CHAPTER 1
"Anak! Saan ka na naman galing kagabi?" tanong ng nanay ni Amélia ng lumabas ito sa kaniyang kwarto upang maghain ng kaniyang umagahan.
Amélia ang ipinangalan ng kaniyang ina sa napakagandang anak dahil ang ibig sabihin niyon, matapang at alam na alam ng kaniyang ina na ang batang isinilang niya ay matapang dahil ni kahit tusok ng injection ay hindi manlang ito umiiyak tulad ng ibang bata.
Lumaki si Amélia na ibang-iba sa karakter ng mga bata na nakakasalamuha niya araw-araw. Ito ay napakatahimik at may sariling mundo, hindi ito nagsasalita kung hindi ka ang unang mamansin o iimik sa kaniya. Bagama't ganito ito si Amélia ay napakatalinong bata.
Mahal na mahal ni Myrna ang kaniyang anak na kahit ano ay hahamakin hindi lang ito mapahamak. Si Myrna ay galing sa mahirap na pamilya na naninilbihan sa isa sa pinakama-kapangyarihan at pinakamayaman na Pamilya sa probinsya nila at ito ay ang pamilya Velasco.
Bagama't laki sa hirap si Myrna, hindi ito salat sa pagmamahal galing sa mga magulang niya noong nabubuhay pa ang mga iyon, napaka-inosente at napakaganda ni Myrna, na halos lahat ng kalalakihan sa kanilang probinsya ay nilalagawan siya pero ni kahit isa sa mga doon ay wala siyang matipuhan dahil para sa kaniya iisa lang gusto niya at 'yun ay ang bunsong anak ni Don Wilfredo Velasco, na si Joaquin Phoenix Velasco 3rd.
At ayun na nga, hindi inaakala ni Myrna na yung lihim na pagmamahal niya sa bunsong anak ni Don Wilfredo ay magiging malalamin iyon at sa araw-araw na magkasama sila ni Joaquin, mas nahuhulog siya sa pinapakitang kabaitan ng binata, at hanggang sa nalaman ng dalaga na may gusto din sa kaniya si Joaquin. Naging malapit lalo ang loob nila sa isa't-isa hanggang sa paulitulit na may nangyari sa kanila na naging dahilan kung bakit siya ay nabuntis.
Akala ni Myrna, na pang habang-buhay na ang kasiyahan niya sa piling ng minamahal ngunit doon siya nagkakamali dahil nang malaman ni Joaquin na buntis ang dalaga ay nanlamig ito at nauwi sa hiwalayan.
Nalugmok ang dalaga sa panahon na iyon na halos mabaliw siya kakaisip kung saan o anong paraan ang gagawin niya makaraos lamang siya sa kaniyang panganganak. Wala siyang pera pangbayad sa hospital dahil nung araw na naghiwalay sila ni Joaquin ay sinisante siya.
At 'yun nga dahil sa wala na siyang ibang paraan at gawa din nang lakas ng loob isinilang niya si Amélia Veranda Velasco ng mag-isa at sariling sikap sa bahay na iniwan ng kaniyang mga magulang noong nabubuhay pa.
Itinaguyod niya ang kaniyang anak sa abot ng makakaya niya, pinuno niya ito ng pagmamahal tulad ng ibinigay ng kaniyang mga magulang sa kaniya. At ngayon, ang tatay ni Amélia ay isa na sa pinaka-mayaman at makapangyarihan na tao sa kanilang probinsya dahil nang pumanaw si Don Wilfredo, ibinigay sa kaniya lahat ang mga ari-arian.
Tumakbo bilang Congressman si Joaquin Phoenix Velasco 3rd at sa swerte pagkakataon ay nanalo ito na naging dahilian upang mas lalo siya tingilain ng mga tao, at meron na ding itong sariling pamilya.
Nang iniwanan nito si Myrna, nalaman ng dalaga na nagpakasal agad pala ito sa anak ng Mayor ng probinsya nila na si Maria Catalina Samson- Velasco na isa din sa pinakamayamang Pamilya sa lugar nila. Nagbunga din ang pagmamahalan nila at binayayaan sila ng dalawang supling na nag-ngangalang Chloe Marie Samson Velasco at Gerard Kenth Samson Velasco
Umupo ang ina ni Amélia sa harapan ng kaniyang anak upang pagmasdan itong kumakain ng umagahan. Hindi kasi tinugon ni Amélia ang tanong ng kaniyang ina kung saan siya galing kagabi.
Dalawampu't-limang taon na si Amélia at meron na din itong trabaho at sobrang saya ng kaniyang ina dahil kahit ganun ang karakter ng kaniyang anak ay nakahanap pa rin ito ng magandang trabaho.
Hinaplos ni Myrna ang kilay ng anak nang may mapansing pasa sa bandang iyon, pinagkatitigan lamang ni Amélia ang kaniyang ina habang sinusuri-suri ang kilay niya.
"Amélia, anak, hindi ba't sinabi ko sa'yo na mag-iingat ka sa mga ginagawa mo." punong-puno ng pag-alala ang tinig na kaniyang ina.
Tinabig lang ni Amélia ang kamay ng kaniyang ina at saka ito ay tumayo upang ilagay ang pinagkainan sa lababo at pumasok ulit sa kaniyang kwarto. At ngayon, nakaharap si Amélia sa isang salamin na kung saan pinagkatitigan at hinihimas-himas niya ang kilay na pinuna ng kaniyang ina kanina lang.
Mga ilang sandali pa kinuha niya ang kaniyang notebook na naglalaman ng mga pangalan at address at saka ine-kisan ang pangalawang pangalan na nakasulat doon.
Pagkatapos ay ibinalik niya ito muli sa kaniyang sling bag at saka walang imik na lumabas ng kaniyang kwarto upang pumasok sa kaniyang trabaho. Bago pa man siyang makalabas ng pintuan ng bahay nila tinawag siya ng kaniyang ina na nakapagpalingon sa kaniya.
"Mag-iingat ka aking anak. Mahal na mahal ka ni Mama." nakangiting sambit ng kaniyang ina kay Amélia.
Tango lamang ang naging tugon ni Amélia sa ina at tuluyan na itong lumabas ng pinto.
Habang naglalakad si Amélia papasok sa kaniyang pinagtra-trabahuan nang napalingon siya nang may maramdamang may likidong itinapon sa likuran niya dahilan para mabasa ang kaniyang suot na itim na sweater. Dalawang lalaki iyon, nakangisi na tila bang tuwang-tuwa sila sa ginawa nila sa dalaga.
Pero sa halip na pansinin pa iyon ng dalaga hinayaan niya nalang iyon at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa kaniyang trabaho.
"What happened to you, Amélia! Ew!" 'yun ang bungad ng maarteng katrabaho ni Amélia na si Shirley pagkapasok nito sa opisina na pinagtra-trabahuan niya.
Si Amélia ay isa sa office staff sa pinakakilalang kompanya sa kanilang probinsya na pagmamay-ari ng kaniyang ama. Nag-aral si Amélia ng mabuti upang makapasok sa kompanyang ito na walang hinihingi na tulong mula sa tatay niya na nang-iwan sa nanay niya noong pinagbubuntis siya.
"Nakakadiri ka talaga, Amélia, kung saan-saan ka nagsususuot." imik na naman ng maarteng katrabaho ni Amélia habang sinusuyod ng tingin ang kabuuan ng dalaga, "And look, ano yan?" sabay diniinan ang kilay niyang may pasa dahilan upang mapayuko at mapangiwi sa sakit si Amélia.
"Tigilan mo nga si Amélia, Shirley! Bumalik ka na trabaho mo!" saway ng Manager nila noong makita kung paano kulitin ni Shirley ang dalaga.
Si Liam Kurt Chan ang Manager sa pinagtra-trabahuan ng dalaga, ang binata ay napaka-tangkad, may katamtamang laki ng katawan, medyo singkit ang mga mata dahil half-Chinese siya, may matangos na ilong at umiigting na panga. Maputi ang binata saka mayroong mapupula na maninipis na labi.
Napabuntong-hininga na lamang ang katrabaho nito at saka napipilitan bumalik sa table kung saan siya naka-pwesto. Lumapit naman ang Manager ni Amélia sa kaniya, nag-angat ng tingin si dalaga dito.
"Okay ka lang ba? Pwede ka naman mag leave ngayong araw kung masama ang pakiramdam mo." may pag-alala ang tinig nito.
Tumango at umiling-iling lang si Amélia na para bang sinasabi niyang okay lang siya, wag ito mag-aalala sa kaniya. Buti nalang at nakuha naman agad ng Manager niya ang ibig sabihin nito.
Sa tagal na nagtra-trabaho ni Amélia sa kompanyang ito, masasabi talaga ng Manager niya na masipag at may dedekasyon ang dalaga sa kaniyang trabaho, kahit alam naman ng lahat na anak siya ng may-ari ng kompanyang ito. Nginitian na lamang ng Manager nito si Amélia at saka tinapik ng bahagya ang balikat nito.
"Kung gusto umuwi ipaalam mo lang sa'kin, papayagan kita." sabi nito bago tuluyang iwanan si Amélia sa kaniyang table.
Maghapon na naging abala si Amélia sa pagtra-trabaho at kahit na nagsialisan na ang kaniyang mga katrabaho ay patuloy pa rin itong pagtitipa sa kaniyang computer. Ilang oras din ang lumipas bago tuluyang ihinto niya ang ginagawa. Gabi ng makalabas ang dalaga sa kaniyang pinagtra-trabuhan upang umuwi na sa kaniyang bahay.
"Tulong! Tulong!" sigaw ng lalaki habang tumatakbo itong duguan... Hawak hawak ang kaliwang braso na nadaplisan ng matulis na kutsilyo.
Takot na takot at hingal na hingal ito na napahinto sa pagtakbo nang nasa harapan niya na ang humahabol sa kaniya kanina, nagbaba ito ng tingin sa kamay ng taong humahabol sa kaniya, at napaiyak siya ng sobra nang mapagtanto kung ano ang hawak-hawak nito, ang putol na ulo ng kaniyang kaibigan.
Naglakad papalapit sa kaniya ang taong nakaitim na humahabol kanila ng kaniyang kaibigan kanina, napaatras ang lalaking duguan at sa ilang saglit ay lumuhod ito sa harapan ng taong nakaitim at nagmamakaawa.
"Parang awa mo na, maawa ka hindi ko pa gustong mamata-" hindi na natapos pa nung lalaki ang iba pa nitong sasabihin ng ginilitan na siya sa leeg gamit ang napakatulis na kutsilyona hawak-hawak ng taong naka-itin.
Nanginginig ito dahil sa tumatalsik na dugo sa leeg at braso at ilang segundo lang ang lumipas nilamon na ito ng kadiliman.
Napangisi ang taong gumawa niyon sa dalawang lalaki bago ito itinapon ang pugot na ulo sa katabing lalaki na ginilitan niya ng leeg. Bago pa man niya iniwanan ang dalawang bangkay sa isang sobrang dilim na eskinita. Gamit ang kaniyang matulis na kutsilyo, walang awa niyang ginuhitan ang mga mukha nito ng...
"awdta6"
Itutuloy...