CHAPTER 7

2449 Words
"T-tulong!" Iyon ang unang narinig ko pagkapasok ko palang ng bahay ni Liam, pumunta kasi ako dito dahil ilang araw na hindi siya pumapasok sa trabaho at walang paramdam, nag-aalala ako at baka siya ay may sakit. Habang naglalakad nang tuluyan papasok ng nakabukas na bahay ni Liam, natigilan ako nang may marinig muling nanghihinang boses ng lalaki. "T-tulong..." pero sa pagkakataon na iyon napapagtanto ko na kung kaninong pag ma-may ari ang boses na iyon, bigla akong nakaramdam ng kaba. "Tulungan niyo ko!"  Hinahanap ko kung saan banda nangggaling ang boses at ilang sandali pa napatingin ako sa pangalawang palapag ng bahay ni Liam nang mapagtantong doon nangagaling ang humihingi ng tulong. Kaya naman, bago ako umakyat ng second floor, nagtungo muna ako ng kusina upang kumuha ng kutsilyo at baka may ibang tao dito maliban sa'kin. "H...el...p!" rinig ko ulit habang papalapit ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Liam, mas kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang meron at kung ano ang lagay ni Liam sa loob niyon. "T-tulong!" Kaya naman kahit kinakabahan, dahan-dahan kong ipinihit ang doorknob at mahigpit na hinawakan ang kutsilyong hawak ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, bigla akong nanlamig at nanginig dahil sa nakita ko. "L-Liam!" hindi makapaniwalang bulalas ko habang sapo-sapo ang bibig sa gulat. Nag-angat ng tingin si Liam sa'kin... Halos maiyak ako sa itsura niya, duguan siya habang nakatali ang magkabilang braso at paa sa higaan. "A-amélia, t-tulungan m-mo k-ko." halos umiiyak, nasasaktan at nagmamakaawang sambit ni Liam sa'kin. Kahit man ako  ay natatakot, tumango-tango ako saka nagmamadaling naglakad papalapit sa kaniya, at agad na pinutol ang tali sa mga paa ni Liam, at nang puputulin ko na din ang tali sa kamay niya nang biglang napako ang paningin ko sa dibdib nito, may malaking sugat iyon sa dibdib... nanginginig ang kamay kong isinuyod ang sugat. "awdta6." 'yan ang nakalagay na sugat sa dibdib ni Liam. Napa-angat lang muli ako ng tingin sa kaniya nang magsalita muli ito. "B-babe please, tanggalin mo na ang pagkakatali sa kamay ko, kailangan natin umalis dito baka bumalik na ang may gawa nito sa'kin." nanghihinang aniya. Pinagkakatitigan ko siya, "Please, Babe...tanggalin mo na, please!" napa-tsked ako bigla kasabay nang pag-ngisi, napansin kong rumihestro ang pagtataka sa mukha ni Liam. "B-babe, release me! baka bumalik ang may gawa nito sa'kin!" Tumawa ako. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" hinaplos ko ang kaniyang mukha. Napakunot-noo si Liam, "What do you mean? Amélia, this is not the time for joking! Please release me, nagmamakaawa ako... please." "Sino nagsasabi sa'yo na nagbibiro ako?" nakangising sambit ko habang umupo sa kama, pinagmamasdan ang duguan na mukha at katawan ni Liam. "Are you f*****g serious?! Don't tell me- ahh!" putol na sigaw ni Liam nang itinusok ko sa kaniyang tagiliran ang hawak na kutsilyo. "You crazy bitc-ahhh!" sigaw niya ulit nang itinusok ko muli ang kutsilyong hawak sa kaniyang hita. Namimilipit sa sakit si Liam nang hinugot ko muli ang kutsilyo sa hita niya, gayunpaman, nawala ang lahat ng pagmamahal ko sa kaniya, nawala lahat nang awa na nararamdaman ko sa kaniya, matapos ang narinig ko nang gabing iyon. "May itatanong ako, pag nasagot mo iyon ng tama, papakawalan kita." saad ko nang bumaling ako sa mukha niya na halatang-halata na sobra siyang nasasaktan. "Bakit mo ginago? Bakit mo pinaniwala ang sarili ko na gusto mo ako?" hindi umimik si Liam, kaya nanlilisik ang mata kong itinusok muli sa kaniyang hita ang kutsilyo. "Sagot!" "Ahh!" sigaw niya muli pagkahugot ko sa kutsilyo. "P-please don't kill me, please!" Hinawakan ko ang panga niya. "Hindi kita papatayin, paglalaruan lang kita tulad ng ginawa mo sa'kin..." nginisian ko siya, hindi ko aakalain na lolokohin ako ni Liam. "Isang pagkakataon, pag hindi mo sinagot ang katanungan ko, alam mo na ang mangyayari, sinong may utos sa'yo nito?" tanong ko ulit pero wala akong makuhang sagot mula sa kaniya kaya naman, akma na ibabaon ko muli ang kutsilyo sa kabilang hita niya nang magsalita siya. "Si Chloe!" aniya habang nanginginig, awtomatiko akong napatingin sa kaniya. "Chloe Marie Samson Velasco, ang kapatid mo, siya ang may utos sa'kin na paibigan ka! at...at kuhanan ng video ang nangyari sa'tin." Natigilan ako ng ilang sandali sa nalaman, at ilang sandali ay tumawa ako ng napakalakas... "Please, release me! Promise, hindi ko sasabihin na ikaw ang may gawa sa'kin nito. Please, Babe, mahal kita, oo niloko kita pero may gusto na ako sa'yo bago pa ako pumayag sa kagustuhan ni Chloe." "Tsk," natatawang reaksyon ko bago lumapit sa kamay ni Liam at pinutol ang tali sa pulsuhan nito. "You crazy b***h!" bigla akong tinadyakan ni Liam pagkatanggal ng mga tali sa kaniya, tumilapon ako sa may vanity sa lakas ng pagkakatadyak niyon. Napainda at napahawak ako bigla sa balakang ko nang maramdaman ang sakit. Hindi agad ako makagalaw dahil sa lakas ng impact ng pagkakatadyak sa'kin ni Liam, at ilang sandali pa kahit sumasakit ang balakang ko tumayo ako upang habulin si Liam na papalabas ng pintuan. Agad kong sinaksak sa likuran niya ang dala kong kutsilyo. "Ahh!" halos matumba sa sahig si Liam pero matibay siya dahil nakaharap pa ito sa'kin at nasampal pa ako ng sobrang lakas. Galit na galit akong tinignan siya habang pinupunasan ang dugo ko sa labi pero sa hindi mabilang na pagkakataon, bigla niya akong sinakal. "Y...ou go...nna die! Cra...zy b***h!" sambit niya habang mas pinag-iigihan ang pagkakasakal sa'kin, hindi na ako makahinga, nabitawan ko na ang hawak kong kutsilyo. "Kasa...lanan mo kung ba...kit ka na...luko, da...hil easy to get ka, Amélia! Tulad ka lang din ng nanay mo!" Biglang nagpanting ang tenga ko sa narinig mula kay Liam, kaya naman, kahit ako ay sobra ng nahihirapan sinubukan ko pa rin manglaban. Tinadyakan ko ang bayag niya dahilan para mabitawan niya ako, kaya namilipit siya sa sakit. Hinang-hina akong napahawak sa leeg habang nakatingin sa kaniya at sa ilang sandali dinampot ko ang kutsilyo at naglakad papalapit sa kaniya. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganyan ang nanay ko!" pagkasabi ko niyon pinagsasaksak ko siya. "Wala kang karapatan!" nagsiltalsikan na ang dugo ni Liam sa mukha ko pero hindi pa rin ako tumigil sa pagsaksak hangga't sa hindi ako nakaramdam ng pagod. Umiiyak akong pinagkatitigan si Liam na duguan at walang buhay hanggang sa napagdesisyunan kong lisanin ang lugar na iyon na walang iniiwang bakas. "Amélia!" natatarantang ginigising ni Myrna ang anak dahil kanina pa ito umuungol habang tulog. "Anak! Gising! Gising!"pilit pa rin nito ginigising si Amélia. "Liam!" napabalikwas ang dalaga sa pagkakahiga nang mapagtantong panaginip lang iyon lahat. "Mama!" yakap niya agad sa ina nang makita niya iyon. "Nanaginip ka na naman, anak." saad ng ina ni Amélia pagkabigay nito ng isang basong tubig. Wala lang imik tinanggap iyon ng dalaga at ininom. "Ano ba ang naging panaginip mo?" tanong ng ina nito, pagkalagay ng baso sa side table ng kama ng dalaga. Umiling ang dalaga. "W-wala po." pagkatapos ay nag-iwas ito ng tingin at bumaba ng kama saka nagtungo ng banyo upang maligo. Habang nasa banyo ang dalaga, nakatingin lang ito sa kawalan, tila nawala siya sa sarili dahil sa kaniyang panaginip. Humarap ito sa salamin, at napahimas sa leeg niya nang mapansin na meron iyon bakas ng pagkakasakal. Sinuri-suri niya iyon na tila bang nagtataka kung bakit bigla siyang nagkaroon ng ganun at maya-maya pa napagdesisyunan niya nang lumabas ng banyo upang magbihis at pagkatapos ay walang paalam na umalis ng bahay upang pumasok sa kaniyang trabaho. "Hey! Alam niyo ba guys, out of town ngayon si Sir Liam, dahil mag-aasikaso ng kasal nila ni Ms. Chloe," natigilan ang dalaga sa pagtitipa ng keyboard sa narinig niya mula kay Shirley. "Kamusta kaya ang puso ni Amélia, nang malaman ang balita?" napa-angat ng tingin ang dalaga sa katrabaho nang umupo ito sa desk niya habang pinalulubo ang bubblegum. "How's your heart 'lil b***h?" nakangising tanong nito sa dalaga. Hindi sumagot si Amélia sa sinabi ng kaniyang trabaho, ito lamang ay tumayo sa swivel chair at nagtungo ng banyo. Napahilamos ang dalaga sa kaniyang mukha at napatitig sa salamin. Nagulat at the same time nasasaktan ang dalaga sa nalaman niya ngayong araw, nasasaktan siya dahil matapos ang nangyari sa kanila ng binata, ganito ang malalaman niya. Ang masakit pa sa kapatid pa ito ikakasal. Napapikit na nakayuko ang dalaga habang nakalagay ang dalawang kamay sa sink ng banyo at bago pa tumulo ang kaniyang nga luha, naghilamos muli ito. Ilang minuto din ang itinagal ni Amélia sa loob ng banyo na mapagdesisyunan na sana nitong lumabas upang bumalik sa kaniya trabaho nang bigla naman siyang hinarang ni Shirley sa pintuan ng banyo. Napaatras ang dalaga nang naglalakad si Shirley papalapit sa kaniya. Napasandal siya sa dingding, napansin niyang nilock ni Shirley ang pinto bago ulit bumaling ng tingin sa kaniya. "Alam mo, dering-deri ako sa mukha mo, Amélia!" galit na aniya sa dalaga. "Sa t'wing nakikita kita kumukulo ang dugo ko!" sabay dinuro-duro sa noo ang dalaga. "Alam mo nagtitimpi lang talaga ako sa'yo eh, dahil laging andyan si Sir Liam, pero ngayon..." ngumisi ang katrabaho ng dalaga habang kinuha ang handle ng mop. "Hindi na!" akma na papaluin niya ang dalaga ng handle nang agad iyon nahawakan ni Amélia mula sa ere. "A-ano ba ang kinagagalit mo? Wala naman akong ginagawa sa'yo?" tanong ng dalaga, habang nakikipag-agawan sa handle ng mop kay Shirley. "Bitawan mo ito!"sigaw ni Shirley, pero hindi ito binibitawan ng dalaga dahil alam niyang sasaktan siya nito once na maagaw ang handle ng mop. "Sino ang aandyan? Buksan niyo ang pinto!" may kumatok nang malakas sa pintuan ng banyo dahilan para sabay silang matigilan at mapatingin sa pinto. Biglang bumitaw si Shirley sa handle at lumayo kay Amélia, akala ng dalaga ay lalabas na ito ng banyo pero laking gulat ng dalaga nang bigla nito sinampal ang sarili. "Tulong! Ahh!" ani Shirley habang sinasaktan niya muli ang sarili. "TAMA NA AMÉLIA! BITAWAN MO AKO!" napaataras ang dalaga sa gulat. Sinabunatan nito ang sarili niya, habang nakangising nakatingin ay Amélia. "TULONG! Tama na, Amélia! Nasasaktan ako!" hindi makagalaw ang dalaga sa kinatatayuan niya, hanggang sa mabubuksan na ang pintuan nang lumapit sa kaniya si Shirley at saka hinawakan ang kamay nito na may hawak na handle ng mop at bago pa man tuluyan bumukas ang pinto ipinalo na iyon sa sarili niya dahilan para mawalan ito ng malay. Nanlaki ang mga mata ni Amélia sa gulat kasabay niyon, napa-angat siya ng tingin sa pintuan nang bumukas iyon at gulat na gulat na nagsipasok ang mga empleyado upang alalayan si Shirley. "Tumawag kayo ng pulis!" sigaw ng isang empleyado nang bigla niyang hinawakan si Amélia upang hindi makatakas. "Hindi ko siya sinaktan, siya mismo ang nanakit sa sarili niya." katwiran ni Amélia sa mga pulis nang dinala siya agad nito sa prisento. Natawa lang ang mga pulis sa sinabi ng dalaga. "May mga testigo kung paano mo sinaktan ang katrabaho mo, nagbigay na din ng statement ang biktama." anito, napayuko na lamang ang dalaga... Wala itong magawa, hindi siya pinaniniwalaan ng mga ito, maya-maya nagsalita muli ang pulis pero hindi iyon para sa dalaga kundi sa kabarong pulis. "Sige na, kulong niyo na 'yan." utos nito, na agad isinunod ng mga iyon. Napa-angat muli ng tingin ang dalaga sa dalawang pulis nang hinawakan nito ang magkabilang braso niya na nakaposas. "Wala akong kasalanan, maniwala kayo." kaso hindi manlang siya pinakinggan ng mga pulis, padarag siyang hinila papasok ng selda. "Kung gusto mong makalaya, kumuha ka ng sariling aboga-" "I'm her lawyer." naputol na ang ibang sasabihin ng pulis na dumakip sa sa dalaga kanina nang may mangibabaw na boses mula sa likuran nito, napaharap ang pulis sa taong nagsalita sa likuran nito at saka bahagyang yumuko. "Pinapunta ako dito ni Congressman Velasco." napatingin ang abogado kay Amélia bago muli tumingin sa pulis habang may kinukuhang papel sa attache case at inilahad iyon sa harapan ng pulis. "We can talk outside." dagdag niya. Ngumiti ang pulis saka tumango at binigyan ng daan ang abogado papalabas ng presinto. Napa-upo ang dalaga sa sahig habang hinihintay ang pagbalik ng lawyer ang ng pulis. Gusto nitong umayaw sa binibigay na tulong sa Congressman kung hindi niya lang naalala ang ina na alam na alam ng dalaga na nag-alala na sa mga oras na ito. Ilang sandali napatayo ang dalaga nang biglang binuksan ng isang pulis ang selda. "Makakalabas ka na, Miss Velasco!" anito, kaya naglakad papalabas sa selda ang dalaga. "Pasalamat ka at magka ano-anu kayo ni Congressman Velasco." habol na saad ng pulis nang hahakba na palabas ng prisento ang dalaga, tinignan lamang ito ng dalaga, at walang imik na lumabas. Habang naglalakad si Amélia pauwi sa kanilang bahay nang may humintong itim na kotse sa harapan niya na nakapagpatigil sa kaniya, bumakas iyon at lumabas si Congressman Velasco. "Ano ang kailangan niyo?" tanong ni Amélia sa ama. "Ahh..." inda ng dalaga nang bigla siyang sinampal ng kaniyang ama pagkalapit nito sa kaniya. "Hindi ka na nahiya!" sigaw nito sa dalaga, "Ikaw lang nakakadungis sa pangalan ko!" sampal niya muli sa pisngi ng dalaga. Mamula-mula ang pisngi ni Amélia na nag-angat ng tingin sa Kongresista. "Simula ngayon! Ito ang huling beses na makikita kita! Wag ka na magpapakita, kung kailangan magpakamatay ka!" sabay niyon, napapikit ang dalaga nang hinagisan siya ng Kongresista ng limpak limpak na pera sa mukha. "Di'ba pera ang habol mo? Iyan! Kasya na siguro yan para mawala kana sa paningin ko! Sabihin mo kung kulang pa!" tinapunan muli ito ng pera. Napaluha ang dalaga, pakiramdam niya kasalanan niya pa na nabuhay siya dito sa mundo, pinulot ni Amélia ang pera na nagkalat sa kalsada. Narinig niyang tumawa ang Congressman. "Manang-mana ka talaga sa nanay mong walang kwenta! Mga mukhang pera!" tumawa ulit ito, ang dalaga naman ay hindi maiwasan na lukutin ang perang hawak. "Tara na!" ani ama nito sa body guard na kasama. At bago pa man makasakay ang Congressman sa sasakyan nito, nag-angat ng tingin si Amélia at bigla itinapon ang pera nadampot sa likuran ng kaniyang ama. Galit na lumingon ang Congressman sa dalaga. "K-kulang pa 'yan sa ginawa mo sa Mama ko! Kulang na kulang pa 'yan!" aastang susugurin ng dalaga ang kaniyang ama ng hinawakan agad ng mga body guards ang dalawang braso niya. Nagpumiglas ito pero sa hindi mabilang na pagkakataon biglang nanghina ang dalaga nang sinuntok ng isa sa mga guard ng kaniyang ama ang tiyan niya na naging dahilan upang mapahiga muli siya sa kalsada, binitawan din agad siya ng mga ito at iniwan doon. Habang nanghihina ang dalagang nakatingin sa papalayong kotse ng ama, hindi niya maiwasan na mapabulong. "Pagbabayaran niyo din ang lahat-lahat ng ginawa niyo sa'min ni Mama." Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD