bc

Secrets of Anais

book_age18+
2.4K
FOLLOW
21.0K
READ
billionaire
revenge
one-night stand
HE
badboy
powerful
drama
bxg
small town
enimies to lovers
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Isang malaking pagkakamali ni Anais na nagpatangay siya sa tukso ng lalaking taga-siyudad. Bakasyonista lang, alam n'yang hindi magtatagal. Ngunit hinayaan n'yang mapalapit ang loob n'ya rito. Isang gabing sila lang dalawa sa talon, ang paborito n'yang lugar lalo na sa gabi, nagpadala siya sa tukso. Saksi ang lugar na iyon sa mainit na sandali sa pagitan nilang dalawa. Nagtiwala siya sa lalaki. Paulit-ulit n'yang ibinigay ang kanyang sarili sa lalaking minahal n'ya sa maiksing panahon pa lang. Ngunit pagkatapos n'yang ibigay ang sarili, at mahalin ito, naglaho lang itong bigla. Naiwan siyang wasak. Sinalo n'ya ang panghuhusga ng lahat dahil sa sinapit n'ya. Nang muling magtagpo ang landas nila, ang ilang taong lihim ng dalaga ay biglang nabunyag. May dalawa lang siyang sagot sa problema n'ya, ang tumakas o harapin ang lalaking dahilan nang pagkasira ng kanyang pangalan sa kanilang bayan.

chap-preview
Free preview
1
"Anais, dalian mo sa pagtakbo. Lagot ka na naman sa Lola mo." Sa boses pa lang ni Andeng ay kinakabahan na ako, mas lalo na sa sinabi nitong lagot na naman ako kay Lola Paula. Ang mahabang saya na namana ko pa sa aking Lola Paula ay hinawakan ko na ang laylayan. Sinubukan kong sabayan sa pagtakbo si Andeng na siyang kasama ko sa falls kanina. Sabi naman kasi namin ay saglit lang kami, pero dahil napasarap ang pagligo at pagtambay namin ay inabot na kami ng takip-silim doon. "Ito na nga, halos hindi na yata tumatapak sa lupa ang paa ko dahil sa bilis nang takbo ko." "Bilis pa!" malayo pa naman ang kubo. Tiyak akong sa mga oras na ito'y nasa kubo na iyon. 20 years old na ako, pero tiyak pa rin ako na mahahataw na naman ako ng walis. Tiyak na sa mga oras ding ito'y nanlilisik na ang mata nito sa galit. Nilampasan namin ang malaking mansion ng mga Aiden, tinahak namin ang daan patungo sa baryo na sakop ng hacienda na pag-aari ni Mr. Landon Sebastian Aiden na taga-siyudad. Wala nang ingay na maririnig sa mga dinaraanan naming bahay. Sa mga oras kasing ito'y lahat ng tao ay nasa loob na ng kanilang mga bahay at nagpapahinga at naghahanda na ng hapunan. "Andeng, samahan mo pa ako sa kubo." Hinawakan ko ang balikat nito at pinigil itong dumeretso sa kanilang tirahan. "Ano ka ba? Eh 'di mas lalong nagalit iyon kapag nakita n'yang kasama mo ako. Kaya mo na iyan. Tiyak na lagot din naman ako sa Nanay at Tatay ko." Inalis n'ya ang kamay kong nakahawak sa kanya. "Kaya mo iyan, Anais. Magdasal ka lang bago ka makarating sa inyo." Kusa na lang akong napatango. Si Lola Paula ang mayordoma sa malaking bahay rito sa hacienda. Kasama n'ya si Lolo Jun. Silang dalawa rin ang dahilan kung bakit narito ako sa lugar na ito. Sila rin kasi ang nagpapaaral sa akin, kaya naman mas pinili nilang dito ako sa hacienda manirahan. Pero dahil trabaho ang dahilan nila kung bakit narito sila, mas pinili kong dito tumuloy sa kubo para hindi maging pabigat sa kanila. Natanaw ko na si Lola Paula kahit na malayo pa sa kubo namin. May hawak itong walis at nakasandal sa gilid ng pinto namin. Nakatitig na ito sa direksyon ko. Wala sa sariling hinawakan ko ang buhok ko at bahagya kong piniga iyon. Pumatak pa ang tubig, basa pa rin naman kasi iyon. Bakit ba naman kasi nakalimot kaming dalawa ni Andeng sa oras? Ayaw na ayaw pa naman ni Lola Paula na abutin ako ng gabi sa labas ng kubo. "Magmadali ka, Anais." May diing bigkas nito sa aking pangalan. Nakakatakot kahit pa kalmado ang tinig nito. Nasaan ba si Lolo Jun? Kailangan ko nang magpapakalma muna kay Lola Paula. Kahit may edad na ito'y malakas pa ring manghataw ng walis kapag siya ay galit. Nag-aatubili man ay pumasok ako sa tarangkahang kahoy. Saka dahan-dahang isinara iyon. Hindi ko na muna inilagay ang sarahan dahil lalabas pa naman ang matanda. "Lola Paula . . ." "Pasok." "K-almado po ba kayo? Nagtungo lang po kami ni Andeng sa talon, napasarap ang pagtambay roon---" napakislot ako sa gulat nang hampasin nito ang pinto gamit ang walis. "Ito na po, p-apasok na po ako." Takot na ani ko. Saka ako kumaripas. Hindi para pumasok sa pintuan kung saan ito malapit. Kung 'di tumakbo ako sa kabilang side ng bahay at dumaan sa kusina. Wala namang pinto roon, kaya naman nakapasok agad ako. Pero sumulpot si Lola Paula. Agad naihataw sa akin ang kanyang walis. "Lintik kang bata ka. Ang tigas talaga ng ulo mo. Sinabi ko na sa 'yong iwasan mo si Andeng, iwasan mong magtungo sa talon dahil hindi ligtas sa dalagang katulad n'yo ang gano'n lugar, lalo na sa gabi. Ano bang hindi mo maintindihan doon?" ayaw ni Lola Paula kay Andeng dahil pilya raw ito. Ligtas naman ang buong hacienda, pero paranoid si lola sa safety ko. "Patawad po." Nakayukong ani ko. Habang hinihilot ang kaliwang binti na tinamaan ng walis tingting na pinanghataw nito. "Patawad? Puro ka hingi nang tawad. Pero paulit-ulit mo ring sinusuway ang bilin ko sa 'yo." "Lola Paula, sorry na po." Lumapit ako rito at naglalambing na niyakap ito. "Masakit po ang paghataw ninyo sa akin. Sana po hindi n'yo na ulitin." Mali ang desisyon kong lumapit at humirit ng gano'n. Dahil naabot ako nito at nakurot ako sa tagiliran. "Lola Paulaaa!" reklamo ko. Hindi itinago ang pagkayamot sa ginawa ng matanda. "Bente ka na. Matigas pa rin ang ulo mo. Hindi mo ba pansin na kayo ni Andeng ay laman ng tsismisan ng mga tauhan dito sa hacienda. Bali-balitang nakikipagtagpo raw kayo sa binatang anak ni Tata Simo." "Sino po? Kay Silong po ba? Lola naman, kaibigan po namin si Silong. Hindi rin po kami nakikipagtagpo sa kanya. Dahil abala po siya sa pagtulong sa gulayan." "Paano mo nalaman?" sigaw nito sa akin. Matanda na, pero kaya pang bumirit ng sigaw. "Kaibigan ko nga kasi si Silong, Lola!" kung pwede lang pumadyak ay ginawa ko na. Kaso tiyak kong mas lalo itong magagalit sa akin. "Ikaw bata ka . . . hindi ka kasi marunong makinig. Basta iwasan mo ang binatang iyon. Alam naman nating lahat na matagal nang may pagtingin sa 'yo ang lalaking iyon." "Wala po, Lola!" si Andeng ang type ni Silong. Iyon ang biggest secret naming tatlo. Pero secret nga lang kaya naman wala talaga akong sasabihin kay Lola. "Basta!" muling sigaw nito. "Ayaw na ayaw kong pinag-uusapan ka ng mga tao. Lalo na't kumukuha ka ng kursong edukasyon. Ayaw kong mabahiran ang pangalan mo ng mga kung ano-anong malisya at tsismis. "Lola, hayaan n'yo na po sila. Wala naman pong katotohanan ang mga ikinakalat nilang balita tungkol sa akin. Pinagbubuti ko rin po ang pag-aaral ko, tiyak na matatapos ko ang kurso ko na may mataas na karangalan. Huwag na po kayong magalit." "Dito sa bayan natin, mataas ang tingin ng mga tao sa guro. Igagalang ka ng mga iyan kapag naging guro ka. Kaya naman ayusin mo ang mga pinaggagawa mo. Huwag mong dungisan ang pangalan mo, dahil lang sa mga taong pinipili mong samahan." Mabuting tao naman si Andeng at Silong. Pero dahil siguro walang ibang libangan ang mga tauhan dito sa hacienda kaya naman kami na lang lagi ang napipiling pag-usapan. Kahit pa itama ko ang maling pag-iisip ni Lola, itinikom ko na lang ang bibig ko. Ang hirap kunin nang respeto ng mga taong nakapaligid sa amin kapag mahirap ka, kaya kailangan talagang magsumikap sa pag-aaral. Kailangan may maiwagayway kang diploma. Bago mo