"D'yan lang kayo!" pangsampung beses ko na atang sinabi iyon sa dalawa. Masarap ang baon nila ngayon. Kaya kahit kararating dito sa taniman ay sinisimulan na nilang kainin. Kasama sa grocery na ipinamigay ang mga biscuit na dala ngayon para baon nila. "Opo, Mama Anais." Nakita ko pang hinawakan ni Elio ang braso ni Tempest saka sila naupo sa papag. Nagsha-share sila sa isang biscuit. Share raw kasi iba-ibang flavor ang tinapay nila ngayon. Para raw matikman nila lahat. Inayos ko na ang sumbrelong suot ko. Pati na rin ang long sleeve ko. Saka ko binitbit ang panggupit ko. Sa taniman kami ng kamote ngayon. Magtatanggal ng mga peste at tuyong dahan. Kaya may gunting din ako na malaki na hawak at nagsimula na ngang maglakad sa pwesto ko. Nang tumutok ang atensyon ko sa trabaho ay hati ang