Ang Mangingisda

1017 Words
Isang linggo bago ang pagdating nina Kring-Kring sa nayon ng Sigarilyo ay isang mangingisda ang napadpad sa Isla KAWA. Masayang-masayang umalis ng bahay ang isang mangingisda upang maglibot sa buong karagatan sa paligid ng Sigarilyo. Ito kasi ang araw na pakiramdam niya ay marami siyang makukuhang mga isda na ibebenta niy para may pambili ng pagkain ng kaniyang pamilya. Kaya walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama niya nang mga sandaling iyon. Sakay ng kaniyang bangkang de-motor ay agad na pumalaot ang mangingisda. Maaliwalas pa rin ang mukha nito. Masisilayan ang mga ngiti sa kaniyang labi. Sa kaniyang paglilibot sa karagatan ay manghang-mangha pa rin siya sa ganda ng Isla Higantes na kalapit lamang ng isla kung saan siya nakatira, ang isla Sigarilyo. Kahit ilang beses niya na itong napagmasdan sa tuwing papalaot siya ay hindi pa rin siya nagsasawa. Busog na busog pa rin ang kaniyang mga mata sa kagandahang nakikita. Nang matagal-tagal na siyang naglilibot ay hindi niya namalayang unti-unti na pala siyang lumalayo sa isla Sigarilyo at nasa paligid na siya ng Isla Higantes. Pinatay niya ang makina ng bangkang de-motor at nang inihagis na niya ang lambat upang magsimula nang manghuli ng isda ay natigilan siya. Hindi dahil sa hihilahin na niya ang lambat upang tingnan kung may mahuhuli na siya, kung hindi dahil sa isang makapal at puting usok na napansin niya ilang langoy lamang ang layo mula sa kaniyang bangka. Napansin niya ring unti-unting napapawi ang animo ay puting ulap sa kaniyang harapan at isang napakagandang tanawin ang kaniyang nasilayan. Ito ay isang islang ngayon lang nakita ng kaniyang mga mata. Isang islang hindi niya lubos akalaing matutuklasan niya. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lamang siyang natigil, natulala at nagsagwan nang nagsagwan patungo sa direksyon kung nasaan ang islang iyon. Nang marating ang pangpang ay halos umurong na ang kaniyang dila. Tigalgal siya at walang kahit na anong mga salita ang lumalabas ss kaniyang bibig pero ang mga paa niya ay patuloy sa paglalakad na tila ba ay nagkaroon ng sariling pag-iisip, hanggang sa narating nga niya ang gitna ng islang iyon. Isang kagubatan na marahil ay matagal nang kinalimutan ng mga tao pero sadyang nakakaakit pa ring tingnan. Ako lang marahil ang nakatuklas sa islang ito. Tiyak, kapag ako lang ang makaaalam ay baka may mahanap akong baul ng kayamanan dito. Mas malaki pa sa mabebenta kong mga isda ang biyayang matatanggap ko kapag mayroon ngang nakatagong kayamanan sa islang ito. Matutuwa ang aking pamilya sa ibabalita ko. Ipagpapatuloy ko muna ang paglalakad. Nagpatuloy nga sa paglalakad ang mangingisda at sa nang marating ang gitna ng kagubatang iyon ay lalo pa siyang namangha sa nakikita niya ngayon sa kaniyang harapan. Kumurap-kurap pa ang mangingisda nang makita ang iba't ibang hugis ng kawali sa kaniyang harapan hanggang sa napagmasdan nga niya ang malaking kawa. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakakakita ng ganoon kalaking kawa. Napangiti siya. Inilibot niya pa ang paningin sa kabuuan niyon at sa kaniyang patuloy na paglalakad ay nakita niya ang isang malaki at mala-palasyong bahay na napapaligiran ng nanari-saring hugis at laki ng mga kawa. Muli ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Tumigil siya sa isang kawa na kasing tangkad niya lang at tiningnan ang loob nito. Mayroon itong tubig. Sinawsaw niya ang kaniyang kanang kamay doon at bahagyang napangiwi nang maramdamang medyo mainit ito. Mukhang hot spring o bukal ang kawang ito a. Masubukan ngang ilublob ang katawan ko. Wow na wow talaga! Puwede naman ako sigurong magpapresko muna dito kahit saglit lang. Baka maibsan ang lamig sa katawan ko ng init ng tubig sa loob ng kawang ito. Napangisi siya sa sinasabi ng kaniyang isipan at ginawa nga niya ang kaniyang pakay. Pansamantala nga lang naman. Agad siyang umakyat at dahan-dahang inilublob ang sarili sa loob ng kawa. Hindi na niya tinangka pang hubarin ang kasuotan dahil hindi siya komportableng maghubad, may tao man o wala sa kaniyang harapan. Lumangoy-langoy pa ito na parang swimming pool lang ang nilalanguyan. Ang sarap naman sa pakiramdam. Tama ang naiisip kong nakakapresko nga sa katawan ang kaunting init na nagmumula sa kawang ito. Para na nga akong naliligo sa isang bukal. Susulitin ko ang pagkakataong ito. Minsan lang kung ito ay dumating sa akin. Saka ko na muna iisipin ang kayamanang mayroon sa islang ito at ang mansyon, ang laki. Mukhang mayaman nga ang dating may-ari ng bahay na ito. Mamaya ay papasukin ko iyan at maghahanap ako ng kayamanan. Ngiting-ngiti siya sa naiisip. Ang kaninang tuwa at sayang nadarama niya ay nadagdagan pa. At iyon nga ang kaniyang ginawa. Tuluyan na niyang inilublob ang katawan. Lumangoy-langoy ito hanggang sa mapagod. Pansamantala siyang sumandal sa kawa. Ilang sandali pa ay nakaidlip siya. Ang hindi niya alam ay may isang nilalang na nakangiti pala at sarap na sarap na tinitigan ang mangingisda sa sayang nararamdaman nito. At isang mala-demonyong ngiti ang kaniyang pinakawalan at isinagawa ang naiisip na plano. Sa isang iglap ay sinilaban niya ang ilalim ng kawa. Nagsaboy siya nang iba't ibang uri ng dahon, lumang mga sanga ng kahoy, at iba pang mabilis magliyab na mga bagay hanggang sa maramdaman nga ng mangingisdang napapaso na siya at nanlalagkit na ang kaniyang katawan na parang dumidikit na ang mga balat niya sa loob ng kawang iyon. Nagising siya pagkakatulog at laking gulat niya nang makitang kumukulo na ang kawa. Aaa! Tulong! Tulungan ninyo ako! Kung sino man ang narito ay nagmamakaawa akong patayin niyo ang apoy. Tulong! Tulong! Sa kaniyang kasisigaw ay hindi niya namalayang may tao na sa kaniyang likuran. Naramdaman na lamang ng mangingisda ang pagpalo sa kaniya sa ulo ng isang matigas na bagay at nawalan ito nang malay sa loob ng kawang kumukulo pa. Dumagundong naman ang mala-demonyong halakhak ng nilalang na iyon sa loob ng kagubatan. Gamit ang malaking walis tingting niya ay nagsimulang haluin ng nilalang ang katawan ng mangingisda hanggang sa unti-unti na niyang nakikita ang pagtunaw at pagtusta ng mangingisdang naluto na ng buhay sa kaniyang KAWA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD