Chapter Two

1582 Words
Gabi na pero hindi pa rin tumatawag si Inay sa akin kung kumusta na at saan na siya. Nakaramdam na rin ako ng pangamba dahil gabi na, alas syete na pero wala parin siya. Labas pasok pa ako sa bahay dahil sa pag-alala, nanginig na rin ang mga palad ko at pinagpawisan ako ng malamig. Dumungaw na naman ako sa bintana upang silipin at baka paparating na si Inay ngunit walang katao-tao sa labas. Agad akong napa-talon ng tumunog ang selpon ko, kumunot agad ang noo ko dahil ang alam ko ay dala dapat ni Grasya ang selpon ko. At sa akin ang isang keypad upang may maikuntak sa kapatid ko. Nilapitan ko ito at ang pangalan agad ni Dulce ang nakita ko, sinagot ko ito dahil minsan lang ito tumatawag sa akin. "D, Bakit?” “You're dead meat, G! Go home right now! Lola got furious about something inside that damn document.” “I'm in Cebu, you know what I mean, D.” Matigas kong saad. Si Dulce lang ang may alam ng sikreto ko maliban sa tatlong Villaverde, ayokong malaman nila dahil baka maglihim din ang mga ito at ako pa ang matuto dahil ako ang may pasimuno. “I think your sister is in trouble. You know Lola's capability, G. We can't run from her; even if we hide underground, she will still find us.” Tama siya, kahit saan kami nagtatago ay makikita at makikita pa rin kami ni Grandma. Napakunot ang noo ko ng mag-absorb ang sinabi sa akin ni Dulce. “What do you mean, my sister is in trouble?” “I think Lola is after her. From what I heard earlier, there seems to be a connection between your sister and a drug dealer, and it seems like they are using you, especially your money.” Hindi ako makagalaw dahil sa nangyari at nalaman, “N-no—” “Accept the truth, G! Stop wasting time and run right now! Don't forget what Lola taught us! Money is evil, just like what our grandma does.” Mabilis akong napatingin sa labas ng may humintong itim na sasakyan, “I-i think nandito na sila,” nauutal kong saad. “Shìt! Shìt! Run now! Hahanapin kita.” Kinuha ko ang caliber pistol ko sa ilalim ng kama, ako lang ang nakakaalam nito. Kahit isang silid lang kami ni Grasya ay hindi niya ito alam. “Grencie! Lumabas ka! Di puta kang babae ka! Pinahamak mo ang kapatid mo!” Inipit ko ang baril sa gilid ko na hindi nakikita, mabuti nalang at Naka jogging pants ako ngayon at Oversized shirt na kulay itim. “H-hind—” Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng malakas na sampal ang sumalubong sa akin ng makalapit ako sa Ina ko. Ang kambal ko naman na si Grasya ay nasa likuran lang ni Inay nakangiti na para bang gandang-ganda ito sa nakikita. "Anong hindi! Muntik ng mamatay ang kapatid mo dahil sa kagagawan mo! Sana hindi ka na lang bumalik dito at idadamay mo pa ang kapatid mo sa magulo mong buhay!” Hindi ako makapaniwala na nakatingin sa ina ko, hindi ko inaasahan na hindi niya pala talagang gustong makita ulit ako. “N-nay, a-ano ang sinasabi niyo?” naluluha kong tanong. At hahawakan ko sana ang braso nito ng bigla nalang niyang tinabig ang kamay ko na para bang diring-diri sa akin. “Sana hindi ka na lang bumalik! Sana hindi ka na nagpakita pa! Ginugulo mo ang buhay namin!” Muling sigaw nito sa akin. Para akong pinag-piraso dahil sa narinig mula sa sariling ina, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Yong inakala mong perpektong pamilya kahit may kulang ay hindi pala. Hindi ako sapat sa kanila. “B-bakit po kayo ganyan? W-wala ho akong ginawa na ikapahamak ni G-grasya.” Umismid ito, “Ibigay mo na lang ang pera at bank card mo, kung hindi ay malilintikan ka talaga sa akin.” Nanlilisik na mga matang wika nito. Napasinghap ako, umiling-iling. “W-wala po akong dalang card, c-cash lang po Nay.” “Ay bwisit kang bata ka! Aabot ba yan ng one hundred thousand?!” Hindi lang singhap ang nangyari kundi ay lumaki ang mata ko, “Wala po akong ganyan kalaking pera, Na—” Isang sampal na naman ang natanggap ko mula sa Inay, “Anong gagawin natin ngayon! Ha!” Singhal nito sa akin. Tinignan naman ako nito mula sa ulo hanggang Paa, “Mmm... Baka papayag yun.” Nangilabot naman agad ako, alam ko kung ano ang iniisip ni Inay. Umiling-iling ako, “N-no, no, h-hindi niyo po yan magagawa sa akin.” Ngumisi naman ito, “Anong hindi? Hindi lang yan ang pwede kong gawin sayo, Grencie! Sus kung alam mo lang ang kaya kong gawin.” Napalunok ako, atras ako ng atras. I can't stay here anymore, hindi ako pwedeng manatili dito dahil parang sinapian ng kademonyohan ang ina ko. “Ma! Tatakas siya!” Biglang sigaw ni Grasya. Wala akong sinayang na oras at mabilis na tumakbo, kahit hindi ko nakikita ang daan ay patuloy parin akong tumakbo. Sa likuran ng bahay ako dumaan dahil yun ang pabor sa kinatatayuan ko kanina. Isang kakahuyan ang likod ng bahay namin. Patuloy akong tumatakbo paalis doon sa bahay, hindi ininda ang mga maliliit at matulis na kahoy. Kailangan kong iligtas ang sarili, ayokong mapunta sa kamay ng drug dealer. Totoo nga ang sinabi ni Donita sa akin, may kakaibang nangyayari sa bahay. Dagdagan pa sa impormasyon ni Dulce. Takbo ako ng takbo kahit hinihingal, Nakakita ako ng malaking kahoy na may butas agad akong pumasok doon at ginawang pantakip ang mga sanga-sanga para hindi makita ang butas. Hindi naman gaano ka sikip ang ilalim, sapat lang upang makagalaw ako. Dahan dahan kong binunot ang baril ko at tinutok sa unahan, baka sakaling may makakita sa akin ay mabilis ko lang putok. Shìt kung alam ko lang na kailanganin ko pala ang pag-asinta ng baril ay sana pala ay nag-iinsayo ako ng mabuti noong training class pa namin sa mansyon. Hindi ako asintado pagdating sa baril pero pagdating sa one on one ay kayang-kaya ko. Nakarinig ako ng mga yapak, mukhang madami nga ang naghahanap sa akin. “Hanapin niyo ang babae!” “Hanapin niyo ang pisteng babaeng yun! Kung hindi niyo mahanap malilintikan ko kayo!” Nakatakip ako ng bibig ng marinig ang boses ni Inay, mukhang totohanin talaga nito ang binabalak. “Pano ma'am kung hindi natin mahanap ang anak mo? May one hundred thousand ka ba dyan? Mapapatay talaga tayo ni boss nito.” Napasinghap akong muli. “Bobo ka ba! Kaya nga walang uuwi hanggat hindi natin mahanap ang letsing babaeng yun! Hanapin niyo bilis!” Narinig ko ang mga yapak na umalis, naghintay pa ako ng ilang minuto bago umalis. “Sinasabi ko na nga ba at nand'yan ka lang, akala mo siguro hindi kita makikita ha!” Gulat at pangamba ang nararamdaman ko ng tumingin ako sa likuran ko, si Inay na nakatutok sa akin ang baril. Mabilis akong nakabawi at tinutok agad ang dala kong baril sa kanya. Humalakhak pa ito na parang sinapian ng ka demonyohan, “Na check mo ba yan, bago mo kinuha? Mmmm... Grencie?” Para akong tinakasan ng dugo, hindi ko ito na check kanina dahil sa pagmamadali. Kinalabit ko ito ngunit walang bala, “H-how did you find this?” Alam ko sa sarili ko na, ako lang ang nakakaalam tungkol sa baril na ito. “Bahay ko yon at kwarto yon ng anak ko, Grencie. Malamang at mahahanap ko yan.” “P-pero anak mo rin ako, Nay.” Umiiyak kong saad. Nanlilisik naman agad ang mata nito, “Kung alam mo lang,” umiiling nitong saad. “Kung hindi naman pala kita mapakinabangan, mas maganda kung papatayin nalang kita.” Bago pa maiputok sa akin ni Inay ang dala nitong baril ay kumaripas na ako ng takbo. Pero kahit nakatakbo ako ay natamaan niya parin ako, paika-ika naman akong tumakbo at hindi ininda ang sariling sakit ng tuhod. Takbo lang ako ng takbo, hindi pinansin ang binti na may tama na ng bala. May nakita akong isang kalsada malapit lang ito at namataan ko rin ang isang kotse na dadaan doon, nakaramdam ako ng pag-asa na makatakas. Medyo malayo na rin ako kay Inay kayat sigurado akong pansamantala na hindi niya ako mahanap mu— Gumulong gulong ako pababa hindi ko man lang napansin na malapit lang pala ang kinatatayuan ko sa bangin. Nahinto ako sa pag gulong ng nasa patag na ako daan, kahit nasasaktan ang buong katawan ay pinilit kong makatayo at nag-umpisa na kumaway-kaway sa paparating na kotse upang makahingi ng tulong. Sa una ay hindi nila ako pinansin pero hindi ako tumigil, hinampas-hampas ko ang bintana ng kotse at tumingin-tingin kung saan ako nanggaling kanina. Nakita ko ang mga flashlight sa unahan at mukhang malapit na nila akong mahanap, ang pawis at sipon ko ay nagtagpo na, dagdagan pa sa dugo ko dahil doon sa pagkagulong ko kanina. Tumingin ako sa bintana na para bang nakikita ko ang loob, nawalan ako ng pag-asa na tulungan nila ako. Nanghihina na rin ako at ano ang oras ay mawawalan ako ng malay kayat bago pa ako mahanap ng masamang tao ay tumalikod na ako at handa ng tumakbo palayo upang iligtas ang sarili. Napasinghap ako ng may mga bisig na yumakap sa bewang ko mula sa likuran, "Shh....You're safe, Baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD