4

1699 Words
"Nakabihis na ako." Aliw na ani ng lalaki habang patuloy pa rin akong nakapikit. Binalaan naman ako nito na aahon na siya kaya agad akong nagtakip ng aking mata. Dahan-dahan akong dumilat at tinignan ito. Oo, nakabihis na siya. Kaya nga medyo nababasa ang t-shirt na suot nito dahil sa bumabagsak na tubig mula sa buhok nito. "Mabuti naman. Aalis ka na ba?" "Pinapaalis mo na ba ako?" tudyo ng lalaki. "H-indi. Baka sakali lang na pwede pang humaba ang pananatili ko rito." "Mag-stay ka pa kapag umalis ako? O, mag-stay ka kapag nandito pa ako?" umupo ito sa pwesto n'ya kanina saka sumulyap sa akin. "Mag-stay ako kapag umalis ka na." "Ouch! Boring ba ang akong kausap?" "Sadyang ayaw ko lang ma-issue. Seniorito Storm." Hindi pa nga tapos ang mga tsismosa sa paglalagay ng malisya sa friendship namin ni Silong ay baka madagdagan na naman ng tsismis dahil lang kasama ko si Seniorito Storm dito. "Bakit ka naman mai-issue?" saglit akong nag-isip. Saka sumagot dito. "Ganito kasi rito sa hacienda. Basta may makita lang silang lalaking kasama ng mga kadalagahan dito ay itsitsismis na nila. Saka hindi maganda sa image ko na magtatapos nang education ang maging pulutan ng mga intriga." "Gano'n ba? Dahil lang magkasama tayo ay iisipin na nilang may relasyon tayo o may ginawang masama?" tumango naman ako rito. Iyon naman kasi talaga ang unang papasok sa mga mapanghusgang mga tao rito sa hacienda ng mga Aiden. "Oo." "Ang dumi naman ng isip nila. Saka huwag mo na nga akong tawagin Seniorito." "Ano po pala? Sir?" umangat pa ang kilay ko rito. "Storm na lang." Ngi, hindi naman pwedeng tawagin lang ito basta sa kanyang pangalan. Baka mahataw pa ako ng tambo ni Lola Paula kapag nalaman n'yang sa pangalan lang ang tawag ko sa lalaki. Iisipin agad no'n na hindi ako marunong rumespeto. "Mukhang mas matanda ka sa akin. Ilang taon ka na ba?" "26 pa lang ako. Ikaw?" tanong n'ya sa akin. "20 na ako. Kung ayaw mong tawagin kitang Seniorito o kaya sir, ang itatawag ko na lang sa 'yo ay Kuya Storm. Tutal mas matanda ka naman sa akin. Ayos lang po ba iyon?" Ramdam ko nang medyo gumaan na ang daloy nang pag-uusap namin nito. Kaya komportable na rin akong sumagot at magtanong sa lalaki. "Of course naman. Tawagin mo akong Kuya Storm. Tatawagin naman kitang Anais." "Okay... pero hindi ka pa rin ba aalis?" "Mamaya na. Pati ikaw rin. Mamaya ka na umalis. Dito muna tayo magkwentuhan." "Sige, Kuya Storm." "Sabi mo'y education ang course mo?" tango naman ang sagot ko rito. "Graduating na?" "Oo, nagpra-practice teaching na ako. Patapos na nga iyon. Tapos focus na sa thesis." "Wow, congratulations!" "Hindi pa sure. Hanggat hindi ko pa na tapos ang thesis ay hindi pa pwedeng makampanti. Tuwing sabado at linggo ay nagpupunta ako sa bahay ninyo. Pinayagan kasi akong gumamit ng computer doon. Doon ko ginagawa ang thesis ko." "So, bukas nasa mansion ka?" "Oo. Nahihiya nga ako, eh! Kasi nandoon kayo." "Bakit ka mahihiya? Hindi ka naman namin palilibutan kapag gumagawa ka sa library. Sa library ka pupuwesto, 'di ba?" "Opo---" "Huwag mo akong i-opo d'yan." Natawa ako nang makita kong nakasimangot ito. "Nakakahiya kasi nakikigamit lang---" "Walang nakakahiya roon. Kung may kailangan ka pa, laptop or tablet, magsabi ka lang. Mayroon kami n'yan." "Salamat." "Wala iyon. By the way gusto mo ba ng extra job habang nag-aaral ka?" "Ano pong klase ng job? Busy kasi ako sa school. Titignan ko kung kaya ko." "1 month kasi akong mananatili rito. Ang parents ko at si Thunder ay 1 week lang na mananatili rito. Wala akong makakasama sa isang buwang pananatili ko. Kailangan ko nang kasama." "Parang yaya gano'n? Personal assistant? Tour guide?" "Kaibigan. Iyong makakausap at makakasama kong pumasyal." "Ay, hindi ako pwedeng maggala. Malalagot ako kay Lola Paula ko. Sayang." "After school naman. Kahit 5:30 to 7:00. Or kahit 30 minutes lang sa bawat araw." "Gano'n lang na oras?" takang ani ko rito. "Yes, sapat naman na siguro iyon para may makausap ako habang narito sa hacienda." Mukhang mabigat nga talaga ang dinadala nito para maghanap pa ng taong babayaran nito para lang makausap siya. "One thousand per hour kung gusto mo---" "Hoy! Grabe naman iyon. Ang mahal mo namang magbayad." Gulat na ani ko. Para sa sandaling oras ay willing siyang magbayad? Grabe naman. Kung 30 days siya rito at araw-araw kaming mag-uusap ay may 30k na agad ako. Aba! Malaking tulong iyon kapag ipapa-print ko na iyong thesis ko at gagawing libro. Pero parang gahaman naman no'n. 30 minutes to 1 hour lang ay kikita na ng gano'n. "I don't mind kahit magkano pa ang ibayad ko. Kausap lang ang kailangan ko habang narito ako. Kasama." Ibinato nito ang tingin sa bumabagsak na tubig mula sa falls. Kapag stress na stress ako sa school ay madalas talagang nagtutungo ako rito. Itinatapat sa falls ang pagod na katawan. Nagbabakasakaling maisama sa pagbagsak ang pagod at stress ko sa school. Ang gastos mag-aral. Kahit na may tumutulong sa pag-aaral ko'y marami pa rin akong problema sa eskwelahan na hindi ko naman pwedeng palaging sabihin lalo na kina Lola Paula. Matanda na sila para sa gano'n klase ng stress. "Payag ka na ba?" napansin yata nito ang pananahimik ko. "Ha, hindi---" "Kung nalalakihan ka sa bayad ko ay ikaw na lang ang magpresyo. Makakatulong sa gastusin mo iyan, Anais." "Tama ka." "Kaya tanggapin mo na." "Sige, pero 100 lang isang oras." "500, deal or no deal?" "Sabi ko 100." "500. Masyadong precious ang oras ng mga educ student. Busy ka pa. Kaya tama lang na bayaran kita ng tama." Saglit akong nag-isip. "Sige na nga, 30 minutes to 1 our lang ah. Bawal kasi akong abutin ng gabi sa labas. Mapapalo ako ng tambo ni Lola." "Mabait naman ang Lola mo." "Mabait talaga lalo na sa inyo. Alangan namang hatawin ka n'ya ng tambo kapag late kang umuwi sa mansion ninyo." "May point ka." Napasipat ako sa orasang pambisig nito. "Naku! Kailangan ko nang umuwi." "Mamaya na. Maaga pa. Busy ang Lolo at Lola mo sa mansion." Dahil mapilit siya ay humiga na lang ako sa malapad na bato. "Matutulog muna ako. Gisingin mo na lang ako kapag nasobrahan na sa tagal." Kaso kumilos din ito at humiga. "Matutulog din muna ako. Paunahan na lang magising." Ipinatong pa nito ang braso sa kanyang noo saka siya pumikit. Ginaya ko na lang ito. Masyado naman agad akong naging komportable sa lalaki. Tipong nakatulog agad ako. Hindi ko alam kung gaano katagal. Pero nagising na lang ako sa tapik ng binata. Halatang kagigising lang din nito. Tinapik n'ya ako sa pisngi. Kaya nagising agad ako. Muntik pa nga akong lumundag sa labis na gulat, mabuti na lang at nahawakan ako nito sa braso at napigilan. Parang napasong binawi ko iyon. "Hapon na. Uwi na tayo." Nagpalinga-linga ako. Oo nga. Napahaba ang tulog ko. Dali-daling iniayos ko ang lalagyang dala ko. "Ako na ang bubuhat d'yan." Nakababa na kami sa malaking bato. Hawak ng isang kamay ko ang basket, tapos sa isa'y ang laylayan ng saya ko. Kinuha nito ang hawak ko at nauna nang naglakad. "Ihahatid na kita sa inyo sakay ng kabayo para makauwi ka agad." "Ha? Ipapahamak mo ba talaga ako, Kuya Storm? Tiyak na makakaabot agad sa Lola ko iyan. Alam mo naman ang tsismis. Mabilis makarating sa matanda. Lalakaratin ko na lang. Saka mauna ka nang umalis. Baka mamaya ay may makakita sa atin. Alam mo naman, ayaw kong ma-tsismis." "Are you sure, ma'am?" "Anong ma'am ka d'yan?" "For sure ma'am ang tawag sa 'yo ng mga student na hinahawakan mo. Bagay sa 'yo maging teacher." Natawa ako. "Patawa ka. Hindi mo pa nga ako nakitang nagturo---" "Hayaan mo, panonoorin kita." Hindi ko sineryoso iyon. Alam ko namang impossible na magawa n'ya akong panoorin. Sumakay na ito sa kabayo. Kahit sinabi kong mauna na siyang umalis ay nanindigan pa rin na kahit labas lang daw ng daan palabas ng falls. Kaya naman hinayaan ko na lang. Nang makalabas ay pinalo ko na ang hita ng kabayo, saka ako kumaripas nang takbo. Iyong nagulat na kabayo ay napatakbo rin pero patungo na sa daan pabalik sa mansion ng mga Aiden. Nang makarating ako sa barrio ay pakanta-kanta pa ako. "Psst!" sitsit ni Andeng na tamang nasa tapat ng tindahan. "Uy! Ginagawa mo d'yan?" tanong ko rito. May bitbit itong ilang piraso ng itlog at bigas. Napairap ang babae. "Ang tali-talino mo tapos hindi mo alam kung anong ginagawa ko rito sa harap ng tindahan nila manang? Patawa ka." "Sira. Nagtatanong lang naman, eh." Sumabay na ito sa akin sa paglalakad. "Hindi ka nagsabi na pupunta ka sa falls. Sayang. Wala pa naman akong ginawa sa bahay kanina. Tapos nagpunta ako roon sa inyo. Wala namang lumabas. Nag-tao po pa ako." "Hindi mo naman sinabi na wala palang pasok ngayon. Pumasok ako, alam mo ba iyon?" "Hindi. Hindi ko alam na pumasok ka. Hindi ka naman nagsabi." Inirapan ko ito. Saka binilisan ang paglalakad. Humabol naman ito sa paglalakad ko. "Nakita mo na ba iyong mga Aiden? Nasilayan mo na ba?" Napahinto ako. Kapag sinabi kong oo ay sunod nitong itatanong kung saan. Kapag sinabi kong hindi ay tiyak na sunod nitong tanong ay kung bakit. Anong dapat kong isagot dito? "Hoy! Nalagyan ba ng tubig sa falls iyang tenga mo. Parang hindi ka kinakausap." Reklamo ng best friend ko. "Hindi ko sila nakita." "Ay, gano'n? Kasi ako nakita ko si Seniorito Thunder. Nangabayo hanggang dito. Hinahanap n'ya iyong kuya n'ya. Kaso hindi naman nagawi iyong kuya n'ya rito." "Hindi ako interesado sa kwento mo." Napasinghap ito. "Ang boring mo talaga. Nai-imagine ko pa naman na mabibighani sa ganda mo iyong dalawang Aiden tapos pag-aagawan ka nila. Parang iyong mga teleserye---" "Sa 'yo na lang iyang imagination mo." "Ngiii! May Silong na ako. Never akong magloloko." Binilisan ko pa ang paglalakad. "Pupunta ulit kami mamaya ha." Magrereklamo pa sana ako. Kaso tumakbo na ito patungo sa kanila at pumasok sa tarangkahang kahoy nila. Naku! Gagawin na naman nilang tagpuan ang kubo namin. Kapag sila talaga ay abutan ng aswang ay hindi ko talaga sila maililigtas. Takot ko lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD