"Amélia!"
Napalingon ang dalaga nang tinawag siya ni Liam mula sa umaandar nitong sasakyan, per sa halip na huminto ang dalaga sa paglalakad upang pansinin ang binata, ito ay nagmamadaling naglakad, hindi mawari ng dalaga kung bakit sa dinadaanan niya na si Liam dumaan na ang pagkakaalam niya iba naman ang rota ng daanan nito.
"Amélia!"
Rinig ulit ni Amélia na tawag sa kaniya ng kaniyang boss kaya mas binilisan niya pa ang lakad upang hindi siya maabutan ng sasakyan nito. Pero nabigo siya dahil bago pa man siya makatawid ng kalsada huminto na ang sasakyan ni Liam sa harapan niya. Napa-angat ng tingin si Amélia nang binuksan ng binata ang pintuan ng sasakyan nito habang nakangiti sa kaniya.
"Why you keep on running? Tinatawag kita." anito habang tinatanggal ang shades na suot nito.
Napa-atras ng bahagya ang dalaga nang biglang naglakad papalapit ang binata sa kaniya at sabay pinagpantay ang mukha nila. Napalitan ng naguguluhan na mukha ang dalaga sa inaasta ng boss sa kaniya.
"Ano po ang ginagawa niyo?" tanong niya habang atras ng atras mula sa boss niya
Hindi sumagot si Liam sa tinanong ng dalaga at nang aastang tatakbo itong bigla niyang hinuli ang bewang nito, napansin ng binata na sobrang nagulat ang dalaga sa ginawa niya pero siguro nga ay hindi niya na talaga maitago ang paghanga niya kay Amélia.
Nagkatitigan sila na para bang sila lang ako tao sa kalsada na 'yon pero mga ilang sandali pa si Amélia na mismo ang nagputol ng tinginan nila at pilit na kumalas sa pagkakahawak sa kaniya ng binata. Umayos ng tayo si Liam habang nakangiting pinagmamasdan ang dalaga na pulang-pula na ang pisngi. Hindi mawari ng binata kung yung pamumula na iyon ay galing sa kilig o dahil sa araw.
"Tara na, sabay na tayong pumasok sa office." pagkasabi nito niyon ay hindi na siyang nagdalawang-isip na hatakin si Amélia pasakay sa kaniyang kotse.
Pagkababa na pagkababa ng dalawa sa parking lot ng kompanya na pinatra-trabuhan nila, napansin ni Amélia na sa kaniya ang tingin ng mga empleyado doon. Naiilang ang dalaga, dahil sa lahat ng ayaw niya ang pinagkakatitigan siya.
Napayuko na lamang ito habang naglalakad papasok sa lobby. Pansin pa rin niya ang masasamang titig ng mga katrabaho sa kaniya kaya sa halip na sumakay siya ng elevator lumihis ito ng daan para gamitin na lamang ang hagdan paakyat papunta ng opisina nila na nasa fifth floor.
"Amélia!" hingal na hingal na pigil sa kaniya ni Liam, nang mapansin kasi ng binata na hindi sasakay ng elevator ang dalaga sinundan niya ito hanggang sa makarating sila ng second floor kung saan wala naman talaga siyang plano na ipaalam na sumunod siya kung hindi lang ito nakaramdam ng pagod.
Nagtatakang tinignan ni Amélia ang boss niya, "Ano po ang ginagawa niyo dito?" tanong niya sa binata na hawak-hawak pa rin ang pulsuhan niya.
"S-sinundan kita!"
"Bakit ho?" sa pagkakataon na iyon binitawan siya ni Liam at saka pinagkatitigan siya ng seryoso sa mukha.
"Hindi mo ba nahahalata, Amélia?" Humarap ang dalaga sa binata na ngayon ay mariin talaga siyang tinitignan, "I like you, Amélia, gusto kita kaya sinusundan kita." hinawakan ng binata ang dalawang kamay ng dalaga nang aasta itong tatalikuran siya. "Maniwala ka man o sa hindi, hindi ko talaga alam kung kailan o paano ako nagkagusto sa'yo" inaagaw ng dalaga ang mga kamay niya sa binata pero pinipigilan siya nito. "When I first met you, you were nothing to me, you were nothing more than another face but 3 years later you're the only face I could ever find in a crowded place." senserong ani Liam sa dalaga na ngayon ay halos hindi mawari ang nararamdaman nito.
Pakiramdam ni Amélia ang panlalamig, pamamawis, pangangatog at paghuhurumintado ng puso niya. Ito ang unang pagkakataon na may lalaking umamin at nagkagusto sa kaniya. Simula kasi noong nagdalaga si Amélia, walang lalaking na nagtatangkang lumapit sa kaniya. Linalapitan lamang siya ng mga ito kung may mga katarantaduhan na ginawa.
Napasinghap ang dalaga at nanlaki ang mga mata nito nang maramdaman na sinapo ni Liam ang labi niya upang halikan ito. Pilit niyang tinutulak si Liam palayo sa kaniya upang maglayo ang mga labi nila nang mas pinalalalim nito ang halikan nila.
Nawawalan na ng lakas ang dalaga sa rason na nadadala na ito sa mga halik ng binata. Ilang sandali pa ay nadatnan niya na lamang ang sarili niya na inangkla ang mga kamay sa leeg ni Liam at tinutugon ang mga halik nito. Ilang minuto din silang naghalikan nang kusa na ang mga labi nila ang bumitaw.
Hingal na hingal ang dalawa dahil sa mapusok na halik na pinagsaluhan nila. Nagkatinginan sila at biglang nagkangitian. Maya-maya hinawakan ng binata ang kamay ni Amélia at pinagkatitigan muli ito.
"Liligawan kita, Amélia, sa ayaw at sa gusto mo," hinalikan nito ang dalawang kamay bago ulit magsalita. "Let's try, wala naman mawawala kung susubukan natin mag date na dalawa." hindi alam ng dalaga kung ano ang isasagot niya sinabi ng binata dahil ito ay bago sa kaniya, ito ay hindi pa nangyayari sa kaniya. "I'll take it as a yes, Amélia." pagkasabi niyon ng binata pinagsiklop nito ang kamay nila ng dalaga at hinila na nito ng door exit mula sa second floor sabay pumasok ng elevator.
Pilit na inaagaw ni Amélia ang kamay sa boss dahil naiilang at nahihiya siya na pinagtitinginan siya ng masama ng mga katrabaho. Subalit hindi iyon binibitawan ni Liam hanggang sa makapasok sila sa mismong opisina.
"Omg! What's the meaning of this?!" nagugulat na sambit ni Shirley nang makitang magkasiklop ang kamay ng dalawa.
"Girlfriend ko na si Amélia," deklara ni Liam sa mga katrabaho, biglang napa-angat ang dalaga sa binata dahil sa sinabi. "No one can touch her!" aniya at saka binalingan si Shirley at mga kaibigan nito. "Lalo ka na Shirley!" binitawan ni Liam ang kamay ng dalaga at saka inalalayan itong umupo sa table niya. Sobrang ilang na ilang ang dalaga. "Sabay tayong umuwi, mamaya ha." bulong nito sa dalaga bago ito palihim na hinalikan ang noo bago pumasok iito sa pribadong opisina.
Palihim na hinihilot ni Amélia ang sintido niya sa kaguluhan ng isip niya. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi ng binata sa kaniya. Totoo ba na nagkagusto ang binata sa kaniya, napapailing na talaga ang dalaga, sinubukan niyang maging pokus sa kaniyang trabaho ngunit nabla-blangko siya kaya naman para mawala ang mga iniisip niya napagdesisyunan muna niyang pumunta ng banyo at maghilamos.
Basang-basa ang mukha ni Amélia na nakaharap sa salamin, pinagmamasdan niya ang kaniyang sarili upang suruin kung anong meron sa kaniya para magkagusto si Liam sa kaniya. Napangiwi siya sa sariling repleksyon nang makita ang kabuuan niya, hindi pa rin talaga siya makapaniwala na nagustuhan siya ng boss niya.
"Ano kaya ang ginawa mo para mapa-ibig si Sir Liam?" napatingin ang dalaga sa may pintuan ng bnayo nang pumasok si Shirley, nakapang-krus ang braso nito habang masamang tinitignan ang dalaga mula sa salamin.
Napayuko si Amélia, alam niya kasing may gusto ang katrabaho nito sa boss niya, kaya nahihiya siya na harapin ito. Kaya naman sa halip na pansinin pa ang katrabaho, nakayuko siyang lalabas sana ng banyo kung hindi lang iyon hinarangan ng isa niya pang katrabaho, napa-angat ng tingin ang dalaga ng mapansin iyon.
"Where the hell you're going?" naka-arko ang kilay nito sa dalaga
Ilang sandali pa ay itinulak ito ng napakalakas ang dalaga dahilan para mawalan ito ng balanse na naging dahilan upang matumba si Amélia sa sahig. Nagtawanan sila Shirley na para bang tuwang-tuwa sila na natumba si Amélia. Maya-maya pa, naglakad papalapit si Shirley kay Amélia at sabay hinawakan ang kwelyo ng damit nito.
"Kunyari tahimik, malandi naman pala!" nakayuko lang ang dalaga kaya inaangat ni Shirley ang baba nito para matignan ang mukha ng dalaga. "Kunwari tahimik, mahinhin, mabait, yun pala sobrang malandi" pagkasabi niyon ni Shirley padarag nitong binitiwan ang baba ng dalaga dahilan para mas masubsob ang mukha nito sa sahig kasabay niyon ay sinenyasan nito ang kaibigan na ibuhos sa dalaga ang mga basura na nakalagay sa itim na basurahan.
Walang imik ang dalaga sa ginawa ng mga katrabaho niya, hinayaan niya nalamang na buhusan siya ng mga 'yon. Wala din naman siyang magagawa kong lalaban siya. Akala ng dalaga na lalabas na ang mga katrabaho niya pero laking gulat niya nang hinawakan ang magkabilang braso niya ng ibang kasamahan ni Shirley at bigla siyang binuhusan ng liquid soap sa ulo nagpupumiglas siya habang nagmamakaawa na itigil ang ginagawa pero sobrang lakas nila para makaalis siya.
Napapikit nalamang ito dahil hindi pa nakontento ang mga katrabaho, binuhusan pa siya ng isang timba na tubig dahilan para bumula ng sobrang bula ang sabon na ibinuhos sa kaniya. Nag-apiran habang nagtatawanan ang mga katrabaho niya na nakatingin sa kaniya na sobramg basa.
"Ayan, niliguan ka na namin, Amélia, baka sakaling maalis ang kati mo sa katawan." ani Shirley, mas lalong nagtatawanan ang katrabaho pagkatapos ng ilang sandali niyaya na nito ang mga kasamahan na iwanan ang dalaga.
Tumutulo ang luha ng dalaga habang pinupunusan ang sarili gamit ang toilet paper na nakalagay doon sa banyo. Tinanggal niya ang kaniyang sweater at pinigaan ito. Mukhang wala na siyang choice kundi umuwi dahil basang-basa ito. Kaya naman matapos niyang punasan ang sarili, nakayuko itong pumasok sa opisina nila. Narinig pa nito ang mga hagikhikan nila Shirley.
"What happened to you?!" may pag-alala sa tinig nito.
Hindi iyon pinansin ni Amélia, nagmamadali siyang kinuha ang sling bag at patakbong lumabas ng opisina at dire-diretsong pumasok ng elevator. Linalayuan siya at pinagtatawanan ng mga empleyadong sumasakay ng elevator. Pagkatunog ng elevator hudyat na nasa lobby na, nakayukong lumabas ang dalaga sa kompanya at nagmamadaling naglakad pero natigilan lamang siya nang may humawak sa pulsuhan niya, nilingon niya ito, si Liam. At sa hindi mabilang na pagkakataon, walang pag-alinlangan ang binata na niyakap si Amélia.
Wala itong pakialam kung basa ang dalaga, wala itong pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga tao doon ang tanging may pakialam lang siya sa babaeng kayakap niya ngayon. Naramdaman ng binata ang munting hikbi ng dalaga na parang pinipigilan nito ang humagulhol kaya naman mas niyakap niya ito ng mahigpit hanggang sa huminahon ito.
"Are you okay now?" malambing na tanong ng binata kay Amélia habang inaalis ang mga tira-tirang buhok na nakaharang sa mukha ng dalaga. "Let's go somewhere." bago pa maka-angal ang dalaga hinawakan na ni Liam ang kamay nito at saka hinila na papasok ng kaniyang sasakyan.
"Saan po tayo pupunta?" tanong ng dalaga nang pinaandar ni Liam ang sasakyan
Pinagkatitigan siya ni Liam. "Cut that po, Amélia," seryosong giit niya sa dalaga, napakagat labi ang dalaga. "Hindi mo ako boss pag nasa labas tayo ng opisina, Liam will do," ngumiti ang binata "-or Babe mas okay." sabay kindat sa dalaga kasabay ng pagharurot ng sasakyan nito.
"Asan tayo?" tanong ni Amélia sa binata nang tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng malaking bahay. Nginitian lamang iyon ng binata at saka walang imik na bumaba ng kotse at pinagbuksan ng pintuan ang dalaga. Nagtatakang tinignan ni Amélia si Liam, hindi pa ito bumababa ng kotse dahil hindi niya alam kung bakit dinala siya dito ng binata. "Anong gagawin natin dito?" tanong ulit ng dalaga sa binata.
Sa halip na sagutin ng binata ang mga tanong ng dalaga hinawakan nito ang kamay ni Amélia at mariin na hinila palabas ng kotse hanggang sa makapasok ito ng bahay. Inilibot ng dalaga ang kabuuan ng tingin ang bahay. Ito ay kombinansyon ng itim at puting kulay ng dingding, walang ni kahit anong palamuti ang bahay. Tanging, sofa, malaking tv ang nakalagay sa salas nito, pagkapasok nila sa kusina, wala manlang itong dining table, tanging island counter na may dalawang high chair ang aandun, refrigerator, stove at oven ang andun may ilang cabinets din at masasabi ng dalaga na, minsan lang umuwi dito ang binata.
"You can take a bath first, Amélia," sambit ni Liam habang naglalakad ito papasok ng kusina. "Umakyat ka second door ay kwarto ko na, you can change your clothes too, magluluto lang ako ng tanghalian natin," nakatitig lang ang dalaga sa binata na ngayon ay abala sa paghahanda ng tanghalian nila. Hindi maiwasan ng dalaga ang mamangha sa binata dahil alam na alam nito ang magluto, sinulyapan siya ni Liam. "What are you waiting for? Go upstairs, make yourself comfortable, Babe." nagpakurap-kurap ang dalaga at nag-iwas ng tingin dahil bigla siyang nailang kay Liam.
Dahil sa hiya na naramdaman ng dalaga nagmamadali itong linisan ang kusina at dire-diretso itong umakyat ng hagdan, pagka-akyat nito sa dalawang palapag ng bahay ng binata hinanap niya agad ang pangalawang pinto upang makaligo at makabihis na din.
Pagkapasok ng dalaga sa kwarto ng binata, bumungad agad sa kaniya ang panglalaking perfume ni Liam hindi talaga ipagkakaila na lalaki ang may-ari niyon. Tuluyan pumasok ang dalaga sa kwarto at nilibot na naman niya ang kabuuan niyon.
Puro itim na kulay ang bumungad kay Amélia, hanggang sa pintura nito, sa tiles ng kwarto, wardrobe, pati bedsheets at pillow case niyon. Napangisi siya dahil napaka-eleganteng tignan ang kwarto kahit hindi ito masyadong madaming gamit. Malayong-malayo sa bahay na tinitirhan nila ng nanay niya.
Naglakad ang dalaga sa wardrobe ng binata upang kumuha ng twalya at namangha din siya dahil itim din iyon. Pagkatapos ay dumiretso na din ito sa banyo na pati doon ay puro itim, mula sa bathtub, sink, tiles at mga gripo, shower at washing machine. Inilagay niya ang dalang towel sa ibabaw ng sink at pagkatapos inisa-isa niya ng tanggalin ang saplot at sabay ipinihit ang shower.
Ilang minuto lang tinagal niya sa pagligo na napagdesisyunan nito na lumabas na ng banyo at pumili ng damit na isusuot. Pagkabukas ni Amélia sa isang aparador, bumugad naman sa kaniya ang mga puting kulay na polo, t-shirts, long sleeves ng binata. Wala naman ibang damit doon bukod sa mga 'yon kaya ang pinili ni Amélia ay ang puting t-shirt na nang isinuot niya ay halos maging daster na ito.
Napakagat sa ibabang parte ng labi ang dalaga ng maalala na wala siyang suot na pangibaba at pati iyon ay nilabhan niya.
"Are you done?" awtomatikong napalingon si Amélia sa may pintuan nang mangibabaw ang boses ni Liam, pinagkrus niya ang kaniyang mga hita dahil nahihiya ito dahil wala siyang pang-ilalim na suot.
Naglakad papasok ang binata, mukhang bagong ligo din ito kaya bigla nitong hinubad ang puting suot, nag-iwas ng tingin si Amélia nang makita ang walang damit na binata at saka nakayukong papalabas sana ng kwarto nang pinigilan iyon ni Liam. "Where are you going?" sa pagkakataon niyon ay hinarap ng binata si Amélia sa kaniya, nakayuko pa'rin ito kaya naman mariin nitong inaangat ang baba niya, namamangha ang binata sa angking kagandahan ng dalaga, ito kasi ang unang beses na natitigan niya ng mabuti ang mukha. "You're beautiful, Amélia." wala sa sariling na sambit ni Liam sa dalaga na nakapagpahurumintado sa dibdib ni Amélia.
Nakaramdaman na naman ng pagkailang ang dalaga kaya naman umatras ito ng bahagya. "Baba na ako," aniya para lang bitawan siya ng binata pero sa halip na bitawin siya nito ikinulong siya sa mga braso nito na kung saan nararamdaman ng dalaga na dumidikit ang dibdib niya sa katawan ni Liam.
"What's wrong, Babe? Are you scared at me?" nagugulat na umiling-iling ang dalaga. "Kung hindi bakit umiiwas ka sa'kin?" nakanatili pa rin na ganoon ang kanilang pwesto. Yumuko lang ang dalaga kaya naman kumalas si Liam sa pagkakayakap niyon at pinagsiklop nito ang kanilang kamay palabas ng kwarto hanggang sa makarating sila sa kusina. Umupo ang dalaga sa high chair at pinagmamasdan lang ang binata na ipaghain siya ng pagkain pagkatapos niyon ay umupo na din ito sa high chair at sinandukan si Amélia ng pagkain. "Let's eat." anyaya niya, ngiti lamang ang naging tugon ng dalaga bago ito nag-umpisang kumain.
"Amélia?" tawag sa kaniya ni Liam
Nang matapos kasi silang kumain ay niyaya siya nitong magpahangin sa rooftop ng binata, kaya naman habang pinapatuyo ni Amélia ang damit nitong nilabhan kanina, pumayag din siyang tumabay kasama ang binata.
"Bakit?" walang emosyon ang mukha niya na tumingin kay Liam
"Can I ask you something?" natigilan ang dalaga sa sinabi ng binata sa kaniya, dumaan muna ng ilang segudo bago ito tumango na kinatawa naman ng binata. "Bakit ganyan ka?" tanong niya, rumehistro sa mukha ni Amélia ang pagtataka sa tanong ni Liam. "I mean, bakit ganyan ang personality mo, umiimik ka lang sa t'wing kinaka-usap ka pero minsan hindi ka rin naman sumasagot,sa tagal na natin magka-trabaho never pa kitang nakitang nakipag-usap sa mga katrabaho natin. Sorry for asking this but I'm curious, though."
Tinitigan lang siya ng dalaga at ilang sandali ay tumingin ito sa kawalan. Akala ng binata na hindi siya sasagutin ni Amélia dahil hindi na naman ito nagsalita ulit pero nagkamali siya. Matapos ang mahabang minuto ng pananahimik nito nagsalita siya.
"I got broken many times, so I grew different." pagkasabi ng dalaga niyon ay tumayo ito mula sa pagkaka-upo at iniwan si Liam na nakatulala sa kawalan para magbihis upang umuwi, medyo mag-gagabi na din.
Tahimik lang ang naging byahe ng dalawa patungo sa bahay ng dalaga, wala ni kahit sino sa kanila ang nagsasalita. Hanggang sa huminto na ang sasakyan nito sa tapat ng madilim na bahay ni Amélia.
"Bakit ang dilim ng bahay niyo Amélia?" tanong ni Liam habang sumisilip-silip ito mula sa loob ng kotse.
Napasulyap sa kaniya ang dalaga. "B-baka umalis si Mama," simpleng tugon nito at saka nagmamadaling lumabas ng kotse. "Salamat, Liam." naiilang na ngiti ang ginawad niya sa binata.
"Smile ka lang lage, Babe, mas gumaganda ka." giit naman ni Liam, ngumiti si Amélia. "Good night, Amélia, susunduin kita bukas ha." bago pa man mak-angal ang dalaga isinara na ng binata ang bintana ng kotse at nakatawa itong pinaharurot ang sasakyan.
Si Amélia naman ay pumasok na din sa kanilang bahay at binuksan ang mga ilaw nito, hinahanap niya ang kaniyang ina, hanggang sa matagpuan niyang mahimbing itong natutulog kaya sa halip na gisingin pa iyon, dahan-dahan niyang isinara ang pintuan at naglakad patungo sa kwarto niya upang makapagpahinga.
"How are things progressing?"
Tanong ng babae sa kabilang-linya, napabunting-hininga ang lalaki.
"Going good, wag kang atat! nag-uumpisa palang pero kumakagat na."
"Siguraduhin mo, Liam!"
Pasigaw na sabi ng babae bago siya nitong binabaan ng tawag. Napasandal si Liam sa kaniyang kotse at nakangising nakatingin sa kawalan habang iniisip ang mukha ni Amélia.
"This is going to be fun!" wala sa sariling sambit nito.
Itutuloy...