“Here,” sabi ni Steve sa akin habang hawak ang bottled water, nasa basketball court kami habang hawak ang mga laptop namin, bakante ang oras namin sa oras na iyon, tinatapos kasi namin ang assignment sa isang subject. “Salamat,” tipid na sabi ko habang nakaupo sa itaas ng bleachers. Kanina pa lumilipad ang isip ko habang tinitipa ang keyboard, kanina pa rin nagsasalita si Steve kahit hindi naman ako nakikinig. “Sige na bes, ako ang bahala sa’yo,” iyon ang narinig ko sakaniya. He immediately close my laptop as if gustong kunin ang presensya ko. “Hmm?” I checked his face. Nakita kong nakakibit-balikat ito. “Kanina pa ako nagsasalita, nakikinig ka ba?” “Oo, hindi ba sinasabi mong sabay na tayo sa club volunteer?” bumuntong-hininga ako. “So, ano na? kailan tayo pupunta sa SBO office?