When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Pareho kaming humihimas ng tiyan ni Andeng. Katatapos ng checkup naming dalawa at dito kami sa kubo ni Lola dumeretso. Hindi na n'ya ako pinagtabuyan pero madalang pa rin siyang umuwi. Bilang pa rin ang mga salitang binibitiwan n'ya, pero hindi na n'ya ako sinasaktan. Hindi na n'ya ako pinagsasalitaan nang masasakit na salita. "Parang sa lahat ng buntis sa center kanina, tayo lang iyong may mga cravings na hindi natin makuha." Naiiling na ani ni Andeng. Nasabi nito iyon dahil may mga nakakwentuhan kami at isa ang paglilihi sa naging topic namin. Lahat sila ay maibibigay raw ng kanilang mga asawa ang mga gusto nila. Kami ni Andeng na ultimo prutas ay hindi namin maibigay sa sarili namin. Tipid na tipid kami sa sarili namin. Minsan nga ay umiiyak na lang kami nang palihim, kasi pakiramdam