Matapos ang nangyari the last time, hindi na ako nakipag-usap kay Kasmyrr. Hindi ko naman talaga ugali na nakikipag-settle for any kind of discussion, para saan pa?
Alam kong may hinanakit siya sa akin dahil sa dare games namin ng kaniyang boyfriend na si Wayne. Hindi ko naman akalain na ganoon pala ka-out going ito. Actually, nakakairita nga eh.
“Hoy! ‘bat ang tahimik mo riyan? Para kang nakalunok ng ‘sang buong itlog ah?” singit ni S sa akin, pinsan ko ito, anak ito nina tito Polaris at tita Tala, gaya ko, medyo sossy din ito, at mas ma-attitude pa kaysa sa akin.
I roll my eyes and fake my smile. “Nothing, ‘cous, may iniisip lang ako,” ngiti ko pa habang hawak ang magazine. Nasa sala kami that time, nakauwi ako sa mansion ng grandparents ko. Doon ako namamalagi for this semester, I mean, no choice naman talaga ako kasi hindi naman ako papayagan nina daddy Flinn na kumuha ng condo. I am seventeen years old, barely at my legal age pero hindi pa rin ako pinapayagan to go on my own.
I sighed and read again to what thing in my hand, as if na nagbabasa pero ang katunayan naman, ay wala naman talaga ang utak ko sa bagay na iyon.
“I don’t think so, para kang sira.” S glare at me, as if may dumi ako sa mukha.
“Huh?” pakiwari ko.
“Tingnan mo nga ‘yang binabasa mo? Kailan ka pa nagka-interest sa pregnancy magazine, bakit buntis ka ba?” ngisi nito.
“Sira ka!” tinapon ko ang magazine rito saka pabalang na pinahabol ang throw pillow na nasa kalapit na couch. Hindi ko kasi napansin na pangbuntis pala ‘yong binabasa ko, all I know was my mind is floating in the gravity because of that stupid guy.
“Sira ka talaga S!” habol ko pa rito na agad na tumakbo sa kung saan, namayani sa mansion ang malakas na tawa niya, ganoon naman talaga kaming dalawa, since kami lang naman ang mga teenagers na nandoon. My other cousins are in Cebu, sina ate Mikee at ate Miggue. Habang ang anak naman nina tita Sunshine ay hindi ko halos Makita dahil nasa Paris sila. Ang anak naman nina tita Sampaguita at tito Horizon ay hindi rin madalas sa Manila, nasa Romblon kasi sila.
Nang mawala sa paningin ko si S ay nagkibit-balikat ako habang tinitipa ang aking cellphone. Tinatawagan ko si Sahara, ngunit hindi ito sumasagot, ganoon din si Melissa. So, no choice ako na tawagan si Steve. Siya naman talaga ang last option ko sa lahat.
Nang mag-ring iyon ay wala pang segundo ay agad na niyang sinagot ito.
“Yes bes?” barinotong boses niya saka naghintay sa aking responde.
I cleared my voice. ‘‘I’m bored.” Sabi ko pa saka humilata sa trash bin bag na nasa sahig.
“Uh, okey, pero, may ginagawa kasi ako ngayon, bes. May lunch appointment kami nina mommy at daddy sa pinsan ko, baka mamaya…pwede ako.” Sabi nito kaya nang marinig ko iyon ay mas nalukot pa tuloy ang kunot ng noo ko.
“Okey, nevermind na lang, I guess I can be on my own na lang for today,” ngumuso pa ako. Hindi ko talaga gusto ang weekends, kasi ang boring ng mansion, nakakabinge ang katahimikan dito.
“Sige.” Pagtatapos pa ni Steve sa desisyon nito saka pinutol ko na ang linya, anyway, pwede naman akong maglakwatsa sa mall, with my driver pero ang boring din naman kasi kapag walang kasama.
I sighed again and roam my eyes in that wide mansion, ewan ko lang kung nasaan na si S, but, maybe it’s fine if yayain ko siyang sumabay sa akin, para bonding na rin.
Nagmartsa ako papunta sa ikalawang palapag at tinungo ang kwarto niya.
I stepped in her door without knocking.
“Girl, tara labas tayo.” Bungad ko roon, but she just pointed her lips to mine, halatang disgusto ang presensya ko that time.
“Oh bakit?” nakita ko ang nasa likurang kamay nito. Halatang may tinatakpan.
“Ano ‘yan?” naiintrigang tanong ko.
“Nothing!” she pinned her eyes as a warning.
“Give me that.” Asta ko saka inaagaw ang anumang bagay na iyon.
“No!” sigaw pa nito saka inaabot pabalik ang bagay na dinakmal ko.
To my good intent, ay nabigla ako sa nakita. It was a color purple unicorn toy, oh let me clarify, a vibrator toy!
“Hala ano ‘to?’ pagkakaila ko pa saka sinuri ang bagay, may wire ito at hugis unicorn, kapag ino-on ko ang switch ay umiikot ang sungay niyon. “Oh my goodness! Are you trying to make out in your room? Sa’yo ba ‘to?” tanong ko pa.
“It’s none of your business, Triz! Akin na!” agaw pa nito sa bagay na iyon.
“Okey, so you’re doing something nga!” ngisi ko pa sa kaniya.
“And what? Anong paki mo! I’m older than you, let me clarify!” she hissed.
“Hmm, yeah you’re days older than me, pero pareho lang tayo ano, you’re just seventeen, bruha ka!” irap ko pa sa pinsan ko. Hindi ko alam na may mga fantasies din pala ang baliw na ito, and maybe nadistorbo ko siya this time. Time check, it’s three o’clock in the afternoon, oh my god, sinabay pa talaga sa three o’clock prayer! Animal! Patawarin s’ya ng dyos!
“Bakit ka ba kasi nandito?” sita niya sa akin.
“Gusto ko sanang yayain ka na pumunta sa mall, tara. Libre ko.” Ngisi ko pa.
Nakita ko pa ang pagbuntung-hininga niya saka umirap sa akin.
“Alright, libre mo ‘ko ha! Teka lang, magbibihis lang ako.” Mahinahong sambit niya saka tumayo. Naka-panty lang ito saka ang sando na nasa pang-itaas niya. Susmaryusep! Nailing na lang ako sa nakita.
“Doon na lang ako sa baba maghihintay.”
“Fine,” dinig ko kay S na nasa banyo na.
Bumalik ako sa ibaba saka kinuha ang mga gamit ko, nag-ayos lang din ako nang kaunti, hindi naman talaga ako, garbosa, o kikay na gaya ni S, okey na sa akin ang black Tshirt, jeans, black sling bag at ang shades ko na mostly, nilalagay ko lang sa ulo ko as my headband.
Nagsuot din ako ng relo, at tiningnan ang oras, it’s almost four o’clock na nang bumaba ang bruha. As usual, time consuming talaga ang pinsan ko na ito.
“Tara na,” madaling sambit nito as if ako ang matagal sa amin. Nauna pa nga itong pumunta sa garahe.
“Hey? I will drive okey?” ani ko rito.
“Excuse me, I will drive.” Pinal na sambit nito sa akin.
“Give me a full tank gasoline then, plus a driver’s fee. You know, additional charges may apply.” Napanganga ako sa sinabi ng bruha, sinagad yata ang panlilibre ko sa kaniya. Ngumisi lang ito sa akin.
“Excuse me, don’t forget…I know something…” ngisi ko pa sa kaniya.
Ngumuso ito at umirap. “Okey, fifty percent discount, take it.” Irap pa nito. Napailing na lang talaga ako kay S, nasa dugo na talaga naming ang pagiging negosyante, ang galling-galing kasi sa business deals eh.
“Deal,” sabi ko saka naupo sa passenger’s seat. Nagsuot kami ng safety belt saka pinanadar ang makina. Hindi naman malayo ang mall sa mansion, almost two kilometers lang naman iyon, so, hindi naman mahigpit sila manang sa amin. Sila kasi ang mga walking CCTV namin sa mansion kapag wala sila tito at tita.
Nagpatuloy kami sa daan at hindi nagtagal ay nandoon na kami sa parking space ng mall.
“Get out.” Litanya ni S sa akin.
“Bakit? Hindi ka ba sasama sa akin, Stellar?”
Umiling ito. “Just call me if tapos ka na, I’ll pick you up then.” Ngisi nito.
Tinaboy niya ako para makababa. “Pero, teka! Full tank ‘yang kotse mo, and I offer you to join me, tch!”
“Sorry ‘cous, may lakad din ako, pero saglit lang naman…” nasa labas na ako ng kotse saka siya humarurot papalayo.
“Stellar! Damn it!” tawag ko pa sa bruhang pinsan ko, nahuthutan ka ako’t lahat ay naisahan pa rin ako.
Napapadyak ako sa sobrang inis.
Hindi pa rin ito nagbabago. Ganoon pa rin ito ka-mautak.
“Naisahan ako ‘don ah!” bulalas ko pa saka no choice na naglakad papasok sa mall.
Nang makapasok ako sa mall ay kumuha agad sa paningin ko ang pamilyar na mukha ng isang babae. Parang schoolmate ko ito sa university.
Nilapitan ko ito saka tinanong. “Excuse me, hello, ‘di ba ikaw ‘yong nasa library?” ngiti ko.
“Triz, ikaw pala ‘yan,” sabi niya sa akin saka nilingon kung mayroon ba akong kasama.
“Mag-isa ka lang?” tanong pa niya sa akin saka inayos ang makapal na eyeglass na suot niya.
“Yeah, me myself and I, solo flight ako ngayon.” Ngisi ko pa.
“Ikaw ba? Mag-isa ka rin?” tanong ko sa kaniya.
“Oo, ako lang, galing ako sa National Bookstore, may binili akong libro,” nahihiyang sabi nito saka itinaas ang supot na pinaglalagyan niyon.
“Wow, you never get tired of books ha, hanggang dito, libro pa rin ang inaasikaso mo,” I tried to laugh as a joke, but I guess I make her conscious and embarrassed. I didn’t mean it, sadyang walang preno lang talaga ang bibig ko.
“Ah eh, I mean, you’re awesome, buti ka pa, mahilig sa libro. Napakatalino mo siguro…” pagka-catch up ko pa na hindi siya mailang sa akin.
“Ah eh, hindi naman…hindi naman ako matalino,” nahihiyang sambit nito saka yumuyuko dahil sa hiya.
“Ah by the way, I just wanna asked your real name, kilala kita sa mukha, pero hindi ko pa nakikilala ang totoong pangalan mo.” Sabi ko sabay ngiti.
Alam kong nahihiya ito sa akin.
“Ah eh, ano…ako pala si Debbie, Deborah Green ang totoong pangalan ko.” Sabi niya saka nahihiyang ngumiti. She’s a kind of shy, pero may hitsura siya kahit na medyo may pagka-chubby cheeks ang mukha niya.
“Nice name, Deb. Kilala mo naman siguro ako, ano?” ngiti ko.
“Oo, kilala ka naman ng lahat, Triz. Sino pa kayang hindi nakakakilala sa’yo,” papuri nito sa akin, kaya nagugustuhan ko siya, she’s a bit honest, and I guess mas magandang magkaroon ng kaibigan na gaya niya kaysa kina Kasmyrr.
“Nice meeting you, Deb, hmm, so how about ice cream? Tara treat kita,” yaya ko pa sa kaniya.
Nakita ko kung paano umaliwalas ang mukha nito.
“Talaga? Seryoso?”
“Oo, tara.” Hila ko pa sa braso niya. Magaan ang loob kop sa kaniya kahit medyo dyahe siya kasama, napaka-old fashioned kasi ang pananamit niya, pero choks na rin, at least may makakasama ako ngayon sa mall, rather than being alone.