makuha ang respeto ng mga tao. Kahit mabuti kang tao, anong halaga no'n? Mas matimbang pa rin sa kanila ang estado sa buhay, at ang diploma mo. Pagkatapos nitong magbilin ay iniwan na rin n'ya ako para bumalik sa mansion. Ako lang ang mag-isang natutulog dito sa kubo. Safe naman, kaya ayos lang mapag-isa. May pagkaing dala si Lola Paula, kaya naman pagkatapos kong kalmahin ang sarili ko'y agad ko na iyong nilantakan. Magbabanlaw pa ako ng katawan mamaya bago matulog. May poso naman sa likod ng kubo na siyang source ng tubig namin. May mga poso sa barrio na ito. Solo namin ang poso, habang ang ibang poso ay ginagamit naman ng mga mamamayan sa baryo na ito. "Anais! Anais!" dinig kong tawag ni Andeng sa akin. Tapos na akong kumain, nakapagbanlaw na rin ako. Nagpapatuyo na nga lang ako ng buhok para hindi basa iyon kapag natulog na ako. "Andeng, pasok." Tugon ko sa kaibigan ko. Hindi naman nagtagal at lumitaw na ito. Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng ito? "Anong kailangan mo?" tanong ko rito. "Magkikita kami ni Silong. Sinabi kong dito na lang sa kubo n'yo. Dahil kung sa kubo pa namin ay tiyak na lagot ako kay Nanay at Tatay kapag nahuli ako." "Naku! Kapag nabalitaan ng magulang mo at ni Lola Paula, tiyak na lagot na naman tayo. Sabihin mo sa kanya ay huwag nang tumuloy." "Ano ka ba naman? Akala ko ba kaibigan mo ako? Tulungan mo ako, Anais. Miss ko na kasi si Silong." "Miss mo? Wow, ha! Maka-miss ka d'yan, hindi mo pa naman siya kasintahan." "Basta . . . hindi ko rin mapigilan ang nadarama ko. Kahit na hindi ko pa siya kasintahan ay may kakaiba na akong nararamdaman." "Bahala ka. Pero kapag nagkabukuhan, saluhin n'yo lahat ang galit nila. Huwag n'yo akong idamay dahil ayaw kong magalit ang Lola Paula at Lolo Jun ko sa akin." "Oo naman. Pumasok ka na sa silid mo. Ako na lang ang maghihintay kay Silong dito." "Gabi na, Andeng." "Ayos lang. May pasok ka pa bukas." Dinampot ni Andeng ang malong ko at ipinangsaklob n'ya sa kanyang sarili. Saka siya lumapit sa pinto at pasimpleng sumilip. "Ikaw na lang ang magsara ng tarangkahan. Matutulog na ako." Bilin ko rito. Tumango naman ang babae. Pumasok na rin ako sa silid ko at isinara ang pinto. Ang maliit na bintana ay nilapitan na rin at ibinaba ang kurtina. Antok na antok na rin ako, dala na rin nang pagod. Pagkahiga ko nga'y agad akong dinalaw nang antok. Agad nang nakatulog. Sa kasarap nang tulog ko'y naalimpungatan ako sa narinig kong halinghing. Wala sa sariling dinampot ko ang kumot at ginamit iyong pansaklob. Bigla akong natakot, mukhang aswang iyon na madalas panakot ni Lola sa akin noong bata pa ako. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Mukhang nakarating na yata sa aming baryo ang aswang. "Ahmmm . . ." impit na daing na parang nasasaktan. Mas lalo akong kinilabutan. Diyos ko, mukhang ang kubo pa namin ang napiling tunguhin ng aswang. Kakaibang tunog din ang sunod kong narinig. Hindi ako pamilyar sa tunog na iyon, kaya mas lalo akong natakot. Napadasal sa maykapal, anong laban ng kahoy na pinto kapag ginusto no'ng aswang na pasukin ako rito? Tinakpan ko rin ang tenga ko, nagpatuloy ang halinghing. Iyon na ba ang tunog kapag nagpapalit ng anyo? Diyos ko po, tiyak na sa mga oras na ito'y tulog na ang mga kalalakihan sa baryong ito. Paano na ako? Dininig ng Diyos ang panalangin ko. Katahimikan na ang namayani. Wala na akong narinig na ingay, kaya naman nakuha kong kalmahin ang sarili ko. Nakuha ko pa ngang bumalik sa pagtulog. Sa awa naman ng Diyos, nang sumapit ang umaga ay walang aswang na nakapasok sa aking silid. Magaan na ang pakiramdam na kumilos ako para maghanda sa pagpasok.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook