“Sam type mo ba? Hindi ka magkaganiyan kung hindi mo type ang lalaking ‘yon!” Seryosong tanong ni Francis.
"Francis hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo tumigil ka nga hindi mo ba nakikita galit na galit ako? Tapos sasabihin mo’ng type ko siya? Wow!" Singhal ni Sam habang pabalik-balik siya nang lakad. Tumunog ang intercom tumawag ang secretary nila upang humingi ng rescue kay Sam dahil mayroong client na nagagalit.
Pinuntahan naman ni Sam, dahil ayaw niyang lumaki ang problema pero nagulat siya nang makita niya ang lalaking nambastos sa kaniya kanina lang sa lobby.
"Hoy ikaw! Bakit ka nandito ano’ng ginagawa mo dito?" Galit na Singhal ni Sam sa lalaki habang dinuduro niya ito sa mukha.
"Ma'am siya po si Mr. Aron Galvez may gusto po raw siyang itanong about sa travel agency natin kung ano’ng promo meron tayo." Saad ni Jane habang takot na takot kay Sam.
"Jane, ikaw na ang bahala sa kaniya baka makukulong ako kapag ako ang kausap ng mayabang na ‘yan! Singhal ni Sam sabay tumalikod.
"Ma'am client po natin siya at ikaw po ang gusto niyang kausapin.” Wika ni Jane.
"Jane trabaho mo 'yan!” Singhal ni Sam.
"Pero ma'am ikaw po ang gusto niyang makausap hindi po ako eh." Seryosong wika ni Jane.
"Excuse me, Mr. Galvez bakit ako ang gusto mo’ng kausapin tungkol dito?" Hindi ko 'to trabaho." Singhal ni Sam.
Mayroon po kaming secretary na mag-explain sa 'yo and I'm sure lahat ng client namin walang reklamo bakit pagdating sa 'yo ako ang gusto mo’ng makausap?" Seryosong tanong ni Sam.
"Ganito ba ang service ninyo sa inyong mga client? You're name please?" Tanong ni Aaron.
"Sir, I'm sorry wala lang po sa mood si ma'am Samantha, kung okay lang po sa inyo, ako na ang mag-explain lahat sa inyo para matapos na po. Marami pa po akong client through online."Paliwanag ni Jane.
"I'm, sorry miss secretary pero gusto ko si ma'am Samantha ang mag-asikaso sa akin kung okay lang sa kaniya.” Sagot ni Aaron.
"By the way, I change my mind hindi na ako interesado." Nakatingin siya kay Sam, tinititigan niya si Sam na kanina pa naiinis sa kaniya.
"What? Sir, may problema ka ba sa agency namin? O may problema ka sa utak mo?" Pagkasabi ni Sam ay tumayo na siya at mag-walk out na sana pero tinawag siya ni Aaron.
"Wait, mas interesado ako sa 'yo," May kinuha si Aaron sa wallet niya at binigay niya kay Sam.
"Calling card? Anong gagawin ko sa calling card mo? Hindi ko kailangan 'yan!" Singhal ni Sam.
"Pero kailangan kita, Naniniwala ka ba sa love at first sight? Ganiyan ang naramdaman ko sa 'yo ngayon." Ngumiti pa siya kay Sam na may halong pang-aasar.
"Hindi ako pumunta dito para mag inquire about sa tour or something, nakita kita kanina sa lobby kaya umupo ako. Nagbabakasakali na umupo ka rin, sinamahan ko lang ang pinsan ko at nang makita kita ayaw ko nang umuwi gusto kong sumama sa bahay mo at magpaampon sa ‘yo.” Natatawang saad ni Aaron kaya umuusok na ang tenga ni Sam sa galit dahil nakita niyang pinagtripan siya ng lalaki. Hindi na nakatiis si Sam kaya sinampal niya si Aaron, bahagyang hinaplos ni Aaron ang kaniyang mukha dahil nakarandam siya ng sobrang hapdi.
“Piliin mo ang babastusin mo Mr. Galvez! Hindi ito kalye! Kung bastos ka sa lugar ninyo huwag na huwag mo’ng dalhin dito sa company namin ang ganiyang ugali. Umalis ka na dito bago pa kita masampal ulit!” Galit na singhal ni Sam kay Aaron, namumula na ang kaniyang pisngi sa sobrang galit.
“Grabe ang sakit mo naman magsalita paano ka magkaroon ng boyfriend kung ganiyan ka katapang? Ang mahirap sa inyong mga babae may magkagusto na nga sa inyo pakipot pa kayo! sa edad mo’ng ‘yan walang boyfriend? Matandang dalaga is waving.” Saad ni Aaron habang tumatawa.
"Gusto mo pa ba ng sampal? Ang yabang mo! at paano mo nalaman na wala akong boyfriend? Stalker ka ba huh?! Piliin mo ang babastusin mo! kahit ikaw pa ang pinakaguwapo sa buong mundo hindi kita magugustuhan!" Singhal ni Sam habang umusok ang tenga sa sobrang galit.
"Ma'am Samantha, okay ka lang ba? Gusto mo tawagin ko ang guard?" Tanong ni Jane kay Sam, nakita niya kasing galit na galit na ito kaya nag-alala na siya.
"Miss secretary ako ang sinampal niya pero siya ang tinanong mo? Ang unfair mo naman yata? Tanungin mo naman ako kung masakit ba ang mukha ko sa pagsampal ng babaeng ‘yan sa mukha ko.” Seryosong saad ni Aaron.
“Umalis ka na sa harapan ko Mr. Galvez habang tao pa ang tingin ko sa ‘yo!” Singhal ni Sam.
“Okay I'm sorry, aalis na ako pero sa ayaw at sa gusto mo magkikita pa rin tayo, sisingilin pa kita sa pagsampal mo sa akin." Binigyan pa niya ng mapang-akit na ngiti si Sam. Pag-alis ni Aaron ay lumapit si Sam kay Jane.
“Jane, kung babalik ‘yon dito tumawag ka agad ng pulis! dahil ayokong makita ang mukha ng lalaking ‘yon! antipatiko!” Singhal ni Sam.
“Ma’am Samantha, sa tingin ko po may gusto sa ‘yo ang lalaking ‘yon, nakikita ko sa kaniyang mga mata kung paano ka niya tingnan, saka ang mga ngiti niya sa ‘yo kitang-kita ko na may pagtingin siya sa ‘yo ma’am.” Seryosong wika ni Jane.
“Isang salita pa Jane sisantihin na kita! kitang-kita mo naman kung paano niya ako bastusin tapos sasabihin mo na may gusto siya sa akin?” Tanong ni Sam kay Jane.
“Ma’am, inaasar ka niya kasi nakikita niyang pikon ka. At habang nakikita niyang nagagalit ka ay mas lalo siyang nagkaroon ng lakas para mas asarin ka pa.” Nakangiting saad ni Jane saka bumalik na rin siya sa kaniyang table dahil nakikita niyang nag-iba na naman ang mukha ni Sam. Bumalik si Sam sa opisina nila ni Francis, mas lalong nagtataka ang binata dahil abot hanggang ilong ang nguso ni Sam.
“Sam, meron bang nangyari? Bakit parang nasabogan ang mukha mo ng granada ang sagwa tingnan, ayusin mo nga ‘yan gusto mo bang hindi na maibalik iyan sa dati?” Wika ni Francis. Hindi pa rin nagsasalita si Sam pinatong niya ang ulo niya sa kaniyang table.
Napansin ni Francis na wala sa mood si Sam at hindi niya alam kung ano ang dahilan. Tumayo siya at lumapit siya kay Sam. Inangat niya ang mukha ng dalaga at hinalikan niya sa noo.
“Halika Sam payakap nga!” Tumayo si Sam at niyakap siya ni Francis nang sobrang higpit.
“Alam kong yakap ko lang ang solusyon diyan sa galit mo.” Nakangiting wika ni Francis, habang hinaplos niya ang buhok ng dalaga, hindi niya alam na kinikilig na naman si Sam sa kaniyang ginawa.