Nagulat si Sam nang magkadikit ang katawan nila Francis, lalo nang makita niya'ng walang suot na damit si Francis. “Francis ano’ng ginagawa mo? Lumabas ka sa kuwarto ko! T'saka napansin ni Francis na wala siyang damit kaya hinablot niya ang kumot ng dalaga at tinakip niya sa kaniyang katawan. At nagmadali siyang tumakbo sa labas. “Sam mamaya ka sa akin! Sumosobra ka na!” sigaw ni Francis at nagmamadaling lumabas sa kaniyang kuwarto. Natulala si Sam, hindi niya inaakala na makita niya ang hubad na katawan ni Francis, nag-iinit ang kaniyang katawan at paulit-ulit siyang lumunok ng laway. “Oh my god! Ano’ng ginagawa ko?” Nahihiya siya sa kaniyang sarili dahil nakita niya ang hubad na katawan ni Francis. Pagkalipas ng ilang minuto ay meron kumatok sa pinto niya, nagdalawang isip siya n