Kring-Kring's POV
Nagising ako na nasa isang napakagandang isla ako. Sa sobrang ganda nito ay hindi ko namalayang nag-iisa lang pala ako. Nasaan ang mga kaibigan ko? Naitanong ko na lamang sa aking sarili at pilit na inalala ang nangyari bago ako napunta sa islang ito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Inisip ko na lamang na malamang o baka naglilibot na sila at hindi man lamang ako niyaya upang tingnan ang kabuuan ng islang ito. Kakaiba kasi walang tao ni huni ng mga ibon o ibang hayop ay wala akong marinig. Pero ang lugar! Wow! Parang nasa Boracay beach lang ako.
Ang puti-puti ng buhangin at hindi masakit sa paa kapag magpa-paa ka na lamang. Naka-organize pa ang bawat pagtanim ng mga puno sa paligid. Pero bakit kaya walang katao-tao aside sa akin at sa mga kaibigan ko siyempre.
Nagsimula na akong magtawag sa mga pangalan ng aking kaibigan habang patuloy lang sa paglalakad. Ang ganda talaga ng lugar. Ang sarap siguro magliwaliw dito. Sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad ako sa gitna ng islang ito at nang suyurin ko ang paligid, gulat na naman ako.
Kung kanina ay hindi ako makapagsalita, ngayon ay sadyang naurong na talaga ang dila ko. Ikaw ba naman makakakita ng malaking puting mansiyon sa gitna ng kagubatan. Wait! Gubat na nga talaga siya para sa akin kasi nasa gitna. Pero wow! As in wow! Ang mga puno ay nakahilera na parang isang row hugis bilog sa paligid ng mansiyon.
At ang dumagdag pa ay ang iba't ibang hugis ng kawali hanggang sa ito ay maging isang malalaking kawa. May lamang tubig ba iyon sa loob? Mainit ba? Baka naman bukal o hot spring itong area na ito na hindi na nabisita?
Napailing ako. At nang umusad ako paroon sa direksyon ng mansiyon ay nakita ko ang siyam sa aking mga kaibigan. Isa-isa ko silang tinapik sa balikat kasi para silang tulala na nakatitig pa rin sa mansiyon maliban na lamang kay - kay Kundiman na bahagya akong nginitian pero may pagka-weird ang hitsura dahil ibinalik niya ang tingin sa kabuuan ng mansiyon at mga kawa.
"OMG! OMG! Ang ganda talaga ng islang ito," tili ni Gumamela.
"Girl, hindi lang maganda kung hindi napakaganda! Pak! Ganern!" segunda ni Sampagita.
"Mukhang haunted yata ang bahay, guys," ismid ni Beauty.
"What the? Ang hilig mo talaga manira ng moment, Beauty.
"At Hello? Ay, wait, Hello pala pangalan mo no? Whatever!" naka-cross arms at tumalikod na lamang si Hello kay Beauty.
Sina Rampadora naman, Kawayan, at Molave ay bigla na lamang isa-isang tiningnan ang loob ng kawa habang si Kundiman ay may kung anong ibang iniisip. Ang weird niya talaga! May sariling mundo. Iginala ko na lamang ang aking paningin sa mga kawa. Mangha pa rin kasi ako e.
Samantala...
"Maligayang pagdating sa aking tahanan, mga mahal kong panauhin at magiging pagkain na at biktima pa. Ang galing ko talaga. Mag-enjoy muna kayo sa inihanda kong sorpresa lalo na ang mala-hot spring ng tubig sa loob ng kawa ko bago ko kayo lutuin nang buhay."
Teka! Parang may narinig ako a!