CHAPTER 1
“Sam, bilisan mo naman ma-lelate na naman tayo!" sigaw ni Francis.
"Francis, wait naman, please. Malapit na po."
“Sam, please. Bukas gumising ka nang maaga, huh. Para hindi tayo ma-late sa work, palagi ka na lang ganyan, eh," saad nito na nakanguso.
"Francis, bakit ka ba kasi nagmamadali? Maaga pa naman, eh!" singhal ni Sam kay Francis.
"Haller. Samantha, mag-bebreakfast pa tayo at ma-traffic pa sa kalsada! Bukas gumising ka nang maaga para wala tayong problema!" saad nito.
"Tita, tita. Si Francis inaaway na naman ako," sumbong niya sa mommy ni Francis.
"Ayan ka na naman, diyan ka magaling ang magpasipsip sa mommy ko. Baka nakakalimutan mo na ako ang tunay na anak at ikaw, ampon ka lang namin!" singhal ni Francis kay Sam.
"Tita si Francis, isinumbat na naman niya sa akin na ampon lang daw ako rito."
"Sam, Francis, tama na nga 'yan. Nag-aasaran na naman kayo. Mag-breakfast na nga kayo lalo kayong ma-lelate sa trabaho niyan, eh. Ang aga-aga nag-aasaran na naman kayo!" sigaw ng Mommy ni Francis.
Pumasok si Francis sa kuwarto ni Sam at niyakap niya ito. Habang si Sam naman ay busy sa paglalagay ng make-up sa mukha niya. Hinalikan ni Francis ang buhok ni Sam.
"Sam, bakit ang baho ng buhok mo? Hindi ka ba naliligo?" pang-aasar nito. Galit na galit na naman si Sam dahil inaasar na naman siya ng bestfriend niya. Pikon kasi si Sam kaya gustong-gusto siyang asarin ni Francis.
"Francis! Lumabas ka! Anong pinagsasasabi mong mabaho? Samantalang 30 minutes ako sa shower! Tapos mabaho pa rin ang buhok ko? Napakasama mong bestfriend! Lumabas ka! Labas! Labas!” sigaw ni Sam kay Francis.
“Napipikon ka na naman, Sam. Nagbibiro lang naman ako, eh! asar talo ka palagi sa akin kapag ganyan ka," kalmadong sinabi ni Francis ngunit inirapan lamang siya ni Sam. “Okay, lalabas na po ako. Bilisan mo d'yan at mag-bebreakfast pa tayo. Nagluluto si Manang ng paborito mong tocino," saad nito sabay tumalikod pero nagulat siya nang yakapin siya ni Sam sa likod.
Nakaramdam si Francis ng kakaiba. Biglang uminit ang kanyang buong katawan. He just closed his eyes at hinayaan niya si Sam na nakayakap lang sa likod niya. Walang salitang lumalabas sa bibig ni Sam. First time lang itong ginawa ni Sam kaya nagtataka si Francis.
"Francis, thank you," saad ni Sam. Humarap naman si Francis kay Sam at tinititigan niya ito sa mga mata at muli ay nakaramdam siya ng kakaiba. Parang may dumadaloy na apoy sa buo niyang katawan. Hinaplos niya ang mukha ni Sam at hinawakan niya ang labi nito. Pumikit si Sam at naramdaman niya ang mga haplos ni Francis sa mukha niya. Nagulat siya nang biglang kagatin ni Francis ang kanyang ilong at tumakbo agad ito sa palabas ng kuwarto niya.
"Francis, aray! Ang sakit!” Hawak-hawak pa niya ang kanyang ilong. Humarap siya sa salamin at tiningnan niya ang marka ng ngipin ni Francis sa kanyang ilong. Hinabol niya si Francis at sinipa niya ang puwet nito. Muntik nang mahulog si Francis sa hagdanan. Tumakbo si Francis at nagtago siya sa likod ng mommy niya.
“Sam, Francis, tama na! Ano ba kayong dalawa? Daig niyo pa ang mga bata. Tumigil na kayo!” sigaw ng mommy ni Francis. Pero hinampas-hampas pa rin ni Sam si Francis.
