When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"Pamara, hayaan mo na ang gusto ng bata na kami ni Papang Jun mo ang kasama n'ya. Araw n'ya ito. Sundin natin kung ano ang gusto n'ya at request n'ya." Nagpaalam sina Lola na liliban sa trabaho ngayong araw. Nakapag-ayos na ako. Natanong pa nga ni Pamara kung saan ko nakuha ang suot kong bestida pero hindi ko sinagot iyon. Bastos na kung bastos. Gano'n din naman ito sa akin. Sabi pa n'ya ay pagkatapos ko raw isuot ay ibigay ko na lang sa kapatid kong babae. Pero no, espesyal ang damit na ito. Galing ito kay Storm at hindi ko ito ibibigay sa kahit na sino. "Pamara, manood ka na lang. May mga bench naman doon. Iyong upuan na nakalaan ay para sa amin lang ng mamang mo." "Ang sabihin n'yo ay ayaw n'yo talagang magpunta ako roon. Bakit? Ikinahihiya ba ako ng batang iyan? Maayos naman akong