bc

Isla Kawa

book_age16+
307
FOLLOW
1.2K
READ
dark
drama
tragedy
comedy
humorous
lighthearted
serious
mystery
scary
like
intro-logo
Blurb

Naimbitahan ang siyam na magkakaibigan sa isang bayan ng Karlez upang magbakasyon ng tatlong araw.

Dinala sila ng kilalang kaibigan sa isla na kung tawagin ay Kawa Island.

Tahimik at napakaganda ng lugar. Nanari-saring hugis at laki ng kawa ang makikita mo doon. Ika nga, mala-hot spring ito.

Ang hindi nila alam ay may dala palang panganib sa islang iyon. Kung ano ito ay malalaman kaya nila? May makakaligtas ba sa kanila kung isa-isa sa kanila ay bigla na lamang mawawala?

chap-preview
Free preview
Prologo
Sampung taon bago ang kasalukuyan ay may isang trahedyang naganap sa isang isla sa Karles. Isang trahedyang nanatiling isang palaisipan sa mga taga-Karles lalo na sa mga taong nakasaksi sa pangyayaring iyon. Isang babae kasi ang pinaslang ng mga taga-Karles sa islang iyon dahil kampon daw ito ng mangkukulam. Mangkukulam na kinukulam ang mga tao. Mangkukulam na walamh ibang gawin kundi ang pumatay ng mga tao. Simula kasi nang mapadpad sa Karles ang babaeng iyon ay maraming tao na ang nawawala. Doon kasi nakatira sa islang iyon ang babae at binili niya ang islang ito upang kaniyang gawing santuaryo. Simula nang mabili ng babaeng ito ang Kawa Island ay nagpatayo siya ng isang napakalaking mansiyon na may nanari-saring hugis at laki ng isang kawa. At dahil gusto niyang maisakatuparan ang kaniyang ipapatayong mansiyon ay kailangan niya ng mga trabahador. Isa namang biyaya ang pagdating ng babae sa isla dahil magkakaroon naman ng pagkakaabalahan at pagkakakitaan ang malapit lamang sa isla. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga naninirahan malapit sa islang iyon na maibili ang kani-kanilang pamilya ng pangunahin nilang pangangailangan dahil ang mga natanggap ay agad na sinahuran ng babae. Ngunit, ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit hindi na nakababalik pa sa bayan ang mga taong nagtrabaho sa tahanang pagmamay-ari ng babaeng iyon. Iba't ibang kuwento na ang nagpasalin-salin sa mga nawawalang mga tao at nagulat na lamang ang iba nang dumagsa ang mga kuwentong kutsero na mangkukulam daw talaga ang babae at pinapatay niya ang mga taong nagtatrabaho sa kaniya doon kapag ka tapos na ang trabaho ng mga ito o tapos na nga ang kanyang ipinapatayong mansiyon. Kaya naman ay dumating nga ang araw na sinugod ng mga taong bayan ang Kawa Island upang puntahan ang mansiyong pagmamay-ari daw ng mangkukulam. Nag-iisa na lamang sa buhay ang babaeng iyon sa islng iyon at gulat na gulat siya nang makita ang pagdagsa ng mga tao sa harapan, sa labas ng kaniyang bahay. May dala-dala itong mga sulo at itak. Galit na galit ang mga mukha. Pinalalabas siya sa kaniyang tahanan. Upang malaman kung ano ang pakay sa kaniya ay lumabas ang babae upang magtanong. Nang lumabas naman ang babae ay hindi siya pinahintulutang magsalita o magtanong man lamang kung ano ang nais nila sa kaniya. Agad nila siyang hinatak at tinalian. Hindi alam ng babae ang gagawin kung bakit siya kinalakadkad at tinatalian ng mga ito. Wala talaga siyang ideya sa nangyayari. "Huwag nating hayaan na mabuhay ang babaeng iyan!" "Patayin ang mangkukulam!" "Sunugin siya!" "Isa siyang salot sa ating tahimik na bayan!" "Sunugin ang Kawa Island nang wala nang taong dadayo dito!" "Itapon siya sa malaking kawang pinagawa niya!" Hindi nakapagsalita ang babae. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang galit ng mga tao sa kaniya. Lalo pang ikinagulat ng babae nang iharap siya sa isang malaking kawang pinagawa niya. Sinindihan nila ang ilalim nito at unti-unting nagliliyab ang apoy hanggang sa kumulo ang tubig na nasa loob ng kawang iyon. "Parang awa na ninyo! Wala akong kasalanan. Hindi ko alam kung ano ang pakay ninyo! Maawa kayo sa akin." Nagmakaawa na ang babae pero tila bingi ang mga tao sa kaniyang pagmamakaawa. Hindi siya pinakinggan. Puno ng galit at paghihiganti ang nasa isipan ng mga ito. Walang nais na pumigil sa kanila. Wala siyang kalaban-laban sa kanila. Pilitin mang kumawala ng babae ay hindi niya magawa. Pasan-pasan siya ng mga tao. Wala na siyang kawala dahil agad siyang hinawakan ng mahigpit ng mga kalalakihan at itinapon sa kumukulong kawa habang nakatali pa ang mga paa at kamay nito. "Itapon siya sa kawa! Patayin siya!" Muli na namang umalingawngaw ang kagustuhan ng mga ito na maitapon siya sa kumukulong kawang iyon. Sumisigaw ang babae sa loob ng kawa. Pilit nitong inaakyat upang may kapitan siya. Kahit masakit at mahapdi tinangka niya pa ring makawala. Ngunit sa bawat paglapat ng mga balat niya sa katawan ng kawang iyon ay ang pagkakalapnos at pagkakatusta ng mga ito. Humihiyaw ito sa sakit na nararamdaman. Dahil walang ibang makatutulong sa kaniya, doon na umibwal ang galit sa puso at isipan niya. Naisumpa nito ang mga taong nanakiy sa kaniya. "ISINUSUMPA KO! ISINUSUMPA KONG MULA SA ARAW NA ITO, DITO SA ISLANG ITO, SA HARAPAN NG BAHAY NA IPINATAYO KO, HINDING-HINDI MATATAHIMIK ANG BAYAN NG KARLES!" Dumadagundong ang kaniyang tinig kahit na malapit nang masunog ang mukha niya. "ISINUSUMPA KONG DADALHIN KAYO NG HANGIN SA ISLANG ITO PABALIK AT SISIGURADUHIN KONG TATADTARIN KO KAYO NG PINONG-PINO, HIHIWA-HIWAIN NA PARANG MGA BAWANG AT SIBUYAS, AT LULUTUIN KO KAYO SA KAWANG ITO NA PINAGLAGYAN NINYO SA AKIN HANGGANG SA KAYO AY MAMATAY NANG BUHAY! ISINUSUMPA KO!" "ISINUSUMPA KO RING WALANG MAKAKAALIS NANG BUHAY NGAYONG GABING ITO! LAHAT KAYO NA NARIRITO NGAYON AY MAMAMATAY KASAMA KO!" At biglang umihip ang malakas na hangin na lalong nagpaliyab nang nagpaliyab sa lakas ng apoy sa ilalim ng malaking kawa. Nanayo ang mga balahibo ng iba at ang iba naman ay biglang nagsisitakbo patungo sa kani-kanilang mga bangka upang lisanin ang isla. Takot na takot silang lahat sa binitiwang mga salita ng babaeng iyon. Tarantang-taranta ang halos lahat ng nakasaksi. Habang binabagtas ng iba ang daan patungo sa kani-kanilang mga bangka ay tumaas nang tumaas naman ang alon sa karagatan. Sagwan nang sagwan ang ilan pero binabalik pa rin sila sa islang iyon. Ang iba ay tinangkang lumusong sa kailaliman ng dagat upang lumangoy pero hindi rin kinaya at nalunod ang mga ito. Pabalik-balik ang alon. Hinahampas-hampas nito ang mga bangkang pilit na tumatakas. Panay naman ang lunod ng malakas na alon na iyon sa mga pilit na lumalangoy. Habang patuloy sa paghahabol ng kani-kanilang mga hininga ang mga taong nais na tumakas, unti-unti namang natutunaw ang katawan ng babae hanggang sa ito ay maluto sa kumukulong tubig sa loob ng kawa. Sa malaking kawang iyon ay lumutang ang mga butong ng babaeng nasa loob ng kawa. Tumila naman ang malakas na ulan. Kumalma din ang ihip ng hangin at mga alon matapos ang pangyayaring iyon. At sa islang iyon isa-isang lumutang sa karagatan ang mga bangkay ng mga taong nasawa at hindi nakaligtas. Isa-isang inaanod ang mga ito sa dalampasigan sa islang iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married to a Hot Magnate

read
358.1K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
220.2K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
459.2K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Sex Web

read
153.1K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
852.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook