Habang pauwi na sila ay nagsimula nang magtanong si Francis kung ano ang nangyari bakit ganoon ang itsura niya nang bumalik siya sa office.
“Best friend mo ako Sam? Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang maglihim ka sa akin, iniwan ka sa akin ng mommy mo ang sabi niya ay alagaan daw kita at hindi kita hayaang masaktan dahil mas pinili mo’ng mag-stay dito sa pilipinas para makasama ako. Kaya obligasyon kita Sam ngayon sabihin mo sa akin na-inlab ka na ba sa lalaking ‘yon?” nakita ko kayo kanina pero bumalik ako sa dahil nakita kong nag-enjoy ka habang kausap mo ang lalaking ‘yon.” Seryosong wika ni Francis hindi man lang siya tumingin sa mga mata ni Sam habang nagsasalita. Si Sam naman ay nakasimangot habang nakatitig kay Francis.
“Diyos ko Francis! Ako nag-enjoy sa lalaking ‘yon? Muntik na nga akong atakihin sa sakit sa puso! Lumapit ka sana para nakita mo kung gaano ako ka-enjoy! Nakatikim pa sa akin nang sampal ang bastos na ‘yon dahil sa sobrang enjoy ako sa kaniya!” Galit na singhal ni Sam kay Francis.
“Sam, wait lang! Bakit ka ba nagagalit? I’m sorry na akala ko kasi crush mo siya, huwag ka nang magalit ng ganiyan ang pangit mo’ng tingnan.” Nakangiting saad ni Francis.
“Ikaw kasi kung anu-ano na lang ang pinagsasabi mo, hindi na nagsasalita si Sam naiinis siya sa mga sinasabi ni Francis, sinumpong na naman siya sa kaniyang saltik.
Pagdating nila sa masion ay nagmamadaling bumaba si Sam sa sasakyan at tumakbo papasok ng bahay. Nakita niyang nanood ng TV. Ang kaniyang tita, lumapit siya at nag-kiss.
“Tita kumusta po kayo dito? Malungkot po ba kayo?” Tanong niya sa kaniyang tita Meriam.
“Sam, okay lang ako nanood lang naman ako ng TV. Saka iniinom ko ang mga gamot ko on time huwag ka nang mag-alala.” Saad ni Miriam habang nakangiti. Nang makita ni Sam na pumasok na si Francis ay nagmamadali siyang tumakbo paakyat ng hagdan.
“Mommy, kumusta po kayo dito?” Yanong ni Francis sa kaniyang ina habang hinalikan niya ito sa pisngi.
“Okay lang ako anak, maligo na kayo para kakain na tayo ng dinner.” Ano na naman ang pinag-awayan ninyong dalawa bakit sinusumpong na naman ‘yon? Tanong ng kaniyang ina.
“Mommy huwag mo na lang intindihin si Sam alam mo naman ang babaeng ‘yon pagdating sa akin halos araw-araw nagagalit. Alam niya kasing hindi ko siya kayang tiisin kaya nagkaganiyan. Saka huwag mo’ng masyadong ini-spoiled si Sam mommy saka gusto ko lang i-remind sa ‘yo na ako po ang anak niyo hindi si Sam.” Wika ni Francis habang nakangiti.
“Francis ikaw kasi lagi mo siyang inaasar trinato mo siyang bata nasa wastong edad na siya, kaya tingnan mo hanggang ngayon hindi pa rin siya nagkaroon ng boyfriend, dahil lagi siyang nakadikit sa ‘yo. Lagi kang nakabantay sa kaniya. Paano kung tumandang dalaga ang best friend mo? Sinong mag-aalaga sa kaniya kapag tumanda siya?” Seryosong tanong ni Meriam.
“Mommy nandito ako para sa kaniya, ayokong magkaroon siya ng boyfriend dahil ayokong masaktan siya, ayokong lulukohin siya alam mo naman na sa lahat nang ayoko ay ang umiiyak si Sam. Paano kung sasaktan siya ng maging boyfriend niya? Baka makapatay ako mommy. Kaya ayokong magkaroon siya ng boyfriend.”
umakyat na si Francis sa kaniyang kuwarto at nagmadali siyang nag-shower. Nagulat siya nang pagpasok niya sa bathroom ay may tumalon na palaka takot na takot siya at tumatakbo siya palabas sa kaniyang kuwarto.
Nagulat ang kaniyang ina kung bakit sumisigaw sa takot si Francis kaya nagmadali itong umakyat sa taas.
“Anak, ano’ng nangyayari sa ‘yo?” Nag-alalang tanong ni Meriam.
“Mommy, may palaka sa loob ng banyo ko!” Sigaw ni Francis habang nanginginig sa takot.
“Teka lang nasaan si Sam? Siya lang naman ang may alagang palaka sa banyo niya, baka nakalabas ang palaka at pumasok sa kuwarto mo.” Seryosong saad Meriam. Nag-isip si Francis at bigla niyang naalala na nagagalit sa kaniya si Sam.
“Mommy pambihira talaga ang ampon mo’ng ‘yan! lahat na lang nang kabaliwan ay ginagawa niya na sa akin eh!” Singhal ni Francis.
Tumawa si Meriam dahil sa itsura ni Francis, nang maliit pa kasi sila ni Sam ay lagi siyang tinatakot nito ng palaka, sa lahat na ayaw ni Francis ay palaka, kaya sa tuwing mag-aaway sila ay hinahagisan siya lagi ni Sam ng palaka.
Tumawa si Meriam at bumalik siya sa baba alam niyang magbogbogan na naman ang dalawa.
“Mommy saan ka pupunta? Hindi mo ba papagalitan ang ampon mo sa ginawa niya sa akin? Tumatakas ka na naman mommy eh! ipagtanggol mo naman ako sa ampon mo’ng maldita!” Sigaw ni Francis, pero tinatawanan lang siya ng kaniyang ina. Alam niya kasi kapag galit si Sam kay Francis ay tanging palaka lang ang kaniyang gagamitin para makaganti siya kay Francis. Kaya sinadiya niyang mag-alaga ng palaka para meron siyang panlaban kay Francis.
“Bilisan mo nang maligo Francis para mag-dinner nakahanda na ang mesa. Sabihin mo kay Sam na bumaba na huwag na kayong magharutan lumamig na ang pagkain.” Saad ni Miriam.
Binuksan ni Francis ang kuwarto ni Sam naabutan niya na tawang-tawa ang dalaga habang naglalaro ng online game.
Nagulat si Sam nang makita niya si Francis na nasa loob ng kaniyang kuwarto at dumiretso ito sa bathroom, Tumayo siya at lumapit siya kay Francis.
“Francis bakit dito ka maligo? Lumabas ka diyan! may banyo ka naman ah!” Sigaw ni Sam.
“Kunin mo ang palaka mo doon sa loob ng banyo ko Sam! Kung ayaw mo’ng ipalaga ko ‘yon kay manang at ipakain ko sa ‘yo!” Maldita ka talaga! Kunin mo ang palaka mo doon! mamaya dito ako matutulog kapag hindi mo ‘yon kukunin!” Singhal ni Francis kay Sam.
“Ano ba ang pinagsasabi mo Francis? Wala akong alam diyan sa sinasabi mo!” Sigaw ni Sam pero nakadapa siya sa kaniyang kama habang tumatawa.
Nang mapansin niyang naliligo na si Francis ay nagmamadali siyang pumunta sa kuwarto ni Francis at kinuha niya ang palaka sa banyo ni Francis. Bitbit niya ang palaka pabalik sa kaniyang kuwarto, binuksan niya ang banyo kung saan naliligo si Francis, at tinapon niya ang palaka sa loob ng banyo. Humiga siya ulit sa kaniyang kama at tawa siya nang tawa. Habang si Francis naman ay walang alam na nasa kaniyan paa na ang palaka nang dumilat siya ay kitang-kita niya ang palaka na nakaharap sa kaniya dahil sa takot niya ay tumakbo siya palabas ng banyo at tumalon siya sa kama ni Sam at nagtalukbong siya ng komot, basang-basa ang buo niyang katawan at wala sa isip niya na wala siyang saplot sa katawan.