17 years ago...
"Happy Birthday, Mama! Happy Birthday, Mama, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday, Mama!" pagkanta ni Amélia habang dala-dala ang cake na binili niya sa bayan.
Setyembre, Ika-9 ng taong 2003, ang pinakahihintay na araw ni Amélia dahil nag-ipon ito ng pera galing sa baon niya upang surpresahin ang Mama Myrna sa kaarawan nito. Kahit lumaki si Amélia na walang ama naging masayahing bata pa rin ito at napakalambing sa Mama niya.
"Mama, hipan niyo na po yung kandila," aniya, nang makalapit siya Mama niya. "Matutunaw na po."
Mangiyak-ngiyak at nakangiting hinipan ni Myrna ang kandila sa ibabaw ng cake, hindi niya inaakala na gagawin ito ng anak sa kaniya... nakokonsenya kasi ang ina nang maalala niyang pinagalitan niya Amélia dahil nalaman niyang hindi ito nagme-meryenda sa paaralan.
"Salamat, anak!" kinuha ni Myrna ang cake kay Amélia at saka pina-upo ang anak sa hita niya at niyakap. "Sorry kung nagalit si Mama sa'yo noong nakaraan, hindi ko alam na nag-iipon ka pambili ng cake."
Humarap si Amélia sa ina at hinaplos ang mukha nito. "Okay lang po, Mama, naiintindihan ko po iyon, wag kana po malungkot... birthday niyo po ngayon, kaya dapat happy lang po." kiniss ni Amélia ang pisngi ng ina niya na nakapagpangiti kay Myrna.
"Ang lambing-lambing talaga ng baby ko." pinanggigilan ni Myrna ang anak dahil sa ginawa nito sa kaniya.
Para kay Myrna sulit ang pagod at paghihirap sa pagpapalaki ng mag-isa sa kaniyang anak dahil bukod sa napakaganda nito, masasabi niyang napalaki niya ng maayos ang anak na kahit siguro mawala siya sa mundong ito panatag siya na hindi mapapariwara ang anak.
"Mama, kain na po tayo ng cake." sabi ni Amélia sa ina habang turo-turo ang cake.
Matunog na tumawa si Myrna kasabay ng pagtungo. "Opo, sige kainin na natin itong cake na bigay mo sa'kin at alam kong hindi ka na naman nag meryenda." kumuha ng kakarampot na icing si Myrna at ipinahid iyon sa matangos na ilong ng anak.
"Mama!" nagugulat na tawag ni Amélia sa ina at ilang sandali ay kumuha din ito ng icing sa cake at ipinahid sa pisngi ng ina. "Ayan parehas na po tayo." at kasabay nun, sabay silang nagtawanan.
Nang matapos ang mag-ina na kumain ng cake, naghabulanan ito tulad ng ginagawa nila lagi sa t'wing pumupunta sila sa mataas na bahagi nitong kapatagan na malapit sa kanilang bahay. Habulan, taguan at pagtatampisaw ang ginawa ng mag-ina hanggang sa napagod na si Amélia.
At ngayon, habang nakasandal si Myrna sa isang malaking puno nakahiga naman si Amélia sa hita ng ina habang hinahaplos-haplos ng ina niya ang buhok nito. Lumalamig na ang simoy ng hangin dahil pahapon na kaya kahit sino ang tumambay dito, aantukin talaga.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ni Myrna sa anak nang mapansin na inaantok na ito.
"Maya-maya po," tugon nito bago nag-angat ng tingin sa kaniya. "Ma, kantahan niyo naman po ako ng kinakanta niyo po sa'kin sa t'wing patulog na po ako." anito.
"Baka makatulog ka niyan." nakangiting sambit ng ina sa anak niya.
"Please po." pagpapa-cute nito, kaya naman dahil sa ka-cutan ni Amélia pumayag ang ina niya, umayos ng higa si Amélia sa hita ng Mama niya nang mag-umpisa na itong kumanta.
uuuuuuuuhhhh...
Mariin na hinahaplos-haplos ni Myrna ang mahabang buhok ng anak habang kinakantahan niya ito.
ili ili tulog anay
Wala dili imo nanay
Kadto tienda bakal papay
ili ili tulog anay
ili ili tulog anay
Wala dili imo nanay
Kadto tienda bakal papay
ili ili tulog anay
ili ili tulog anay
ili... ili... inday... pag... tulog... anay...
