CHAPTER 9

3827 Words
"Amélia, anak! gising... may tao sa labas."  Nagising ako dahil sa pagyugyog sa'kin ni Mama, isang linggo na nakalipas nang nasesante ako sa trabaho dahil sa ginawa sa'kin ni Shirley kaya naman sa isang linggo na iyon nagmumumok lang ako sa bahay. "S-sino?" inaantok na tanong ko kay Mama. Sa halip sagutin ako ni Mama, tanging iling lang ang kaniyang naging tugon sa'kin kaya naman kahit antok na antok pa ako, napipilitan akong bumangon at bumaba sa kama. "Tao po! Tao po! May tao po jan? Delivery po." sigaw ng lalaking nasa labas ng amin gate kaya naman nagmamadali akong naghulamos at nagmumog upang mapuntahan ang lalaking iyon na kanina pa nasa labas.  "Miss Amélia Velasco po ba?" bungad ng lalaking may hawak na parahabang box pagkabukas ko ng gate. "A-ako nga po." sagot ko. "May delivery po kayo, papirmahan nalang po dito," anito, habang ibinibigay sa'kin ang puting papel na pinapapermahan niya pagkatapos kinuha niya muli iyon at ibinigay sa'kin ang parahibang box. "Salamat po." anito, bago sumakay sa tricycle nito at umalis. "Kaninong galing 'yan anak?" tanong ni Mama sa'kin pagkapasok ko muli sa bahay. "Hindi ko po alam." tugon ko habang inilalagay ang parahibang box sa sofa at ilang sandali pa binuksan ko iyon. "Wow!" ani Mama, kaya napatingin ako kay Mama na tuwang-tuwa na pinagkakatitigan ang puting blusa sa box na iyon at puting flat shoes, napangisi ako bago bumaling muli ng tingin sa box. Napakunot-noo ako nang may makitang maliit na papel sa gilid niyon, kinuha ko iyon saka binasa. Hi, Big Sis! Hope you like it!  See you at 8 pm :) - Lil'Bro G. "Galing kanino, anak?" tanong ni Mama. "Galing po kay Gerard." sagot ko kay Mama, ibinalik ko muli ang maliit na papel sa loob ng box at inilabas ang puting blusa sa box. "Sukatin mo na anak!" tuwang-tuwa na sambit ni Mama kasabay nang paghila sa'kin papasok ng kwarto ko. "Lumabas ka agad ha, titignan ni Mama kung bagay sa'yo ang damit!" sigaw ni Mama mula sa labas ng pintuan ko. Napangiti ako sa sinabi ni Mama bago hinubad ang damit ko at sinukat ang puting blusa. Pagkasuot ko niyon, humarap ako sa salamin at pinagmamasdan damit na suot ko. Ito ang unang beses na nagsuot ako ng puting blusa maliban nung birthday ni Mama pero iyon ay noong bata pa ako. "Anak! Patingin!" awtomatiko akong napatingin sa pintuan ko nang marinig muli ang boses ni Mama habang kumakatok kaya naman nakangiti akong naglakad sa pintuan at binuksan iyon. "Bagay sa'yo, Amélia." ani Mama habang pinapaikot-ikot ako. "Hubarin ko na po baka madumihan." giit ko. Tumango si Mama, kaya pumasok muli ako ng kwarto upang humarin ang puting blusa. Mariin ko iyon tinupi at inilagay muli sa box pati ang flat shoes na kasama niyon. Pagkatapos ay lumabas muli ako ng kwarto upang maghanda ng tanghalian nang binuksan ni Mama ang TV at bumungad sa'kin ang bagong labas na balita. Flash report Dalaga na nawawala natagpuang patay sa loob ng sasakyan ng isang bar malapit sa pinagtra-trabahuan nito. Nakatakip ng puting tela ang mukha ng biktima nang matagpuan itong patay sa loob ng sarili nitong sasakyan. Punong-puno ito ng saksak sa mukha at naliligo sa sarili dugo ang biktima na halos hindi na ito makilala. Kinikilala ang dalaga na si Shirley Jane Apyaw, 25 years old-- "Di'ba, Ma, sabi ko wag mong bubuksan ang TV." sambit ko kay Mama pagkapatay ko sa telebisyon. "Gusto ko lang naman manood ng balita, anak."  "Basta, simula ngayon wag mo ng bubuksan ang TV." giit ko habang naglalakad na papasok ng kusina. Kumuha ako ng mangkok at sinalinan ko iyon ng cereals at gatas, dahil wala na akong trabaho kailangan ko na magtipid. Inilapag ko ang mangkok sa ibabaw ng mesa kasabay nang pag-upo ko upang kainin iyon. "Anak?" tawag ni Mama sa'kin na naka-upo din sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya habang sumusubo. "Bakit?" pagtatanong ko. "Okay na ba sa'yo na makita ang Papa mo at ang asawa niya?" may pag-aalalang tanong ni Mama sa'kin. Natigilan muna ako bago tumingin kay Mama, "Kakain lang naman ako doon, Ma, naki-usap kasi sa'kin si Gerard na dumalo ako sa kaarawan niya," hinawakan ko ang kamay ni Mama at mariin na hinaplos iyon. "Wag ka na mag-alala sa'kin, Ma, kaya ko na po ang sarili ko." Ngumiti si Mama, "Basta pag-inaway ka, umuwi ka nalang dito ha." tumango ako, kaya hinaplos ni Mama ang mukha ko. "Sige na, tapusin mo na ang pagkain upang makapag-ayos ka na din." At ayun nga, nang matapos akong kainin ng tanghalian naligo ako saka iginugol na ang sarili sa pag-aayos, halos maubusan na ako ng pasensya kakaayos ng aking sarili dahil hindi ko makuha-kuha ang paglalagay ng make-up sa'kin mukha, tinatawanan nga ako ni Mama sa t'wing naghihilamos ako nang paulit-ulit at sa paulit-ulit na ginagawa ko iyon, mas natututo na ako, nakukuha ko na ang paglalagay hanggang sa natigilan kami ng sabay ni Mama habang tinitignan ang aking repleksyon sa salamin. "Ang ganda mo, anak!" manghang-mangha na nabulalas ni Mama. Wala akong naging tugon sa sinabi ni Mama dahil bukod sa hindi ko alam ang itutugon, manghang-mangha ako sa sarili ko. Ito ang unang beses na naglagay ako ng palamuti sa mukha. "Magbihis ka na, anak, baka maya-maya dumating na din ang sundo mo." dagdag ni Mama, kaya napasulyap ako sa kaniya at napatango. Pagkasuot ko ng puting blusa at flat shoes humarap muli ako sa salamin upang pagmasdan muli ang aking sarili. At ilang sandali pa, naglakad ako sa may bintana at sumilip nang may bumisina na sasakyan. "Mama, aalis na po ako, andito na si Gerard." sabi ko kay Mama nang bumaling ako sa kaniya. Tumango si Mama, "Sige, mag-iingat ka anak." tumango lang ako at saka niyakap si Mama bago nagmamadaling lumabas ng bahay. Natigilan ako bigla nang pagkalabas ko ng gate, hindi sasakyan ni Gerard ang nandito... hindi sana ako sasakay kung hindi lang lumabas ang driver nito. "Ma'am, pinasusundo nalang po kayo ni Sir." anito, kaya naman kahit nag-aalangan tumango ako at saka sumakay. Habang nasa byahe biglang huminto ang sasakyan sa isang madilim na lugar kaya nagpalinga-linga ako sa labas, mukhang hindi ito ang daanan papuntang bahay nila Gerard kaya aasta sana akong magtatanong sa driver nang lumabas naman iyon ng sasakyan.  Ang akala ko ay may titignan lang ito sa labas pero sa hindi mabilang na pagkakataon may biglang lumabas na usok mula sa labasan ng aircon, napatakip ako sa ilong ko habang pinipilit na buksan ang kotse na naka-lock pero habang ginagawa ko iyon unti-unti akong nanghihina at nawalan na ng malay. "Wake up, b***h!" rinig ko mula sa isang boses ng babae. Gising ang diwa ko pero hindi ko lang masyadong maidilat ang aking mga mata dahil hilong-hilo ako.  "A-hh!" inda ko nang bigla ako nitong sinabunutan. "Pag sinabi kong gising! Gising!" sigaw niya sa'kin kasabay nang pagbuhos sa'kin ng napakalamig na tubig. "S-sino ka?" hinang-hina na tanong ko sa babae habang nanginginig sa lamig. "Sino ako?" matunog siyang tumawa bago hinawakan nang mahigpit ang panga ko. "Hi, Big sis! I'm Chloe, you're half-sister." malakas na sabi niya, padarag niyang binitawan ang aking panga. "Kilala mo na ako?" napapikit nalang ako nang sinabunutan niya muli ako. "A-ano ang kailangan mo sa'kin?" tanong ko habang pinipilit inaalis ang mga nakatali sa'kin. Binitawan niya ang aking buhok pagkatapos ay pinagpantay ang aming mukha. "Malandi ka!" hindi pa muli ako makakapagsalita, dumapo na sa'kin ang napakalakas na sampal galing sa kaniya. "Ano ang ginawa mo kay Liam?!" galit na tanong niya. Napa-angat ako ng tingin sa kaniya. "Anong ibig sabihin mo? Anong ginawa ko?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Paaak!" isang sampal muli ang natanggap ko mula sa kaniya. "Wag ka na mag-maang-maangan, Amélia, hindi ka na makakatakas dahil alam ko ang ginawa mo sa kaniya, kitang-kita sa dalawang mga mata ko kung paano mo siya pinatay!" pagkasabi niya niyon, inilabas niya ang cell phone at pinakita sa'kin ang video kung saan makikita ang pagtatalik namin ni Liam hanggang sa pagpatay ko sa kaniya. Pilit kong kinakalas ang pagkakatali ng kamay ko sa likod ng upuan, habang nakatingin sa kaniya. Ilang sandali pa naramdaman ko na unti-unti na itong lumuluwag. Palihim kong pinagmasdan lugar, walang katao-tao kaya masasabi kong mag-isa lang siya dito. "A-hh," inda ko muli nang sinabunutan niya muli ako, "Tigilan mo na ako, Chloe, nasasaktan na ako." giit ko habang tinatanggal ng tuluyan ang tali sa kamay ko. "Matapos mo siyang landiin, papatayin mo siya! Matapos mo siyang pagkaperahan! Ito pa ang igaganti mo sa kaniya! Tama nga si Mommy!" hinawakan niya muli nang mahigpit ang panga ko. "Tulad ka lang din ng Mama mo! Mang-aagaw! Mukhang pera! Tulad lang kayo!"  Biglang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya kaya naman dahil sa galit na nararamdaman ko, inuntog ko ang sariling noo sa noo niya na naging dahilan para matumba siya sahig at namimilipit sakit. Kaya naman, nagmamadali kong itinanggal ang pagkakatali ng mga paa ko sabay naglakad papalapit sa kaniya. "Wala kang karapatan na maliitin ang nanay ko!" hinawakan ko ang kaniyang buhok at hinila iyon pataaas, napainda siya. "Wala kayong karapatan na husgahan ang pagkatao ng nanay ko! Dahil wala kayong alam kong ano ang pinagdaanan niya!" habang hawak pa rin ang buhok niya, pinagpantay ko ang mukha namin. "Tatanggapin ko lahat ng panghuhusga, pananakit at masasalitang salita na sasabihin niyo sa'kin pero wag na wag sa nanay ko!" sinampal ko siya. "A-hh! f**k you, b***h!" sigaw ni Chloe sa'kin habang pilit na nagpupumiglas upang mabitawan ko siya, kaya naman mas hinigpitan ko pa ang hawak ng kaniya buhok. "Ang lakas mong manisi sa nangyari sa nobyo mo na unang-una ikaw ang may dahilan kung bakit ganun ang sinapit niya! Niloko niya ako! Pinagmukhang tanga! Pinaglaruan! dahil utos mo!" nanlilisik ang aking mata na sabi ko at sa hindi mabilang na pagkakataon, habang hawak ang kaniyang buhok padarag ko siyang hinila palabas ng warehouse na 'yon. Napatingala ako sa kalangitan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, akma na hahakba muli ako nang bigla naman akong napaluhod sa lupa nang sinuntok ni Chloe ang tuhod ko dahilan para mabitawan ko siya. "How dare you to hurt me!" tinadyakan niya ako sa dibdib kaya napahiga ako sa lupa habang namimilipit sa sakit. "Hindi mo lang matanggap na ganun ang nanay mo! kaya nagagalit ka!" pumatong siya sa'kin at sinabunutan ako. "Hindi ko kasalanan ang nangyari kay Liam! Kasalanan mo 'yun! f**k you!" sinampal-sampal niya ako kasabay nang pagsabunot. Malakas ang ulan, pareho na kaming basa at parehong nag-aalab sa galit kaya nang makakuha ako ng tyempo, sinuntok ko siya sa kaniyang pisngi dahilan para mapahawak si Chloe doon, ako naman hingal na hingal at nasasaktan na bumangon upang tadyakan siya sa kaniyang tagiliran. Pagkatapos hindi pa ako nakuntento, sinuntok ko muli siya tiyan at pinagtatadyakan muli hanggang sa mawalan na siya nang malay at sa pagkakataon na iyon, doon ko na siya pinatay, gamit ang nakita kong malaking bato, ibinagsak ko iyon sa kaniyang mukha nang paulit-ulit hanggang sa mawalan na siya ng buhay.  Nakita ko ang cell phone niya na umiilaw, hudyat na may tumatawag kaya naman hinang-hina ko itong idinampot sa lupa at sinagot iyon. "Lumang warehouse." pagkasabi ko niyon pinatay ko na ang tawag. "Sino ang tumawag?" tanong ko sa kaniya. "Ang Mommy mo." walang emosyon na tumingin siya sa'kin. Tumutulo ang luha kong tinignan siya. "A-ano ang nangyari nang pumunta si Mommy doon?" napatingin muli siya sa kawalan at nagpatuloy muli sa pagsalaysay sa nangyari. Narinig ko ang umiiyak na sigaw ng Mommy mo nang makita ang walang buhay na Chloe na nakahandusay sa lupa, "Amélia! Lumabas ka! Harapin mo ako!" sigaw ng Mommy mo habang may hinuhugot na baril sa dalang bag nito. "Magpakita ka!" Dalawa, tatlo, limang putok ng baril ang pinakawalan ng Mommy tatlo sa ere, dalawa sa lupa. "Magpapakita ka o masasaktan ang nanay mo!" sigaw niya na nakapagpalabas sa'kin sa pinagtataguan ko. "Wag mong sasaktan ang nanay ko!" sigaw ko sa kaniya, humarap sa'kin ang Mommy mo at nakangising itinutok ang baril sa ulo ko. "Pinatay mo ang anak ko! Hayop ka!" Nginisian ko lamang ang Mommy mo, "Kulang pa 'yan sa lahat ng ginawa niyo sa Mama ko! Sa lahat-lahat, sa pananakit! sa pag-aalipusta! sa paninira na wala namang katotohanan!" pagkasabi ko niyon, inihampas ko sa kaniyang ulo ang dala kong bakal at dahil sa ginawa ko, humandusay ang Mommy mo sa lupa katabi ni Chloe. Naglakad ako papalapit sa kaniya at itinukod ko ng bahagya ang tuhod ko sa lupa upang ubutin ang kamay niyang may hawak na baril at sa hindi mabilang na pagkakataon gamit ang kamay ng Mommy, itinutok ko sa ulo niya ang baril at pinutok ko iyon. This time habang nagkwe-kwento si Amélia sa nangyari noong gabi ng kaarawan ko, napagtanto ko na ang lahat-lahat bakit siya humantong sa ganito. Gusto kong magwala, gusto ko siyang sigawan, gusto kong magalit subalit hindi ko magawa iyon dahil bukod sa mahal ko ang kapatid ko, nandito ako sa loob ng kwarto na ito bilang Doctor niya, bilang Psychiatrist at hindi bilang pamilya ng mga na biktima niya. "Pagkatapos, ano ang sunod mong ginawa?" tanong ko sa kaniya. Kinuhaan ko ng video ang Mommy mo at kapatid mo na nakahandusay sa lupa at walang malay at pagkatapos linisan ang lugar na iyon upang pumunta sa bahay niyo na kung saan aandun ang Daddy mo. Bitbit ang cell phone ng Mommy mo, pumasok ako bahay niyo. At tulad nga ng sinabi mo walang katao-tao ang bahay niyo, ni kahit isang guard wala kaya kampante akong magagawa ko na ang matagal ko ng gustong gawin sa Daddy mo. Gulat na gulat ang Daddy mo nang pumasok ako sa sala niyo na basang-basa at duguan, napansin kong hindi siya makatayo sa kinauupuan niya dahil sa takot pero sa halip na lapitan ko siya naglakad ako papalapit sa dining table at kinuha ang kutsilyo.  Sa mga oras na iyon, blangko na ang isipan ko tulad ng nangyayari sa'kin sa t'wing pumapatay ako. Sa mga oras na iyon, ang Daddy mo nalang ang nakikita ko at ang kagustuhan na patayin siya. "Bitawan mo 'yan, o sasabog ang bungo mo, Amélia!" narinig ko ang pagkasa nito ng baril at itinutok iyon sa likuran ng ulo ko. "A-ano ang ginawa mo sa pamilya ko?!" nanggalaiting tanong niya sa'kin. Nginisian ko lang siya, habang plinaplay yung video na kinuha ko... pumihit ako paharap sa kaniya at mas idiniin ang ulo ko sa baril na hawak niya at nakatutok sa'kin samantala ipinakita ko sa kaniya ang video ng Mommy mo at kapatid. "Pinatay ko sila." tugon ko sa tanong niya. Halos matumba ang Daddy mo sa nakita, luhaan siyang nag-angat ng tingin sa'kin. "Hayop ka! Hayop ka! Demonyo ka! Amélia! papatayin kita!" akma na ikakasa niya na ang baril na hawak nito nang sinaksak ko siya tagiliran niya.  Nanginginig siya sa sakit dulot niyon, inagaw ko sa kaniya ang baril at sabay na itinutok sa kaniya. "Ano ang pakiramdam nang mawalan ng minamahal sa buhay?" ngumisi ako. "Di'ba pinapatay mo ang Ina at Itay ni Mama dahil nalaman nila na may ilegal kang ginagawa sa probinsya na ito..." pinaputukan ko siya ng baril sa kaniyang braso dahilan para mapasigaw siya sa sakit. "Pagkatapos... sunod na ginawa mo binaboy mo si Mama nang paulit-ulit hanggang sa nabuo ako! tapos iniwanan mo si Mama habang pinagbubuntis ako! Siniraan niyo si Mama na nagnakaw sa masyon niyo! Laman ng chismisan si Mama sa buong probinsyang ito na pokpok, magnanakaw at mang-aagaw!" luhaan ko muling binaril ang Daddy mo sa kaniyang hita. "Ang masakit pati mga namamahala ng batas dito sinuhulan niyong mag-asawa upang kung magreklamo si Mama tungkol sa ginawa mo hindi siya paniwalaan, at takpan ang ginawa mong pangbababoy sa kaniya!" babarilin ko muli sana siya nang nawalan na iyon ng bala. "Nagtataka ka kung bakit alam ko iyon? Dahil nabasa ko ang diary ni Mama sa kwarto niyo, kaya simula nang mabasa ko iyon, hindi na kitang tinuring ama! Kaya kahit anong pilit ni Mama sa'kin na patawarin ka at tumira sa bahay na ito hindi ko magawa dahil wala kang kwentang ama!" napatingin ako sa malaking orasan na nasa sala niyo nang tumunog iyon hudyat na alas nwebe na, kaya napangisi akong bumaling sa Daddy mo. "Ito na ata ang tapang oras upang pagbayaran mo ang mga kasalanan mo kay Mama." pagkasabi ko niyon, gamit ang kutsilyong hawak ko, ginilitan ko nang paulit-ulit sa leeg ang Daddy mo hanggang mawalan siya nang buhay. Pareho kaming nakatingin sa kawalan ni Amélia matapos niyang mag-kwento, ilang saglit din akong natigilan dahil sa detalyadong pagkwe-kwento niya sa nangyari. Sa isang taong pamamalagi ni Amélia dito, luhaan ito ang unang beses na ikwenento niya lahat-lahat. Luhaan ko siyang tinignan, "Bakit hindi mo ako sinaktan? Kapamilya din naman ako ng mga taong sinaktan ka? Bakit, Amélia?" napasulyap siya sa'kin, "Kaya naki-usap ako, Amélia, na ako ang maging doctor mo dahil gusto kong malaman bakit hindi mo ako pinatay! Bakit hindi mo ako sinaktan."  "Hindi kita sinaktan, Gerard, dahil ikaw lang ang bukod tangi sa pamilya niyo ang mabait sa'kin," natigilan ako bigla sa sinabi niya, "Ikaw lang Gerard ang nagparamdam ng pag-aalala sa'kin, sa t'wing sinasaktan ako ni Daddy mo, sa t'wing nagkakasakit ako, ikaw lang ang laging nandyan sa'kin," umiiyak si Amélia na pinagtama ang mga mata namin. "Ikaw lang ang itinuring akong pamilya kahit alam mong pinagbabawalan ka ng Mommy at Daddy mo."  Nasasaktan ako ngayon dahil sa nalaman ko pero meron humaplos sa puso ko upang hindi kamuhian si Amélia, meron sa'kin na kahit anong galit ko sa kaniya ngayon nangingibabaw pa rin ang concern ko na gamutin siya hindi bilang kapatid kundi bilang doctor niya. "Papayagan mo na ba akong maka-uwi at makita si Mama?" tanong ni Amélia sa'kin. Umiling ako. "Hindi pa rin." sagot ko, at tumayo ako sa pagkaka-upo upang sana lumabas ng kwarto nang humarang siya sa dinadaanan ko. Napatingin ako sa wrist watch ko, 9 PM, mag-uumpisa na siya kaya naman pinindot ko ang red button na hawak ko upang magtawag ng nurse. Nagsipasok ang mga iyon. "Ano ang ibig sabihin nito, Gerard?" nanlilisik ang mata niya sa'kin nang makita ang apat na nurse na pumasok sa kwarto niya. "Gusto ko nang maka-alis dito! Gusto ko nang makita si Mama!" tinalikuran niya saka nagpupumilit na lumabas ng kwarto niya na agad naman hinarangan ng apat na nurse. "Pakawalan niyo ako!" sigaw ni Amélia, "Pagbabayaran niyo ang ginagawa niyo sa'kin!" nagpupumiglas siya sa mga nurse na nakahawak sa kaniya. "Gusto ko makita si Mama! Nag-aalala na si Mama sa'kin!" this time tumingin siya sa'kin. "Gerard, please, payagan mo na akong umalis, hinahanap na ako ni Mama, please." "Amélia," bumuntong-hininga ako bago muli magsalita. "Patay na ang Mama mo, labing-pitong taon na, Amélia! Wala na ang Mama mo!"  Natigilan si Amélia habang umiiyak na umiiling-iling. "Hindi! Hindi totoo 'yan!" tinakpan niya ang magkabilang-tenga niya upang hindi marinig ang sinasabi ko.  "Totoo, Amélia, you are diagnosed with schizophrenia paranoia, lahat ng nangyari sa'yo na kasama mo ang Mama mo ay tanging imahinasyon at guni-guni mo lang na gawa ng isipan mo." Umiiling-iling pa rin siya habang umiiyak na nakatakip pa rin ang tenga niya. "Hindi! Hindi patay si Mama! Hindi!"  "Ang mga panahon na kasama mo at nakaka-usap mo ang Mama mo ay kathang-isip mo lang dahil hindi mo matanggap na ganun ang sinapit ng Mama mo, alas nwebe," bumuntong-hininga muli ako bago nagpatuloy. "T'wing alas nwebe ng gabi nararanasan mo ang magalit at manakit sa mga taong natri-triggered ka dahil t'wing alas nwebe ng gabi doon lumalabas ang tinatawag na psychotic episode." "Naalala mo kung paano pinatay ang Mama mo, Setyembre, ika- 9 ng alas nwebe ng gabi, ang buwan, araw at oras na pinatay ang Mama mo at nasaksihan mo iyon kaya tumatak iyon sa isipan mo na nadala mo hanggang sa paglaki mo na naging dahilan upang mabuo ang sakit na iyan sa'yo." "Stressful or emotional life event na nangyari sa'yo noon kaya nagagawa mong pumatay dahil ang inaakala mo na lahat ng taong nakapaligid sa'yo ay gagawan ka ng masama. At ginagawa mo 'yon t'wing alas nwebe ng gabi." "Hindi!" sinugod ako ni Amélia at hinawakan ang kwelyo ng puting coat ko. "Bawiin mo ang sinanbi mo, Gerard! Bawiin mo!" Umiling ako, "Hindi ko babawiin, Amélia, dahil ito lang ang paraan upang gumaling ka!" hinawakan ko ang dalawang braso niya, alam kong delikado ang ginagawa namin sa kaniya dahil pwede niya kaming saktan, pero susubukan ko siyang pakalmahin sa paraan na alam ko. "Amélia, tanggapin mo na wala na si Mama mo, sa pamamagitan niyon, mapapanatag na ang Mama mo at mapapanatag na din ang puso mo."  Umiling-iling siya at ilang sandali pa napayuko siya, "Mama ko, Mama ko!" umiiyak na aniya, binitawan niya ang kwelyo ko at napa-upo sa sahig. "Mama...Mama...Mama ko!" hagulhol niya. "Wag niyong patayin ang Mama ko! Mama ko!" pinagsusuntok niya ang sahig dahilan para magdugo ang kamay niya kaya naman bago pa kung ano ang magawa niya sa sarili, sinenyasan ko ang apat na nurse na hawakan si Amélia dahil tuturukan ko iyon ng pangpakalma. Nang kumalma siya, dahan-dahan nila inihiga siya sa kama, ako naman ay lumapit at hinawakan ang kamay niya, "Magpahinga ka na, Big sis, sorry." bulong ko bago lumabas ng kwarto. At ngayon nakaharap ako sa isang malawak na hardin dito sa hospital matapos ang nangyari kanina dumeritso ako dito upang makapag-isip.  Sa tagal na nakasama at nakaka-usap si Amélia, dito ko napagtanto na tama siya, na sa lipunan na pinagbibilangan natin ay madali tayong manghusga, without knowing the exact story of a person. At bilang Psychiatrist, hurtful words can distress someone's feeling. It might cause trauma, depression, anxiety, stress na kung saan may ibang taong nakakaranas nito ay hindi nakakayanan kaya mas pinipili nilang saktan ang sarili nila or worst magkamatay dahil doon. Tulad ng nangyari kay Amélia dahil sa mga masasamang kaganapan sa kaniya noon at mga taong nakapaligid sa kaniya mas na develop ang sakit niya na halos hindi niya na ito kayang kontrolin at dahil doon nahusgahan siya without knowing her story kung bakit ganun ang personality niya. It's better to know a little about everything before spitting words to someone that might hurt their feelings. Some people are just smiling but we don't know that behind that smile all her feelings are hidden. Remember, it's always easier to fake a smile than explaining your sadness to the world. At ngayon, bilang kapatid at doctor ni Amélia gagawin ko lahat ng makakaya ko upang maging okay siya muli, hindi man madaling hilumin sa kaniyang puso ang sugat ng nakaraan subalit alam na alam ko na balang araw magagawa niya iyon at matatanggap din ang nangyari sa kaniya ng buong puso at pag nangyari iyon babangon muli siya at haharapin ang panibagong hamon ng buhay ng walang takot at pag-aalinlangan. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD