When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"L-ola, iyong anak ko po?" tanong ko sa matanda na siyang nakita ko paggising ko. Luminga-linga rin ako. Nakita ko sa kabilang hospital bed si Andeng. Si Tata Simo naman ang naroon at umaasikaso rito. "Mamaya ay ihahatid dito." Seryosong ani ng matanda. "P-aano n'yo po nalaman?" tanong ko. "Iyong tricycle driver na sinakyan n'yo ay hinanap ako sa barrio. Kaya nalaman kong dinala kayo rito ni Andeng." Napansin ko ang mga gamit namin sa paanan ng hospital bed. "Salamat po sa pagpunta, la." "Anais, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Andeng. Mukhang pagod na pagod ang itsura nito. Tiyak kong gano'n din ang itsura ko ngayon. Pero parehong may nakaguhit na ngiti sa labi namin. "Masakit ang braso ko, Andeng. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako." "Gano'n talaga, Anais." Seryosong ani ni