"Aray! Sam, tama na. Ikaw, ha! Masakit 'yon! Kahit magpaganda ka pa d'yan nang magpaganda, walang manliligaw sa 'yo!” pang-aasar ni Francis kay Sam.
"Bakit kailangan ko pa bang magpaganda para ligawan? Ikaw, Francis, sumosobra ka na!” sigaw ni Sam sabay sipa sa puwet ni Francis.
Tumawa si Sam nang malakas dahil napalakas ang pagsipa niya sa puwet ng kanyang bestfriend. Madalas silang nag-aasaran sa isa't-isa. Mag-bestfriend na sila mula pa noong sila ay nasa elementary pa lang. Mag bestfriend din kasi ang kanilang mommy kaya magkalapit na sila sa isa't isa. Noong mga bata pa sila madalas silang magkasama at noong maliit pa si Sam ay iniiwan siya madalas sa bahay nina Francis para may kalaro ito. Pareho silang nag-iisang anak kaya madalas nagkakasundo sila sa lahat ng bagay. Nasa America naman ang parents ni Sam. Doon kasi nag-wowork ang daddy niya, kaya nang nagka-green card ang daddy niya, kinuha silang dalawa ng kanyang mommy para doon na manirahan sa America pero ayaw sumama ni Sam sa mommy at daddy niya, kasi mas gusto niya kasama si Francis. Nagtatrabaho si Sam sa company nina Francis at may share din ang mommy at daddy ni Sam sa company nina Francis. Magkasama sila sa iisang opisina dahil mas gusto kasi ni Francis na nasa tabi lang niya palagi sa Sam. CEO si Francis sa kanilang company at lahat ng desisyon ni Francis ay dumadaan muna kay Sam. Hindi siya makakilos kung wala si Sam sa tabi niya. Si Sam ang tagaayos ng necktie niya, taga-bitbit ng mga gamit niya, at kasama niya kung meron silang business meeting na pupuntahan. Parang magkapatid na ang turing nila sa isa't-isa.
"Hi po, Tita. Good morning po," bati ni Sam.
"Hello, Sam. Good morning.” Humalik si Sam sa pisngi ng tita niya at umupo na siya para kumain. Nilagyan siya ng pagkain ni Francis sa kanyang pinggan.
"Thank you, Francis," pasalamat niya habang kumakagat sa paborito niyang tocino.
"You’re welcome, Sam. Takaw mo naman, dahan-dahan lang," pang aasar nito.
"Sam, tumawag ang mommy mo sa akin kagabi. Bakit daw hindi mo na sila tinatawagan? Na-mimiss ka na nila,” saad ng tita niya.
"Tita, nakakainis si Mommy kausap, eh. Palagi na lang ang topic niya ay kung kailan ako susunod sa kanila sa America. Asikasuhin ko na raw ang mga papers ko dahil gusto na nila ako makasama roon sa America. Mas gusto ko rito sa Pilipinas, Tita, eh," saad ni Sam na nakanguso. "Francis, bakit ka nakatingin sa akin? Oh ano? Gusto mo na akong umalis? Gusto mo doon na ako sa America? Nagsasawa ka na ba sa akin?" tanong ni Sam kay Francis.
"Mas okay na yata na doon ka na sa America. Paano ako magkaka-girlfriend kung nandito ka. Palagi kang nakadikit sa akin, nakakasawa na ang pagmumukha mo, Sam, promise,” pang-aasar ni Francis kay Sam.
"Tita, oh! Ako na naman ang sinisisi ni Francis kung bakit wala siyang girlfriend!" Nakanguso si Sam habang nagsumbong. Tumawa ang Tita Meriam niya at nilagyan siya ng tocino sa pinggan niya.
“Kumain ka na, Sam. Nag aasaran na naman kayo, eh pareho lang naman kayong walang love life” tumatawang saad nito.
"Mommy, paano ako magkaka-girlfriend, eh dikit nang dikit sa akin ang babaeng 'yan. Kahit saan ako magpunta laging nakabuntot. Napagkakamalan tuloy na girlfriend ko siya. Paano makalalapit sa akin ang mga magandang babae kung ganyan siya sa akin?" Tumawa pa ito habang inaasar si Sam.
“Francis, wow naman. Ang suwerte mo yata kung ako ang girlfriend mo ang ganda-ganda ko, eh. Pero sorry, hindi kita type, noh! Huwag na, uy!” natatawang ganti ni Sam kay Francis. Kumunot naman ang noo ni Francis at sumubo siya ng pagkain.
"Sige na, bilisan niyo na at ma-lelate na kayo. Tama na ang asaran. Parang magkapatid na kayo, mahalin ninyo ang isa't isa bilang kapatid. Naiintindihan ba ninyo mga anak?" Natigil sa pagsubo ng pagkain si Francis dahil tinititigan niya si Sam.
"Okay po, Tita. Ang kulit kasi ng anak niyo, eh," saad ni Sam.
"Sam, ako na naman?" reklamo ni Francis.
“Oo naman. Alangan namang ako. Francis let's go," natatawang saad ni Sam. Tumayo naman na silang dalawa at nagpaalam sa tita niya.
"Bye-bye, Tita.” Sabay kiss sa pisngi ng tita niya.
"Mommy, bye-bye. Aalis na po kami. Ang gamot niyo, inumin niyo po sa tamang oras,” saad ni Francis.
“Okay, anak. Sige na, mag-ingat kayo, huh. Dahan-dahan sa pagmamaneho, bye-bye," paalam nito sa kina Sam at Francis.
Inakbayan ni Francis si Sam papuntang kotse at binuksan niya ang door para sa dalaga. Pinaupo niya si Sam at nilagyan niya ng seatbelt. Hinalikan pa niya ito sa noo at pinisil pa ang ilong niya bago isinara ni Francis ang door ng kotse.
Pagdating nila sa opisina ay may babae na nakaupo sa visitors area. Tinititigan ito ni Francis bago siya dumiretso sa kanilang opisina. Napansin siya ni Sam na sobrang lagkit ang titig niya sa babaeng iyon. Hindi rin naman niya masisisi si Francis kasi sobrang ganda ng babae at ang sexy pa ng katawan, matangkad pa at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang heels.
Nasa loob na sila ng opisina nang pumasok si Jane, ang secretary nila.
"Good Morning ma'am. Sir, may bisita kayo. Papasukin ko na ba?” tanong ni Jane sa dalawa.
"Jane, wait lang. Siya ba ang sinasabi mo na bisita, ‘yong nakaupo sa visitors area?” tanong ni Sam.
"Yes, ma'am. May kailangan daw po siya kay Sir Francis," saad nito.
"Ah, okay. Jane, papasukin mo. Thank you.” Tiningnan naman ni Sam si Francis at naka-smile pa ito habang inaayos ang kanyang polo at buhok.
"Hoy, ikaw! Bakit ka nagpapagwapo d'yan? Type mo, noh? Nakita kita kanina. Hindi mo maalis-alis ang paningin mo sa kanya," saad ni Sam habang nakasimangot.
"Sam, bakit nagseselos ka ba?” natatawang tanong ni Franis kay Sam. “Huwag na, uy. Type ko siya kaya tumahimik ka d'yan! Suportahan mo na lang ako, bestfriend mo ako 'di ba?” saad nito kay Sam. Inirapan naman ni Sam si Francis.
Pagpasok ng kanilang bisita ay nag-smile agad si Francis.
"Hello, Ma'am, Sir, good morning. I'm Miss Coleen Fuentes, ipinadala ako ng daddy ko na si Mr. Miguel Fuentes para mag-present sa inyo nang personal, about sa offer namin sa inyong company," saad nito habang nakangiti kay Francis. Hindi inalis ni Sam ang mga mata niya kay Coleen.
"Miguel Fuentes? Yeah, I know him, but nag-uusap na kami about this. Ang akala ko ay nagkaintindihan na kami. Okay na kasi ang company namin at contented na ako. Hindi na namin need ang makipag-business partner sa company ninyo,” pormal na sinabi ni Francis.
"But, Sir, pangako. Hindi ka magsisisi kung susubukan natin. Baka mas lalong sumikat ang business ninyo, kapag mag-partner na ang mga company natin," dagdag nitong sabi.
Napansin ni Sam na sinadya ni Coleen na yumuko para makita ni Francis ang cleavage nito. Alam ni Sam na inaakit ni Coleen si Francis para pumayag ito sa kanyang gusto na magsanib ang kanilang company.
"I'm sorry, Miss Coleen, but nakapagdesisyon na ako," tinitignan ni Coleen si Francis at may dalang pang-aakit ang mga titig nito. Kinindatan pa niya si Francis at binigyan niya ito ng pang-aakit na ngiti. Naiinis na si Sam kaya binasag niya ang paglalandian ng dalawa.
"Ahem!" saad nito. Napansin siya ni Coleen kaya tumayo na rin ito.
"By the way, Mr. CEO, thank you sa inyong oras. This is my calling card kung magbago ang isip niyo, please call me.” Inabot ni Coleen ang calling card niya kay Francis pero hinawakan niya pati ang kamay ni Francis kaya galit na galit si Sam sa nakita niya.
"Excuse me, Miss Coleen, tapos na ang usapan p’wede ka nang lumabas at marami pa po kaming gagawin. Thank you.” Itinuro ni Sam ang pinto palabas. Tinititigan siya ni Coleen mula ulo hanggang paa. Nakita niya ang pangalan sa table ni Sam.
“You’re Samantha del Valle?" tanong nito.
"Yes, Miss Coleen. Why? May problema ka ba sa pangalan ko?" Ngumiti si Francis dahil sa hitsura ni Sam. Alam niya kasi na galit na si Sam.
"Wala. Bagay sa 'yo ang name mo, walang class!” Lumabas na agad si Coleen at naiwan si Sam na nag-aapoy sa galit ang hitsura nito. Tumayo si Francis at lumapit ito kay Sam. Bigla niya itong niyakap at pinisil ang ilong.
"Naasar ka na naman, Sam. Manalamin ka nga tingnan mo ang hitsura mo sa salamin," pang-aasar ni Francis sa kanya.
"Ikaw, Mr. CEO! Malandi ka. Huwag mo nga akong yakapin! Bitawan mo 'ko!” galit na galit ito at itinulak niya si Francis.
"Bakit ka ba nagagalit, Sam? Lalaki ako at babae siya. Normal lang na ma-attract kami sa isa't-isa.” Lumapit si Francis kay Sam at ginulo niya ang buhok ni Sam. Pero sinipa siya ni Sam.
"Nakita mo ba ang mukha mo kanina? Habang kausap mo ang malanding Coleen na 'yon?” tanong ni Sam.
"Bakit, Sam? Anong meron sa mukha ko?” natatawang tanong ni Francis. “Teka lang, nagseselos ka ba?" pang-aasar nito.
"May gana ka pang tumawa. Parang gusto mo siyang lunukin! Pareho kayong malandi! Naku, Francis, huh. Kung siya ang gusto mong maging girlfriend, sasabihin ko sa 'yo hindi kami magkasundo! Sinabihan pa ako na walang class! At least hindi ako malandi katulad niya!" singhal ni Sam.
"Sam, relax.” Natatawa pa ring saad ni Francis habang pilit na pinapakalma si Sam. “Nagseselos ka lang kaya ka nagkaganyan at ikaw alam mo ba kung ano ang hitsura mo kanina habang nag-uusap kami ni Coleen?" tanong nito kay Sam habang nakangiti.
"Bakit ano ba ang itsura ko?" tanong nito habang nakanguso.
"Parang gusto mo siyang bugahan ng apoy. Para kang dragon,” natatawang sagot ni Francis, kaya lalong naasar si Sam sa kanya. Lumapit siya kay Sam at hinawakan niya ang mukha nito. "Sam, kahit magkaroon man ako ng girlfriend hindi kita pababayaan. Hindi pa rin ako magkukulang ng oras sa ‘yo. Walang magbabago. Mag-best friend pa rin tayo. Sam, p’wede na ba kitang yakapin? Para mabawasan ang galit at selos mo kay Coleen?"
"Tumigil ka Francis! Basta ayaw ko siya na maging girlfriend mo!" singhal ni Sam kay Francis. Niyakap siya ni Francis at hinalikan ang kanyang buhok.
"Huwag ka nang magselos, huh? Dapat masaya ka kasi meron nang nagkagusto sa best friend mo, 'di ba?" tumango lang si Sam at nakayakap pa rin siya kay Francis.