Chapter 6_Favor

1420 Words
Kunot-noong tiningnan ko ang pagmumukha ni Wayne. Suot nito ang Metallica black shirt habang naka fitted jeans, halatang sumasabay sa uso na punk style. Actually, nababaduyan ako sa kaniya, buti na lang at gwapo siya. Dahil kung hindi, baka mapagkamalan siyang snatcher dahil sa porma niya. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. “What are you doing here?” without my minds question to him. “Tss. Bakit bawal na ba akong gumala sa lugar na ‘to? May nakasulat ba na bawal? Maka-asta ka, daig mo pa ang Ayala ah.” Ungos pa nito saka sinalag ang tingin ko sa kaniya. Kung ano ang pagkadismaya ko ay gayon din ang sinukli niya sa akin. Aksyon na sana itong lalakad palayo nang lakas-loob ko siyang tinawag. “Sandali,” I bit my lower lip. Against kasi ang loob ko na tawagin ito at humingi ng pabor, pero I have no choice, kailangan kong maging mabait sa kaniya just for tonight. I fake my smile and walked closer to him. “Ah, ano kasi…pwede bang humingi ng pabor?” pakyut ko pa. Nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi niya. The nerve! “Oh, and now you’re asking a favor? Saka mo ako awayin, pabor agad? Iba rin.” Tiningnan niya ako ng nakakaloko. But I just hold myself to it. Bahala na. “Ano?” tipid na tanong niya. “Can you drive me home?” ngiti ko sa kaniya. Nagbuga ito ng hangin saka namaywang. “Ano akala mo sa akin? Uber driver? Bakit wala ka bang pamasahe?” pagmamaliit niya sa akin. “Nevermind.” Tumalikod ako saka naiinis na tinungo ang papasok sa mall, bahala na, I tried myself to be nice, pero ibang klase din ang hudyong ito. “Hey! Wait!” narinig kong habol ni mister presko sa akin, but I insist not to turned my back. Bahala siya. Hindi pa nakalalayo ay naramdaman kong may humawak nang mariin sa palapulsuhan ko, I know it was him! The nerve wrecking guy, Wayne. “Sabi ko, saglit lang!” tawag niya sa akin saka ako pinaharap. “Bakit ba! Hindi ko dapat pinagpipilitan ang pabor kung ayaw mo, I have my ATM, kaya mag-wiwidraw na lang ako!” naiinis na sambit ko sa kaniya. “Alright, hindi ka naman mabiro, tara na, ihahatid na kita, saan ba ang inyo?” “Nevermind.” Nakatulis ang nguso ko rito. Pero imbes na pansinin ang ugali ko ay hindi ko alam kung saan humugot ng lakas ng loob ang bruho kung paano niya ako ibalibag at buhatin na parang sako ng bigas. “s**t! s**t! s**t! Ibaba mo ako, you dumb!” ngawa ko pa na parang close kami, kahit ang totoo ay hindi ko naman talaga ito kilala. “Ang sabi ko, saan banda sa inyo, para maihatid na kita, konsensya ko pa kung ma-r**e ka riyan sa tabi…” sa sinabi nito ay umayos ako. Natakot ako sa sinabi niya, I can’t let that happened! “Alright, ibaba mo na ako, please!” maktol ko sabay hingi ng despensa, actually, nasiyahan ako na marinig na concerned din pala ito sa akin. Nang maibaba niya ako ay inayos ko ang suot ko. Tinitigan niya ako sa mukha kaya nakipagtitigan na rin ako. “Sa Cavite, sa Romero Mansion.” Mahinang usal ko. “Oh, malapit lang naman pala, tara.” Sabi nito sa akin sabay hawak sa palapulsuhan ko, hindi ko alam pero parang tumitiklop ako kapag kasama ko si Wayne, parang may malakas na pwersa ang nasa sa kaniya na hinihigop ang lakas ng loob ko. Nakita ko ang sarili na papunta sa motorcycle lane, nandoon nakahilera ang mga motorsiklong naka-park. I stood stop and asked him. “Bakit tayo dito?” naguguluhan na tanong ko. “Hindi ba’t magpapahatid ka?” Tumango ako sa sinabi niya. “Oh ‘yon naman pala, tara halika na,” sabi nito sabay angkas sa motorskilong kulay itim, raider f.i. 150 iyon, at halatang bago pa. Napanganga ako sa nakita. “D’yan tayo sasakay?” tanong ko. “Oo, bakit? Tara na.” Sabi ni Wayne sabay hagis sa isang kulay itim na helmet, buti na lang at nasalo ko iyon. Okey, I’m not getting it, hindi ko alam na magmomotor kami, as in literal na motorsiklo, daig ko pa yatang sumakay sa hukay sa oras na iyon, isa sa mga kinakatakutan ko ay ang sumakay ng motor. I used to drive a motorcycle before pero nang dahil sa aksidente ay hindi na ako umulit pa. Tanda ang peklat sa dibdib ko ang nangyaring iyon. Nabali kasi ang collar bone ko sa aksidenteng iyon, mabuti na lang at naayos pa ito. “Hey? Sasakay ka ba o kailangan ko pang buhatin ka?” sarkastikong tanong ni Wayne, sa totoo lang may attitude talaga ito, promise! “Okey.” Mahinang sambit ko saka dahan-dahang lumapit sa kaniya. Inayos ko ang sarili bago napagdesisyonan na umangkas sa likuran niya. Halatang naiilang ako sa oras na iyon, hindi kasi ako sanay na maging back ride lalo pa’t isang lalaki ang driver. “Humawak ka sa akin. Baka mahulog ka.” Ngiti nito sa akin, nakikita ko ang repleksyon niya mula sa salamin na nasa side mirrors. I just rolled my eyes that time, totoo naman talagang mahangin ito, pero in a way na natatawa ako sa mga asta niya. “Signal number two,” bulong ko na hindi ko akalain na maririnig niya. “What?” usal niya. “Nothing,” pekeng ngiti ko saka kumapit sa beywang niya. Naiilang ako sa distansyang mayroon kami, lalo pa’t nararamdaman kong medyo waggling ang pagkontrol niya sa motor. “Sigurado ka bang nagmamaneho ka?” tanong ko bilang paninigurado. “Yeah I do.” He started the engine and slowly gas up the way. Nararamdaman kong tila kabado siya sa presensya ko. “Sigurado ka ba talaga? Nagmamaneho ka ba talaga?” “Oo nga sabi.” Pagmamatigas niya. “Kailan pa?” kulit ko. “Ngayon, I just brought this cycle kanina.” Sa sinabi nito ay napahampas ako sa balikat niya. “The what? Hindi ka pa kabisado sa motor na ‘to? s**t! Alright, put me down, ako na ang magmamaneho…” sambit ko sa kaniya bilang paninigurado. “Ha? Ikaw na nga ang hinahatid ko, ikaw pa itong magmamaneho?” umiling siya saka mahinang natawa. “Bakit? Bawal ba? Para masigurado kong walang masama ang mangyayari sa akin, alam mo naman…” hindi ko na dinugtungan iyon. “So you don’t trust me?” huminto ito sa pagmamaneho. Maging ako ay natigilan, hindi ko kasi inakala na makakaramdam ako ng panghihinayang sa sinabi kong iyon. I guess na offend ko siya. “I…want to trust you, kaya please, let me drive.” Sabi ko pa as I insist. I heard him exhaled and slowly give me up the key. “Here.” Sabi nito na tumayo sa gilid. Inayos ko naman ang sarili at pinihit ang manibela, tinatantya ko ang lakas ng makina nito. Maging si Wayne ay tahimik lang na nakatingin sa akin. “Sige na, sumakay ka na.” Sabi ko sa kaniya na agad namang tinalima nito. Umupo siya sa likuran ko at humawak sa beywang ko. At first, parang may kuryenteng nanalaytay sa bahaging iyon, hindi ko man aminin pero parang nag-init ang katawan ko. “Let’s go,” sabi pa ni Wayne sa likod ng taenga ko, hindi ko tuloy maiwasan na maamoy ang mabangong hininga nito. It is a refreshing mint. Nagbalik ako sa gunita at nakitang binabagtas na ang daan pabalik sa amin, tahimik lang ang byahe namin, habang angkas ko si Wayne. Tahimik din ang mokong na nakahawak sa beywang ko. “Malapit na tayo,” sabi ko pa. “Sayang…” “Ha?” nalilitong sambit ko. “Wala, ang sabi ko mabuti…” ulit nito saka mas hinigpitan ang paghawak sa beywang ko. I thought driving is easy, hindi ko akalain na pagpapawisan ako ng malapot sa oras na iyon, kaya nang makarating na kami sa mansion ay halos hindi na ako makatingin ng diretso sa kaniya. “Salamat,” mahinang sabi ko kay Wayne. “Welcome, see you tomorrow,” ngumiti ito sa akin kaya imbes na pumasok sa gate ay nanatili akong nakatayo sa labas habang tinitingnan ang papalayong pigura niya. All I felt that time is confident, confident ako na bukas—paniguradong issue na naman kay Kasmyrr na nakasama ko ang boyfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD