CHAPTER 5

2034 Words
Lalaki na nawawala natagpuang patay, naaagnas sa loob ng banyo sa isang bar. Lunes ng gabi nang kumalat sa social media ang f*******: post ni alyas "Jona" na nag-aalala dahil nawawala umano ang kaniyang kasintahan na si alyas "Jeffrey" mag-iisang buwan na ang nakalilipas. Kuwento niya sa post, Sabado nung nakaraang buwan nang huling makita si Jeffery sa Skies Tower, kung saan ito ay nakipag-inuman sa mga barkada, at na balitaan din na sa mismong araw na iyon, nagkaroon ito ng kaalitan sa lalaking anak ni Congressman Joaquin Phoenix Velasco 3rd dahil sa away trapiko. "Nawawala po ang boyfriend ko ng 1 month na ngayon. Lahat ng phone niya hindi ma-contact. Last Saturday, last ko siya nakita. Mga 8:45 p.m. If baka meron po nakakita sa kaniya o may alam kung nasaan siya puwede akong i-PM (private message) o i-text," ani Jona sa post. Pero matapos ang dalawang araw na paghahanap, sa wakas ay nakita na si Jeffery sa loob ng isang cubicle ng CR  sa Skies Tower pero wala na siyang buhay at naaagnas pa. Napansin ni Nestor isa sa embistagador na may iniwan na marka ang suspek sa braso ng lalaki at nang angatin ito ay agnas na ngunit nakompirma pa rin na iyon nga si Jeffery. Wala pang masabi ang mga pulis kung bakit ganoon ang sinapit ng lalaki at kung bakit patuloy ang p*****n sa ating probinsya at kung sino ang totoong killer ng nasabing trahedya. As of today hinihintay pa natin ang autopsy ng SOCO natin, kasi di pa tayo makakapag-declare kung ano ang cause... Based on the result ng SOCO du'n pa lang tayo mag-uumpisa kung natural death or foul play ba," ani Senior Inspector Nory Lee. Pero duda ng pamilya, posibleng may kinalaman dito ang anak ni Congressman Joaquin Phoenix Velasco 3rd, na nakaalitan ng lalaki. "Bakit mo pinatay, anak?" tanong ng ina ni Amélia sa dalaga nang naglakad iyon sa TV at walang pasabing pinatay iyon. Tinignan lang ng dalaga ang kaniyang ina bago ito pumasok muli sa kaniyang silid... nang makapasok si Amélia sa kaniyang silid ay naupo ito sa harapan ng salamin at pinagkatitigan ang sarili. Hindi niya pa rin talagang lubos na maisip na pumayag siyang magpaligaw kay Liam. Napailing na lang ang dalaga saka binuksan ang drawer ng vanity table niya at kinuha ang suklay, tinanggal niya ang pagkakatali ng buhok niya upang mag-ayos. Mag-iisang buwan na simula na umamin sa kaniya si Liam na may gusto ito sa kaniya, at sa mga araw na lumipas mas gumaan ang loob ng dalaga sa binata. Ang lahat ng pagdududa niya sa binata ay napapalitan na iyon ng paghanga. Pinaramdam sa kaniya ni Liam kung gaano kasaya ng may minamahal, oo at isang buwan palang iyon pero para sa dalaga ay napakahalaga niyon sa kaniya. Lagi na silang magkasabay ng binata sa pagpasok at paglabas ng trabaho nila, nawalan na din ng pakialam ang dalaga sa mga sasabihin ng mga taong nakapaligid sa kaniya dahil ang tanging mahalaga lang sa kaniya ay si Liam.  Nang matapos magsuklay ang dalaga, kinuha nito ang lipstick na binili niya nung nakaraang araw, at mariin niya itong inilagay sa kaniyang mga labi. Napangiti ang dalaga nang makita ang sarili sa salamin, napawi lang agad iyon ng bumukas ang pinto niya at dumungaw ang nakangiting ina niya. Nagmamadaling binura ng dalaga ang lipstick sa mga labi nito at agad itinali ang kaniyang buhok. Napatawa ang kaniyang ina sa inasta ng kaniyang anak kaya naman ay tuluyan itong pumasok sa silid ng dalaga at tumayo sa likuran nito habang tinatanggal muli ang tali sa buhok ng anak. "Bakit mo naman ginulo ang itsura mo, anak?" nakangiting sambit ng ina ni Amélia habang kinukuha ang suklay sa ibabaw ng vanity table at sinumulan suklayan ang dalaga. "Napaka-ganda mo aking, anak, manang-mana ka sa'kin." aniya, nang masuklay na iyon ng maayos, saka umupo sa tabi ni Amélia upang tanggalin ang lagpas na lipstick nito sa labi dahil sa pagkakapunas nito kanina. Nahihiya ang dalaga kaya hindi siya makatingin sa ina, ito kasi ang unang beses na nag-ayos siya at makita ng kaniyang ina. Iniangat ng ina ni Amélia mukha ng dalaga at hinaplos iyon. "Masaya ako na masaya ka na anak, masaya ako na nakahanap kana ng mamahalin, napakasaya ko na unti-unti mo ng binubuksan ang iyong puso upang magmahal," hindi maiwasan ng kaniyang ina na maluha. "Sana ay mahanap mo na ang pagpapatawad sa puso mo, at kung mangyari iyon ako ay mapapanatag na." pagkasabi niyon ng ina ng dalaga, ay niyakap niya ng napakahigpit si Amélia. Iyon lamang ang kagustuhan ng ina ni Amélia para sa anak, na maging masaya ito, mawala ang galit at poot sa puso nito at matutong magpatawad lalo na sa kaniyang ama. Iyon lamang ang pinagdarasal ng kaniyang ina sa araw-araw. "Amélia!" natigilan ang mag-ina at sabay napatingin nang marinig ang galit na galit na boses ni Congressman Joaquin Phoenix Velasco 3rd. Maya-maya narinig nila ang pag wasak ng pintuan nila sa sala. "Amélia! Nasaan ka?!" sigaw ulit ni Congressman Joaquin Phoenix Velasco 3rd. "Halughugin niyo ang bahay mga tanto!" Hinawakan ni Amélia ang kamay ng ina upang pigilan nang aasta itong lalabas ng kwarto. Hindi man ipakita ng ina kay Amélia na ito ay kinakabahan, ramdam na ramdam ng dalaga na natatakot ito. Hinila ni Amélia ang ina sa loob ng banyo. "Dito ka lang, Mama, ako na ang haharap sa kaniya." pagkasabi niyon ng dalaga, isinara niya na ang pintuan ng pinto sa banyo at naglakad palabas ng kwarto nito. "Ano ang ginagawa mo dito?" malamig na ani Amélia sa ama. Madilim ang mukha ng ama ng dalaga habang nakatuon ang paningin niyon sa anak. Ilang sandali pa, naglakad iyon papalapit sa dalaga at bigla iyon sinampal. Napangisi ang dalaga ng maramdaman ang pagdurugo ng labi niya. Nag-angat muli ito ng tingin sa ama. "Pumunta ka lang dito para saktan ako?" dinura nito ang dugong nasa bibig niya. "Bakit? Sa akin mo na naman ba isisisi kung bakit nasa balita ang pangalan mo?" akma na sasampalin na naman ang dalaga ng kaniyang ama nang iniangat nito ang mukha sa ama na para bang sinasabi niyang sampalin siya. "Sige, sampalin mo ako! Di'ba jan ka naman magaling? Ang manakit at ang pumat-" Naputol ang iba pang sasabihin ng dalaga nang pinagsasampal siya ng kaniyang ama, "Walang hiya ka! Wala kang utang na loob!" sigaw nito sa dalaga bago hinawakan nito ang buhok at pilit na iniangat sa kaniya. "I'm warning you, Amélia! Kung hindi mo lalayuan ang anak ko-" "Ano? Papatayin mo din ako tulad ng ginawa--ahh!" inda ng dalaga nang bumagsak ito sa sahig dahil sa pagsuntok ng kaniyang ama sa tagiliran niya, masamang tinignan ng dalaga ang ama na ngayon ay bahagyang yumukod upang hilain muli ang buhok niya. "Ahh--ahh!" inda ulit ni Amélia habang pilit nitong inaagaw ang buhok sa ama. "Wag mo akong sagarin, Amélia! Alam mo kung ano ang mga kaya kong gawin!" pagkasabi nito niyon sa dalaga padarag nitong binitawan ang buhok at saka sumenyas sa mga guards nito na lisanin na ang lugar na iyon. Pagkaalis ng ama ng dalaga, sakto naman na lumabas ng kwarto ang ina ng dalaga, ito ay umiiyak na lumapit sa anak upang alalayan papasok ng silid. Inihiga niya iyon ng dahan-dahan. Luhaan na hinawakan ng ina ang kamay ni Amélia, "Sorry, anak ng dahil kay Mama, nararanasan mo ito." humagulhol na ito ng tuluyan. Nag-iwas ng tingin ang dalaga at hinawi ang kamay ng kaniya ina na nakahawak sa kaniya. "Gusto ko pong magpahinga, mamaya nalang po tayo mag-usap." aniya, bago nahiga at tinalikuran ang kaniyang ina. Hindi alam ni Amélia kung anong oras siyang nakatulog basta nagising nalamang siya nang may marinig na pamilyar na boses mula sa labas ng bahay nila. Napapikit pa nga ang dalaga na bumaba sa kama niya at naglakad sa bintana nito upang silipin kung sino iyon. Nanlaki ang mga mata nito nang mapagtanto kung sino, kaya naman humarap muna siya salamin upang mag-ayos at nagmamadaling lumabas ng bahay nila at pagbuksan ng gate ang taong nasa labas niyon. "L-Liam?" aniya, hindi iyon pinansin ng binata dahil napako ang paningin nito sa sugat sa labi ni Amélia. "What happened to you?" mariin niyang inilapat ang hintuturo sa sugatan na labi ng dalaga, pero hindi iyon pinansin ng dalaga, inilayo lamang nito ang mukha sa kamay ng binata. "Ano ang ginagawa mo dito?" pag-iiba ni Amélia. Napatingin si Liam sa dalaga at napangiti. "I miss you, and I want to see you." hinawakan ng binata kamay ni Amélia, "Let's have a date?" at sa pagkakataon na iyon, hindi na naka-angal ang dalaga dahil hinila na siya nito ng binata pasakay ng sasakyan at pinaharurot patungo sa isang mall malapit sa opisina nila. "Ano ang gagawin natin dito?" tanong ni Amélia sa binata nang pumasok sila sa loob ng mall. Sa tagal na kasing naninirahan ng dalaga sa probinsya nila, hindi nito tinangka na pumasok sa mall na ito na pag-mamay-ari ng kaniyang ama. Sinulyapan siya ni Liam at wala itong imik na hinila lang muli siya papasok sa isang mamahalin na boutique. Sinalubong agad sila ng apat na empleyado doon, at base sa obserbasyon ng dalaga ay kilalang-kilala nito ang binata. "What can I do for you, Mr. Chan?" tanong ng isang empleyado sa binata. Hinawakan ni Liam ang kamay ni Amélia bago sagutin ang tanong ng empleyado, sinulyapan niya ang dalaga na takang-taka pa rin kung ano ang ginagawa nila dito, "Make my girl, beautiful tonight." sambit ni Liam nang bumaling muli ito sa mga empleyado ng nasabing boutique. "Sure!" natutuwang tugon ng empleyado bago nila hinawakan sa kamay ang dalaga at hinila iyon papasok sa isang kwarto. Nagugulat na nilingon ni Amélia ang binata. "Liam!" aniya. "I'll wait for you here." nakangiting na sabi niya sa dalaga, pagkatapos ay tuluyan naisara na ang pinto kung saan aayusan si Amélia, kaya siya naman ay nilapitan ng isang empleyado upang mamili din ng susuotin. Isang oras na ang lumipas pero hindi pa lumalabas si Amélia sa kwarto na pinasukan kanina, bagot na bagot ng binata dahil sa niyon, gusto niya ng makita itsura ni Amélia. Napatingin siya sa relos niya, 6:00 pm na ng gabi, napa-angat lang siya ng tingin sa kwarto na pinasukan ni Amélia nang bumakas na iyon at lumabas ng nakangiti ang isang empleyado. "Mr. Chan, tapos na po." pagkasabi niyon ng empleyado sinenyasan niya ang mga kasamahan na palabasin na si Amélia Nahihiyang lumabas si Amélia mula sa loob ng kwarto at naglakad papalapit sa binata, napaawang ang labi ni Liam nang makita ang kabuuan ng dalaga, napatayo pa nga siya mula sa pagkaka-upo dahil sa pagkamangha, hindi niya aakalain na mas gaganda pa lalo si Amélia sa ginawang make over sa kaniya. She's wearing a above the knee back less black dress and 6 inches heels, that clung to her body. "You're so gorgeous, Amélia." wala talaga sa sariling bulalas ni Liam habang manghang-mangha pa rin itong nakatingin sa nahihiyang dalaga. "Ikaw din." nahihiyang sambit ng dalaga ng mapansin na naka-suit at bagong gupit din si Liam. At ayun nga, matapos nila sa boutique, dumiretso sila Liam at Amélia sa isang mamahalin na restaurant at doon sila nag-dinner, nagkwantuhan at nagtatawanan. Hanggang sa nag-aaya si Liam na pumunta sa paborito nitong tinatambayan. "Salamat, Liam," ani Amélia, habang sumulyap kay Liam. Natigilan ang binata sa sinabi ng dalaga at napatingin na din ito sa kaniya. "For what?" Liam asked. "For everything," bumuntong-hininga ang dalaga upang kontrolin ang luhang gustong kumawala sa kaniyang mga mata. "Ngayon ko lang naranasan ang ganito, Liam, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kasayang pakiramdam, at dahil iyon sa'yo... kaya salamat." dagdag niya at sa pagkakataon na iyon, nagsituluan ang mga luha ng dalaga. Humarap sa kaniya si Liam at mariin na pinunasan ang mga luha ni Amélia bago nagsalita. "Thank you, also, dahil pinasasaya mo ako, salamat at hinayaan mo akong iparamdam sa'yo ang totoong kong nararamdaman para sa'yo." Liam held Amélia's face and lean a soft kiss on her lips. "I love you, Amélia." he whispered. "I love you too, Liam." standing on her tiptoes, she planted a kiss on his cheeks. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD