When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"Magsaing ka na. Anong oras na ngayon ka pa lang bumalik? Saan ka galing?" inabutan ko si Pamara sa kusina ng kubo. Kumakain ito ng noodles, iyong hilaw. Wala na si Lola. Tiyak nasa mansion na ito. "Hindi po ako nagugutom. Pero kung gutom po kayo ay ipaghanda n'yo ang sarili n'yo. Matutulog na po ako." Akmang papasok na ako sa silid nang tumayo ito at humarang sa daan ko. "Ayusin mo iyang asta mo, Anais. Hindi ka pa guro. Huwag ka munang magmataas sa akin." Masungit na ani ng ginang. "Hindi po ako nagmamataas sa inyo." Cold na ani ko. Sabi ni Storm ay kausapin ko. Kaninang pauwi ako'y buo na ang desisyon ko na kausapin nga ito at pakinggan ang paliwanag n'ya. Pero dahil ganito ang bungad ay agad kong nakalimutan ang nabuo kong desisyon pagkatapos kong nakipagtalik sa nobyo ko. "Anong