When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"Linggo raw ang libing ng Lolo mo. Maayos naman ang lahat doon. Sabi no'ng doctor na nakausap ko ay sa biyernes ka pa raw pwedeng lumabas. Kaya naman kaunting tiis pa, Anais." Wala akong kadugong nagbantay sa akin sa ospital. Ang mayroon lang ako'y isang Andeng na siyang kumikilos para matiyak na okay ang lahat para sa akin. "Salamat, Andeng. Magpahinga ka na muna. Alam kong pagod at puyag ka rin. Magpa-check up ka na rin kaya narito naman na tayo sa ospital." "Sa center na lang ako magpapa-check up, Anais. Doon ay libre." "May pera pa naman tayo---" "Itatabi natin iyon. Para sa 'yo iyon at sa baby mo. Nagpunta na rin ako sa munisipyo. Hindi ko man nakausap si mayor, pero may nag-assist sa akin. Matutulungan tayo sa bill dito." "Talaga?" "Oo. Kaya huwag ka nang mag-alala d'yan. Ang d