Alas syete y medya na nang oras na iyon, I am busy clipping my hair while looking my reflection sa salamin. Hindi na ako nag-agahan, hindi ko rin kasi ugali na kumain ng maaga. “You will be late,” sambit ni Stellar sa akin na nakasuot na ng kaniyang uniform. Pareho kaming nag-aaral sa Rampage University, I am a freshman student of Business course, si Stellar naman ay architecture ang kinuha, hindi ko nga alam bakit iyon ang kinuha niya. Hindi ko naman siya kinakitaan ng hilig sa art or sa mga engineering chuchuness. Inirapan ko lang siya, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa akin last time. Nang dahil sa hindi pagsundo niya ay wala akong nagawa kaya tuloy may utang na loob ako sa lalaking iyon. Bumuntung-hininga ako saka ko kinuha ang Jansport bag. Wala akong pake kong pagkamala