"awdta6? Bakit 'yan ang iniiwan mong marka sa katawan ng mga biktima?" tanong ko muli sa kaniya.
Ngumisi siya habang nakatingin sa'kin, hindi niya ako sinasagot kaya naman napabuntong-hininga ako bago muli magsalita.
"Pwede mo bang sabihin sa'kin kung ano ang ginawa mo sa huling biktima?" tanong ko
Isang taon nang dalhin siya dito sa'kin upang bigyan ng sapat na tulong na kailangan niya at upang maimbestigahan siya. Subalit sa isang taon na iyon, maalip siya, na kahit anong pilit mo sa kaniya hindi mo agad makukuha ang tiwala niya. Nakatingin lang siya sa'kin, ilang oras na kami dito sa loob ng kwartong ito, pero wala akong makuhang tugon sa kaniya, kaya naman, isinara ko ang notebook ko at akma na tatayo upang bumalik nalang muli sa opisina ko nang napatingin ako muli sa kaniya.
"Isang gabi..." aniya, kaya naman umayos ako nang pagkaka-upo at muling binuklat ang notebook upang isulat ang lahat ng sasabihin niya kung sakaling magkwento siya muli.
"Sa isang bar kung saan nandoon siya," nakatingin siya sa kawalan habang binibigkas ang mga salitang iyon, "Alas otso ng gabi..." nagmamadali akong isinulat ang mga nasabi niya sa notebook ko.
"Sinundan ko siya galing sa trabaho niya, hanggang sa makarating siya sa isang bar malapit sa tinitirhan niya... sa totoo lang wala akong balak na saktan siya."
Natigilan ako sa pagsusulat at awtomatikong napa-angat ng tingin sa kaniya. "Ano ang ibig sabihin mo?" pagtatanong ko.
Sumulyap siya sa'kin pero agad iyon nag-iwas ng tingin bago muli magsalita. "Gusto ko lang siyang tanungin kung bakit ginawa niya iyon sa'kin," napansin kong pinaglalaruan nito ang kaniyang daliri. "Itatanong ko lang sa kaniya kung bakit nakaya niya akong gawan ng masama, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya."
Napatitig ako sa kaniya, ito ang unang beses sa isang taon na naka-usap ko siya ng punong-puno ng sinceridad, ito din ang unang beses na nakipag-eye contact siya sa'kin. Kaya naman upang maramdaman niya namakakapag-katiwalaan ako at maramdaman niya din na hindi lahat ng nasa paligid niya ay masama, isinara ko ang notebook ko at itinuon ko ang atensyon sa kaniya.
"P-pero sa isang iglap, nagdilim ang paningin ko dahil sa galit nang marinig ko kung sino ang kausap niya." napansin kong napakumo ito sa kaniyang kamay kaya naman mariin ko iyon hinawakan, napatingin siya sa'kin.
Nginitian ko lang siya. "Pwede ko bang malaman kung sino ang kausap niya?" pagtatanong ko. Binawi niya ang kamay sa pagkakahawak ko at nag-iwas muli siya ng tingin sa'kin. "Okay lang naiintindahan ko," sabi ko nalang nang wala akong makuhang sagot mula sa kaniya. "Kung ayaw mo ng pag-usapan iyon, sa susunod nalang na araw, pwede ka na magpahin-"
"Ginilitan ko siya sa leeg gamit ang dala kong kutsilyo, nagmamakaawa siya na wag ko siyang patayin pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, pinagsasaksak ko pa siya lalo hanggang sa maligo siya sa sariling dugo." putol niya ibang sasabihin ko. "Alas nwebe ng gabi ang oras na pinatay ko siya, alas nwebe ng gabi ang oras nang pagpatay ko sa mga taong nagkasala sa'kin."
Napa-awang ang labi ko sa sinabi niya, at unti-unti ko na nabubuo ang palaisipan sa marka na iniiwan niya sa katawang ng mga biktima.
"Mag nag-uutos ba sa'yo na gawin ang mga ganito?" tanong ko muli.
Ngumisi siya sabay ng pag-iling. "Sarili ko," pinagtama niya ang aming mga mata. "Alam mo ba yung pakiramdam na gusto mong itigil ang ginagawa mo pero paano mo ititigil kung mismo ang taong nakapaligid sa'yo ang nagtutulak sa'yo na gawin ang mga iyon."
Matunog siyang tumawa, bago muli nagsalita. "Ang hirap mamuhay sa lipunan kung saan konting galaw mo lang ay huhusgahan ka na, isyu rin sa lipunan ang personalidad mo, itsura, pananamit, kilos, galaw, pananalita, at pamumuhay mo. Kapag hindi naayon sa kanila ang mga iyon, huhusgahan ka na, babastusin ka na, lolokohin ka na."
"P-pero kahit man ganoon, hindi naman sagot ang pagkitil ng buhay, 'di'ba?" sambit ko.
Napa-tsked siya, habang pinagsiklop ang sariling kamay. "Walang lugar sa lipunan na ito ang mahihirap, kapag mahirap ka wala kang kapasidad upang magreklamo, wala kang kapangyarihan upang magsabi ng totoo, wala kang karapatan na lumaban dahil ikaw lamang ay isang hamak na mahirap. Sa mundong ginagalawan natin, pag mahirap ka, talo ka dahil ang katotohanan, hustisya o katarungan ay nararapat lamang sa mga mayayaman."
"Kaya linagay mo ang batas sa sarili mong mga kamay?" giit ko muli sa kaniya.
"Dahil ang mayayaman lamang ang nakakakuha ng hustisya, at ang mahihirap lamang ang hindi makakatakas dito, kaya hindi mo rin masisisi kung bakit may mga taong mas pipiliin na magkusa upang makamit ang hustisya na para sa kanila dahil mismo ang may alam tungkol sa batas ay hindi na pagkakatiwalaan." pagkasabi niya niyon, tumayo siya mula sa pagkaka-upo at bago siya lumabas ng kwartong ito huminto muna siya.
"You can't talk peace while handing and pointing a gun." aniya, bago itong tuluyan na lumabas ng pintuan.
Pinagmasdan ko lamang siya hanggang sa makapasok siya sa kaniyang silid, napabuntong-hininga ako bago napadesisyunan na lumabas na din sa kwarto na iyon.
"Doc?" napaigtad ako sa gulat at awtomatiko akong napatingin sa pintuan ng aking opisina nang pumasok ang kasamahan ko sa trabaho.
"Balita ko nakikipag-usap na siya sa'yo." bungad nito sa'kin pagkapasok ng opisana ko.
"Hmm," 'yun lamang ang aking naging tugon. Hindi ko alam matapos ng pag-uusap namin niyon, bigla akong natahimik.
"May nangyari ba?" tinapik nito ang balikat ko, nakapaigtad muli sa'kin bago napasulyap sa katrabaho.
"A-hh," umiling ako. "Wala naman, napapaisip lang ako," inikot ko ang swivel chair sa katrabaho. "Base sa obserbasyon ko sa kaniya, may malalamin na dahilan kung bakit ginawa niya ito sa mga taong malapit sa kaniya."
"What do you mean?" tugon ng aking katrabaho.
"Dumating na ba ang results?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, nasa la-" naputol na ang ibang sasabihin ng aking katrabaho nang nagmamadali akong lumabas ng aking opisina at patakbong nagtungo sa laboratory.
"Nasaan ang bagong dating na results?" hingal na hingal na tanong ko sa nurse pagkarating ko dito lab.
"Ito po, Doc." sambit ng nurse kasabay nang pagkuha sa drawer ang brown na envelope at agad na iniabot sa'kin.
"Thank you." sabi ko pagkatanggap ko niyon at nagmamdaling nagtungo muli sa opisina ko.
Isinara ko ang agad ang pintuan ko dito sa ipisina at agad na binuksan ang envelope na naglalaman ng resulta sa panibagong tests na ginawa namin sa kaniya. Binasa ko ang mga nakalagay doon at sa hindi mabilang na pagkakataon napaawang ang labi ko nang mabasa ang kabuuan na resulta sa kaniya.
Nabitawan ko ang hawak na papel at napahilamos ako sa aking mukha, hindi ko manlang agad na diagnose na ito pala ang meron siya, hindi ko manlang ito napansin... kung sabagay sa tagal ko sa propesyon na ito, ito ang unang beses na nakahawak ako ng ganitong case.
Napatulala ako sa kawalan. "Ano ba ang nangyari sa'yo?" wala sa sariling nabulalas ko.
Bumuntong-hininga ako, bago ako kumatok sa pintuan niya, "Pwede ba akong pumasok?" tanong ko nang ipinihit ko ang doorknob ng kwarto niya.
Ito ang unang beses na hinayaan niyang hindi naka-lock ang kwarto niya, tulad nga ng sinabi ko napaka-ilap niya sa tao. Ibang-iba na siya sa unang beses ko siyang nakita. Napabuntong-hininga muli ako nang wala akong nakuhang tugon sa kaniya, kaya naman aasta na sana akong isasara muli ang pintuan ng kwarto niya nang bigla akong matigilan.
"Hmm." iyon ang narinig ko nakapagpatigil sa'kin.
Kaya naman, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan niya at nadatnan ko siyang naka-upo sa hamba ng bintana habang nakatingin sa kawalan. Naglakad ako papalapit sa kaniya, malamig ang mga mata niya na sumulyap siya sa'kin.
"Ano ang kailangan mo?" tanong niya.
Umupo ako sa tabihan niya, bago ko siya tinignan. "Wala lang." sagot ko.
Hindi na muli siya umiimik, itinuon niya na muli ang tingin sa labas, gayundin ako. Napapatingin lang ako sa kaniya, sa t'wing naririnig ko ang pagbuntong-hininga niya, na tila bang madami siyang iniisip.
"Hindi ka ba natatakot sa'kin?" pagbabasag niya sa katahimikan na namamagitan sa'min dalawa. "Pwede kitang patayin dito." aniya pa.
Umiling ako habang naka-ngiti. "Bakit naman ako matatakot na patayin mo," giit ko, na nakapagpatingin sa kaniya sa'kin. "Hindi ako natatakot, dahil kung gusto mo akong patayin dapat noon pa."
Napansin kong ngumisi siya, saka tumingin ulit sa kawalan. "Hindi ka ba galit sa'kin?" tanong niya sa'kin.
"Galit," prangka kong sagot sa kaniya, "P-pero wala na akong magawa dahil nangyari na at alam kong may rason kung bakit mo iyon nagawa." walang emosyon ang kaniyang mukha na tumingin muli sa'kin, "At gusto kong malaman kung bakit nagawa mo iyon sa mga magulang at kapatid natin, Amélia."
Nag-iwas siya ng tingin sa'kin na bumaba sa hamba ng bintana at naglakad patungo sa kaniyang higaan. Sumunod na din ako sa kaniya at naupo sa isang silya katabi ng kama niya. Hindi ako natatakot sa kaniya dahil kampante akong hindi niya ako sasaktan.
"Gusto ko na mapag-isa, makaka-alis kana Gerard." malamig aniya.
Umiling ako bilang pagtanggi. "Hindi ako aalis dito hanggat hindi ikwento sa'kin ang nangyari sa gabing iyon, Amélia, gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyari sa gabing iyon, gusto kong malaman lahat upang matulungan kita dahil ikaw na lamang ang nag-iisang pamilya ko." umiiyak ako habang nagmamakaawa, "Please... parang-awa mo na."
Matiim at seryoso niya ulit akong tinignan, wala kang makikitang reaksyon sa kaniyang mukha.
"Pag nagkwento ba ako, papayagan mo na akong makita ang Mama ko?" tanong niya, na nakapagpatigil sa'kin, "Matagal na ako dito, alam kong nag-aalala na si Mama sa'kin, hindi ako nakapagpaalam sa kaniya." lumuluha na sabi niya.
Pinunasan ko ang mukha kong puno ng luha at pagkapatapos ay tinapik siya sa kaniyang balikat, "Kalimutan mo nalang ang mga sinabi ko, aalis na ako, magpahinga ka na." pagkasabi ko niyon, tumayo ako sa pagkaka-upo at naglakad sa may pintuan upang pihitin ang door knob nang magsalita siya.
"Alas otso y' medya ng gabi habang papunta ka sa bahay upang sunduin ako." panimula niya na nakapagpalingon muli sa'kin sa kaniya, nag-angat siya ng tingin sa'kin at kasabay nun inumpisahan niyang ikwenento ang nangyari nang gabing iyon na nakapagpabago sa buhay naming dalawa.
Itutuloy...