Wala pa rin akong balita kay Storm. Gusto ko na ngang puntahan sa mansion. Pero nagpigil ako. Pangatlong araw na. Pati pagsagot nang tawag ko ay hindi n'ya magawa. Nag-aalala na nga ako. Nakaburol na si Silong pero hindi ko pa sinilip. Sobra akong nasasaktan sa sinapit ng kaibigan ko. Iyak pa nga rin ako nang iyak. Kaya naman tiyak kong binigyan na naman ng ibang kahulugan ng mga kapitbahay na nakakita sa akin dito sa labas ng kubo. Umiiyak ako dahil kay Silong. Umiiyak ako sa kaba dahil kay Storm. Mahirap bang sagutin ang tawag at text ko? Ngayon nga'y hindi ko alam kung nasa mansion pa ba ito, eh. Parang kailangan ko nang pumunta roon para ma-check kung naroon pa ito. "Anais, silipin mo na ang nobyo mo. Nakaayos na siya roon sa bahay ni Tata Simo." Imporma ni Aling Ester. Hindi ko it