"Papunta na kami boss."
Naalinpungatan si Amélia nang maramdaman na sakay sila ng sasakyan, pagkadilat ng kaniyang mga mata kadiliman ang nakita niya.
"Ma-" naputol ang sasabihin ni Amélia nang agad iyon tinakpan ang bibig ng anak.
"Shh..." senyas ni Myrna sa anak. "Tatakas tayo pagkahinto ng sasakyan, at sakaling magpaghiwalay tayo, mag promise ka na magtatago ka at hindi ka lalabas kahit anong mangyari ha." bulong ni Myrna sa anak, na ngayon walang imik na umiiyak.
Natatakot si Myrna sa pwedeng mangyari sa kanila ng anak pero hindi siya pwede panghinaan ng loob para sa kaniyang anak kaya naman pinunasan ni Myrna ang luhaan na anak, "Wag kang matakot dahil andito si Mama pro-protektahan kita basta ipangako mo na gagawin mo ang sinabi ko ha." natatakot man si Amélia, tumango siya bilang pagtugon sa sinabi ng kaniyang ina. "Salamat, anak." niyakap ni Myrna ang anak at maya-maya pa huminto na ang sasakyan at napansin ni Myrna na ito ang sa tapat ng bahay nila.
Binuksan ng lalaki ang pintuan ng sasakyan at padarag na hinila palabas si Myrna at bago pa man mahila si Amélia palabas din ng sasakyan nang magsalita si Myrna.
"Wag niyong sasaktan ang anak ko, ilabas niyo siya nang dahan-dahan." aniya, nakahinga naman ng maluwag si Myrna nang sinunod iyon ng lalaki.
"Mama!" umiiyak na tawag ni Amélia sa ina, tinignan siya ng ina at sinenyasan na okay lang sa pamamagitan ng mga mata buti nalang at matalino ang anak naintindihan niya iyon.
Nakatali ang si Myrna sa kamay, at tanging si Amélia lang ang hindi tinalian... kaya nang pagkapasok nila ng bahay tinignan ni Myrna ang anak na nakatingin din ito sa kaniya.
Sumenyas si Myrna kay Amélia na tumingin sa kamay niya na nakatali, sinunod iyon ng bata, ini-angat ng ina ang isang daliri na ang ibig sabihin isa, at sumunod ang dalawang daliri na ang ibig sabihin dalawa at iniangat nito ang pangitna na daliri at kasabay niyon, tinadyakan ni Myrna ang may hawak sa anak dahilan para mamilipit iyon sa sakit.
"Takbo, Amélia!" sigaw ni Mama sa'kin upang hindi ako mahabol ng lalaking may dalang baril.
Umiiyak ako habang tumatakbo at lumingon-lingon kay Mama na kung saan nahabol siya at nahawakan siya ng isa pang lalaki na may dalang baril. Hindi ko alam kung nasaan kami, o saan kami dinala ni Mama ng mga armadong lalaking ito. Naalala ko lang na masaya kaming nag-aagahan ni Mama sa aming bahay.
Hingal na hingal akong nagtago sa isang cabinet na kung saan may kakarampot na butas na kahit paano ay nakikita ko si Mama sa malayuan, napahawak lang ako ng aking bibig kasabay ng pagtago sa pinakadulo ng cabinet upang hindi ako makita ng lalaking humahabol sa'kin.
Pigil na pigil ang hininga ko sa mga oras na 'yun dahil sa pangamba na baka makita ako at ikasa nito sa'kin ang hawak na baril.
"Tang-ina lagot tayo kay boss kung makatakas ang bata!" rinig niya sa sinabi ng lalaki na nakapagpatulo ng kaniyang luha.
Sinong boss? Si papa ba? Si papa ba ang may kakagagawan nito sa'min ni Mama? Si papa ang nag-utos sa mga lalaking ito? Si papa ang... Naputol lang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni Mama kaya naman luhaan akong napasilip sa kakarampot na butas ng cabinet na ito.
"Parang awa mo na," nakaluhod na umiiyak si Mama habang nagmamakaawa sa dalawang lalaki. "Ako nalang wag lang ang anak ko, parang awa niyo na, ako nalang." pinagkiskis pa nito ang dalawang kamay para lang pakinggan siya ng mga lalaki.
Gusto kong puntahan si Mama pero naalala ko ang sinabi niya sa'kin kanina na kahit anong mangyari pag nakatago na ako, wag na wag akong lumabas. Hinawakan ko ang bibig ko para pigilan ang hagulhol na gustong kumawala sa labi ko at aking dibdib dahil sa sakit niyon na makita ang nanay ko na nagmamakaawa para sa buhay ko.
"Pasensya ka na! Napag-utusan lang kami." saad ng isang lalaki, hindi ko makita ang mukha nito dahil natakip ito, pero naaninag ko mula dito ang scorpion na tattoo sa kamay niya.
"Sino ang nag-utos sa inyo nito?!" umiiyak na tanong ni Mama.
"Pota! Tapusin na natin 'yan, hahanapin pa natin ang bata!" 'yun ang narinig ko na sabi ng isang lalaki sa kasamahan nito.
Umiiyak na pinagmamasdan ko ang ginagawa nila kay Mama. Inaangat siya ng dalawang lalaki patayo gamit ang magkabilang braso. Naririnig ko ang umiiyak na boses ni Mama, na para bang pakiramdam ko sinasabi niyang wag nila ituloy kung ano ang gagawin nila sa kaniya.
Humugot ang lalaki ng baril mula sa bulsa nito at kinasa sabay itinutok sa ulo ni Mama, mas napasapo ako sa aking dibdib dahil sa nakikita.
"Ahh." inda ni Mama nang bigla siya nitong sampalin dahilan para mapasubsob siya sa sahig, hindi ko man makita masyado ang mukha ni Mama alam kong dumudugo ang labi niya.
Nagugulat akong napatingin kay Mama nang mag-angat siya ng tingin sa'kin. Hindi ko alam paano nalaman ni Mama kung saan ako nagtatago.
Luhaan si Mama na ngumiti sa'kin, "Mahal kita." 'yun ang huling ibinigkas niya sa'kin mula sa pwesto niya bago ako makarinig nang putok ng baril.
Pigil na pigil ang iyak ko nang mapagtanto na kay Mama pala iyon ipinutok. At unti unting nagkalat ang dugo ni Mama sa marmol na sahig, akala ko tapos na sila pero mas laking gulat ko kung paano pa nila ginilitan si Mama sa leeg bago ito nagsialisan.
Nang mapagtanto na wala na ang mga armadong lalaki, nagmamadali akong lumabas ng cabinet para puntahan si Mama. Nanghihina, nanginginig, at hindi makapaniwala kong nilapitan si Mama na walang buhay na nakahandusay sa sahig.
"Mama!" napabangon ako mula sa pagkakahiga nang mapagtantong nanaginip na naman ako.
Nanginginig, at luhaan akong bumaba sa kama dito sa kwartong ibinigay ni Papa sa'kin, hindi ko alam kung panaginip lang ang nangyari kay Mama o ano basta nagising ako sa isang puting kwarto at tila bang walang nangyari. Hindi ko maalala ang nangyari noong araw na iyon, pero lagi akong nanaginip ng mga ganitong senaryo.
At alam ko kahit wala akong masyadong maalala, alam na alam kong may kinalaman ang Papa ko sa nangyari kay Mama. Kahit ilang ulit pang sabihin ng mga pulis na walang krimen na nangyari sa lugar na iyon ramdam na ramdam ko na pinagtatakpan lang nila si Papa dahil makapangyarihan siya."
"Pasaway ka talagang bata ka!" sigaw ni Maria, asawa ni Papa. "Ikukulong kita upang magtino ka!" hinila niya ako sa isang madilim na kwarto.
"W-wag po, natatakot po," umiiyak na pagmamakaawa ko sa kaniya, "Parang-awa niyo na po, wag niyo po akong iiwanan dito." nakaluhod na pakikipag-usap ko sa kaniya.
Natigilan lang ako sa pag-iyak nang pumasok si Papa at dala-dala itong sinteron at galit na galit na inihampas iyon sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan.
"A-hh! Tama na po!" hagulhol na sabi ko kay Papa nang walang humpay niya akong pinagpalo.
"Tama na?! Ha?!" galit na galit si Papa sa'kin. "Ilang ulit ko bang sinasabi sa'yo na wag kanang pumunta sa police! Pero ang tigas ng ulo mo! Manang-mana ka talaga sa nanay mo!" pagkasabi niya niyon, pinagpatuloy niya ang paghampas sa'kin ng sinteron, humihingi ako ng tulong kay Maria pero ito lamang ay nakangiting pinagmamasdan ako.
Pawis na pawis, madaming pasa, at namimilipit ako sa sakit nang iniwanan nila ako dito sa isang napakalamig at madilim na kwarto, nakahiga akong niyakap ang aking tuhod at walang ingay na umiiyak.
ili ili tulog anay
Wala dili imo nanay...
Pinipilit kong kantahin ang laging kinakanta ni Mama sa'kin sa t'wing nahihirapan akong matulog...
Kadto tienda bakal papay
ili ili tulog anay
Natigilan ako sa pagkanta at napa-angat ako ng tingin nang bigla may maramdaman na humahaplos sa buhok ko.
"Mama!" hindi makapaniwalang nasambit ko, nginitian lang ako ni Mama saka nag-umpisa siyang kumanta.
ili ili tulog anay
Wala dili imo nanay
Kadto tienda bakal papay
ili ili tulog anay
ili ili tulog anay
ili... ili... inday... pag... tulog... anay...
At nang matapos ang pagkanta ni Mama, nakatulog na ako, ramdam na ramdam ko pa rin ang paghaplos niya sa buhok ko at simula noon, naging panatag at ligtas na ako dahil lagi ko ng nakakasama si Mama.
Hanggang sa napag-desisyunan ko nang umalis sa bahay nila Papa at bumalik sa bahay namin talaga ni Mama at doon kami ay muling masaya. Sa t'wing nalulungkot ako si Mama ang nandyan sa'kin, sa t'wing nasasaktan ako si Mama ang nadyan sa'kin at lahat ng nangyayari sa'kin tama man o mali, si Mama lang nagpapatawad sa'kin at nakakaintindi sa'kin.
Sa paulit-ulit na panaginip ko na iyon, nararamdaman ko ang pagbabago ng ugali ko, sa t'wing nagigising ako o sasapit ng alas nwebe ng gabi pakiramdam ko ibang tao ako, nagigising nalang ako kinabukasan na may pasa, sugat at galos sa katawan na hindi ko naman malaman kung ano ang ginawa ko o saan ko iyon nakuha basta ang tanging alam ko sa t'wing alas otso y' medya natutulog na ako at pagdating ng alas-nwebe ng gabi magigising ako na iba ang katauhan ko.
Duguan at nakangisi akong nakaharap sa salamin dito sa kwarto ko, pinagmamasdan ang sariling punong-puno ng dugo dahil sa pagpatay ko sa lalaking may tattoong scorpion, at ilang sandali pa kinuha ko ang notebook na nakasulat ang pangalan niya at inekisan iyon.
Alas otso y' medya ng gabi pinilit kong hindi matulog dahil meron akong gustong malaman, hinintay ko mag alas nwebe at sa hindi mabilang na pagkakataon, naguguluhan akong tumingin muli sa salamin habang nakatawa, nagbaba ako ng tingin sa aking daliri nang maramdam na sinusugatan ko iyon gamit ang kutsilyong nakalagay sa ibabaw ng mesa.
Hindi ko mawari ang sarili ko, umiiyak, tumatawa, at napapangiwi dahil sa sakit ng sugat ko sa daliri ko, pinagmamasdan ko ang sariling repleksyon sa salamin at masasabi kong kalahati ng katawan ko ay hindi akin dahil sa inaasta ko ngayon na para bang meron pang isang tao na nakikipag-agawan sa katawan ko t'wing alas nwebe ng gabi.
Ilang sandali gamit ang dumudugo kong daliri, sinulatan ko ang aking salamin ng...
"awdta6" kung anilisahin ito ay "Mad at 9."
Awtomatiko akong napadilat, at agad na sinuri ang aking katawan, may sugat ako sa daliri pero hindi ko maalala kung saan ko iyon nakuha.
"Nanaginip ka naman anak," napa-angat ako ng tingin kay Mama nang mangibabaw ang boses niya, niyakap ako ni Mama kaya gumanti din ako ng yakap.
"Mama." malambing na saad ko.
Napapikit ako, sana panaginip lang iyon-- naputol lang ang pag-iisip ko nang makita at mabasa ang nakasulat sa akin salamin.
"Mad at 9 pm, Amélia."
WAKAS.
Song title: ILI-ILI TULOG ANAY By: https://www.youtube.com/user/dandansoyish