Bumalik na sa normal ang friendship nila, nagkukulitan na sila at nag aasaran, iniisip ni Sam kung masaya ang
best friend niya sa piling ni Coleen. Kailangang i-give up niya na lang ang pagmamahal niya para kay Francis, tutal masaya naman sila sa friendship nila, ayaw niya’ng basta-basta itapon na lang ang kanilang napakahabang taon na pinagsamahan, 3-year-old pa lang sila ay magkaibigan na silang dalawa. Madalas iniwan siya ng kaniyang mommy sa bahay nila ni Francis, para may kalaro siya habang nasa trabaho ang kaniyang mommy mas maraming oras pa silang dalawa ni Francis na magkasama kesa sa kaniyang ina busy kasi ang mommy niya sa opisina kasama ng mga magulang ni Francis. Hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila, nakakapanghinayang ang kanilang friendship kung masisira lang dahil sa kaniya. Kung basta na lang mawawala dahil sa pagmamahal niya sa kanyang best friend, lumapit si Sam Kay Francis, at nilalambing niya tulad ng ginawa niya noon.
"Francis, busy ka ba? Meron akong gustong itanong ako sayo. Sana sagutin mo ako ng seryoso kasi seryoso tanong ko sa ‘yo.” Nakangiting wika ni Sam habang nakangiti siya kay Francis.
"Ano 'yon Sam? Hindi ako busy kita mo naman maraming files na nakatambak sa table ko." Saad ni Francis halatang inaasar niya si Sam, alam niya kasing naglalambing at nagpapansin lang si Sam sa kaniya, matagal na silang magkaibigan kaya alam na niya ang mga style ni Sam, mas lalong alam niya na sa kaniya lang ginawa ni Sam ang ganitong bagay.
"Francis, Seryoso nga ako eh, kulit mo!” nakasimangot na saad ni Sam at hinampas niya si Francis sa balikat.
“Okay ano naman 'yan,? Kapag kaya kong sagutin, kung hindi ikaw na ang sumagot para sa akin, o ‘di kaya next question na lang.” Natatawang turan ng kaniyang best friend.
"Francis, masaya ka ba Kay Coleen? Masasabi mo ba na malungkot ka kapag mawala siya sa yo? Gaano mo siya kamahal?" Sunod-sunod na tanong ni Sam, habang nakangiti, pero sa loob ng kaniyang puso ay sobrang lungkot niya. Hinihintay niya ang sagot ni Francis dahil tahimik lang ito at parang walang planong sagutin ang kaniyang tanong.
“Bakit naman ganiyan ang tanong mo Sam? Nagugutom ka ba? Gusto mo magpaorder tayo ng food sa secretary? Kahit ano basta gusto mo.” Nakangiting wika ni Francis habang pinisil niya ang ilong ni Sam. Nakaharap kasi si Sam sa kaniya habang busy siya sa kaniyang computer dahil meron siyang tinapos na trabaho.
“Francis, sige na please sagutin mo na kasi ang tanong ko sa ‘yo hindi naman mahirap ‘yan sagutin eh , oo lang naman at saka hindi ang sagot mo! Ang dami mo pang sinasabi saka hindi ako gutom kakain lang natin kanina! Saka walang anakonda sa tiyan ko akala mo naman lagi akong gutom! Nakakainis ka na!” Nagtatampong saad ni Sam. Tumayo na siya para bumalik sa kaniyang table nang bigla siyang hinila ni Francis at nakaupo siya sa mga hita ng lalaki. Nagulat siya at hindi makapagsalita tinitigan siya ni Francis malagkit na titig na pumasok sa kaniyang laman dahilan sa pag-init ng kaniyang katawan.
“Bakit ka natahimik Sam sige na ulitin mo ang tanong mo sa akin nawala sa isip ko eh.” Ani niya habang nakangiti pinisil pa niya ang ilong ni Sam, ang hindi niya alam na lumutang na si Sam sa ulap dahil sa sobrang kilig.
Tumayo si Sam nang bumalik siya sa kaniyang ulirat. Dahang-dahan siyang naglalakad papunta sa kaniyang table at umupo na parang walang nangyari.
“Hoy Sam! Ulitin mo ang tanong mo!” Singhal ni Francis habang tumatawa alam ni Sam na pinagtripan na naman siya ng kaniyang bestfriend. Hindi na siya nagsasalita at inirapan pa niya si Francis iniikot niya ang dalawang maitim na bilog sa kaniyang mata. At nag-sign siya ng dirty finger kay Francis naiinis na kasi siya sa pang-aasar ng binata. At naiinis siya dahil sa ginawa ni Francis sa kaniya nararamdaman niya na mas lalong minahal niya ang binata dahil sa ginawa nito kanina. Pumasok sa isip niya kung manhid ba si Francis upang hindi maramdaman ang kaniyang pagmamahal sa kaniya. Napansin ni Francis na namumula na ang pisngi ni Sam kapag ganito ay alam na niya na naaasar na ito sa kaniya, kaya bigla siyang nagseryoso at sinagot niya ang tanong ni Sam.
“Sige na sagutin na kita ikaw naman pikon talo ka sa akin lagi! Hindi ka na mabiro.
Oo naman, enjoy ako sa tuwing magkasama kami masaya ako sa kaniya, pero hindi ko alam kung mahal ko siya kasi minsan kapag kasama ko siya parang may kulang, hindi ko alam kung ano basta ang mahalaga masaya kaming dalawa sa tuwing magkatabi kami sa kama.” Wika ni Francis habang nakatitig siya sa mukha ni Sam.
"Ganoon ba? Hindi mo alam kung ano ang kulang? Bakit hindi mo alamin? para hindi ka magsisi pagdating ng panahon?" saad ni Sam, habang pilit na pilit ang kanyang ngiti.
"Ayaw kung alamin Sam, hindi na mahalaga ‘yan. basta masaya ako sa kaniya ‘yon ang mahalaga. saka enjoy akong kasama siya." Ani niya habang nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.
"Nag-enjoy ka dahil magaling siya sa kama? Kung ganoon sa pagalingan gumiling lang pala ang basehan ngayon sa isang relasyon?" Wala sa sariling sinabi ni Sam kay Francis. Nakaramdam kasi siya nang galit at selos kaya ganoon ang lumabas sa kaniyang bibig, nagulat si Francis sa tanong ni Sam, kaya tumigil siya sa kaniyang ginawa at lumapit siya sa dalaga. Pinisil ni Francis ang ilong ni Sam, nagulat si Sam nang biglang kagatin ni Francis ang kaniyang ilong. Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib at nag-iinit na naman ang kaniyang katawan.
“Sam, huwag na huwag mong sabihin ‘yan. Importante pa rin ang love, saka ikaw bawal ka munang magkaroon ng boyfriend, kung meron man maglakas loob na ligawan ka kailangang dumaan muna siya sa aking mga sipa at suntok!” Seryosong wika ni Francis. Nawawala na naman si Sam sa kaniyang ulirat, paano niya ma let go ang pag-ibig niya kay Francis kung ganito ang ginagawa ng binata sa kaniya, parang atakihin na siya sa sakit sa puso parang gusto niya nang sumabog at halikan sa labi si Francis. Napansin na naman ni Francis na nakatulala siya kaya sinigawan siya ni Francis.
“Sam! Ano ba ang iniisip mo? Tigilan mo na ‘yan para kang baliw diyan sa itsura mo!” Saad ni Francis.