Chapter Three

2024 Words
Nagising ako dahil parang may nag bulong-bulungan, iminulat ko ang mga aking mata at mabilis na napakurap-kurap upang ma adjust ko ang aking vision. Nakakunot ang noo ko, “A-asan a-ako?” Saad ko kahit na hindi ko maaninag ang isang bulto. Nakarinig naman ako ng mga yapak na umalis at pagsara ng isang pinto, “M-may tao ba dyan? N-nasaan ako?” Pag-uulit ko sa aking tanong. “Who are you?” Isang Baritono na boses. Napa Kurap-kurap ulit ako at dahan dahan na nilingon ang isang taong prenteng naka-upo sa isang silya na hindi kalayuan sa higaan ko. “Who are you?” Balik tanong ko. Isang lalaki na magulo ang buhok, matangos ang ilong at mapula ang kanyang mga labi dagdagan pa sa walang buhay niyang mga mata. Sa madaling salita pogi at walang kaduda-duda na mayaman ito ngunit parang patay ito na nabubuhay. “I asked you first, so answer me first.” Walang emosyon niyang saad sa akin. Nanindig naman ang sarili kong balahibo dahil sa sobrang lamig ng kanyang boses, huminga ako ng malalim bago sumagot, “Luz.” Hindi ko ito kilala kaya't mas mabuting ang pangalawang pangalan ko ang ibibigay ko. “Last name.” Malamig niyang tanong at tumingin sa akin na para bang hinihigop ang kaluluwa ko. Kulang nalang basahin niya ang naiisip ko, or wait baka nga binasa niya na kung magsisinungaling ba ako. “Sevilla.” Ang Sevilla ay ang surname ni Papa, kung hindi ako adopted ni Grandma, Sevilla sana ang dala-dala ko ngayon. Hindi ito umimik at tumayo na lang bigla atsaka lumabas na walang sinasabi, hindi naman maipinta ang mukha ko. Hindi man lang ito nagpakilala at basta-basta na lang umalis. Aalis na sana ako sa kama ng naramdaman ko ang sakit ng binti ko. Shìt may sugat pala ako. Huminga ako ng malalim bago dahan dahan na tumayo, mula sa balkonahe ng silid ay sumasayaw ang kurtinang puti dulot sa hangin. Maingat at dahan dahan akong naglakad doon at iniinda ang kumikirot na sugat sa binti. Paglabas ko ay tumambad sa akin ang isang kakahuyan, nasa tuktok ng bukid pala ang bahay dahil tanaw ko ang lungsod ng Santa Acacia. Nasa Santa Acacia pa ako, huminga ako ng malalim. Humawak ako sa barandilya ng balkonahe at pumikit, dumampi ang malamig na hangin sa mukha ko kasabay nito ay humahalik naman ang sinag ng araw sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na nag-aagawan ang init at lamig. Narinig ko ang pag bukas ng pinto pero hindi ko iyon pinansin. Napasinghap nalang ako ng tumabi na ito sa akin, paano niya iyon nagawa na hindi ko man lang narinig ang kanyang yapak na papalapit. “Sino sila?” Kumunot naman ang noo ko, “Huh?” “Kagabi, sino sila?” Doon ko lang na proseso kung ano ang tinatanong niya, “Sindikato, I think?” wika ko at bumaling rito. Pansin ko ang marahas na pag kunot ng noo nito pero mabilis lang naman bumalik sa dati ang emosyon, “Syndicate? Bakit ka nila hinahabol? Miyembro ka?” “Hoy! Hindi ah! Hindi ako ang miyembro pero kilala ko kung sino sila.” Agarang depensa ko at baka mapagkamalan pa akong miyembro ng sindikato. “Don't overreact, woman. I'm just asking.” “Nasa Santa Acacia pa rin ba ang lugar na ito?” tanong ko para maiba ang topic, alam ko na nasa Santa Acacia pa rin kami. Tumango ito, “Kumusta ang sugat mo?” Tumingin naman ako sa sugat ko sa binti na nakabenda, “Masakit, pero kaya naman tiisin.” “You should call your relative to pick you up. I'm a busy person. I don't have time to protect you here in my mansion, and I don't want to get involved in your problem.” Nakaramdam naman ako ng hiya, tama nga naman. Kailangan kong tawagan si D para makuha niya ako rito atsaka makapagdala siya ng tauhan. I'm a member of Villaverde after all, hindi ako pababayaan ni Grandma. “Nawala ko yata ang selpon ko, can I borrow yours?” Hindi ito umimik pero parang may kinapkap ito sa kabilang bulsa at ilang sandali ay inilahad dito ang selpon. Mangha akong nakatingin doon, it's Huawei Mate 60 plus. Sosyal ha, daming pera. Tinanggap ko ito at denayal ang numero ni Dulce, ilang ring pa ang nangyari bago ito sa wakas na sinagot. “Think god at sinagot muna, akala ko bukas mo pa sagutin.” "Hello? Who's this?” Napa-ikot na lang ang mata ko, “It's Luz, D.” “What?!” "D, can you stop playing? It's me, luz. Nasaan ka ngayon?” “Papasok pa lang sa Santa Acacia, Are you safe G?” Napatingin ako sa lalaki na hindi ko naman kilala, marahan akong tumango, "Yes, ligtas naman ako rito.” “Good, nasaan ka?” Doon ko lang napagtanto na hindi ko pala alam kung saan ito, “Excuse me sir, anong lugar to? Papunta na kasi ang kapatid ko rito.” “Tell her, maghintay siya doon sa arko ng Santa Acacia. Doon kayo magkikita.” Muli kong inilagay sa tainga ang selpon upang kausapin si dulce, “D, balik kayo sa entrance please.” "Why?” “Ihahatid ako sa nagligtas sa akin, doon tayo magkita.” “K, make sure tumawag ka sa akin.” Napailing nalang ako dahil sa denemand ng kapatid ko, tumingin ako sa lalaki at inilahad pabalik ang selpon na hiniram. “Here, thank you.” “Why are you thanking me?” Walang emosyon na saad nito. Nagtataka naman ako, io lang yata na ayaw pasalamatan, “Bakit? Ayaw mo ba, Mr?” “Hindi ko sinasabi na free ang pagligtas at pagtago ko sayo rito.” Mas lalo akong napakunot, hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. “What do you mean, Mr?” Bigla na lang itong ngumisi sa akin, nakaramdam ako ng kaba para sa sarili. Atras ako ng atras takot at alertado sa susunod na mangyayari. “Soon, malalaman mo rin. Bumaba ka na para ihatid kana sa kapatid mo.” Mabilis itong tumalikod sa akin, humigop ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay naubos ko ito dahil sa nangyari kanina. Napa-ismid naman ako ng napagtanto kong umalis lang ito na hindi ako alalayan sa pagbaba. Hindi man lang ako tinulungan, tsk! Lumabas ako sa silid at napanganga na lang dahil sa nakita, ang ganda ng disenyo ng bahay, hindi ito matatawag na mansyon dahil hindi naman malaki. “Ah, maam. Alalayan na po kita.” Biglang sulpot ng isang babae na siguro ka edad ko lang. Tumango ako, kailangan ko naman talaga ng alalay dahil sa binti ko na may sugat, “Kasambahay ka rito?” Tanong ko. Tumango lang ito, “Matagal na?” “Yes, po. Bata palang ako maam.” Napatango ako sa babae, “Bakit po pala may sugat ang binti niyo maam? Kagabi kasi na binuhat ka ni senyorito Martin ay tumutulo po ang dugo niyo pa sa sahig.” Napasinghap ako dahil sa nalman, mukhang naabala ko nga ang senyorito nila, “Pasensya na talaga, pasalamat nga ako dahil iniligtas ako ng senyorito niyo.” “Ho? hindi niyo po nobyo si senyorito?” Ummling ako, “Paano mo naisip na nobyo ko ang amo mo?” Nahihiya naman itong napatingin, “Ah-eh, hindi niya po kasi ugali na magdala ng babae si senyorito dito sa rest house niya,” Mangha ako sa nalaman, “Talaga? So hanggang hotel lang ang naging babae niya?” Napahinto naman ito at tumingin sa unahan, sinundan ko ito ng tingin at doon lang nakita si Martin na nakatayo habang nakamasid sa amin ng kasambahay. Sa hindi malamang dahilan ay napasinghap at napalunok ako ng sariling laway, ginapangan naman agad ako ng kaba at namamawis na rin ang mga palad ko. “Enjoying the topic?” Mabilis akong napaiwas ng tingin, feeling ko ay napaso ako sa kanyang mga titig sa akin. Oh baka dahil sa kahihiyan, dinaig ba naman sa imbestigador dahil sa pag-usisa. Hindi ko sinagot ang tanong niya at kaagad lumabas ng bahay, doon ko lang napansin ang binti ko na sumasakit ng nasa harapan na ako ng kotse. “Tsk! Chismosa.” Kaagad lumaki ang dalawa kong mata, “Hoy! Excuse me, I'm not chismosa.” Pag-angal ko. “Not then,Tsk!” Napa-ikot nalang ang mata ko bago pumasok sa kotse na nakaparada. Mukhang ito rin ang kotse na nakita ko sa kalsada, noong hinahabol ako nila Inay. Speaking of Inay, ano kaya ang nangyari bakit ginawa niya ito sa akin. I know, Inay Grace can’t do that to me. Unless something happens, when I'm not around. “Are you okay? How about your wound, still hurting?” Tanong nito sa akin habang mariin na nakatingin sa akin. Kahit parang nag-alala ang tanong nito ay kabaliktaran naman sa emosyon nito na walang bakas na kung ano, maliban sa malamig pa rin nitong mukha. “I'm okay, thanks for asking.” Saad ko at bumaling nalang sa labas ng bintana. Pababa kami sa lungsod, hindi ko lang alam kung saan ang daan nito parang hindi kasi pamilyar sa akin. “Sa likod ng Santa Acacia ito, kapag makalabas tayo sa gubat ay byahe muna tayo ng limang minuto bago natin madaanan ang entrance. Panigurado kapag sa mismong daan tayo ng Santa Acacia dadaan ay mahahanap ka sa ma taong yun. It's safer here.” Tama nga naman ito, pahirapan kung sa mismong loob ng Acacia kami dadaan atsaka nakakahiya naman kung maging pag takas ko ay mahihila ko sila. Dahan dahan akong tumango at muling bumaling sa labas ng bintana at hindi na nag usisa pa. Napanganga nalang ako ng tuluyan na kaming nakalabas ng gubat, tama nga ito. Daan ito patungo sa syudad at kapag lilihis kami sa isa pang daan ay iyon ang patungo sa Santa Acacia at sa kabila naman ay syudad. Malayo palang kami ay nakita ko na ang pamilyar na tatlong nakaparada na kotse at mga nakaitim na tauhan at sigurado ako ay yon ang tauhan ni Grandma. “Sa likod ng tatlong kotse please, Manong,” Sambit ko sa drayber. “Iyan na ang kapatid mo?” Tumingin ako kay Senyorito Martin at tumango, “Thanks for helping me, senyorito Martin.” “I told you, hindi libre ang lahat.” “Magkano ba?” tanong ko. Umiling din ito na may ngisi sa mga labi, mabilis kong niyakap ang sarili. “Hindi pwede ang katawan ko, don’t worry ipa LBC ko ang bayad ko sayo.” Wika ko at walang pada-dalawang isip na binuksan ang pintuan at handa na sanang tumakbo ng napabalik ako paharap sa kanya dahil sa paghila nito pabalik sa akin. Napasinghap ako, “H-hey…” Utal kong saad ng lumapit ang mukha nito sa akin. naramdaman ko ang hininga nito sa bandang tainga ko, “Relax, hindi ko pa ngayon kukunin ang bayad.” Napaigtad naman ako ng nararamdaman ko ang pagdampi ng kanyng labi sa leeg ko, “I will claimed what's mine, so be prepared Love.” Nakahinga ako ng lumayo ito sa akin, “Here, may bala na yan. Shoot if needed, but if not, just relax and plan everything; then you will survive.” Dahan dahan kong tinanggap ang caliber ko at mabilis na tumakbo patungo sa kotse ni Dulce. “Damn, Dulce open this f*****g door!” Inis kong saad ng pag-pihit ko sa pinto ay naka-lock. “Jesus! GRENCIE!” Sigaw sa akin ni Dulce, akala ko yayakapin niya ako sa tuwa ng malakas niya akong sinampal. “You have no idea what's happening in the mansion. Do you even know that we almost died because of Lola's punishment? Be thankful that I convinced Lola to look for you; if not, she would personally search for you, and you know what she's capable of doing.” With a meaningful statement, she controlled his breathing. Doon ko lang napagtanto ang lahat, malalagot ako pag uwi ko, At wala akong ibang magagawa kundi ay tanggapin ang parusa at hihingi ng kapatawaran sa ibang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD