Chapter 5_Sasha Sossy

1877 Words
Hindi ko akalain na may sense din pala kasama si Deb. Minsan lang ito magsalita, at napapaisip din ako sa mga pinagsasabi niya, I found myself so shallow if I am with her, napakatalino nito kung magsalita, naisip ko tuloy kung may utak ba talaga ako. So, as we roam in the mall, after we ate ice cream, ay napagpasyahan kong pumunta sa may ladies wear section, I need a new jacket for my daily use sa school. Sinamahan ako ni Deb doon, hindi naman siya nagmamadaling umuwi. Actually, masarap siyang kasama kaysa kina Kasmyrr. “Dito yata ang mga jacket area.” Turo ni Deb sa kanan na bahagi ng second floor. Nakasunod lang ako sa kaniya that time while looking at the shirts sa kabilang lane. Mga penshoppe brand iyon, my favorite brand. Nang biglang napuna ng paningin ko ang papalapit na babae na namukhaan ko. Hindi ako nagkakamali, it was Sasha. Sasha Hofer, ang kaibigan niya dati sa high school, pero hindi naman talaga niya close ito dahil sa isang rason. “Is that you?” pukaw ko sa kaniyang paglalakad na parang ramp model yata sa Paris. “Oh, Driblim? Is that you? I thought nandoon ka pa rin sa island ng Palau, what the world you’re here?” ngiti nito sa akin sabay talima sa aking hitsura, na parang sinusukat ang kalidad ng suot kong damit. “Yeah, as you see, I’m here…nandito ako para bumili.” Casual na sambit ko saka nilingon si Deb na parang nawalan yata ng dila habang nakanganga kay Sasha. “So, by the way, I guess nakapag-shopping ka na,” turo ko sa mga shopping bags na nasa kamay niya. “Yeah, you know I’m on my therapy.” “Therapy? Bakit nagda-drugs ka ba?” panunupla ko sa kaartehan niya, ganoon pa rin siya hanggang ngayon, walang pinagbago. “No, you know that shopping is my cardio, I need a lot of it, you know what I mean, right?” ngiti nito saka kinukumpas sa ere ang kamay na sanay na yata sa lahat ng uri ng pakikipagsosyalan. “Oh I see, so, pauwi ka na ba?” tanong ko saka nilinga ang likuran niya. Himala yata at walang asungot na bodyguard siya na kasama ngayon. “Hmm, wala ka yatang bodyguard?” tanong ko pa. “Nevermind, pumuslit ako, I don’t need any of it, alam mo naman…I don’t want anyone to control me,” pekeng ngiti nito saka tiningnan ang kasama ko. “Sino siya, P.A. mo?” turo niya sa babaeng manang este kasama ko. “No, schoolmate din natin siya, if you saw here in library, nandoon siya, but I guess hindi ka nagagawi roon, right?” panunupla ko sabay ngisi. “Uh, hindi nga eh, may google naman ang laptop ko, or my phone, madali lang namang mag-research dito.” She holds her latest iphone. Tama nga naman ang sinabi niya, madalang na ang mga estudyanteng pumupunta sa library dahil pwede mo naman kasing gamitin ang mga gadgets para sa pagre-research. “So, anong pangalan mo?” tanong ni Sasha kay Deb. Nahihiyang pinunasan ni Deb ang kaniyang kamay saka nag-abot ng shake hands. “I’m Deborah Green, Debbie for short.” Ngiti nito. But instead na kunin iyon ni Sasha ay nag-wave lang ito ng kamay. “Hi! Nice meeting you, Deb.” Kaya binawi na lang ni Debbie ang kamay niya saka napangiti na lang. “So, saan ba kayo pupunta?” “Diyan lang, bibili ako ng jacket.” Tipid na sambit ko sabay hatak kay Debbie. “Tara na, Deb. Excuse us.” Handa na sana akong lampasan si Sasha pero nagsalita ulit ito. “Uh, wait, Angela…can I go with you?” habol niya sa amin. Nilingon ko siya saka tinitigan, hindi naman disaster kasama si Sasha, pero dapat talagang mag-ipon ako ng pasensya sa t’wing nasa malapit siya, panay kasi ito arte, reklamo at puna sa mga bagay-bagay, which is ayaw na ayaw ko. Ayoko kasi ng madada, ang daming coda. “Yes, you can join us. But, please don’t call me in that name again, just Triz, okey?” pagtatama ko pa sa tinawag niya sa akin. Sa high school days ko kasi ay kilala ako sa ikalawang pangalan ko na Angela, and it sounds suck for my ears right now, nakakadiri pakinggan ang pangalan ko na iyon. “Alright,” walang effort na sambit niya saka nilingon si Debbie. “Ugh, could you please hold this one?” ngiti nito kay Deb na agad namang tinalima ng mabait na dalaga. “And this one also, pati na rin ‘to ha.” Ngiti niya sa kasama namin. Tuloy, si Debbie na ang humawak sa lahat ng paperbags na dala niya. Napailing na lang ako sa ginawa niya, kawawa naman si Debbie at halos masubsob na sa pagbitbit ng dala niya. “Pwede mo naman sigurong ilagay iyan sa baggage counter ah?” tanong ko sabay turo sa mga bags. “Oh no, it is Gucci bag and shirts, ayokong mawala iyan, mahirap na, nasa Philippines tayo, Driblim.” She pinned her last word. As I thought, hindi pa rin ito nagbabago. “Okey ka lang ba, Deb?” tanong ko sa kasama ko. “Ah eh, o-okey naman…” sabi nito saka inayos ang suot na eyeglass. Kaya nang makita ko ang section ng mga jackets ay agad akong kumuha at nagsukat. Madali lang naman akong mamili, at madalas hindi ko na kinukumpara ang mga iyon sa ibang brands. “Oh fan ka pala ng Levis, Triz?” ngisi ni Sasha sa akin,” halatang may pinupunto ito. “Why not, naka-on-sale naman sila oh, fifty percent discount.” Paninindigan ko pa. I checked the price of it, and it was around nine thousand pesos, so, naka-less ako ng kalahati niyon, mabibili ko na lang iyon sa four thousand pesos mahigit, it’s my choice, not for her of for everyone, sinusunod ko madalas ang gusto ko. At gaya ng madalas na nangyayari, I am happy doing my decisions, lalo na kapag alam kung tama naman ang napili ko. Aanhin ko naman kasi ang pagiging mahal kung may mura naman. “Iyan na ba ang bibilihin mo? Baka out of budget ka, I can lend you some.” Paghihikayat ni Sasha sa akin. “No, tama na ‘to, gusto ko ‘to.” Sabi ko sa kaniya. May allowance naman ako sa atm ko, but I’d rather spent it wisely rather than using it to some nonsense things. “Wow, ang mahal pala nito!” bulalas ni Debbie habang hawak ang price ng aking jacket. “Bakit? May mura pa ba kaysa dito?” naku-curious na tanong ko. “Oo, mayroon naman, may tag-six hundred lang doon oh.” Turo niya sa bandang iyon. Na-curious tuloy ako sa sinabi ni Debbie, parang sanay yata ito sa mga markdown prices sa mall, o sadyang matipid lang talaga ito kaysa sa akin. Nang makapunta kami sa stall na may mga pricelist sa shelves ay namangha ako sa nakita. Magagandang klase kasi iyon, at kapareha lang ng Levis, pero mas mababa ang price nito kaysa sa napili ko kanina. Totoo nga, nasa six to seven hundred lang ito. “Bibili ako! Dadamihan ko na rin!” masayang sambit ko saka namili ng mga desinyo. Marami ang mabibili ko sa price na ito, pwede nang isang lingo na jackets para maiba naman ang mga suot ko. Nakita kong nakangiwi si Sasha sa isang banda, habang nakatingin sa akin. “Oh bakit?” puna ko sa mukha niya. “Wala naman, I guess hindi ako nababagay sa brand na iyan, it’s cheap.” Sabi niya saka umiling. She may sound rude that time, pero nasanay na ako kay Sasha, ganoon talaga siya magsalita, pasalamat din siya dahil hindi naman closeminded si Debbie at hinayaan lang ang kaartehan niya. Nagpapaypay pa ito ng sariling mukha na parang naiinitan pa yata sa lamig ng aircon. “Okey ka lang ba?” sabi ko sa kaniya. “Yeah, okey lang.” Punas niya sa sariling noo gamit ang likod ng kamay niya. Hindi nagtagal ay napansin naming may paparating na bodyguard sa amin. I know that it was Sasha’s men, nakasuot ito ng mga corporate suit na parang men in black. “Ma’am Sasha, we must go now, it’s time.” Tipid na sambit ng may kalakihang lalaki, nakatingin kay Sasha. “Tch, fine!” irap nito sa lalaki saka umayos ng ngiti nang tumingin sa amin. “I gotta go guys, bye.” “Sige, ingat!” ngiti ni Debbie kay Sasha. “Bye, Driblim.” Ngiti ni Sasha sa akin, tumango lang ako pabalik saka tipid na kumaway. Nang mawala na sa paningin naming si Sasha ay agad akong pumunta sa counter para makapagbayad. Bumili ako ng limang jacket at tanging three thousand pesos lang ang nabayaran ko, with discount pa pala kasi ‘pag lima ang bibilhin mo. Ayos na rin, maganda naman ang quality saka maganda rin ang design. “Oh ‘di ba, sabi ko sa’yo, magaganda no?” ngisi ni Debbie sa akin. “Kaya nga eh, Salamat ha.” “Naku, walang anuman.” “Uh, nga apala, may pupuntahan ka pa ba?” tanong ko sa kaniya. Umiling ito saka ngumiti. “Uuwi na ako.” “G-ganoon ba, may masasakyan ka ba?” Umiling ito. “Sasakay lang ako doon sa sakayan ng jeep.” Ngiti nito. “Gusto mo ihatid na kita, may sundo ako,” sambit ko saka kinapa ang phone para tawagan ang bruha kong pinsan. “Naku, huwag na…nakakaabala na ako, malayo ang bahay namin, baka ma-traffic ka pa.” Gusto ko sanang mag-insist, pero baka malagyan na naman ng hangin ang utak ni S at sumpungin iyon, kaya hindi na lang din. “Sige, aalis na rin kasi ako. Baka gabi na sa labas.” Sabi ko kay Debbie. “Sige, maraming Salamat, Triz ha. Kitakits sa school bukas!” kaway nito sa akin. Kumaway rin ako sa kaniya at tumalikod na rin. Nang makalabas sa mall ay madalim na ang kalangitan, tama nga ang tantya ko, it’s now seven o’clock in the evening. Agad kong kinuha ang phone nang makalabas ako sa may parking lot, nag-dial ako sa number ni S pero out of coverage ito. “Tch, ay naku! Saan na naman ba ‘to nagsusuot!” litanya ko pa. Tumawag ko sa mansion pero walang sumasagot sa landline. Hindi rin matawagan si mang Allan. “Ay, ano ba naman ‘to”, sengkwenta pesos lang ang pera ko sa wallet ko, hindi kasi ako nagwi-widraw. Naisip ko tuloy bumalik sa loob para mag-widraw sa atm ko, pero may nabangga akong lalaki nang hindi sinasadya. “Aw,” nahulog ko ang phone ko, at ang supot ng nabili kong jackets. Agad kong dinampot iyon pero, nahawakan ko rin ang kamay ng kung sinumang lalaki na gaya ko’y nakadungo sa sahig. “Sorry.” Tipid na sambit nito saka nag-angat ng mukha. Nabigla ako sa nakita ng makilala ang lalaking iyon. It was Wayne. Ang boyfriend ni Kasmyrr. “Ikaw?!” halos sabay na sambit naming na halatang disgusto ang pagkikita namin that time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD