Katawan ng Isang Lalaki, natagpuang sa loob ng kaniyang kwarto.
Nakilala ang biktima na si Joel Guillermo, 30 anyos, may asawa, empleyado ng Velasco Corporation na pagmamay-ari ng pinakatanyag na Kongresista na si Joaquin Phoenix Velasco 3rd.
Awtomatikong itinigil ni Amélia ang ginagawa nang marinig nito ang balita, napansin din nito na gayundin ang mga katrabaho niya.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulisya, nagkaroon ng kasiyahan ang biktima kasama ang kaniyang mga katrabaho na nauwi sa inuman kagabi at nang matapos ang inuman pasado alas nwebe kagabi ay nagtungo na ang biktima sa kanyang kwarto kung saan siya pansamantalang tumutuloy.
Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, narekober kaninang umaga ang wala ng buhay na katawan ng biktima na nakahandusay sa kanyang higaan.
Apat na saksak sa kaniyang hita at isang gilit sa kaniyang leeg ang natamo ng biktama na naging dahilan ng agaran pagkamatay nito.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestgasyon ng Crime Laboratory sa dahilan ng sunod-sunod na p*****n ang nangyayari sa probinsyang ito at sa marka na iniiwanan ng suspek sa mga biktima.
Dahil sa susunod na pag-iwan ng marka ng suspek sa mga biktima na pinapatay niya, ayon sa Senior Inspector Nory Lee, sumala sa kanilang imbestigasyon, tinatawag nila ang suspek na "Thrill seekers- kung saan ang serial killer na ito ay nasisiyahan sa pansin mula sa media at nasisiyahan din sa paghabol ng pulisya. Ayon pa sa Inspector, pinag-iingat ang mga tao dahil wala pa silang lead sa nasabing killer.
Napasulyap bigla si Amélia kay Shirley nang matumba ito sa sahig na halos hindi makapaniwala sa nangyari sa katrabaho nila. Agad naman iyon inalalayan paupo ng nga kasamahan nila at iinabutan ng isang basong tubig.
"Tayo ang kasama ni Sir Joel kagabi," nanginginig ang boses nito habang nakatulala sa kawalan. "Bakit nangyari iyon sa kaniya?"
Walang sumasagot ni kahit sino sa kanila sa tanong ni Shirley, sa rason na hindi rin sila makapaniwala sa sinapit ng kanilang katrabaho. Eh, samantalang kagabi ay masaya pa sila nag-iinuman.
"Umayos kayo, andito si Congressman Velasco!" deklara ni Liam sa mga katrabaho.
Kaya naman pansamantala munang itinigil nito ang pag-iisip sa nangyari sa katrabaho at sabay-sabay silang humilira para batiin ang paparating na Kongresista kasama ang anak nitong lalaki... Bukod kay Amélia na nakatingin lang sa tatay niyang naglalakad papalapit sa kanila.
Sabay-sabay yumukod ang mga katrabaho niya upang pagbigay galang sa Kongresista at sa anak niyon na kasama. Nang makalapit ito sa kanila, agad naman lumapit si Gerard kay Amélia.
"Big sis, how are you?" nakangiti at nagagalak na bati ni Gerard sa kapatid na babae.
Tinapik lang ni Amélia ang balikat ng kaniyang kapatid bilang pagtugon sa tanong niyon, napukol kasi agad ang tingin nito kay Congressman Velasco nang natigilan ito at tinignan siya, mula ulo hanggang paa bago ito bumaling kay Liam.
"Let's have a meeting regarding of what happened to Mr. Guillermo." sambit ng abogadong kasama nito, sunod-sunod ang pagtango ni Liam.
"This way." ani Liam kasabay niyon ay pumasok sila sa pribadong opisina.
Nilingon pa ng tatay ni Amélia ang anak na lalaki nang hindi ito pumasok sa pribadong kwarto.
"What are you doing?" tanong nito kay Gerard.
"Dito na muna ako kay Big Sis, Dad." saad nito sa Tatay niya.
Napabuntong-hininga si Congressman Velasco sa sinabi ng anak, napasulyap muli ito kay Amélia na walang emosyon ang mukha habang nakatingin din sa kaniya. Napailing nalang ito bago tuluyan pumasok sa pribadong kwarto.
"Big sis, let's have a coffee?" anyaya ng kapatid sa dalaga, napatingin si Amélia dito bago isinuyod ang tingin sa mga katrabaho na nakatingin sa gawi nila tapos ay bumaling muli siya sa kaniyang kapatid.
Nginitian niya ito at saka tumango. Kaya naman halos manlaki ang mata ng dalaga nang pagkatango niya ay hinila na siya ng kapatid palabas ng opisina nila. Habol habol sila ng mga bodyguards ni Gerard dahil sa ginawa niyon. Ilang sandali pa, pinasakay nito si Amélia sa pulang sasakyan nito at pinahaharurot papalayo sa lugar na iyon.
Habang nasa byahe sila hindi maiwasan pagkatitigan ni Amélia ang lalaking kapatid. Bukod kasi sa hindi ito nagbago ng pagtrato sa kaniya, binata na binata na ito. Sa pamilya Velasco, si Gerard lang ang itinuring siyang kapamilya, siya lang ang bukod tanging hindi nagparamdam sa kaniya na iba siya o anak siya sa labas ng kaniyang tatay.
Naalala pa ng dalaga noong bente anyos siya nang inimbitahan ng kapatid nito na dumalo sa kaarawan niya... Na kung saan, halos hindi siya lapitan ng mga kaanak ng tatay niya. Pinaramdam talaga nila sa dalaga na hindi siya magiging parte ng pamilya nila.
At sa gabing iyon, si Gerard lang ang nasa tabi niya, si Gerard lang ang tanging nagpakilala sa kaniya sa mga bisita na magkapatid sila. Si Gerard lang talaga ang mabait sa kaniya. At kahit paano natutuwa siya na hindi ganoon ang ugali ng kapatid sa mga kaanak nito lalo na sa tatay niya.
"What is it, Big sis?" tanong nito nang mapansin na nakatitig sa kaniya ang nakakatandang kapatid.
Umiling lang ang dalaga at saka bumaling nalang ang tingin sa labas hanggang sa makarating sila ng starbucks, nginitian muli ng dalaga ang kapatid na lalaki dahil nang akma niyang bubuksan ang pintuan ng kotse nito, ay pinagbuksan na siya.
"Big sis, what's your order?" tanong ng kapatid nang makalapit sila sa counter.
Napansin niya na ang mga crew ay titig na titig sa kapatid niya na para bang kinikilig sila dahil may gwapong at anak pa ng Kongresista ang umorder sa kanila ngayon ngunit napangiwi ang mga ito nang marinig na tinawag siya nitong Big sis, hindi sila makapaniwala na kapatid ng lalaki si Amélia.
Oo at magkamukha sila ng kapatid, maganda si Amélia, siya ay maputi, may katamtamang laki ng katawan, may natural na medyo brown na buhok na lagi nitong tinatali at meron itong mapupungay na iris na kulay ng mga mata na magkasing-kulay ng mga mata ng mga kapatid niya at meron din itong mahahaba na pilikmata, matangos ang ilong, mapula at manipis na labi, at ang umangat sa kaniya ang kaniyang natural na mapula na pisngi, na mas pumupula pa sa t'wing na aarawan siya.
Pero ang pinagkaibahan lang sa mga kapatid niya ay ang pananamit. Dahil ang mga kapatid nito halatang anak ng mayaman, mula sa sasakyan at pananamit nito, samantala si Amélia, laging magulo ang buhok, laging naka-itim na t-shirt na pinapatungan niya ng itim na sweater o jacket na may hood at nakapantalon, suot-suot ang medyo na maruming converse na black and white na sapatos.
"Two Cappuccino, please." 'yun ang inorder ng kapatid ng wala itong makuhang sagot mula sa dalaga pagkatapos niyon ay umorder din ito ng chocolate cake at ube cake na paborito ni Amélia.
"Here's your order sir," Nagpapacute na sabi ng crew habang inilalapag ang inorder ng dalawa. Nginitian lamang iyon ni Gerard na mas nagpakilig sa babaeng crew. "Enjoy." anito pa bago tuluyang iniwanan sila... Bumaling naman agad si Gerard sa kapatid.
"Dig in, Big sis!" sabay turo sa ube cake, alam na alam ng binata na tuwang-tuwa ang ate niya ngayon kahit hindi man iyon nakikita sa itsura ng kaniyang mukha.
Naalala niya nang unang beses silang nagkita ng dalaga, iyak ito nang iyak na para bang takot na takot ito dahil mag-isa lang ito sa malaking kwarto ng bahay nila. Kaya para hindi ang dalaga mapagalitan ng Daddy niya, kumuha siya ng ube cake sa refrigerator nila, hindi sure ni Gerard kung magugustuhan nito ng dalaga pero laking gulat niya na noong pumasok ito sa silid ni Amélia at inabot ang ube cake, huminto ito sa pag-iyak at mas laking gulat niya na naubos nito ang dalang cake.
Ngumiti si Amélia kay Gerard bago sinumulan kainin ang ube cake. Alam niyang nakangiting pinagmamasdan siya ng kapatid habang sumisimsim ng kape. Ilang sandali pa ay nagsalita muli ito, dahilan para ihinto pansamantala ng dalaga ang pagkain.
"Big sis, I want you to attend my birthday..." deklara niya. "Ilang years na din na hindi ka dumadalo sa birthday ko, hindi ka na rin pumupunta ng bahay matapos mong umalis doon." may pagtatampo ang tinig ni Kenth habang matiim siyang tinititigan ni Amélia. Walang maisagot ang dalaga sa kapatid. "Don't worry, it's a family dinner, walang mga bisita, walang mga relatives ang dadalo, tayo-tayo lang." hinawakan ni Kenth ang kamay ng dalaga. "Please, big sis, gusto ko kompleto na tayo, I will tell Mom and Dad that you're invited, please..." nagpapacute na sabi ng nakakabatang kapatid sa dalaga na nakapagpangiti sa kaniya. At matapos ang ilang segundo ay tumango siya bilang pag-OO sa imbitasyon ng kapatid.
Napapalo pa sa hangin ang lalaking kapatid nang tumango ang dalaga, gusto niya talaga na maging parte si Amélia ng pamilya nila kaya gumagawa siya ng paraan para maging buo na sila.
Nang matapos silang kumain sa starbucks niyaya na din ni Gerard si Amélia na bumalik sa opisina nila dahil tawag na nang tawag ang Daddy niya.
Habang nasa byahe, biglang napapreno ng malakas si Gerard dahilan para sumalpok ang sasakyan niya sa isang poste, buti nalang ay hindi iyon malakas. Napapikit ang binata sa nangyari na agad naman bumaling sa dalaga at sinuri kung okay ito.
"Are you okay? Are you hurt?" Nag-alalang tanong niya sa dalaga, tumango ang dalaga at nang mapagtanto ng binata na okay ang ate niya, nagagalit itong bumaba ng sasakyan at pinuntahan ang may-ari ng sasakyan na bumangga sa likod ng kotse niya.
"Are you crazy?!" hawak ang kwelyo nito, "Hindi ka nag-iingat, kasama ko ang kapatid ko!" aniya na mas hinigpitan pa ng hawak sa kwelyo nito.
Dali-daling lumabas ang dalaga sa sasakyan para pigilan ang kapatid sa ginagawa. Alam niya kasing mapapahamak ito kung hindi niya iyon pipigilan. Pinaghiwalay niya ang dalawa at humarang ito sa gitna nila. Sinenyasan niya ang kapatid gamit ang mata nito na wag niya ng patulan, na agad naman naintindihan ni Kenth.
Pagkatapos ay bumaling si Amélia sa nakabangga at yumukod para humingi ng pasensya. Kasabay niyon hahatakin niya na sana kapatid sa papasok ng kotse dahil nag-uumpisa ng dagsain sila ng mga tao nang magsalita ang lalaki dahilan para matigilan ang magkapatid.
"Concern ka jan sa kapatid mo sa labas! Hindi sa sasakyan mong napakamahal. Hanep din talaga ang mayayaman eh, noh!" mayabang na sambit nito kay Gerard.
Sabay na nilingon ng magkapatid ang lalaki na ngayon ay nakakalukong nakangisi,at bago pa ito muling magkapagsalita ito may kamao na nalumipad sa mukha nito para maging dahilan na humandusay siya sa kalsada, dinagsa na sila ng mga tao, meron na din kumukuha ng litrato sa kapatid na lalaki.
"How dare you to insult my sister, Asshole!" pagkasabi niyon ay sinugod niya ulit ang lalaki, pinagsusuntok niya ito, gayundin ang lalaki, panay awat si Amélia sa dalawa na halos magpatayan sa pakikipagsuntukan.
Natigilan lang sila nang bigla sila makarinig ng putok ng baril. Napatingin si Amélia sa direksyon kung saan nanggaling ang putok at laking gulat niya ng ito ay sa gawi sa galit na galit na mukha ng kaniyang ama, ito ay naglalakad papalapit sa kanila, kasama ang mga bodyguards niyon.
Ang kaninang nagkukumpulan na mga tao ay nagsi-alisan dahil sa takot nila sa Kongresista. Nang makalapit ang mga ito agad na hinawakan ng mga bodyguards ang lalaki at ang Kongressman naman ay agad na nilapitan ang lalaking anak at nag-alalang sinusuri ang mukha na may pasa. Pinagmamasdan lamang iyon ng dalaga hanggang sa seryoso itong bumaling ng tingin sa kaniya.
"It wasn't her fault, Dad! Tarantado lang talaga ang lalaki na 'yun!" agad na sabi ni Gerard dahil alam niya na si Amélia na naman ang sisisihin ng ama, pero hindi siya pinansin ng ama, matiim pa rin nakatingin sa dalaga.
"Dalhin niyo si Kenth sa hospital, tawagan niyo ang Mommy niya para puntahin doon!" walang emosyon ang mukha na inustos iyon sa secretary niya habang hindi inaalis ang tingin nito sa dalaga, gayundin sa kaniya si Amélia.
"B-but Dad, I'm okay." protesta ni Gerard sa Daddy niya ngunit hindi manlang siya pinakinggan hanggang sa inalalayan na siya ng mga tao nito pasakay ng sasakyan, nag-alala itong pinagmamasdan ang kapatid niya na gayun ay maiiwan kasama ang Daddy niya, hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa dalawa.
"Lumayo ka sa anak ko." 'Yun ang panimula na sinabi ng Kongresista sa dalaga, nang makaalis kasi si Gerard kanina niyaya nito si Amélia sa malapit na restaurant para kausapin ito.
Hindi siya sinagot ni Amélia, nakatingin lang ito sa seryosong mukha ng tatay niya.
"Wag mong hintayin na ikaw na mismo ang maglaho, Amélia! Tulad ng ginawa ko sa nanay mo!"mahina pero may diin na sambit nito sa dalaga na nakapagpangisi naman dito. "Yan ba ang tinuro ng nanay mong ugali! Wag mo akong susubukan, Amélia! Baka hindi mo magustuhan pag ako ang dumisiplina sa'yo!" Nanlilisik ang mata nito habang nakatingin sa nakangising dalaga na para bang hindi manlang natinag ang dalaga sa pananakot nito.
Napa-tsked ang dalaga kasabay ng pagtawa nito ng malakas dahilan para magtinginan sa kanilang gawi ang mga customer doon. Nagsalin ang dalaga ng tubig sa baso at hinayaan itong umapaw sa baso habang hindi inaalis ang tingin sa tatay niya na galit na galit na ngayon. Nang maubos ang laman ng pitsel tumayo ang dalaga.
"Tapos ka na? May trabaho pa ako." pagkasabi niya niyon inilagay niya ang hood ng jacket niya sa ulo at nakapamulsang linisan ang restaurant.
"Where have you been, Amélia?" Nag-alalang tanong ng Manager nila pagkarating nito sa opisina nila. "Nadisgrasya daw kayo ni Sir Gerard?" dagdag pa nito habang sinusundan si Amélia patungo sa table niya, hindi umiimik ang dalaga, masyadong madaming tanong sa kaniya ni Liam kaya naman kinuha niya ang headset at inilagay iyon sa tenga niya at pumili ng kanta sa cellphone niya.
Meron pang sinasabi si Liam sa dalaga pero hindi na nitonaririnig dahil sa lakas ng music sa headset niya, hanggang sa napansin niyang wala na itong choice na umalis sa tabihan niya dahil wala itong makuhang sagot mula sa dalaga, kaya naman nang mapagtanto ni Amélia na wala na ang boss niya, pinahinaan niya na ang volume ng music habang pinapatuloy ang naiwan na trabaho kanina.
Maghapon na naman naging abala sila sa pagtra-trabaho na tila bang walang nangyari sa araw na iyon hanggang sa umabot na ng hapon at isa-isa na ang mga kasamahan nitong umalis at as usual si Amélia ang huling natitira sa loob ng opisina...
Napahawak ang dalaga sa leeg niya nang manakit na iyon at napatingin siya sa relo niya. 7:30 palang ng gabi kaya naman babalik na muli sana siya sa ginagawa nang bigla siyang mapaigtad sa gulat nang may humawak sa balikat niya. Nagugulat na nilingon iyon ng dalaga. Si Liam nakatawa itong nakatingin kay Amélia na hanggang ngayon ay gulat na gulat, ginulo ng binata ang buhok ng dalaga.
"Hindi ka pa ba magou-out? It's late na, delikado sa daan lalo na ngayon." aniya
"Maya-maya po." sagot ng dalaga, naiilang siyang tignan ang binata, hindi niya mawari kung bakit, hindi naman siya ganito noon.
Biglang naghurumintado ang puso ni Amélia nang hinawakan bigla ni Liam ang kamay niya. Napatingin siya doon bago tumingin ay Liam.
"Tara na, mag-out na tayo, bukas nalang 'yan," gusto pa sana ng dalaga na magsalita upang magprotesta nang biglang kinuha ni Liam ang sling bag niya at hinila ang kamay niya palabas ng opisina nila. "Masyado kang masipag, Amélia." aniya nang makasakay sila ng elevator pababa.
Tipid na ngiti lang ang tinugon ni Amélia sa sinabi ng boss niya, sobrang naiilang na talaga siya dahil hanggang sa paglabas nila ng elevator nakatitig lang ito sa kaniya.
"I'll take you home." deklara ng binata na nakapagpatigil sa dalaga.
"Ha?" naguguluhan na aniya sa binata.
Tumawa si Liam na para bang iba ang ibig sabihin ni Amélia sa sinabi niya kaya naman ay ginulo niya ulit ang buhok nito.
"Hatid na kita sa inyo, delikado maglakad mag-isa ngayon" nahalata niyang bigla namula ang mukha ni Amélia sa sinabi niya na para bang nahihiya.
"Magta-taxi na lang po ako." pagtanggi ng dalaga.
Umiling ang binata. "No, I insist, baka mapaano ka pa." nang masabi niyon ng binata hindi niya na hinintay pang umangal si Amélia sa alok niya, hinila niya na ito papuntang parking lot, hindi niya iyon binibitawan hanggang sa nabuksan niya ang kotse at inalalayan papasok doon ang dalaga.
Ilang metro lang ang layo ng bahay ni Amélia sa pinagtra-trabahuan niya kaya agad ito nakarating sa harapan ng bahay nila. Pagkahinto ng sasakyan ay nagmamadaling bumaba ang dalaga at bago pa man ito makapasok ng gate nila tinignan niya muna si Liam.
"Salamat po." mahinang sambit niya
Nginitian lang siya ng binata at saka pinaandar ulit ang sasakyan at pinaharurot na papalayo sa lugar na iyon.
Nakangiti ng bahagya ang dalaga ng makapasok ito sa bahay nila, agad naman siyang sinalubong ng nanay niya na ngayon ay nagtataka kung bakit may sumilay na ngiti sa labi ng kaniyang anak. Ito ang unang pagkakataon.
"Mukhang masaya ang anak ko ngayon ha." sunod nang sunod ang nanay ng dalaga sa kaniya hanggang sa makapasok ito sa silid nito.
Pero hindi siya sinasagot ng dalaga tanging mga munting ngiti lang nakikita niya sa kaniya, hindi tuloy maiwasan pagkatitigan ni Myrna ang anak. Hindi man siya magsabi kung ano iyon , masaya na ang ina na makita ang kaniyang anak na nakangit kahit papaano.
"Sino ka?!" nanginginig sa takot ang lalaki habang tinatanong ang taong naka-itim na nasa harapan niya.
Tanging anino lang ang nakikita nito dahil tanging pula lang na ilaw mula sa labas ng bar ang nagsisilbing ilaw sa loob ng banyo. Hawak-hawak ng lalaki ang duguan nitong kamay dahil sa pagkakasaksak niyon sa kaniya.
Hindi umimik ang taong may dalang matalim na kutsilyo, naglakad lang ito papalapit sa kaniya na nakapagpa-atras sa lalaki hanggang sa hindi nito namamalayan na napasandal siya sa malamig na pader ng banyo.
Nangangatal na ng sobra ang lalaki sa takot nang mapagtanto na wala na siyang mapuntahan dahil bukod sa hindi niya makita masyado ang paligid, hinang-hina siya sa sakit ng kamay niya na sinaksak.
"Ano ang kailangan mo?!! T-tulong! T-tulong!" paghingi nito ng saklolo pero bago pa man ulit itong makasigaw, napahawak na ito sa leeg niya nang maramdaman na tumalsik ang dugo niyon dahil sa diin ng pagkakagilit niyon sa kaniya.
At sa hindi mabilang na pagkakataon, habang naghihingalo ang lalaki na nakahandusay na sa sahig, gamit ang matulis na kutsilyo ng taong may gawa, minarkahan niya na ang braso nito ng...
"awdta6."
Itutuloy...