niya iyon e-dedenay sa halip ay tutulungan ka niya.
Huminga ako ng malalim, “W-wala po akong napansin, La. I think I'm just overwhelmed that I have a family, naging mabait naman sila sa akin,”
“Ahuh! Naging mabait? Mabait pa ba sa paningin mo ang nangyari sayo noong isang gabi? Muntik ka ng mapatay Hija, At ngayon sasabihin mo na naging mabait sila? Seriously?!”
Hanggang buntong hininga at yuko lamang ang nagagawa ko, dahil totoo naman ang mga sinabi ni Lola. Hindi ako naging mapagmasid at ngayon ay pakiramdam ko ay naisahan nila ako. Iniisip ko, kung tinuring nga ba nila akong pamilya, tinuring nga ba niya akong anak. At lastly, totoong kakambal ko nga ba si Grasya.
“If you want to know how your family died, you should finish your studies first, Hija. Then you can investigate what happened to your family.”
Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi ni Lola, akala ko pa naman na tutulungan niya ako sa problema ko. Pero pwede na rin, at least hindi siya nanghihimasok.
Marahan akong tumango, “Noted, La. Pasensya po ulit sa nangyari.”
Ilang minuto pa ang pag-uusap namin ng sa wakas ay pinayagan na ako ni Lola na lumabas sa kanyang library. Paglabas ko ay kumpleto ang tatlo, “Oh?”
“Ano, kumusta ang pag-uusap ninyo ni Lola?” Meeri asked.
“Ayos lang na—”
“Are you sure, you're okay G?” Sabat naman ni Ate Devika na naka-pamulsa na nakatingin sa akin.
Of course Ate kasi mas matanda siya sa amin, Isang anak mayaman si ate pero hindi na kilala kung sino ang totoong mga magulang dahil ang sabi ni Grandma, iniwan lamang si Ate Devika sa labas ng gate ni Lola noon.
Tumango ako kay Ate, “Really guys, I'm okay. Ano ba kasi ang tingin niyo kay lola?
Nananaki—”
“Hindi pa ba sapat ang paghihirap namin ng malaman niyang impostor ang kasama namin dito? Alam mo bang halos mamatay kami sa parusa, G?” May inis na sabat naman ni Dulce.
Napa-irap nalang ako, ano din kaya sa tingin niya noong pinarusahan din kami ni Lola dahil sa kagagawan niyang tumakas. “Remember the worst punishment, D.” Saad ko at tinignan ito ng makahulugan. Kaagad kong nakita na napalunok ito dahil sa sinabi ko.
Sobra ang pagsisisi nito dahil halos mamatay na si Meeri noon, habang tinatanggap namin ang parusa na binigay ni Lola. Walang awa si Lola, lalo na kapag sobrang galit ito, yung sagad na sa buto ang kanyang galit ay panigurado na hindi kana nakakalakad kinabukasan.
“Tch!”
Umakyat ako sa sariling silid ko tsaka humiga sa kama, ngayon ko lang naramdaman na sobrang pagod pala ang buong katawan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ay nagising ako sa isang katok, “Ms.G, tawag kana po ni Senyora, mag umagahan ba raw po!”
Dinig ko mula sa labas ng pintuan ko, I groaned before I stood up. Kapag talaga si Grandma na ang nagsabi na tawagin na kami para sa agahan ay wala ka na talagang magagawa dahil kung hindi mo susundin ang sinasabi nito ay humanda ka nalang sa parusa.
“Noted!” Sigaw ko at pumasok sa banyo upang ayusin ang sarili.
Mabilis akong nag-ayos sa sarili at ng nakuntento ay lumabas na ako sa kwarto bago nagsimula na bumaba sa hagdan, malapit na ako sa hamba ng dining room ng narinig ko ang usapan nila.
“But Grandma, I don't like your organization,” Ate Devika groaned in frustration inside the dining room.
“You can't do anything about it, Hija. I told you, you fit the organization's requirements,” Lola said with a smirk.
“What are you talking about, La? I thought Dulce is more suitable?” Nakakunot noo kong tanong bago umupo sa tabi ni Meeri.
“She doesn't even meet the basic requirements, Hija. And you're going to tell me she's more suitable? You're so funny.”
“Don't worry, La. Wala din naman akong balak na pumasok sa organisasyon mo, sasakit lang ang ulo ko dyan.” Balewala na saad ni Dulce.
“Are you really sure, D? You really don't want to? I remember when we were young, you said you wanted to join that organization.” I said with a flat tone.
“Bata pa tayo ‘non, G. Malamang at magbabago ang isip ko,” umiiling nitong saad tsaka sinubo ang panghuling kanin nito sa plato. “Excuse, I'm full.”
Sinundan ko ng tingin si Dulce, ang alam ko talaga ay gusto nito na makapasok sa organisasyon ni Grandma. Hindi ko alam na magbago din pala ang isip niya, si Ate Devika naman ay hindi niya talaga gusto ang organisasyon mula pa ‘non.
“Meeri, Hija. Gusto mo bang i-manage yung hotel ko?”
Mabilis akong napabaling kay Meeri na tahimik lang, para bang tinitimbang kung kaya niya bang gampanan ang tungkulin sa hotel.
“Uhm, Grandma sobrang bilis naman ng desisyon mo,”
Natawa naman si Lola, “Alam niyong habang lumilipas ang araw at panahon ay hindi ako bumabata kundi tumatanda ako, ano mang oras ay mawala ako kaya't gusto kong hatiin sa inyo ang mga ari-arian ko. At gusto kong malaman kung alin ang gusto niyo at para maayos ko na ang aking last will of testament.”
“Pero Grandma hindi niyo ako pinipili,” Nakakunot-noo na saad ni ate.
Napatingin din ako sa gawi ni Lola dahil tama nga naman si Ate, gusto nitong ipaako kay Ate ang responsibilidad ng organisasyon. At hindi man lang binigyan ng panahon para pag-isipan.
“Because you are the one who should be in charge there, I know you can fulfill the significant responsibility of the organization, Hija.”
“Tch! Pwede naman si Grenci—”
“No! Hindi siya pwede, napagkaisahan na nga siya ng ibang tao. Paano pa kaya kung sya na ang mamahala ng organisasyon?” Ma-awtoridad na wika ni Grandma.
“La!” Angal ko ng nasali ako sa usapan nila, nanahimik na nga lang ako rito para hindi masali.
“Kung si Ate Devika sa organisasyon, si Meeri naman sa hotel, paano si Dulce, La?”
Huwag niyang sabihin sa akin na ipasok niya si Dulce sa spy? Imposible.
“I will take care of her. For now, think about where you want to go. I don't have a problem if you want to start your own business. I can give you land for your business too.”
Naningkit ang mata ko na tinitigan si Lola, something fishy about her. Bakit pa bigla-bigla yata siyang mag desisyon ngayon.
“Grandma, are you sick?” Hindi ko mapigilan na tanungin ito.
“Grencie!” Halos sabay sabay nilang sambit sa pangalan ko.
Nagtatanong lang naman ako e, “Easy, I'm just asking you know.”
Huminga ng malalim si Lola, “Wala akong sakit at mas lalong hindi pa ako mamatay, At kung sakaling mamatay ako ikaw ang uunahin kong multuhin. Pinapasakit mo masyado ang ulo ko, Grencie.”
Umismid ako, “As if I'm scared,” bulong ko.
Nagtawanan naman si Ate at Meeri kaya inirapan ko ang dalawa tsaka tumayo, “Akyat na po ako, La. Kailangan ko pang pumasok.”
“Mabuti naman at naalala mong may pasok ka pa,”
Hindi na ako nagsalita pa at kaagad na naglakad paakyat upang makapagbihis ng uniporme, nasa huling baitang ako ng kolehiyo at kailangan kong mag Fucos upang makapagsimula ako sa pag-iimbestiga.
White longsleeve with blazer na kulay gray ito, kung titigan mo ng malapitan ay makikita mo na stripe design ito, dagdagan pa sa necktie namin at hindi umabot sa tuhod ang palda tapos kailangan mo pang suotin ang kanilang hanggang tuhod na medyas. Nairita ako sa desenyo ng kanilang uniporme pero wala naman akong karapatan na umangal.
Sinuot ko ang itim kung jacket bago dinampot ang bag at nagmadaling bumaba.
“G, Yong bigbike ba ang gagamitin mo?” Pagtatanong ni Meeri sa akin ng sinalubong niya ako sa ibaba ng hagdanan.
Marahan akong tumango at kinalkal ang bag kung nasaan ang susi ng bigbike. As usual, nakasanayang ko ang bigbike na gagamitin patungo sa unibersidad at hindi yong kotse ko.
“Sabay na ako sayo, please. Tinatamad akong nag drive e,”
Umirap ako sa ere, “For god sake, Meeri. Meron ka din namang sports car at may drayber din tayo, bakit hindi ka magpahatid nalang?”
Nagkamot naman ito sa ulo, “Nakalimutan ko kasing sabihan si Manong, at excuse me! Alam mong wala si Manong ngayon dahil day off niya now.”
Huminga ako ng malalim, “Bilisan mo, kundi iiwan kita,” pagbabanta ko.
Kaagad naman itong tumango tsaka umakyat ng mabilis sa taas upang kunin ang bag nito, makikisabay pero hindi pa nakapag-ready ang kapal talaga ng pagmumukha.