3

1972 Words
Walang pasok. Bakit ba nakalimutan kong holiday pala ngayon? Tsk. Ito rin ang problema kapag walang cellphone. Kaya ngayon pauwi na ako, naglalakad lang dahil nagtitipid na naman. May thesis pa akong trinatrabaho kaya kailangan ko talagang magtipid. Sabado at linggo ay magtutungo ako sa mansion, dahil nakikigamit ako ng computer doon. Ngayon ay Friday, wala palang pasok. Kahit si Andeng ay hindi man lang ako binalitaan at pinaalalahanan. Sa sobrang busy ko'y hindi na kinakaya ng katawan ko ang pagod. Kaya pati mga gano'n bagay ay nakakalimutan ko na. Dahil nga walang pasok, pwede akong magtungo sa talon. Tiyak na hindi magagawi si Lola Paula sa kubo dahil busy ito sa mansion, gano'n din si Lolo Jun na nagbilin naman na sa akin kagabi. Naglinis-linis muna ako sa kubo. Bago ko sinimulang ihanda ang babaunin ko patungo sa talon. Mas magandang mananghalian doon. Doon na rin ako magpapalipas ng oras. Tutal bukas pa naman ako magiging busy sa mga kailangan kong gawin. Excited akong kumilos. Hindi ko alam kung nasa kanila si Andeng. Basta dumeretso na ako sa talon, busy naman ang mga tauhan sa hacienda. Kaya naman malaya akong makakakilos. Pagdating sa talon ay excited na tinungo ko ang paborito kong bato. Malaki kasi iyon, nasa lilim at sa ibabaw na parte ay patag. Kaya naman pwedeng maglatag ng sapin para makahiga. Malawak ang ngiting humiga ako, kampanteng walang makakadistorbo sa akin. Hindi ko nga namalayang nakatulog ako, nang magising ay mag-isa pa rin. Kaya naman nagpasya akong ilabas sa basket ang baon kong pagkain. Sa lugar na ito'y damang-dama ko ang kapayapaan. Bihira lang din kasi na may maligaw rito na tauhan ng hacienda. Busy silang lahat, iyong mga kaedaran naman namin ni Andeng ay may iba ring trip sa buhay. Kaya naman kami lang madalas ang narito ng kaibigan ko. Kapag naman may bisita sa hacienda ay nagagawi sila rito. Pero kapag gano'n pagkakataon naman, yabag pa lang ng kabayo ay agad na akong kumikilos para magtago. Ngayon . . . feeling ko naman ay malabong may magpunta rito. Pakanta-kanta pa ako habang nakaupo sa malaking bato. Nang maisipang maligo ay tinakpan lang ang pagkaing paunti-unti kong kinakain. Dali-daling hinubad ko ang mahabang saya ko, pati na rin ang long sleeve na suot ko. Iniwan lang ang bra at panty na bakas na sa itsura ang pagkaluma. Agad na rin akong bumaba sa bato at lumusong sa malamig na tubig. Ito ang kailangan nang pagod kong katawan. Ang malamig na tubig na nagbibigay nang nakaka-relax na pakiramdam. Nakuha ko pang magpalutang lang sa tubig at pumikit. Pero napadilat ako nang may marinig akong yabag, yabag at iyong tunog ng mga tuyong sanga na naaapakan. Dali-dali akong lumangoy pabalik sa bato. Pero huli na, nakarating na ang may-ari ng mga yabag at ngayon ay nakatayo na sa isang bato na pantay lang sa lupa. Nakatitig ito sa akin na waring hindi ito tiyak sa nakikita. "Estranghero, maaari bang pumikit ka muna?" nakikiusap ang tinig. Inilubog ko rin ang aking katawan para ikubli ang halos hubad ng katawan. Hindi sapat ang suot kong bra at panty para itago iyon. Manipis pa naman at luma na. Mabuti na lang at sumunod ang lalaki. Pumikit naman ito, kaya mabilis akong lumangoy at hinila na lang ang laylayan ng saya ko. Walang paki kung ang dulo'y mabasa. Basta ko na lang ding isinuot kahit basa pa ang aking katawan. Pati ang long sleeve ay basta na lang ding isinunod na hinila at isinuot. Saka ko lang sinilip ulit ang lalaki na ngayon ay naupo na sa lilim ng punong manga. Sumandal pa ito roon saka pumikit. Hindi ko napigil ang sarili kong pagmasdan ito. Napakagwapo ng lalaki. Marunong naman akong tumingin at mag-appreciate ng gwapo. Kamukha ito ni Senior Landon. Isa siguro sa anak n'ya. Ito kaya iyong panganay? O, iyong pangalawa? "Miss, baka matunaw ako sa pagtitig mo." May panunudyo ang tinig na ani ng lalaki. Kaya naman itinigil ko na ang pagtitig. Muli akong bumalik sa malaking bato at sinimulang ayusin ang mga dala ko. Akala ko pa naman ay masosolo ko ang talon. Ngunit isa iyong malaking akala. "Aalis ka na?" casual na tanong ng lalaki. Bahagya lang akong tumango at akmang bibitbitin na sana ang basket nang tumayo ito at waring naghihintay sa akin. "Aalis na ako. Para hindi ako makaabala." Tuluyan kong binuhat ang basket at naglakad na, walang ibang daan kung 'di sa kinatatayuan nito. Nag-excuse pa ako, para lang makidaan. Pero para itong tore na nakatayo lang at walang kagalaw-galaw. Kung iiwasan ko siya, kailangan ko pang bumaba sa tubig. Pero abot hanggang tuhod iyon, mabibigatan ako sa suot kong saya na lalong mababasa ang laylayan kapag ginawa ko iyon. "Pwede ka bang manatili muna rito? Hindi naman kita pinagbabawalang i-enjoy ang talon na ito. I'm Storm nga pala." Naglahad pa ito ng palad na tinitigan ko lang naman. "Ako si Anais." Sagot ko. Pero hindi tinanggap ang palad na inilahad nito. Umatras ito para paraanin ako. Humakbang naman ako para makaalis na. Pero narinig ko itong nagsalita. "I'm sad. Pwede mo ba muna akong samahan." Sa boses pa lang naman nito ay mababakas na iyon. "Pasensya na. Hindi kita kilala." Sagot ko sa pakiusap nito. "I'm Storm Aiden. Nagpakilala na ako sa 'yo." "Hindi iyan ang ibig kong sabihin." Muli akong naglakad. "Sa sobrang lungkot ko. Parang gusto kong ilunod ang sarili ko at tapusin na ang lungkot na nararamdaman ko." Natigilan ako saka ako bumalik at hinarap siya. "Bakit mo naman gagawin iyon?" parang nagrereklamong tanong ko rito. "Kaya nga samahan mo muna ako, para hindi ko iyon magawa." Nakipagtitigan ako rito. Tinatantiya ang lahat nang sinabi nito. Imbes na magsalita, nagpasya akong bumalik sa batong pinuwestuhan ko. Saka muling inilatag doon ang sapin. Sumunod naman ito roon. Kung may balak man itong masama sa akin, tiyak na hindi ito magkakaroon ng chance. Dahil pwede kong karatihin ito saka ako mabilis na tatakbo. Malaki man ang katawan nito, tiyak na kaya kong ihulog ito makatakas lang. Umupo ito sa sapin ko. Ako naman ay muling inilabas ang mga pagkain ko. "Gusto mo?" alok ko sa nilagang kamote, may isa pang itlog na nilaga na kasama sa tupperware na iniaalok ko rito. "Sasaya ba ako kapag kinain ko iyan?" bakas nga sa mga mata nito ang lungkot. Kung ano man ang pinagdaraanan ng lalaki ay mukha ngang mabigat iyon. "Hindi ka sasaya. Pero tiyak kong mauutot ka." Balewalang sagot ko. Akala ko nga'y mag-iinarte pa. Pero kinuha naman nito ang nilagang kamote at sinimulan iyong balatan. "Anak ka ni Senior Landon at Seniora Rein?" tanong ko rito. Tumango naman ito saka parang may sariling mundo na ipinagpatuloy nito ang pagkain. "Ikaw? Anong pangalan mo nga ulit?" "Anais. Apo ako ni Lola Paula at Lolo Jun. Tiyak na nakikita mo sila sa mansion ninyo, huwag kang maingay sa kanila na nakita mo ako rito." Tiyak na palo at kurot sa singit ang makukuha ko lalo na kay Lola Paula ko. "Bakit naman?" "Tiyak na magagalit sila. Ipinagbabawal kasi nila akong magtungo rito." "Okay. Pero bakit ka nila pinagbabawalan?" "Dahil babae ako. Kahit ligtas naman ang buong hacienda ay hindi pa rin panatag ang loob nila Lola Paula na magtungo ako sa ganitong klase ng lugar." "May point naman ang Lola mo. Paano kung may magawi rito sa talon, tapos abutan ka sa gano'n ayos?" "Anong gano'ng ayos?" takang ani ko. "Iyong ayos mo kanina. Panty at bra lang ang suot." Napaiwas tuloy ako nang tingin dito. "Bagay sa 'yo." "Ha?" parang hindi naiproseso ng utak ko ang sinabi nito. Kaya naman napa-ha ako. "Bagay sa 'yo ang hello kitty design." Parang kumalat sa buong mukha ko ang init, dahil sa kahihiyan. Tanda kong maliliit lang ang design no'ng puti kong panty, at oo hello kitty nga iyon. Napayuko ako, mukhang tinitigan ng lalaki iyon kanino no'ng wala akong kamalay-malay. "Cute." Napaangat agad ako nang ulo, saka matalim siyang tinitigan. "Tinitigan mo pa talaga?" "Hindi naman sinasadya." Depensa agad nito. Gwapo pero mukhang manyakis ang isang ito, wala tuloy sa sariling kinuha ko ang kutsilyo sa basket ko. Nagdadala talaga ako no'n, dahil madalas ay nangunguha ako ng manga. "Anais, kung iniisip mong manyakis ako, nagkakamali ka. Hindi ko naman talaga sinasadya. Saka hindi kita type." "Mabuti naman." Ang husay ng lalaki. Parang manghuhula ito at tumpak siya sa iniisip ko. "Pwede ba kitang tanungin?" sumulyap ito sa akin. "Sure." "Bakit ka malungkot? Ang yaman-yaman ninyo. Kung ako siguro ang nasa kalagayan mo, magiging masaya ako." "Hindi lang yaman ang source of happiness, Anais. Kung yaman lang din naman ang basehan, baka makita mo na akong tumatawang mag-isa. Pero hindi gano'n iyon, Anais." "Pero bakit hindi enough iyon?" "May babae akong mahal---" "Ligawan mo." Udyok ko rito. "Pero mahal din ng kapatid ko." Naitikom ko tuloy ang bibig ko. Mukhang nasa komplikadong sitwasyon nga ito. "Sinong naunang nagmahal?" tanong ko. "Anais, hindi part nang usapin kung sino ang nauna at huli. The point is . . . pareho kami ng kapatid kong si Thunder." "Hindi problema iyon. Lalaki sa lalaki, kung sino ang piliin ay maging masaya na lang sa desisyon ng babae." Nice rin naman akong magpayo, kahit na wala pa akong karanasan sa pag-ibig. Hindi ito sumagot. "Baka naman kaya ka nalulungkot, ay dahil alam mo na sa sarili mo kung sino ang pipiliin no'ng babae? Tama ba ako?" "Tama." Bumuntonghininga ito. "At hindi ikaw iyon? Tama ba ulit?" "Tama." Tumango-tango naman ako. "Hindi pa end of the world. Kung hahayaan mong lamunin ka nang kalungkutan, ang daming opportunities na masasayang. Paano kung may ibang babae palang nakalaan sa 'yo? Paano kung iyong love na nararamdaman mo ay mali, kaya ka nagkakaganyan?" "She's one of a kind. Hindi ko rin masisisi ang kapatid ko na nagustuhan n'ya ang babaeng iyon." Tango lang ang sagot ko. Hindi ko naman kilala ang babaeng tinutukoy nito. Dinampot ni Storm ang lalagyan ko ng inumin. Walang arteng uminom ito roon. Pagkatapos ay ginamit n'ya ang t-shirt n'ya at pinunasan ang bunganga ng inuminam. Dapat nga'y ginawa n'ya iyon bago siya uminom. Kaso baliktad naman ang lalaki. "Pinunasan ko na. Baka nanadidiri ka, eh." Ipinasa nito iyon sa akin. Ako pa ba naman ang mandidiri? Halata naman kung sino ang mas malinis ang bibig sa aming dalawa. Baka nga alagang-alaga ng dentista ang ngipin nito. Sure rin na mabango ang hininga nito. Ako? Bahagya kong hiningahan ang palad ko. Amoy utot, ibig kong sabihin ay amoy nilagang itlog iyon. Ang baho. "Maliligo ka ba ulit?" tanong ng lalaki sa akin. Mabilis akong umiling. "Hindi na. Bibigat ang saya ko kapag nabasa." Sagot ko rito. "Bakit mo naman kasi babasain? Pwede mo namang hubarin." Nakangising ani nito. "Manyakis ka!" "Excuse me, nagsu-suggest lang. Kung ayaw mo'y huwag mong gawin." Saka ito tumayo. Iniangat ang suot n'yang damit. Masyado yatang komportable ang lalaki. Bigla na lang itong naghubad ng suot n'yang pang-itaas. Kaya agad akong nagtakip ng mata gamit ang dalawa kong palad. Akala ko'y t-shirt lang ang huhubarin nito. Pero narinig ko ang tulog ng belt na bakal ng lalaki. Pati iyon. Diyos ko po. Nang marinig ko ang malakas na tunog nang pag-dive nito sa tubig ay agad akong nagmulat. Hindi sa lalaki ang tingin. Ayaw kong magkasala ang aking mga mata. Pero gumawi naman sa pinaghubaran nito ang tingin ko. Grabe naman itong lalaking ito. Kitang-kita ang brief nito sa hinubad nitong saplot. Agad akong napaiwas, tumingala na lang. Ibig sabihin ay walang saplot ang lalaki sa tubig. Palangoy-langoy ito, base na lang din sa nililikhang tunog ng bawat paglangoy nito. Diyos ko po! Sana'y wala ng ibang magawi rito. Ayaw kong magkaroon nang masamang kahulugan ang tagpong ito. Oo, wala kaming ginagawang masama ni Storm. Pero tiyak na mag-iisip pa rin sila nang masama kapag inabutan kaming magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD