When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Hindi ako kinikibo ni Lola. Ramdam ko ang cold treatment at silent treatment nito sa akin. Kahit gusto kong kausapin ito ay para lang akong tanga na lumalapit pero iniiwasan nito. Libing na bukas ni Silong. Wala pa ring nakakaalam ng sekreto namin ni Andeng kung 'di kami lang dalawa. "Anais, may iniuwi kaming prutas." Tawag ni Lolo sa akin. Bumaling ako sa matandang lalaki at ngumiti rito. Lumapit ako sa mesa at tinignan ang laman ng plastic na inilapag nito roon. May saging at mansanas. "Apo, nag-advance kami ng Lola mo. Iyon sanang pamalengke para rito sa kubo ay napakialaman pala ng mama mo. Walang nabili kahit isa sa ibinilin namin sa kanya na bilhin n'ya. Itong pera na ito ay gamitin mo sa pamalengke. Kaya mo ba?" "Oo naman po, lo. Ako na pong bahalang mamalengke." "Sige. Hindi k