6

3041 Words
Pagkauwing-pagkauwi ko'y dali-daling inayos ko iyong mga dinala kong gamit kanina sa mansion. May pagmamadali ang kilos ko na naligo at nagbihis ng floral dress na may kahabaan. Nagpulbos at lipgloss din ako na this time ay sakto na lang ang naipahid ko. Saka nagsuklay, at naisipan pang lumabas saglit at pumitas ng bulaklak ng gumamela. Saka pumasok ulit, humarap sa salamin, at inipit iyon sa aking tenga. Napangiti ako sa naging resulta no'n. Sanay naman ang mga tao na makita akong gano'n ang ayos. Medyo extra nga lang ngayon dahil ang gaan-gaan ng aura ko. Nang matapos na akong mag-ayos ay umalis na ako ng bahay. Sa likod ako dumaan upang mas mabilis makarating sa falls. Doon kami magkikita ni Kuya Storm. Well, hindi ko actually alam kung doon talaga. Parang hindi namin napag-usapan. Kung hindi siya dumating after 30 minutes to 1 hour ay uuwi na lang ako. Kapag dito ang daan sa likod bahay patungo sa falls ay hindi ko kailangan isipin ang mga matang nagmamasid sa akin. Pero may kahirapan kasi ang daan dito. Matarik at kailangan ko pang medyo gumapang para makaakyat at baba. Pagdating sa falls ay medyo nagulat pa ako na naroon na ang binata. Malawak ang ngiti na kumaway ito sa akin. Sa tabi nito'y may basket na sa tingin ko'y pagkain ang laman. "Kuya Storm!" kumaway rin ako rito, malawak din ang isinukling ngiti. Ang laylayan ng saya ko'y agad kong iniangat hanggang tuhod upang hindi mabasa sa gagawin kong pagtawid. "Mabuti at parehong tama ang lugar na pinuntahan natin." Naglahad ito ng palad nang nasa tapat na ako nang malaking bata. Nahiya pa, pero tinanggap ko rin naman iyon. Gusto lang naman n'ya akong tulungan, eh. "Oo nga, 'no?" ani ko nang makasampa at makaupo na sa malapad na bato tulad nito. "Saan ka dumaan kanina, Anais? Parang sa ibang direkyon ka lumaban." "Sa likod ako ng kubo dumaan. Para hindi mapansin ng mga tao sa barrio. Nakakahiya kasing napag-usapan na naman. Ako na lang iyong nahihiya." "Dala ko na nga rin pala iyong laptop. 20 pesos per day iyan." "Seryoso ka talaga, Kuya Storm." Excited na tinanggap ko iyon at agad na binuksan ang laptop bag kung saan naroon ang laptop. "Oh, akala ko ba luma ito?" takang ani ko. Pinaglandas pa ang palad sa screen ng laptop. Halata namang bago pa. "Luma na iyan. Hindi lang gaanong nagamit. Pero matagal na iyan." Naghihinalang tinignan ko ang lalaki. "Luma na iyan. Wait, tignan mo." Binuksan n'ya iyon. Nakarating ang pagpindot n'ya sa mga photo. Tumambad ang mahigit 100+ na larawan nito. Nagsalubong ang kilay na napaiwas ako nang tingin. "Luma na iyan. Tignan mo iyong mga dates ng mga old photos ko." Bahagya pang binungo nito ang balikat ko para lang muling tumingin sa laptop. "Wala bang desenteng larawan for proof?" mga larawan kasi iyon ni Kuya Storm na naka-topless. Hindi ko makuhang titigan dahil parang isang malaking kasalanan iyon. "Hindi naman kasi iyong picture ang dapat mong pag-focus-an. Iyong dates." Pakiramdam ko talaga tinutudyo ako nito sa ganitong paraan, eh. "Kasi naman iyon ang bungad." Tinawanan tuloy ako nito. Para hindi mahalatang naiilang ako sa mga larawan nito ay tinignan ko na lang iyong tinuturo nito. Dates ang mga iyon. "Luma na sa 'yo ang 2 months na laptop?" "Yeah!" sabay kibitbalikat nito. Sabagay... yayamanin eh. Barya lang ang pinambibili nila rito. "Sure kang ipapahiram mo sa akin?" halos pabulong na ani ko. "Hindi iyan hiram, Anais. Bente araw-araw. Bayaran mo ako, ha. Ito nga pala iyong isasalpak mo rito para may internet ka." "May kasama pang internet? Uy! Grabe naman." "Para hindi ka mahirapan sa thesis mo. D'yan mo na gawin. Kahit nasa kubo ka ay magagawa mo iyan." Maingat kong isinara ang laptop at ibinalik iyon sa bag. Si Kuya Storm na rin ang naglagay sa laptop bag saka iyon isinara. "Bente lang talaga? Oo, kailangan-kailangan ko nang magagamit sa thesis ko. Pero luging-lugi ka naman, Kuya Storm. Tapos paano kung aksidente kong masira? Eh 'di kulang pa ang buhay ko na pambayad." "Kung masira, eh 'di masira. Hindi mo na kailangan palitan." "Ewan ko sa 'yo, halos pamigay na ito. Pero hayaan mo, iingatan ko ito." Saka ko dinukot ang bente sa bulsa ko. Sabay abot dito. "Daily na lang akong magbabayad sa 'yo, Kuya Storm. Saka hindi ko naman ito lalaspagin. Iingatan ko ito ng buong puso." "May tiwala ako sa 'yo." Grabeng pagtitiwala. Akala mo'y dekada na ang pagkakaibigan na nabuo namin. Inasikaso na nito ang pagtatanggal ng laman ng basket. Mukhang hindi ako makakapaghapunan nito. Ang daming laman ng basket. "Kain na." Iniabot nito ang mangkok. Saka nilagyan n'ya iyon ng bilo-bilo. "Ano nga pala ang gusto mong pag-usapan natin ngayon?" "Kain ka lang, huwag mo munang isipin." "Ngii, sayang naman iyong oras na lilipas. Babayaran mo kaya ako roon." "Sabi ko naman kailangan ko ng kasama. Hindi lang naman kausap. Kain lang, Anais." "Salamat." Akmang susubo na rin ito nang mag-ring ang phone n'ya. Agad nitong ipinasa sa akin ang mangkok para ipahawak iyon. Saka dali-daling inilabas ang phone at sinagot ang tawag. Pati cellphone nito ay mamahalin. Gano'n iyong cellphone no'ng kaklase kong seaman iyong tatay. Mahal daw iyon sabi no'ng kaklase ko. Mas mahal pa raw kaysa sa isang buwang sahod ng propesyon na pinili namin. "Thunder?" ani ni Storm sa kapatid. "Nasaan ka?" In-loud speaker iyon ni Kuya Storm dahil sa malakas na tunog ng falls. Kaya narinig ko ang tanong ng kapatid nito. "Nandito ako sa falls. Bakit?" bahagya pang nagsalubong ang kilay ng lalaki. May kakapalan iyon. Bumagay sa buhok nitong kulot. Parang sobrang lambot no'n na kahit isuklay ang daliri ay parang walang magiging sabit. "Hinahanap ka nila mommy. Iniisip nilang nambababae ka na naman." "Thunder, tinatanong ko lang kung nasaan ang kuya mo. Hindi ko sinabing nambababae na naman siya." Dinig naming kontra ni Seniora Rein. "Gago ka, Thunder." Hala! Ang pogi rin ni Kuya Storm no'ng umismid siya. Pakiramdam ko'y nag-init ang pisngi ko. Kaya napaiwas ako nang tingin. Baka kasi mapansin nito na nagwagwapuhan ako sa kanya. "Nandito lang ako sa falls." "Sunod ako d'yan?" ako ang agad na nabahala. Umiling-iling pa ako. Agad inilapag ang dalawang mangkok at napahawak sa braso ni Kuya Storm. Nang tumingin ito sa akin ay muli akong umiling dito. "Ayaw n'ya---" "N'ya? May kasama ka d'yan?" "Bingi ka ba, Thunder? Ang sabi ko ay ayaw ko." "Pero ang narinig ko ay n'ya." Giit ng lalaki sa kabilang linya. Bumitiw na ako sa pagkakahawak ko sa braso ni Kuya Storm saka bumalik sa pagkakaupo nang maayos. "Magpalinis ka ng tenga mo." "I think kailangan ko nga. Nabingi na yata ako sa palaging sigaw ni mommy." "Son!" kahit ako'y nagulat sa tinig ng ina nito. Napangiti naman si Kuya Storm. "Punta ako d'yan, Kuya." "No. Gusto kong mapag-isa." Tanggi ni Kuya Storm. Gusto raw n'yang mapag-isa. So ano ako? Hindi nag-e-exist? "Mommy, gusto raw n'yang maggisa." "Thunder, mag-isa. Hindi maggisa." Medyo inis nang ani nito sa kapatid na medyo maloko pala. "Tigilan mo na iyang kuya mo, Thunder. Mas gugustuhin n'ya talagang mag-isa kung ganyan kang kausap. Halika rito at masahiin mo ang binti ko." "Mommy si daddy na lang. Wait lang. Daddy, tawag ka ni mommy. Galit siya sa 'yo." In-end na ni Kuya Storm ang tawag. "Ang kulit ng kapatid mo. Cute." Naiiling na ani ko. "Cute?" sa ilang salitang nasabi ko ay iyong cute lang ang pinuna nito. Pwede namang iyong kulit, eh. "Oo." "Hindi cute iyon. Babaero iyong kapatid ko. Kapag nakita mo iyon ay umiwas ka roon. Tirador ng mga college students iyon." Natakot naman ako sa sinabi nito. Kaya tango rin agad, eh. "Selfie nga tayo." Kasasabi lang nito'y narinig ko agad ang tunog ng camera nito. Sa kanya pa naman ako nakatitig. Pero nang muli nitong iangat para kuhanan kami ulit ay tumingin na ako sa phone nito. Napalabi dahil medyo kinabahan sa pagkakahawak nito sa mamahaling phone n'ya. Akala ko'y okay na pagkatapos ng ilang shots. Pero bigla itong umusog. Dumikit sa akin. Ngumiti na ako. Baka kasi hindi n'ya makuha ang bet n'yang larawan kung seryoso ang expression ng mukha ko. "Beautiful!" nakisilip din naman ako. Gusto ko lang makita kung totoong beautiful nga iyong nasa larawan. Tama siya. "Isa pa." This time ay mas dumikit ito sa akin. Saka n'ya ako inakbayan. Huling-huli sa camera ang pag-akbay nito sa akin pati na rin ang gulat na reaction ko. "Done. Ang ganda mo, Anais." "Ikaw rin." "Maganda?" "P-ogi." Sabay iwas nang tingin. Kulang na lang ay mabali ang leeg para lang hindi nito makita ang mukha ko. Natawa pa ito. "You're so cute, Anais." "Huwag kang tumawa. Hindi ako sanay na pinupuri." "Really? Why?" "Kasi karamihan ng mga tao sa barrio ay hindi nakikita ang ganda ko. Ang madalas nilang makita ay iyong mga mali ko. Iyong mga tao naman sa school ay intimidated sa akin. Ilag na ilag sila." "Why?" "Kasi nga matalino raw ako't naiiba ang ganda." "Tama naman sila matalino ka at naiiba ang iyong ganda. Iyong gandang one of a kind." "Pero enough reason ba iyon para pangilagan nila ako?" "Well, kung as in lahat ay iwas sa 'yo ay hindi nga okay iyon. Pero kung mga boys ang nangingilag sa 'yo ay maganda iyon." "Ha?" gulat na ani ko. "Ibig sabihin lang ay walang maglalakas ng loob na manligaw sa 'yo." "Pero paano kung gusto ko pa lang magpaligaw?" "Gusto mo ba?" mabilis nitong tanong. "I mean kung paano lang. Pero hindi ko sinabing gusto ko. Focus ako sa pag-aaral ko. Goal kong makapagtapos na may mataas na karangalan." "Pagkatapos ng graduation mo... anong plano mo?" "Mag-apply agad ng work. Dahil hindi pa naman ako lisensyado ay sa private school ako mag-a-apply. Ayaw ko namang sayangin ang taon. Apply sa private school. Tapos sa September ay ipu-push kong makapag-exam para sa lisensya ko. Kapag nakapasa ay tapusin lang ang isang school year sa private school then apply na sa public." "Wow! Nakaka-amaze at may plano ka na." "Oo naman! Hindi pwedeng walang plano para sa future." "Pangarap mo talagang magturo?" tanong nito sa akin. "Noong grade school pa lang ay oo, sobrang pangarap ko. No'ng tumungtong ako ng secondary ay naiba ang pangalan ko. Gusto kong maging designer---" "Designer ng?" "Nang bag at sapatos. Magaling akong mag-drawing ng mga damit at sapatos." "Wow! That's nice." "Iyon nga... no'ng 4th year high school na ako'y napapaisip na ako kung ipu-push ko ba iyong pangarap kong maging designer. Kaso naisip ko na wala rin namang school dito sa San Ildefonso para sa gano'n career. Kaya naman in-suggest ni Lola na magguro ako. Doon na nagsimula. Iyong childhood dream kong maging teacher ay bumalik." Ngiting-ngiti na kwento ko rito. "Mas lalo akong na inspire na pagbutihin ang pag-aaral ko dahil sa pangarap ko pati nila Lola sa akin." "Ipangako mo sa akin na iyang mga pangarap na iyan ay aabutin mo." "Oo naman. Magiging teacher ako rito sa San Ildefonso. Titiyakin ko ring makaka-inspire ako ng mga kabataan para pagbutihin din nila ang pangarap nila." "Ganyan nga!" tuwang ani nito. Naalala naming balikan ang merienda kaya saglit kaming nanahimik. Hindi ko namalayan ang oras. Masarap kausap si Kuya Storm. Halos tungkol naman sa akin ang topic namin. Dahil kampante agad ako rito ay nakuha ko talagang magkwento sa kanya. Nang matapos sa merienda ay saglit na naglakad-lakad kami sa palibot ng falls. Iniwan na lang din namin ang basket at laptop sa batuhan. "Ang ganda talaga ng lupain ninyo, 'no?" komento ko rito. "Isa ito sa property ng family na mahal na mahal talaga namin. Ngunit may nangamkam sa isa kong lola. Nawala sa mga Aiden ang property. Pero gumawa nang paraan si dad na maibalik ang hacienda sa pangalan namin." "Itong area na ito ay palagi kong pinupuntahan kasama si Andeng at Silong. Favorite spot namin ito sa buong hacienda. Nililinis namin para hindi maging masukal. Kita mo iyang bayabas na iyan." Turo ko sa tatlong puno ng bayabas na mataas na. "Yes." Tumingin din si Storm sa itinuro ko. "Kaming magkakaibigan ang nagtanim n'yan no'ng bata pa kami. Tignan mo, may mga nakaukit. Akin itong nasa left. Ayan oh, may pangalan ko pa. Anais. Itong nasa gitna iyong kay Silong. Tapos kay Andeng itong nasa left." "Nice." Inalalayan ako nito nang sumampa ako sa bato. Kahit nakaupo na ako sa bato'y hindi pa rin nito binitiwan ang kamay ko. Nakatitig pa rin ito na wari'y balak akong tunawin ng titig nito. "Bakit?" takang ani ko sa Makisig na lalaki. "W-ala. Nakakaaliw ka lang pagmasdan habang nagkwekwento ka." "Hindi ba nakaka-boring pakinggan? Halos ako lang ang nagkwekwento. Ikaw naman. Makikinig ako." Udyok ko rito. "Ano namang ikwekwento ko?" he asked. Then he looked away. "Iyong tungkol sa girl na gusto mo. Hindi ba't sad boy ka pa no'ng nagkita tayo rito kahapon? Kaya nga need mo rin ng kausap, eh." "A-h, oo! May gusto ka bang itanong about 'her'?" "Anong nagustuhan mo sa kanya?" Hindi na naman nito makuhang tumingin sa mga mata ko. Sanay naman akong makipag-eye to eye contact lalo na sa mga students ko roon sa public school na pinapasukan ko as student teacher. Pero si Kuya Storm ay hindi sanay. Panay kasi iwas. "She's nice." "Ano pa?" tanong ko. "Beautiful." "Okay. Ano pa?" "Alon-alon ang buhok." "Wow, tulad no'ng akin?" excited na tanong ko rito. "Yes. Tulad no'ng sa 'yo." "Close ba kayo?" "No." Daig pa namin ang may Q&A. Tapos tipid sumagot ang lalaki. "Hindi talaga?" "Hindi pa." "Ah, kababata mo ba ito? Matagal mo na bang makilala? Or, bago lang?" "Ilang taon na rin yata. 2 or 3 years? Hindi ko sure." Iyon na iyong pinakamahabang sagot na medyo may paliwanag mula rito. "Mas nauna bang naging close ni Kuya Thunder?" "I don't think so." "Pero gusto n'ya rin tapos feeling mo'y gusto rin no'ng girl ang kapatid mo---" "Ah, oo!" ang kamay kong kanina ay hawak nito ay napunta sa noo ko't napakamot doon. "Sabagay, kahit hindi close ay pwede naman iyon." Patango-tango pa ako. "May gusto ka pa bang i-share about dito sa girl na ito---" "I think mas better na bukas na lang ulit. After mong gumawa ng thesis." "Dahil may laptop na akong pwedeng gamitin ay gagawa ulit ako mamaya. Tapos maaga na lang tayong magkita rito. Para sa hapon ay gagawa na lang ulit ako. Okay ba sa 'yo iyon? Pero okay lang naman kung hindi. Ayos lang sa akin kung mas gusto mo pa rin ng hapon." "Sige, kita ulit tayo rito bukas. 8 am?" "Okay. 8 am tayo magkita rito." Inalalayan n'ya akong muli para makababa roon sa inupuan kong bato na malapit sa puno ng bayabas. Saka kami bumalik sa malaking bato kung nasaan ang mga gamit. Si Kuya Storm na lang ang kumuha ng mga iyon at nagbaba. "Kuya, dito ulit ako dadaan. Alam mo na, iwas issue lang ako." "Safe ba d'yan? Ihahatid kita." "Nope. Nope. Ayos lang ako. Sanay na ako rito, Kuya Storm. Huwag mo na akong susundan ha!" "Fine. Ingat ka sa pag-uwi mo. Papadilim na. Dalian mong umuwi." "Sige. Ilang minuto lang naman na lakaran. Bitbit ko ang laptop bag na nakuha pang kumaway rito. Saka umalis at nagmadali na sa paglalakad. Medyo matarik ang paakyat at pababa. Pero matiwasay naman akong nakarating sa likod ng kubo namin. Dumaan na lang ako sa likod ng kusina dahil open naman doon. Deretso pasok sa kwarto at isinuksok sa cabinet ang laptop. Unang-una, kapag tinanong ni Lola kung saan galing iyon ay tiyak na kailangan kong sabihin dito na kay Storm. Bawal magsinungaling. Pangalawa, tiyak tatanungin no'n kung paano kami nagkakilala ni Kuya Storm. Siyempre malalaman na rin n'yang nakita ako ng lalaki sa falls, nagkakwentuhan, tapos muling nagkita ulit doon. Hindi lang walis ang maihahataw n'ya sa akin. Pati na rin iyong upuang sira. Tuloy naalala ko iyong upuan. Lumabas ako pagkatapos kong ayusin ang laptop sa cabinet. Tinungo ko ang kusina at pinagmasdan ang sirang upuan. Tiyak na magtataka si Lola Paula, siyempre mas lalo na si Lolo Jun. Ang tibay ng upuan. Pero nasira lang. "Anais! Anais!" agad kong binuksan ang pinto kung saan nakaharap iyon sa tarangkahan. Nang sumilip ako'y nakita ko si Andeng. May dala na naman itong pliers at alambre. "Oh, papagabi na! Bakit lumabas ka pa ng bahay n'yo?" ito na ang nagbukas ng tarangkahan saka lumapit sa kubo. "Ihahatid ko na ito kina Tara Simo." "Eh bakit dumaan ka pa rito?" "Kasi gusto ko lang. Bawal ba?" takang ani nito. Saka ito sumilip sa kubo. "Wala naman si Lola Paula eh. Dito muna ako." Sumiksik ito kaya nakapasok ito sa kusina ng kubo. "Oh, napaano itong upuan n'yo?" "Hindi ko nga alam, Andeng. Tiyak na magtataka sina Lola Paula kapag nakitang sira iyan." "Aba'y tamang-tama nga naman. May dala akong pliers at alambre. Ako na ang mag-aayos." "Ha? Hindi na. Iniisip ko naman na kanina pa kung anong dapat gawin." "Huwag ka nang mag-isip. Tiyak na kaya kong ayusin ito. Sa ating dalawa ay mas magaling akong magkumpuni ng mga ganito." Sinimulan na nitong ialambre iyon. Tahimik lang akong nanonood dito. Marunong nga talaga siya. "Kanina dumaan ako rito. Pero hindi ka sumagot, umalis ka ba ulit kanina?" "Ako? Hindi." "Tapos hindi mo ako nilabas?" angat ang kilay na tanong nito. "Baka hindi kita narinig." Lord, alam kong masamang magsinungaling. Pero tiyak kasing malalagot ako kina Lola eh. "Nakatulog kasi ako kanina. Alam mo naman. Nakakapagod gumawa ng thesis. Kaya pagdating ko kanina ay nahiga ako." "Okay. Valid naman ang reason." Saka nito bahagyang niyugyog ang upuan. "Okay na ito. Sa susunod kapag sasandal kay huwag iyong buong bigat. Nasira tuloy. Saka huwag mong gawing tumba-tumba." "Talagang hindi. Dahil tumba talaga ako kapag ginawa ko iyan. Saka hindi ko naman inuupuan iyan. Mas prefer ko itong pahabang upuan. Hindi ko nga alam kung paanong nasira iyan." Kahit anong alala ko kung paano iyon nasira ay wala talaga. Saglit pang nanatili si Andeng. Pero no'ng sinundo na ito ng kapatid n'yang babae ay sumama na siya. Ngayon, ako na lang na namang mag-isa. May hapunan na ako iyong galing sa mansion na bigay ni Lola Paula. Kailangan ko na lang iinit iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD