Ang Misteryosong Isla

1009 Words
KUNDIMAN'S POV Simula nang tumuntong ako sa nayong ito ay may kakaibang presensiya na akong nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko matantiya kung saan at ano ito. Hindi naman ako psychic pero matalas ang aking pakiramdam sa mga hindi nakikita ng tao. Parang may nakaukit na pangatlong mata ako sa noo na naghihintay lamang anumang oras na bumukas ito. Tahimik lang kasi akong tao. Hindi nakikihalubilo sa kung sinu-sino lang. Kung kakausapin man ako ay tango lamang ang maisasagot at nagagawa ko. Simula kasi nang mamatay ang mga magulang ko sa nayong hindi ko na maalala kung saan ay mag-isa na lang ako sa buhay. Natagpuan pa nga raw ako ng kumupkop sa akin na palutang-lutang sa dagat noon hanggang sa mapadpad sa lugar kung saan nga ako natagpuan at walang maalala ni isa sa kung saan ako nanggaling at kung sino talaga ako. Hindi ko totoong magulang ang kinagisnan ko pero malaki ang pasasalamat ko sa kanila. May kaya sila at napag-aral nila ako mula elementarya, hayskul hanggang sa tumuntong ako ng kolehiyo. Ngayon ay nasa huling yugto na ako ng pagiging isang kolehiyala kasama ang walo pa sa mga kaibigan ko at si Kring-Kring. Nang magkayayaan silang pumunta sa nayon ni Kring-Kring ay sumang-ayon naman ako dahil pagkakataon ko na rin itong makalanghap ng sariwang hangin sa isang probinsiya. Puro usok at buga lang ng mga sasakyan kasi ang halos araw-araw na malalanghap ko sa siyudad. Alam din kasi ng mga kaibigan kong hindi ako masyadong nagsasalita sa kanila kaya siguro napapayag din ako. Ang totoo niyan ay ayaw ko lang talagang pag-usapan ako kaya umoo na lang ako. Si Kring-Kring ang kauna-unahang taong naging kaibigan ko sa unibersidad at hindi nga naglaon ay parang naramdaman kong magiging malapit kami sa isa't isa na kinalaunan nga ay unti-unti akong nahuhulog sa kaniya. Balik tayo sa nangyari. Nang magliwaliw kami sa buong isla ng Sigarilyo ay napansin ni Kring-Kring ang isang islang natatakpan pa ng mga puting ulap. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat na tila hindi alam kung ano at paano umusbong o sumulpot ang isang islang iyon. Nang lingunin ko siya ay napatulala ito at para bang may sariling isip ang kaniyang mga kamay at iniba ang direksyong dapat ay pabalik na ang tungo sa kanilang bahay. Hindi niya namalayang may kakaibang enerhiyang nais na iligaw sila at dalhin sa islang ito. Kaya agad kong hinawakan ang kaniyang kamay at naibalik ko ang kaniyang wisyo. Gulat na gulat pa ang mukha nito nang maramdaman at makita niya ang paglapat ng kamay ko sa kaniya. Ngunit ang hindi ko alam ay kung bakit bigla na lamang lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang mahawakan ko ang kamay niya. Tila hinihigop ang aking presensya at nagsasabing huwag ko itong bitawan. May kuryenteng agad na dumapo sa aking mga ugat papunta sa aking utak at tinungo nito ang aking natutulog na puso. "Kring!" 'yon na lang ang nasabi ko sa aking isipan. Nang bigla namang mawalan ng gas ang tangke ng bangkang de-motor at tumigil ito ay napansin kong natulala din ang mga kasama ko at ang huli ay ako. HIndi ko na namalayan ang sumunod pang nangyari dahil ngayon ay nagising akong nasa baybayin na ng naturang islang kanina lang ay nakikita ko pa. Kamangha-manghang pagmasdan ang lugar na ito. Presko din ang simoy ng hangin pero bakit parang kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko nga lang talaga alam kung bakit. Parang may masamang mangyayari o may mangyayaring masama sa aming lahat sa islang ito. At bakit ako lang ang mag-isa rito? Nasaan ang mga kaibigan ko? Nasaan si Kring-Kring? Anong mayroon sa islang ito at bakit nawawala ang mga kaibigan ko? Sunod-sunod ang mga katanungan ko sa aking isipan nang mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula upang hanapin sila at galugarin ang islang hindi ako pamilyar. Sana hindi magkatotoo ang kutob at hinala ko sa kakaibang islang ito. Sana nasa mabuting kalagayan sina Kring-Kring at mga kaibigan ko. ********** 3rd POV Hindi alam ng magkakaibigan na isa-isa silang pinaghiwalay ng isang hindi pamilyar na nilalang nang sila ay mawalan ng malay sa bangkang de-motor at dinala sa isla. Isa-isa rin silang binuhat nito mula sa dalampasigan pero sa magkakaibang parte naman ng isla ang iba napadpad pagkagising nila na walang alam sa kung ano ang susunod na mangyayari sa kanila Kaya naman nang magising l isa-isa sa magkakaibang parte ng isla ang mga dalaga at binata ay namangha muna sila sa kakaibang lugar na kanilang nakita at napuntahan. Halos hindi sila maubusan nang sasabihin sa matataas na puno, sa malilinaw na tubig, at higit sa lahat sa napakapreskong samyo ng hanging dumadampi sa kanilang balat sa islang wala silang alam sa naghihintay na panganib sa kanila. I like this place. Parang enchanted ang lugar. Nakakatakot. Oo nga. Parang haunted pa. Naninindiga ang mga balahibo ko. Nasaan ako? Bakit ako lang ang mag-isa dito? Rampadora! Gumamela! Kring-Kring! Kundiman! Kawayan! Nara! Molave! Hello! Beauty! Sampagita! Sigaw nang sigaw ang mga ito sa mga pangalan ng mga kaibigan habang hinahanap ng bawat isa ang daan kung paano mahahanap ang mga kaibigan nila. Habang isa-isang naghahanapan ang mga ito ay may isa namang nilalang na nakangiti sa kanila. Lihim itong napapangiti na parang sinasaniban ng demonyo. Pinagmamasdan niya ang bawat galaw nila sa loob isang malaking... KAWA. "Mabuti naman at nagustuhan ninyo ang lugar at tirahan ko. Umpisa pa lamang iyan sa ipapakita ko sa inyo. Ngayon naman ay kailangan kong pagtagpuin kayong lahat upang tahakin ninyo ang daan papasok sa aking napakagandang mansyon dito sa Isla KAWA." Ang kaniyang tawa ay katulad sa babaeng mangkukulam na nakasakay sa lumilipad na walis tingting. Nakakapangilabot. Nakakapanindig-balahibo. Pagkatapos niyang tumawa ay isang malaking tungkod ang kaniyang inilagay sa kawa at pinaikot-ikot iyon na parang may hinahalong pagkain at muli ay tatawa na naman ito ulit nang tatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD