41

1878 Words

"Puro na lang tayo korol-korol. Kung tumakas na lang kaya tayo. Puntahan natin si Lola Paula sa mansion?" dinig kong suggestion ng aking anak kay Elio. Nasa silong sila, nakadapa sa papag na gawa ni Tata Simo para sa kanilang dalawa. May baon talaga kaming crayons at coloring book na ilang linggo na pero hindi pa rin tapos kulayan ng dalawa. "Masama iyan, Tem-tem kambal. Gusto mo bang mag-alala si Mama Anais? Pagod na nga siya sa pagtratrabaho. Tapos gusto mo pa siyang mag-alala?" "Hindi naman. Tatakas lang naman tayo." "Eh 'di mag-aalala pa rin siya kasi tatakas ka." "Magpaalam tayo." "Ha? Ano sabi mo?" "Sasabihin natin Kay mama, 'Ma, tatakas po kami ni Elio. Huwag kang mag-alala.'" Napabungisngis ako kahit tagaktak ang pawis at labis na init na init na sa pwesto ko ay parang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD