Hindi ako ang may pinakamalakas na iyak habang inililibing si Silong. Kung 'di si Andeng na iniisip ng lahat na 'kabit' o other woman ni Silong. Iyong iba rito, hindi naman sila nagpunta para makisimpatiya sa sitwasyon namin. Nandito sila para panoorin ang 'magulong' sitwasyon na inakala nilang kinasangkutan naming tatlo. "Tignan mo naman, mas malakas pang umiyak iyong kabit. Kaysa roon sa totoong nobya." Dinig kong ani ni Aling Bajing. Nagbungisngisan sila. Habang ako, si Andeng, at si Tata Simo ay luhaan. Nakukuha nilang magbungisngisan sa ganitong tagpo. Multuhin sana sila ni Silong. Niyakap ko si Andeng. "Sobrang bait nitong si Anais. Niloko na ng nobyo at best friend pero nakukuha pa rin n'yang yakapin." "Kaya siguro niloko ay dahil masyadong mabait. Kinuha agad tuloy ni Lord si