Dalawang bangkay ng hindi pa nakikilalang mga lalaki ang natagpuan sa ilalim ng isang liblib na eskinita sa Brgy, Sitio.
Natigilan si Amélia sa pag-aayos ng kaniyang gamit nang narinig nito ang balita sa telebisyon na kung saan nakikinig din ang kaniyang ina. Lumabas ito ng kaniyang kwarto upang maghanda ng almusal niya, at habang ginagawa niya iyon ay nakikinig siya sa balita.
Ayon sa pulisya, bandang alas-9 ng gabi nang unang nakarinig ang mga opisyal ng Barangay ng sunod-sunod na sigaw ng lalaki bago nadiskubre ang duguang katawan ng mga ito.
Madilim at walang tao ang eskinita sa oras na iyon.
May malalim na sugat sa braso ang isang lalaki na nangangahulugan na nanlaban pa ito bago tuluyan pinatay at idineklarang dead-on-the-spot ang naturang biktima dahil sa gilit nito sa leeg, na nasa 23 hanggang 25 daw ang tinatayang edad. Samantala, ang isa pang lalaki at pinugutan ng ulo na naging dahilan ng pagkamatay nito agad.
Wala pang ideya ang mga pulis sa motibo at kung sino ang salarin sa krimen. Ang tanging nagbibigay sa kanila ng ideya ang nakasulat na marka sa mukha ng mga lalaking bangkay.
Iniligay ni Amélia ang pagkain na inihain sa ibabaw ng mesa at naglakad ito papalapit sa telebisyon upang patyin iyon. Napatingin sa kaniya ang kaniyang ina na nagtataka kung bakit niya iyon pinatay pero sa halip na pansinin pa iyon ni Amélia at naglakad muli ito sa kusina upang kumain. Nakasunod naman ang kaniyang ina.
"Anak, malapit nang mag birthday ang iyong Pa-" hindi na natuloy ng ina ni Amélia ang sasabihin nang bigla nalang kinalampag ng dalaga ang mesa at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kaniyang ina na para bang hindi siya natuwa sa sinabi nito. "G-gusto ko lang naman na kilalanin mo siyang ama,Amélia." nawalan na ng ganang kumain ang dalaga kaya naman padarag itong tumayo sa hapag-kainan, kinuha ang kaniyang sling bag at hindi pinansin ang kaniyang ina hanggang sa makalabas ito ng kanilang bahay, narinig pa niya ang sinabi ng kaniyang ina na nakapagpatigil sa kaniya. "Ingat ka anak, Mahal na mahal kita." pagkasabi nito niyon ay dire-diretso na siyang naglakad hanggang sa nadaanan niya yung tinatambayan ng dalawang lalaki na nagtapon sa kaniya ng juice sa li kahkuran niya kahapon.
Nagpalinga-linga siya, nagtataka siya kung bakit wala ang mga 'yun ngayon. Nang mapagtanto na wala ang mga iyon, nagpatuloy nalang siyang maglakad hanggang sa makarating ito sa opisina nila.
"Hoy! Alam niyo, may dalawang lalaking pinatay sa Brgy. Sitio. It's scary 'di'ba?" boses iyon ni Shirley habang kausap ang mga katrabaho nila.
"Omg, talaga?!" Natatakot na tanong nung isa nilang katrabaho kay Shirley, napalakas iyon dahilan para magsilingunan sa kanilang direksyon ang ibang staff na nagtra-trabaho, bukod kay Amélia na abala na sa pagtra-trabaho.
Mga ilang sandali pa lumapit si Shirley at mga kasamahan nito sa table ni Amélia. Aasta na sanang kukuhanin ng dalaga ang folder sa ibabaw ng mesa niya upang mairecord ito sa computer nang inupuan ito ni Shirley. Nag-angat ng tingin si Amélia sa katrabaho, maarteng nakangisi lamang ito habang pinapalubo at nginunguya-nguya ang bubblegum na nasa bibig.
"Hindi ba Amélia, it's near sa inyo yung Brgy na kung saan nakita ang two boys na dead na?" tinignan lamang nito ng dalaga at saka pinipilit na kuhanin sa pwetan nito ang folder.
Nang makuha ito magsisimula na sana siyang magtipa sa computer nang magsalita ulit si Shirley habang turo-turo ang hintuturo niya. "Oh my goodness, ano na naman yan, Amélia, ba't may band aid yang finger mo!" palihim na napabuntong-hininga si Amélia kasabay ng pagtago ng kaniyang hintuturo.
Sa tagal ni Amélia sa trabaho lagi nalang siyang pinupuna ni Shirley, hindi alam ng dalaga kung ano ang rason nito kung bakit lagi nalang siya ang nakikita, pero dahil ayaw nitong mawalan ng trabaho at gulo hinahayaan niya nalamang ang mga ito.
"Anjan na naman kayo kay Amélia, get back to work!" sigaw ng kanilang Manager dahilan para magkaniya-kaniya ng balik sa mga table nila ang katrabaho ng dalaga. Si Amélia naman ay nagpatuloy nalang sa ginagawa, maya-maya ay lumapit sa kaniya ang kaniyang boss. "Pagpasensyahan mo na ang mga yun,Amélia." anito
Hindi manlang nagtapon ng tingin ang dalaga kay Liam, nagpapatuloy lang ito sa ginagawa hanggang sa marinig nito na bumuntong-hininga si Liam at nagsalita.
"Amélia, may gagawin ka ba mamaya? Pwede ba kitang yayain mag dinner?" natigilan si Amélia sa pagtitipa sa computer at napa-angat ng tingin kay Liamna ngayon ay nakangiting nakatingin sa kaniya at hinihintay ang sagot niya.
Nagulat ang dalaga sa inaasta ng boss niya dahil ito ang unang beses na niyaya siyang mag dinner kahit na lagi siyang pinagtatanggol sa t'wing pinagtri-tripan siya ni Shirley at mga kaibigan nito.
"Dinner? Where?!" boses iyon ni Shirley, napatingin ng sabay ang dalaga at Liam nang mangibabaw ang boses ni Shirley. "Isama niyo naman kami Sir, bakit si Amélia lang ang niyaya mo." may pagtatampong ani Shirley.
Napakamot sa ulo si Liam na para bang nahiya siya sa ginawa dahil narinig iyon ng mga kasamahan nila doon. Matagal niya na kasing gustong yayain si Amélia na mag dinner sa labas pero pinangungunahan ito ng hiya. At nung nag-aya naman siya narinig pa ng mga kasahan nito.
"O-oh, sure, after work let's have a dinner, libre ko!" napipilitang nakangiti sabi ni Liam sa mga kasamahan nila dito sa loob ng oposina nila habang palihim na sumusulyap-sulyap kay Amélia na wala manlang kainteres-interes sa dineklara niya abala lang ito sa pagtra-trabaho, bahagyang siniko ni Liam ang brasi ng dalaga kaya napa-angat ito ng tingin sa kaniya. "Sumama ka ha." pahabol na sabi nito bago pumasok sa pribadong opisina.
Naging abala na ulit ang mga tao sa opisina na iyon, hanggang sa gumabi na at magkayayaan na bumaba sa lobby para hintayin si Liam.
Samantala si Amélia, patuloy pa rin ang pagbababad sa computer. Habang ito ay nagtitipa bigla niyang napansin ang daliri na may band aid kaya itinigil niya muna ang ginagawa at saka hinihimas-himas ito.
"Let's go, Amélia, hinihintay na nila tayo sa baba." napaigtad ang dalaga sa gulat nang may biglang magsalita malapit sa tenga niya.
Napatayo siya bigla upang tignan iyon. Bumungad sa kaniya ang nakangiting Liam, kaya naman natataranta siyang kinuha ang sling bag at walang imik na lumabas ng opisina, gayundin ang binata.
Pagkalabas nilang dalawa sa elevator nakita na agad ng dalaga si Shirley at mga kasamahan nito, mukhang bagot na bagot na ang mga ito base sa mga itsura nila. Inirapan siya ni Shirley bago bumaling ng nakangiti sa boss nila. At nang makalapit na sila ay agad naman nagkayayaan na pumunta na sa parking lot.
"Dito kana sumakay sa'kin Amélia," anyaya ng katrabaho niyang lalaki nang mapansin na nakipag-unahan na si Shirley na sumakay sa sasakyan ng boss nila. Tumango lang ang dalaga at bago pa siyang tuluyan makapasok sa kotse ay nagkatinginan muna sila ng boss niya.
"Amélia, bakit ayaw mong kumuha ng sariling sasakyan?" napasulyap bigla si Amélia sa katrabaho nang magtanong ito.
Nasa byahe sila papunta sa pinag-usapan na restaurant. Tanging tipid na ngiti lang ang itinugon ng dalaga sa katrabaho, dahilan para mapatawa ng malakas ito.
"Ang tipid mo naman sumagot, Amélia," nagpapasulyap-sulyap siya sa dalaga habang magmamaneho. "Hindi ko masabi kong ngiti iyon o ngiwi," napatingin si Amélia sa kaniyang hita ng dumapo ang kanang kamay ng katrabahong lalaki doon, napatingin ang dalaga sa katrabaho na nakangiti ito sa kaniya. "Ano kaya ang boses mo pag umuungol, Amélia?" tumaas bigla ang kamay nito sa pinaka hita ng dalaga, nanatiling kalmado ang dalaga, na nakatingin lang ito sa katrabahong punong-puno ng pagnanasa sa kaniya. "After dinner?" inihinto nito ang sasakyan at lumapit ng bahagya sa dalaga. "Don't worry, ako bahala sa'yo." kasabay niyon ay may kumatok sa bintana dahilan para bitawan ng lalaki ang hita ni Amélia at sabay silang lumabas ng kotse.
"What took you so long?" tanong ni Liam kay Amélia, hindi siya sinagot ng dalaga nakatingin lang ito sa kaniya kaya naman bumaling si Liam sa kasamahang lalaki nang magsalita ito.
"Nagpa-gas kami Liam, 'di'ba Amélia?" napasulyap si Liam sa dalaga nang tumango ito.
Ilang sandali pa ay narinig na nila ang boses ni Shirley na tinatawag na sila kaya naman ay sabay sabay silang nagtungo sa loob ng restaurant at nag dinner. May kaunting inuman din ngunit ang mga katrabaho lamang ng dalaga ang uminom dahil hindi umiinom si Amélia.
Alas-otso ng gabi ng magkakayayaan na silang umuwi, hindi na sumakay ang dalaga sa lalaking katrabaho dahil ito na ay lasing at saka may bibilhin pa siyang pasalubong para sa ina niya, alam niya kasi na mali ang ginawa niya sa ina niya kaninang umaga kaya babawi siya.
Buti nalang at hindi na nagpumilit ang ktrabaho nito at maging si Liam na ihatid siya sa kanilang bahay. Kaya mas napabilis siyang nakaalis sa lugar na iyon, gusto niya din makita ang ina niya upang makahingi ng sorry.
"Who are you!" nanginginig ang boses ng lalaki na tila bang nawala ang kalasingan nito nang itinusok nung taong nakaitom ang matalim na kutsilyo sa may hita niya at wala pagda-dalawang isip na hinugot at ibinaon muli iyon.
Naka-upo na ang lalaki sa sahig na kung saan kitang-kita niya ang dugong lumalabas sa hita niya... Natakot siyang nag-angat ng tingin sa tao na may hawak-hawak ng kutsilyo habang ito ay dahan-dahan na naglakad papalapit sa kaniya.
"Sino ka?! Tulong! Help!" sigaw muli ng lalaki habang hawak ang kaniyang hita. Hindi makagalaw ang lalaki dahil sa lalim na sugat na tinamo.
Nasa harapan na niya ang taong gumawa sa kaniya niyon bahagyang nakatungod iyon ng upo para makita nito ang lalaking punong-puno ng pagmamakaawa na wag siyang patayin pero sa hindi mabilang na pagkakataon, naramdaman nalang ng lalaki na may gumilit sa kaniyang leeg at unti-unti na itong nalagukan ng hininga.
May narinig ang taong gumawa niyon sa lalaki na may kumakatok sa pintuan niyon kaya naman bago pa ito mahuli, agad niyang pinunit ang pantalon ng lalaki at minarkahan ang hita na pinagsasaksak niya kanina gamit ang kaniyang kutsilyo ng...
"awdta6."
Itutuloy...