Chapter 1_Fake
Kung ako ang papipiliin, doon ako sa mahal ako, kaya ko naman s’yang mahalin. Kaysa naman ako lang ang nagmamahal pero may mahal naman s’yang iba. 'Yan naman tayo eh, tanga sa pag ibig. Minsan na nga lang ma-inlove pero ayaw pang aminin, as my friend told me last time, para bang nag ri-ringback ang mga sinabi niyang 'yon sa ulo ko.
I am Beatriz Angela Driblim, a freshmen student here in Rampage University, I am taking up Business Administration major in Finance, kung tatanungin n’yo ako kung bakit iyon ang napili ko, well, dahil ako umano ang magpapatakbo sa aming kompanya sa darating na future. And that’s all, thank you!
Nakaupo lang ako that time sa bench ng school cafeteria namin. Sabi pa nga ng dakilang quotes na nabasa ko, ‘Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option’. Well, tama nga naman, sino ba kasing tanga ang kayang magpaka-boba sa isang bagay.
Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang aking wristwatch.
Hinihintay ko ang pagdating ni Steve, late na naman ito sa usapan namin. Ito pa nga mismong nagyaya sa akin na manglilibre ng snacks ngayong araw. Tapos, parang in-indian yata ako. Bumuntung-hininga ulit ako bago pa nag-crossed arms. Naiinip na ako, palagi na lang ganito ang gago.
Tumayo na ako sa pagkabagot at napagdesisyunang umalis na lang pero, saktong tatayo na ako ay dumating ang damuhong nilalang habang hinihingal na halos mapaluhod na nang mapunta sa harapan ko.
"Bes, sorry! ang tagal kasi ni Ma'am Makatwiran mag-break eh! Dami ‘pang instructions," saad nito sa akin, napa-cross arms na lang ako sa narinig. Same as usual.
"Sus! ganiyan ka naman talaga eh! basta ikaw taya ang dami mong palusot!" nakakunot ang noo ko habang sinasabi sa kaniya.
"Oy h'wag ka ng magtampo, tara kain na tayo!" inakbayan n’ya ako papasok sa cafeteria, normal lang 'yon sa aming dalawang magkaibigan. Nga ba?
Magkapatid na nga halos ang turingan namin, minsan nga noong high school pa kami ni Steve ay halos sa kanila na ako natutulog, close friends lang din kasi ang pamilya namin. Driblim and Donowell, parehong letter ‘D’. In short, magkabarkada ang mga magulang naming.
Kaya kampante na kami sa isat-isa. Nag-order na kami ng makakain.
Gaya ng dati, alam na ni Steve ang paboritong kong pagkain, chicken double burger na may curly spicy fries, garlic dip at mango shake.
Halatang hindi matakaw.
Sa kanya naman ay giant beef burger at Miranda softdrinks na canned, 'yon lang at solve na kaming dalawa. Matapos mag-usap habang kumakain ay dumiresto na kami sa library, dala ang kaniya-kaniyang notebook sa mga ire-research sa darating na subject namin.
May isang oras pa kaming bakante. Pareho ang room namin for that subject kaya sakto na rin after naming mag-meet kada-break sa cafeteria ay sabay na rin kaming papasok sa same subject class.
But for now, pupunta muna kami sa library. May gusto kasi kaming i-research.
Nasa library kami at busy sa paghahanap ng mga tamang libro na nakahilera sa shelves, ‘History’ subject iyon. At iyon din ang pinakamahinang subject ni Steve, kaya madalas, to the rescue ako lagi na mismong gumagawa ng mga tungkulin at kadalasan secretary nito in terms of long written analysis reports o essay point of views sa main topic.
"Triz, ano nga 'yong topic natin?" ani niya habang naghahanap ng libro.
"Shh…h'wag kang magulo, hinahanap ko nga rin," usal ko habang nakamasid ang daliri ko sa bawat libro."
“Ito nakita ko na," sabi ko habang hawak ang librong 'The Holy Roman Empire'. Napatingin ito sa gawi ko.
"Galing mo talaga, bes!" puri nito sa akin.
"Oh siya, sige na akin na nga ‘yang notebook mo at nang ma-copy na natin!" nakapandilat na saad ko sa binata.
"Oh eh, paano ka?" ani ni Steve.
"Eh di dating gawi, xerox ko na lang, ang bagal mo kasing sumulat eh," reklamo ko pa sa kaniya. Kahit ayaw kong gawin ‘to, pero no choice na rin, si Steve lang kasi ang inaasahan ko sa Math, doon kasi ako mahina. Well, gaya nga ng survival to the fittest, parasitism ang pangunahing dapat gawin kung gusto mong mag-excel, which is ginagawa ko ngayon. Tahimik akong natuwa sa loob-loob ko. Hindi alam ni Steve na ginagamit ko rin siya sa oras na iyon.
Ngumiti lang ang binata at pinisil ang ilong ko.
"Ang cute mo talaga Triz, para kang tarsier! Ang laki kasi ng mga eyebags mo oh," tawa pa nito sa akin.
"Shhh...shut up!" pagmamaktol ko. Pinandilatan ko pa ito.
Kakainis, sa lahat ba naman ng hayop, tarsier talaga?
Gan'on kami mag-asaran, ang sinong unang mainis, talo, at kadalasan ay ako iyon. But Steve doesn’t reach his limits to my line, alam kasi niya kung ano ang kaya kung gawin.
Little they know, I am a Driblim, and almost of the shares here in the university is from my parents, grandparents and so forth.
Tahimik lang ako sa oras na iyon at kinuha ang aking bag. Kinuha ko ang notepad ko at may sinulat doon, matapos ay pumunta ako sa librarian at nilagay ang gamit ni Steve. Nauna na rin kasi ito na umalis dahil may pupuntahan pa raw sa canteen.
“Do this, please.” Napipilitan akong sabihin ang huling salita sa nakatayong ginang este babae pala. Sinuot ko pa ang aking pekeng ngiti rito.
“Sige, Triz.” Ngumiti pa ito sa akin at nag-ayos ng suot na salamin.
“Oh thank you, you’re so sweet talaga.” Ngiti ko pa sa babaeng nakasalamin. Isa iyon sa mga students sa university na nag-extra sa library. I forgot her name, but most of my mean girls used to call her…gasul.
Yeah. Tama, she is no other than ‘gasul girl’.
Nang mailagay ko na ang mga papel ay sumunod na ako kay Steve sa canteen. Tahimik akong naglakad sa hallway at tiningnan ang mga estudyanteng binibigyan ako ng daan. Taas-noo akong naglakad at sinipat ang mga round tables doon. I don’t know but I was sure na mayroong mali sa oras na iyon, lahat yata ay nakatingin sa akin. Obviously, kilala naman nila ako.
But the heck is happening here? May dumi ba ako sa mukha?
Napalingon ako kay Steve sa oras na iyon saka sumigaw.
“Victory party in our house!” sabi pa nito na ikinabigla ko. Mabilis pa itong tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Shit? Anong nangyayari? Pekeng ngiti ko sa oras na iyon habang iniisip ang komosyon.
“Congrats dude! swerte mo!” narinig kong sabi ng mga trop ani Steve. They are the basketball guys, maybe natanggap si Steve sa try out last time.
I smiled even I’m not totally sure. Bumalik sa akin si Steve at kinuha ang kamay ko.
“She’s my lucky charm!” sigaw pa nito sa lahat na rason upang mas umingay ang paligid. But I freaked out and the moment I raised my hand, ay huminto sila. Akala siguro nila na mag-eeskandalo ulit ako.
“Victory!” pekeng sambit ko sabay taas sa kamay ni Steve. It’s the same old drama.