CHAPTER 6:
WHEN MAFIA's Son FALL IN LOVE
"May gusto ka bang bibilhin, mamaya?" tanong ko sa kapatid ko. Pupunta kasi kami sa Baclaran para magsimba at baka may gustong bilhin ang kapatid ko, para hindi ko makalimutan mamaya.
Linggo ngayon kaya day-off ko sa dalawang trabaho na pinasukan ko bilang bar waitress sa gabi at receptionist sa umaga sa bagong company na kung saan ako natanggap, akala ko secretary pero hindi pala, binago nila yung trabaho which is good naman, kaysa araw-araw kong makikita ang pagmumukha ng pangalawang boss ko.
Oo, pangalawang amo ko siya dahil ang unang amo ko ay ang nagmamay-ari ng club na tinatrabahoan ko tuwing gabi kahit sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang totoong mukha ng boss namin sa club.
Walang nakakaalam kung sino yang x na yan, na sobrang weird para sa akin na X pa talaga ang nakapangalan sa club niya. For sure, matanda na ang may-ari tapos ang laki ng tiyan at panot ang ulo, o semi-kalbo ang tawag, tapos may balbas na mahaba.
Natatawa na lang ako kapag iyan ang mukha ng boss ko, kaya ayaw magpakita. tsk. Pakialam ko ba sa mga mukha nila, basta magaling magpasahod ay yun ang mahalaga.
Kinulit ko pa ang kapatid ko kung may bibilhin siya pero umiling lang ito habang sa kabila naman na side ng mahaba niyang buhok ang sini centipede braid ko.
"Wala? Are you sure? Baka mamaya ay meron pala," tanong ko habang nakangiti sa kapatid.
Pero umiling ulit lang siya habang nakangiti, tingnan natin mamaya. Sa pagtuturo na kung ano-ano ang ipapabili ay doon siya magaling eh. Minsan pa naman kapag nasa palengke o mall na kami ay saka niya pa maalala na magpabili sa akin, kaya lagi akong may dalang extra na pera para sa kanya, dahil makita ko lang ang kapatid ko na masaya kahit sa konting bagay o pagkain na maibigay ko sa kanya ay natutuwa na siya
Lahat na ginagawa ko ay para sa kapatid ko, hindi ko siya pababayaan at hanggat kaya ko na maibigay ang mga pangangailan niya ay ibibigay ko dahil iyon ang ipinangako ko sa mga magulang namin na alagaan ko ang kapatid ko, nagtabi na rin ako ng pera para sa mga gamot niya na pang maintenance.
Sasama sa amin si Helen at isasama niya rin daw ang kapatid niya na lalaki para naman malibang ang dalawa.
Maya-maya pa lang ay narinig namin na may kumakatok na sa labas ng pinto namin. Agad akong tumayo galing sa kakaupo sa kama at pumunta sa labas ng kwarto para pagbuksan ang kaibigan, katok pa lang kabisado mo na talaga kung sino ang mga ito na nasa labas.
Kahit minsan ang sarap kutusan itong kaibigan ko dahil akala mo naman na mga bingi kaming nasa loob ng bahay at hindi namin naririnig ang kumakatok tulad ng ginagawa niya ,gusto pa yatang ibalibag ang pinto namin na gawa lang sa plywood.
"Hay salamat naman, for ten years ay napag buksan din tayo. Hello Chareleene. Ang ganda naman ng kaibigan ko, manang-mana sa akin." Napapailing na lang ako sa kaibigan na akala mo siya ang kapatid ng kapatid ko.
Hindi na kami nagtagal at agad ding kaming umalis ng apartment para makahabol pa sa second mass.
"Uy, may tibak akong nakita sa may stall na dinaanan natin bago tayo pumasok sa simbahan kanina, bilhin natin. Pang ootd lang para makahanap agad tayo ng bibitagin natin bukas sa club, you know, sayang ang tip," sambit ni Helen habang naglalakad kami sa mga eskinita habang tinitingnan ang mga mabibili sa bangketa.
"Ikaw ha, kakagaling lang natin sa simbahan tapos ganyang kahalayan na naman agad ang pumapasok diyan sa isipan mo," ani ko pero ang loka-loka, pinagtawanan lang ang sinasabi ko.
Umirap tuloy ako sa kawalan knowing na pareho pala talaga kaming kagagaling lang ng simbahan, tapos may nagkasala agad.
Naglalakad-lakad na kami para mamili kung may magustuhan na gamit na binebenta dito sa mga stall sa gilid ng kalsada o malapit sa simbahan ng Baclaran.
Pwede na rin akong bumili ng mga ukay-ukay na damit para gamitin sa pagiging office girl ko. Marami akong nakikita na mura lang sa kabilang side.
"Kumain muna tayo bago ulit tayo mamasyal," dahil sa sinabi ni Helen kaya nakaramdam tuloy ako ng gutom.
Pumasok kami sa isang fastfood para doon na kumain. Panay kwento ni Helen at nakikinig lang ako habang ang kapatid ko at kapatid niya ay may sariling mundo rin kahit hindi nagsasalita ang kapatid ko ay nagkakaintindihan naman ang dalawa.
Pagkatapos naming kumain at magpahinga sa Baclaran ay sa mall of Asia ang bagsak naming apat, para daw makalibre sa aircon at mas marami pa kaming mapupuntahan kahit the same lang naman pero dahil gusto nilang sumakay sa ferris wheel kaya pumayag na ako.
May extra naman ako na dala na pera kung sakali at mabuti na lang talaga na kasya sa apat itong nadala ko, pwede pa to pambili ng ulam para mamaya at bukas.
"Picture! Picture!" tawag ni Helen sa amin. Ito talagang babae na ito ang hilig sa selfie. Dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganyan kaya hinayaan ko na lang ang kaibigan, siya lang naman ang may alam sa magandang angle kaya go ra lang sa pagpopose.
"Ayan, ang ganda mo talaga, Chevika. Kitang-kita ang iyong kagandahan, talagang half Russian nga kayong magkakapatid. Isa pa nga at gawing kitang modelo of the day sa aking social media account," sambit niya na mas napangisi at napailing na lang talaga sa akin dahil sa mga malalayo ang imagination ng kaibigan ko.
Marami na ang mga tao sa loob at labas ng mall para mamasyal tulad namin, bonding ng pamilya, kaibigan at magkasintahan. Kaya ang sarap lang sa pakiramdam na hindi ka nag-iisang mamasyal.
Dahil hindi na masakit sa balat ang sinag ng araw kaya pagkatapos ng photoshoot ay napagpasyahan na naming sumakay ng ferris wheel. Agad akong pumila para bumili ng ticket sa booth habang sila ay nakapila na para makasakay na agad kami sa ferris wheel.
Pagkatapos bumili sa booth ang batang babae ay ako naman sana ang susunod na bibili na may agad sumingit na nilalang sa harapan ko. Handa na sana akong singhalan siya pero agad ding nanlaki ang mga mata ko na makilala o namukhaan ko kung sino ito.
"Ikaw!?"
Wearing his black t-shirt at blank pants with white shoes habang baliktad ang pagkalagay ng kanyang cap sa ulo, simple at kahit baliktarin ko pa ang lalaking ito ay siya nga ito, walang iba.
Handa na sana akong humingi ng sorry sa kanya pero napa-isip naman ako na kung bakit ako ang hihingi ng sorry. Wala na kami sa opisina. Kaya may karapatan ako para magalit o maging boss sa ngayon lalo at hindi tama ang ginagawa niya. May nakapila, sumisingit pa eh.
Tinapik-tapik ko ang balikat niya at lumingon naman agad siya sa sa akin.
Hindi ko alam kung bakit kapag nakikita ko siya ay naiinis ako sa hindi ko malaman na dahilan.
Normal pa ba ako?
Nakapamewang ako habang matalim ko siyang tinititigan.
"Excuse me at mawalang galang na lang po sayo sir, may pila po tayo sa likod at sa tingin ko ako na ang susunod na bibili ng ticket, bakit kayo sumisingit?" walang takot ko na tanong, bahala na kung agad na masisante ako nito sa tinatrabahuan ko knowing na boss o CEO talaga itong kinakausap ko.
Ay aba! Tinaasan lang ako ng dalawang kilay. "I said, ako dapat ang naunang bumili ng ticket at hindi ikaw, ang unfair naman siguro na hindi tayo pantay-pantay—"
Nabigla ako na may inabot siya sa akin, "Ano to?"
"Just take it if you want it. If not then throw it away." Tukoy niya sa mga ticket na binigay niya.
"What, wait! Hindi ko ito matatanggap." mas lalo kung galing sa kanya. No way.
"Then throw it away!" walang pagdadalawang-isip niya na sabi.
Ano to, nag jojoke time ba siya? Itapon? Sayang naman.
"Sayang–"
"Then, take it for free–"
"Honey, what took you so long, let's go!" halos lahat yata na nakapila at ako na nasa gilid lang ng booth ay napatingin sa babae na bagong dating.
Naka kulay black na dress na hapit na hapit sa katawan niya at halos konting baba na lang ng damit niya ay lalabas na ang dibdib. Tsk.
Hinila na siya ng babae at dinala kung saan at ako naman ay nasa ere pa ang kanang kamay habang may hawak na tickets.
May girlfriend na pala siya, tapos grrr nanghahalik pa ng ibang labi, boysit. Hindi man lang marunong mag-sorry ang bastos na yon.
Habang nakasimangot ay naglakad ako sa kung saan pumipila ang kapatid at kaibigan ko.
"Yeheey! Let's go na mga bata, pasok na tayo. Timing lang ang dating ng ate Chevi niyo," masayang sambit ni Helen.
Takot sa ferris wheel ang kapatid ko pero dahil naroon ako kaya nakakapit lang siya sa akin habang nag-eenjoy na rin sa tanawin sa baba habang papalapit kami sa pinakamataas na ikot ng ferris wheel.
Tulad kanina, maraming baon ding kaming alaala dahil panay ang kuha ng pictures sa amin ni Helen. Ipapadevelop ko lang ito mamaya.
Hindi naman mabilis ang pag-ikot ng ferris wheel kaya ang sarap lang sa pakiramdam na ganito lang kahina. Napapangiti pa ako pero bigla na lang umasim ang mukha ko na matanto kung sino ang sakay sa isang capsule na kung saan malapit kami, nakatitig siya sa gawi namin habang nakapulot ang kamay ng babae sa kanyang bewang habang kumakain sila ng ice cream?
Inikot ko ang mga mata ko sa sobrang inis. Hindi ko alam kung bakit.
Bakit ba kasi laging sumusulpot ang boss ko na ito. Nakakasira ng mood ang mundo niya.