Nang mapagpasyahan kong puntahan ang bleachers sa may corridor ay nakita ko doon si Erin, isa siya sa mga kakilala ko noon sa high school, pero hindi ko naman talaga siya close. Mas close sila ng pinsan kong si Stellar. “Hello, Triz, kamusta ang morning mo? Can I make you tanong about sa isang thing?” napangiwi ako habang hawak ang sarili kong ulo. Parang magiging malala yata ang sakit ng ulo ko sa umagang iyon. But I didn’t make a face, nakinig lang ako sa sadya niya. “Uhm, kasi, I want to make paturo about my assignment kay Steve pero I don’t alam his number kasi, can I make hingi to you?” ngiti nito. Hindi ko man maintindihan ang pananalita niya ay alam ko naman ang gusto nitong ipahiwatig. “Alright, just a minute.” Sabi ko saka kinapa ang aking cellphone sa aking bulsa. Agad kong