CHAPTER 5

1054 Words
"Wait, Francis last question! Anong naramdaman mo nang kasama mo si Coleen, tapos bumalik ka sa bahay dahil nagkasakit ako? Na-postpone ang date ninyo nang dahil sa ‘kin dahil inaalagaan mo ako? Ano ba ang naramdaman mo sa mga oras na ‘yon?” Seryosong tanong ni Sam. "Gusto kong umiyak, ang sikip ng dibdib ko kasama ko si Coleen pero ang isip ko ay nasa sa 'yo, nag-alala ako nang sobra ang lungkot ko, tapos parang may kulang ‘di ko alam, at hindi naman kami mag-enjoy ni Coleen kung ganoon ang sitwasyon mo kaya mas pinili ko na lang na alagaan ka kesa mag-date kami tapos lumilipad ang utak ko. Unfair sa kaniya.” Wika ni Francis. "Tumayo si Sam at lumapit siya kay Francis. Kasi bestfriend mo ako kaya naramdaman mo 'yon? Mahalaga ako sa ‘yo dahil best friend mo ako ‘di ba Francis?” Seryosong tanong ni Sam. "Siguro nga dahil best friend kita, ang kulit mo talaga Sam. Bumalik ka na sa table mo huh? Sinagot ko na ang mga tanong mo 'di ba?” saad ni Francis. "Last question.” Wika ni Sam. Habang nakangiti kay Francis. "Sam hindi pa ba tapos? Tapusin mo na please para magtrabaho ka na diyan!” Singhal niya kay Sam. "Last na nga eh.” Saad ni Sam habang tumatawa. “Sige last na ‘yan! Humanda ka sa akin babagsakan kita ng maraming gawain!” singhal ni Francis. “Mahalaga ba ako sa 'yo Francis? Kaya mo na bang mawala ako sa ‘yo? Kaya mo na bang mabuhay na ‘di ako kasama? Kaya mo na bang mabuhay araw-araw na walang Sam na makulit? At laging nagpapansin sa ‘yo?" Seryosong tanong ni Sam. Natigilan si Francis at tinitigan niya si Sam. “Huwag na huwag mo’ng itanong sa akin ‘yan Sam! Mawala na lahat sa akin huwag lang ikaw!” Wika ni Francis habang nakasimangot. Natutuwa si Sam sa sagot ni Francis pakiramdam niya ay lumutang siya sa langit sa sobrang kilig ang sarap ng pakiramdam niya, na parang nagliparan ang mga paru-paru sa kaniyang dibdib sa sobrang kilig. Nagulat silang pareho nang biglang pumasok si Coleen, nagulat silang dalawa dahil hindi man lang kumatok ang dalaga bago pumasok. Tumaas ang kilay ni Sam, pero nagpigil siya dahil ayaw niyang magalit si Francis sa kaniya. “Coleen, bakit ka nandito? Hindi ka nagsasabi na pupunta ka ngayon." Nagtatakang tanong ni Francis, dahil wala sa kanilang usapan na pumunta si Coleen sa opisina. "Francis nagtanong ka pa? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? may problema ba tayo? Kanina pa kita tinatawagan hindi mo man lang sinagot ang mga tawag ko!" Galit na tanong ni Coleen habang nakasimangot. "Coleen, I'm sorry may tinapos akong mga trabaho wala akong oras. Babawi na lang ako sa 'yo kapag hindi na ako busy." Paliwanag ni Francis. “Bored ako sa office Francis halika samahan mo akong mag-lunch gusto kitang makasama ngayon Francis miss na miss na kita.” Nakangiting turan ni Coleen, Tumayo si Francis para kumuha ng tubig pero hinila siya ni Coleen at hinalikan siya sa labi matagal ang halikan nilang dalawa at si Sam naman ay hindi niya kayang tingnan ang dalawa. Nasasaktan siya at nakaramdam siya ng sobrang selos. Alam niya na sinasadiya ni Coleen na halikan si Francis para pagselosin siya nito. "Hindi motel ang opisina namin, puwede bang lumabas kayo at doon kayo maglaplapan sa labas!" pagkasabi niya ay lumabas siya sa office. Hindi siya makahinga sa ginagawa ng dalawa, Umupo si Sam sa lobby habang hinihintay niya na umalis si Coleen sa kanilang office. Nagulat siya sa lalaking nakaupo sa kaniyang tabi, dahil nakatingin ito sa mga legs niya. "Excuse me sir! May problema ka ba sa legs ko?" Singhal niya sa lalaki. Tinapon ng lalaki ang phillow sa legs ni Sam para takpan at hindi makita ng mga taong dumadaan. Lumaki ang mga mata ni Sam sa inis at kinuha niya ang phillow at tinapon niya pabalik sa lalaking ‘yon. "Miss hindi ko type ang mga legs mo! takpan mo nakakahiya sa mga client na dumaan dito." Saad ng lalaki habang nakakunot ang noo. "Hey! Sino ka ba huh?! Ang kapal ng mukha mo! Hindi kita kilala kaya huwag kang magsalita na feeling mo close tayo, pinakialaman ka ba ng legs ko?" tanong niya sa lalaki habang nakasimangot. Galit na galit siya kay Coleen tapos pagdating niya sa labas mas lalo siyang umuusok sa galit. "Miss wait bakit ka ba nagagalit? Concern lang ako sa 'yo, pasalamat ka nga kahit hindi kita kaano-ano pinapahalagahan kita, Maraming mga maniac ngayon, kaya huwag kang mag-display sa mga hita mo!” Singhal ng lalaki sa kaniya. "Wow! Siguro isa ka sa mga maniac na sinasabi mo!" tumayo si Sam at bumalik siya sa office nila ni Francis, Binagsak niya ang pinto, at nakasimangot pa rin siya umupo siya sa kaniyang table at tinatakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga kamay. "Bakit ano’ng ginagawa ng lalaki sa 'yo? Hinipuan ka ba? Gusto mo puntahan ko at balian ko ng buto? Saka baka client natin 'yon at di niya alam na assistant executive kita ." Seryosong wika ni Francis. “Huwag na kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko sa manyakis na ‘yon!” Singhal ni Sam. Kapag nakita ko siya ulit sampalin ko siya hanggang mamula ang mukha niya! mayabang at antipatiko pa!" Dagdag niyang sabi. Alam ni Francis na galit na galit si Sam dahil namumula ang pisngi nito. "Sam? Guwapo ba siya? At bakit affected ka? hayaan mo na lang tutal hindi naman kayo magkakilala 'di ba?” Seryosong wika ni Francis habang nakangiti. "Guwapo siya kaso sobrang mayabang! ano ba ang mali sa palda ko? Hindi naman sobrang iksi eh, hindi naman nakikita ang panty ko! Pero bakit sinabi niyang takpan ko dahil marami raw manyakis na makakita sa legs ko!” nakasimangot niyang sabi. "Sam, dahil ba sa amin ni Coleen kaya ka nagkaganiyan?” Nag-alalang tanong ni Francis. “Hindi! Wala akong pakialam sa inyong dalawa! Kahit tumambling pa kayo sa sofa! Meron lang akong na-encounter na Mayabang at bastos na lalaki sa lobby! hindi kayo ang dahilan! Wala akong pakialam sa inyo ni Coleen, bahala kayo sa buhay ninyo!" Galit na singhal ni Sam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD